Agad siyang umalis mula sa kanyang pagkakasandal sa kitchen sink para bigyan ng daan ang mga ito.
Lumabas na rin siya pagkatapos at para bang walang lakas ang kanyang mga binti nang umupo siya sa swevil chair niya.
"Anong nangyari?" tanong sa kanya ni Antonette nang makalapit na ang mga ito sa kanyang kinauupuan.
Hindi siya nakaimik kaya nagkatinginan ang dalawa.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Jenny.
Binalingan niya ng tingin ang dalawa saka siyang ngumiti sa mga ito.
"Wala. Sige na, balik na kayo sa mga trabaho niyo," aniya saka agad namang tumalima ang mga ito.
"Basta kapag may problema, nandito lang kami," bilin sa kanya ni Antonette.
Marahan siyang tumangu-tango at agad naman siyang iniwan nh dalawa.
Muling ipinihit ni Nayume ang kanyang inuupuang swevil chair paharap sa kanyang mesa saka niya muling naaalala ang lahat.
Napakasamang panimula naman ang nangyari sa kanya ngayon pero sana naman hindi na iyon mauulit pa. Lesson learned kumbaga.
Habang naglalakad siya pauwi ng bahay kung saan siya tumutuloy, ang bahay nina Wendell. Yes! They know each other.
Wendell is one of her bestfriend since High school at magpahanggang ngayon ay hindi iyon nagbago kahit pa nakapag-asawa na ito.
Sa kanya iniwan ang bahay nilang mag-asawa dahil pupunta na ito sa ibang bansa at para na rin hindi masira at magkaalikabok.
Pumayag naman siya dahil libre na siya sa bahay at hindi na niya kinakailangan pang mag-rent at magbayad buwan-buwan.
Napatingin siya sa kabilang side ng kalsada nang may napansin siyang commotion pero hindi na rin niya iyon pinansin pa dahil mga tambay lang pala ang mga iyon, nagkukuwentuhan habang nag-iinuman.
Maya-maya ay napahinto siya nang may napansin siyang isang babae na nakatayo sa daan na binabaybay niya habang abala ito sa kausap nito sa phone.
Napatingala siya nang may narinig siyang nagsisigawan sa bandang itaas ng babae at nanlaki ang kanyang mga mata nang may biglang lumipad na isang paso na may laman pang bulaklak at nakasentro ito sa ulo ng babaeng nasa ibaba kaya walang anu-ano'y tinakbo niya ang nasabing babae saka mabilis niya itong hinila kasabay nang pagbagsak ng paso sa mismong kinatatayuan nito kanina.
"Oh my god!" nakaawang ang mga labing bulalas nito.
Gulat na gulat ang babaeng sa biglaan niyang paghila pero mas nagulat ito nang marinig at makita nito ang basag na paso.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya rito.
"Yeah! I'm okay!" maagap naman nitong sagot, "It's nothing. I gonna go," baling nito sa kausap nito sa phone saka nito dali-daling in-end ang tawag nito.
"What about you? Okay ka lang ba?" tanong naman nito sa kanya saka nito tiningnan ang kanyang braso sa pag-aakalang natamaan siya.
"Okay lang ako," sabi niya at agad namang binitiwan ng babae ang kanyang braso.
"Good to hear that," anito, "...thanks for saving me," dagdag pa nito.
"I'm Trina Roxas," sabi nito sabay lahad ng kanan nitong palad sa kanyang harapan at magiliw naman niya itong tinanggap.
"Nayume Buenavista," sabi niya sabay tanggap sa palad nito.
Nakangiti si Trina kaya nakangiti rin siyang nakatingin dito.
Pagod na pagod na ibinagsak ni Nayume ang kanyang katawan sa ibabaw ng malambot na kama.
Sa totoo lang, kung hindi siya nakarating ng Maynila, malamang hindi pa talaga niya mararanasan kung gaano kasarap ang humiga sa isang malambot na kama.
Sana, ganitong higaan din ang hinihigaan ngayon ng kanyang pamilya sa kanila pero malayo iyon sa katotohanan.
