CHAPTER 4

1658 Words
"Tulong!" sigaw niya at nang makita ni Cedric ang sitwasyon ni Nayume ay mabilis ang kanyang naging kilos na agad niyang hinawakan ang kamay ni Nayume sabay hila dito nang malakas. Sa sobrang pagkabigla ay muling napasubsob ang dalaga sa kanyang dibdib sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Nagkalat sa labas ng kompanya ang mga documents na nasa loob ng suitcase na ipinakuha ni Cedric sa dalaga sa loob ng kotse nito matapos itong patapon na nabitawan ni Nayume at bumagsak ito sa sementadong harapan ng kompanya dahilan upang masira ang lock nito. Habang si Lando naman ay tuloy-tuloy lamang sa pagda-drive palayo sa kompanya dahil hindi nito napansin ang nangyari. Napaawang ang kanyang mga labi habang ang puso niya ay nagkakagulo ang pagtibok. Tumatambol ng kaylakas! Pangalawang beses na 'tong nangyaring napasubsob sa kanyang dibdib ang dalaga pero ang response naman ng kanyang puso ay parehong-pareho. Walang pinagkakaiba! Habang si Nayume naman ay hindi maiintindihan ang sariling damdamin. Napakalakas at napakabilis ng pagtibok ng kanyang puso. Bakit ba ganito na lamang ang naging reactions niya everytime magkakadikit ang kanilang katawan ng kanyang boss? Malamang, ganito lang siguro ang mararamdaman ng isang babae everytime na magkakaroon siya ng physical contact sa isang lalaki lalo na kapag wala siyang ibang ginawa noon kundi puro trabaho. Nagkaroon din naman siya ng boyfriend noon pero iniwan na lamang siya nito kaya nasaktan siya nang labis. Magmula noon ay halos ayaw na niyang mag-entertain ng manliligaw kaya matagal-tagal na ring hindi siya nagkaroon ng physical contact sa mga ito. "They're looking at us," pabulong na sabi ni Cedric sa dalaga na siya namang nagpagising dito sa reyalidad kaya agad na dumistansya ang dalaga sa kanya na para bang nahihiya. "Sorry po, Mr. CEO," hinging paumanhin nito. Napatingin si Cedric sa mga nagkalat niyang mga documents at nanlaki ang kanyang mga mata nang napadako ang kanyang mga mata sa kanyang suitcase na nakatiwangwang dahil sa pagkasira ng lock nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang suitcase at galit na galit na hinawakan niya ito saka lang niya napagtantong sira na nga ito. Nag-aalala namang agad na lumapit ang dalaga sa kanyang boss habang ang ibang mga empleyadong nandu'n ay nanatiling nakamasid na lamang sa kanila. "Mr. CEO?" "Stay away from me!" bulyaw nito sa kanya na siyang labis niyang ikinabigla. Nagkatinginan naman ang iba pang mga empleyado na para bang hindi inaasahan ng mga ito ang ginawa ng kanilang boss. Dahan-dahang tumayo ang binata na nagpupuyos pa rin ang dibdib sa galit dahil sa hindi inaasahang pagkasira ng kanyang suitcase. "Do you know how precious that thing to me?" tanong niya habang nanatili siyang nakatalikod sa dalaga. "I'm so sorry, Mr. CEO. I didn't mean to-----"Is your sorry can fix my suitcase?!" pabulyaw nitong tanong sabay lingon sa kanya. Nakayuko na lamang uli si Nayume habang matatalim na tingin naman ang ipinukol ng binata sa kanya saka walang ano-ano'y nilagpasan siya nito. Agad namang nagsilapitan sa dalaga sina Jenny at Antonette sa kanya para tulungan siya sa pagdampot ng mga documents na nagsikalatan. Nang mapansin ni Cedric ang mabilis na pagresponde ng dalawa niyang empleyado sa kanyang secretarya ay galit na nilingon niya ang mga ito. "You