Nakatihaya at nakatitig lamang sa kisame si Cedric habang nakaunan siya sa dalawa niyang pinagsalikop na mga daliri niya sa kamay na may kung anong ngiting nakadungaw sa gilid ng kanyang mga labi habang nanariwa sa kanyang isipan ang nangyari. Bigla na lamang napawi ang ngiting 'yon nang sumagi sa kanyang isipan ang isang tanong na ni minsan, hindi na niya naitanong sa kanyang sarili. Does he loves her? Napailing na lamang siya saka pilit niyang isinaksak sa kanyang sarili na hindi. Hindi niya nararamdaman ang ganu'ng damdamin para kay Nayume. Never! Never na siya iibig pa, 'yan ang kanyang pangako sa kanyang sarili nang iwan siya ni Kiera noon. Tama na ang sakit na kanyang naranasan nang iwan siya ng babaeng pinag-alayan niya ng kanyang damdamin. Tama na ang pagkabigo na kanyang nada

