"Hey, Mr. Agustin. We're glad that you are here," masayang salubong sa kanila ni Mr. Ching, isang chinese na kilala rin ang pangalan sa industry na pareho nilang ginagalawan. Kaibigan ito ng kanyang ama kaya dapat lang na dadalo siya sa okasyon nito lalo pa at imbitado siya ng mga ito. "Congratulations. We're so proud for what you have right now," nakangiti ring sabi ni Cedric dito. Napatingin ang ginoo kay Nayume na nakayuko lamang dahil sa nahihiya ito lalo pa at puro mayayaman ang mga nandu'n. Magaganda at gagwapo ang mga iyon. Napaka-elegante ng mga suot at sa kagandahan ay talagang wala siyang laban sa mga ito. Sino ba naman kasi siya? Siya lang naman si Nayume Buenavista, anak ng isang magsasaka kaya hindi na nakapagtataka kung bakit pagdating sa pagandahan ay feeling niya, talon