Salat kasi sila sa yaman kaya nang sabihin sa kanya ni Wendell na aalis ito sa kompanyang tinatrabahuan at siya ang gusto nitong magiging kapalit ay hindi na siya nagdadalawang-isip pa dahil sa pagbabasakali niyang sa ganitong paraan niya mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Bata pa siya at magdadalawang-taon pa lamang ang kanyang kapatid nang pumanaw ang kanilang ina dahil sa sakit nito sa. Dalawa lamang silang magkakapatid, siya ang panganay at si Mia naman ang kanyang kapatid.
Dahil sa maagang pagkawala ng kanilang ina ay walang nagawa ang kanilang amang si Leon na ipagsabay ang pagtatrabaho sa sakahan nilang maliit at ang pag-aalaga sa kanilang magkakapatid.
Nakayanan pa ng kanyang ama ang paaralin siya ng High school at nakatuntong nga siya ng college pero hindi iyon naging madali lalo na nang nasa high school na si Mia at sabay-sabay silang pinapaaral nito.
Dahil pagsasaka lang din ang trabahong alam ng kanilang ama ay umagang-umaga pa lamang ay nasa sakahan na ito para magtrabaho, magbunot ng d**o at magtabas ng mga matataas na d**o.
Dahil sa dumadaming gastusin ay kailangang kumayod ni Leon nang kumayod para lang maibigay nito ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Dahil sa exposed na exposed sa trabaho ang katawan ni Leon ay nakaramdam na ito ng kapaguran at tuluyan itong bumigay nang malamang buntis si Mia sa lalaking hindi nila nakita at hindi nila kilala.
Para bang bigla na lamang bumagsak ang mundo ng kanilang ama at labis nitong dinamdam ang sinapit ng kanyang bunsong anak na siyang naging dahilan upang tuluyan na itong nanghina.
Dahil sa nangyari, napilitan si Nayume na huminto para may magtatrabaho para sa kanilang pamilya dahil hinang-hina na ang katawan ng kanilang ama.
Napahinto na rin si Mia dahil sa pagbubuntis nito. At kahit na ang gawin nilang pag-uusisa kung sino ang ama ng dinadala nito at kung saan na ito ay wala itong naging sagot. Nanatili itong tahimik at tikom ang bibig.
Naging malubha ang kalusugan ni Leon dahilan upang nagiging bed ridden ito sa loob ng mahaba-habang panahon at dumating pa sa puntong kinakailanagan itong ma-operahan pero malaki-laking pera ang kakailanganin nila sa operation kaya walang nagawa si Nayume kundi ang mangutang na lamang sa kanilang tiyuhin ng malaking halaga.
Aminado si Nayume na masama ang kalooban niya sa kanyang kapatid pero wala naman siyang magagawa dahil tapos na, nangyari na, andiyan na!
Hindi na nila mababago pa ang buong katotohanan.
Sa loob ng ilang taon, nagtatrabaho siya sa sakahan at kung ano man ang naging gawain ng kanyang mga magulang ay ganu'n na rin ang naging trabaho niya pero kahit na ganu'n ay pinangarap pa rin talaga niya ang makapagtapos pero nang isilang ni Mia ang anak nito at nagbago ang takbo ng kanyang isipan.
Kung pinangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ay ninanais na lamang niyang kahit si Mia na lamang ang tatapos ng mga pangarap na nasimulan na nilang abutin.
Ayaw man ni Mia noon dahil sa hiya nito dahil sinisisi pa rin ng kanyang kapatid ang sarili nito dahil sa nangyari sa kanilang ama.
Pero dahil nakumbinse niya ito ay pumayag na rin sa wakas si Mia.
Ngayon, second year college na ang kanyang kapatid at ang ama nila ang tumutulong dito sa pagbabantay sa anak nitong si Phil nang sa awa ng Diyos ay gumaling ito pero very sensitive pa rin ang katawan nito.
Naging maayos naman ang kalagayan ni Leon pero hindi pa rin pumayag si Nayume na muli itong magtatrabaho dahil sa takot na baka aatakehin na naman ito naagiging resulta ng tuluyan nitong pagkalugmok.
Si Leon na lamang ang mayroon silang magkakapatid kaya ayaw niyang may mangyaring masama sa kanilang ama at kahit gaano kahirap ang trabaho ay titiisin niya, matutustusan lamang niya ang pag-aaral ng kanyang kapatid pati na ng kanyang pamangkin at ang buwanang gamot ng kanilang ama.
Napatingin siya sa kanyang phone nang bigla itong tumunog at dali-dali naman niya itong dinampot sa pagbabasakaling si Mia ang tumawag mula sa probinsiya.
"Ate, kumusta?" agad nitong tanong sa kanya nang sagutin na niya ang tawag nito.
"Okay lang ako dito. Kayo diyan? Si Papa?"
"Okay lang kami rito, anak," sagot naman ng ginoo. Ramdam na ramdam ni Nayume ang paghihirap sa pagsasalita ng kanyang ama.
"Okay lang po ba kayo? Uminom na ba kayo mg gamot niyo?" nag-aalala niyang tanong.
"Tapos na, nak."
"Eh, bakit parang iba yata ang boses niyo ngayon?"
"Katatapos lang umiyak, ate," singit naman ni Mia na siyang nagpakunot sa kanyang noo.
"Umiyak? Bakit?"
"Namiss ka," maagap na sagot ng kanyang kapatid na siyang nagpangiti sa kanya.
"Si Papa talaga. Miss na miss ko na rin ho kayo. Huwag ho kayong mag-alala, uuwi ako sa kaarawan niyo."
Narinig niya mula sa kabilang linya ang pagsigok ng kanyang ama.
"Maghihintay kami," tugon ng kanyang ama. "Mag-ingat ka diyan palagi at kapag may problema at kailangan mo nang kausap, nandito lang kami," dagdag pa nito na siyang nagpangilid sa kanyang mga luha.
"Opo, pa. Mahal ko po kayong lahat diyan."
Napakagat siya sa ibabang labi niya dahil muntikan na siyang mapasigok.
"Mahal ka rin namin," sagot naman ng mga ito.
Kahit papaano, nawala ang sama ng kanyang kalooban kanina dahil nakausap niya ang kanyang pamilya.
Kailangan niyang lakasan at tatagan ang kanyang kalooban para sa kanyang pamilya. Kailangan niyang maging matapang para sa mga taong umaasa at naghihintay sa muli niyang pagbabalik.
Pumikit si Nayume sabay pakawala ng isang malalim na buntong-hininga habang nasa harapan siya ng gusali kung saan niya igugol ang buong araw niya.
Bagong araw na naman ng kanyang pakikibaka at sana naman hindi ito magigung katulad nang nangyari sa kanya kahapon.
"Please, be good to me this day," pabulong niyang sabi habang nakatingala siya sa signage ng kompanya.
Nang ihakbang na sana niya ang kanyang mga paa papasok ay siya namang paghinto ng isang itim na sasakyan sa kanyang likuran kaya bahagya siyang napaabante bago pa siya nito mahagip.
Agad siyang yumuko nang mula sa backseat ay lumabas ang kanyang boss. Si Cedric!
Lumakad ito palapit sa kanya habang siya naman ay nanatiling nakayuko bilang pagbati rito.
"Get my suitcase inside my car," sabi nito na agad naman niyang tinungo ang sasakyan bago pa man ito napatakbo ni Lando, ang driver nito.
"Morning po, Lando," bati niya sa driver nito na kasalukuyan nang nakaupo sa driver seat at nakahanda nang umalis.
"Good morning din," magiliw namang bati nito.
Agad isinara ni Nayume ang pintuan ng kotse matapos niyang makuha ang suitcase ng kanyang boss at agad namang pinatakbo ni Lando ang kotse paalis pero biglang nahila ang dalaga dahil ang keychain ng bag na dala nito ay naipit pala sa pagsara niya ng pintuan ng kotse.
Napasigaw siya nang malakas dahilan para makuha niya ang atensiyon ng lahat ng nandu'n pati na ng kanyang boss!