"W-what did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Jannine nang binitawan na ni Cedric ang kamay nito. Agad namang napapiksi si Nayume nang bigla ba naman siyang hinapit sa beywang ni Cedric sa harapan mismo ng dalawa. "No one can touch her without my permission because she is my woman." Hindi talaga makapaniwala si Nayume sa kanyang mga narinig at kitang-kita naman ni Cedric kung papaano nag-iba ang timpla ng mukha ni Roniel ng mga oras na 'yon. "Let's go," baling ni Cedric sa dalaga na kanina pa hindi mapakali. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay na nakahapit sa beywang ni Nayume papunta sa kanang palad nito. Napatingin si Nayume sa kanyang kamay nang hawakan ito ni Cedric. Ang puso niya ay sobrang kumabog ng malakas sa hindi niya alam na dahilan. Naiwan sina Roniel a