two." Sabay na napahinto sa ginagawa ang dalawa at sabay ding napalingon ang mga ito sa boss nila na gusto na yatang kumain ng buhay na tao ng mga oras na 'yon dahil sa galit. "Yes, Mr. CEO?" halos sabay ding sabi ng mga ito. "Did I tell you to help her to pick up those papers?" sarkastikong tanong ni Cedric sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawa at parehong hindi alam kung ano ang dapat na isagot habang si Nayume naman ay nanatiling nakatalikod sa mga ito habang nakikinig na may hawak na documents "Do you want me to fire you?!" pasigaw nitong sabi sa huling dalawang katagang binitiwan nito na siyang lalong nagpatakot kina Jenny at Antonette. "Sige na, hayaan niyo na ako rito. Kaya ko na 'to," halos pabulong na saad ni Nayume sa dalawa. Ayaw mang iwan siya ng dalawa ay wala nang nagawa ang mga ito. Hindi rin kasi alam ng mga ito kung saan na sila kukuha ng ikabubuhay ng kani-kanilang pamilya kung sakaling tuluyan silang tatanggalin ng kanilang boss sa kanilang mga trabaho. Agad na lumakad ang dalawa at iniwan nila si Nayume na muling ipinagpatuloy ang pagdadampot sa mga kumalat na documents. Kumukulo pa rin ang dugong tinapunan ni Cedric ng tingin ang kanyang secretary saka walang ano-ano'y pumasok na siya ng kompanya at ni hindi na siya nag-atubuli pang lingunin ang dalaga. Mangiyak-ngiyak na pinulot ni Nayume ang mga documents. Kahapon ang sama ng kanyang araw pati ba naman ngayon? Ganu'n pa rin? Hanggang kailan ba siya magiging ganito? Bakit ba ayaw makisabay ng panahon sa kanya? Habang abala siya sa pagdadampot ay natigilan siya nang biglang may isang taong tumulong sa kanya para pulutin ang mga iyon at nang tingnan niya ito ay saka lang tumambad sa kanyang paningin ang kagwapuhan nitong taglay. Napatulala siya at aminado siyang nabihag siya sa kagwapuhan nitong taglay. Naka-business suit ito at naka-low fade ang gupit nito at may nakasabit  pang black pen na nasa suot nitong business suit. "Here." Para siyang nagising mula sa kanyang pagkakatigagal nang marinig niya ang boses ng lalaki. Napatingin siya sa kamay nito na may hawak ng documents ng kanyang boss. "Thank you," sabi niya sabay tanggap sa inabot nito sa kanya. Napatingin lamang sa kanya ang lalaki saka dali-dali na lamang siyang umalis at pumasok sa kompanya dahil baka kung tatagal pa siya ay sasabog na ang JK Corporation. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kitchen area ng kompanya saka siya nagtimpla ng kape ng kanyang boss pero nang dalhin na sana niya ito sa opisina nito ay natigilan siya nang pumasok du'n ang lalaking tumulong sa kanya kanina para pulutin ang mga nagkalat na documents. Labis naman ang kanyang pagtataka kung bakit nakapasok ito sa kitchen area gayong hindi naman ito empleyado sa kompanyang 'yon. "Is this for your boss?" tanong nito sa kanya sabay turo sa kapeng ginawa niya para kay Cedric. "Opo," sagot  niya sabay tango nang marahan. "Wait!" sigaw niya nang bigla namang kinuha ng lalaki ang kape saka nito ininom. Napaawang ang kanyang mga labi sa gulat at pagtataka kung bakit ginawa nito ang ganu'ng bagay. Sino ba kasi ang lalaking 'to? At bakit napaka-feel at home naman nito habang nasa loob ito ng kompanya? "Hmmm," sabi nito habang hinihigop ang kapeng ginawa niya, "Masarap, ah!" dagdag pa nito. Matapos nitong inumin ang kapeng gawa niya ay kumuha ito isang cup at lumapit ito sa isang vending machine at gumawa ng isang hot chocolate pagkatapos ay inabot nito sa kanya "Whenever he's in a bad mood, don't give him a coffee cause he might throw it away, instead give him a hot chocolate. I'm pretty much sure, he will appreciate it," paliwanag nito saka muli nitong inabot sa kanya ang hawak nitong hot chocolate. Gumuhit sa mukha ng dalaga ang pagtataka dahil hindi talaga niya inaakala na may mga bagay na rin pala itong alam tungkol sa kanyang boss. "Why?" tanong sa kanya ng lalaki nang mapansin nito ang panandalian niyang pagkatigagal. "W-wala po," maagap naman niyang sagot saka agad niyang kinuha ang ginawa nitong hot chocolate at dali-dali niya itong dinala sa office ng kanyang boss na kanina lang ay nag-aalburuto dahil sa galit sa kanya. "Mr. CEO?" tawag niya rito pero hindi man lang siya nito pinansin at naiintindihan naman niya iyon. Alam niyang galit pa rin ito sa kanya pero nagbabasakali siyang matutulungan nga siya ng hot chocolate niyang dala. "Hot chocolate for you, Mr. CEO," sabi niya sabay lapag sa mesa nito ng dala niyang tasa na may lamang umuusok pang tsokolate. Napatingin ang binata sa inilapag ng kanyang secretary at hindi nga niya inaasahan na tsokolate nga iyon. Nagtatakang napaangat siya nang tingin at nakita niya sa mukha ng dalaga ang pagkahiya. "Did Wendell tell you about  this?" "Hindi  po, Mr. CEO. Ano po kasi------"I was the one who told her about that hot chocolate thingy." Napatingin si Nayume sa lalaking bigla na lamang nagsalita mula sa kanyang likuran at sobrang gulat niya nang makilala niya ito. Ito 'yong lalaking tumulong sa kanya na pulutin ang mga nagsikalatang documents pati na ang paggawa ng tsokolate. "Why? Is there something wrong about it? Hindi ba pasado sa panlasa mo?" tanong nito sabay tikim sa ginawa nitong tsokolate na siyang ipinagtaka ni Nayume. "Masarap naman, ah!" bulalas pa nito sabay lapag uli sa tasang hawak sa mesa ng binata. "I will call you if I need something," baling ni Cedric kay Nayume at agad namang tumalima ang dalaga. "Why did you change your secretary?" tanong nito sa kanya saka ito umupo sa kanyang sofa. Siya si Paolo James Agustin, 34 years old at pinsang buo ni Cedric. Ang tagamana ng restaurant na naiwan ng kanilang lolo at lola. Although, hindi maayos kapag nag-uusap silang dalawa ay magkasundong-magkasundong naman sila sa ibang bagay. Kung napaka-cold niyang kausapin, kabaliktaran naman si Paolo sa kanya. Mahilig itong magbiro at nauuna palagi sa lukuhan pero siya ibang-iba kung ikukumpara siya rito. Gwapo rin ito kagaya niya at aminado rin ito kung gaano ito ka-play boy. Kahit pa nga nag-aaral pa sila noon, hindi talaga maiiwasan na kaliwa't-kanan ang naging babae nito kaya hindi na nakapagtataka kung isang araw, may babaeng lalapit sa kanila at sasabihin buntis ito at ang pinsan niya ang ama! "Why are you here? I thought that you are in the US?" balik-tanong niya rito sabau sandal sa kanyang inuupuang swevil chair. "Well, I didn't go as planned." "Why?" "I chose to stay here," maagap naman nitong sagot, "Wait, you've got a new secretary. Who is she?" Napatingin siya sa kanyang kausap at kitang-kita niya sa mga mata nito ang kinang habang naghihintay ito sa kanyang magiging sagot. Interesado kaya ito sa kanyang bagong secretary?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD