CHAPTER 5

1615 Words
"Why? Are you interested to her?" tanong niya saka niya hinagilap ang resume ng dalaga na nasa ibabaw lang ng kanyang mesa. "She's kinda cute. Yeah! I'm interested to her," diretsang sagot ng kanyang pinsan. "May I know her name?" muli nitong tanong. Patapon na inabot niya kay Paolo ang resume ni Nayume at mabuti na lamang at nasalo nito. Mabilis na binuklat ng binata ang resume ng secretary ni Cedric saka nito binasa ang laman. "Nayume Buenavista. 28 years old. Single mom?" Kitang-kita ni Cedric ang ngiti sa mga labi ng kanyang pinsan matapos nitong basahing single pa ang kanyang secretary. Kahit single mom, walang pinapaltos! "She's so interesting," nakangiti nitong saad habang pinagmamasdan nito ang picture ng dalaga. "But actually, you have a good chemistry together." Naibato ni Cedric ang hawak niyang pen sa pinsan na agad namang inilagan ni Paolo. "If you are interested to her then go, pursue her. Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo," aniya saka niya ipinihit ang kanyang inuupuang swevil chair patalikod dito. "She will become one of my collections kapag ayaw mo sa kanya." Nagpakawala ng buntong-hininga si Cedric matapos niyang marinig ang pagsara ng pintuan ng kanyang office. Agad niyang ipinihit ang kanyang swevil chair paharap nang tuluyan nang nakalabas ang babaero niyang pinsan. Napailing na lamang siya. Kailan kaya magbabago si Paolo sa pagiging playboy nito? May babae pa kayang magtitiis at magmamahal dito ng totoo at wagas? Napatingin siya sa resume ng kanyang secretary na inilapag ni Paolo sa ibabaw ng kanyang mesa matapos nitong basahin ang laman. Kinuha niya ito saka dahan-dahan na binuklat at napadako ang kanyang mga mata sa mukha nito na nasa resume nito nakadikit. "She will become one of my collections kapag ayaw mo sa kanya." Naalala niyang sabi sa kanya kani-kanina lang ni Paolo. Bakit parang nag-aalala siya? Bakit parang may ilang bahagi ng kanyang pagkatao na ayaw niyang mangyari ang kagustuhan ng kanyang pinsan? Bigla siyang napakapa sa kanyang dibdib nang bigla itong pumintig ng kakaibang pintig. "Bakit ko ba 'to nararamdaman?" mahinang tanong niya sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa mukha ni Nayume. Agad niyang itiniklop ang resume ng dalaga saka niya ito inilapag sa kanyang mesa. Sumandal siya sa swevil chair habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi niya dapat inaalala ang magiging buhay ng ibang tao lalo na ang buhay ng kanyang secretary. "Mabait talaga 'yang si Sir Paolo," sabi ni Jenny kay Nayume habang nag-uusap silang tatlo. "S-sinong Paolo?" "Yong tumulong sa'yo kanina para pulutin ang mga kumalat na documents sa labas ng kompanya kanina?" sagot naman ni Antonette. "Kaano-ano ba siya ni Mr. CEO?" curious niyang tanong. "Pinsang buo ni Mr. CEO 'yon," ani Jenny. Napaawang na lamang ang mga labi ni Nayume. Kaya pala kung kumilos ang lalaking 'yon kanina ay parang pagmamay-ari nito ang kompanyang pinasukan nito kanina. Kaya pala, may alam ito kung papaano pakalmahin ang isang Cedric Agustin. Kaya pala ganu'n na lamang ang confident nito nang tikman nito ang ginawa nitong hot chocolate para sa kanilang boss. "Napaka-gentleman talaga niya," bulalas ni Jenny. "Babaero naman," agad namang pambabara ni Antonette. "Ibang-iba talaga silang magpinsan kung ugali ang pag-uusapan at------"Is this the right time to gossip about other's life?" Natigilan silang tatlo at dali-daling nagsibalikan sina Antonette at Jenny sa kani-kanilang mesa na tila ba nahihiya. Napayuko rin naman si Nayume dahil sa takot na baka sisigawan na naman siya nito kagaya ng nangyari kaninang umaga. "You." Napaangat ng mukha ang dalaga nang marinig niyang muli ang boses ng kanyang boss. "Yes, Mr. CEO?" "Come with me," malamig nitong sabi saka siya nito agad na tinalikuran. Napatingin siya sa dalawang babaeng kausap niya at nakita niyang sinenyasan siya ng mga ito na sumunod at agad naman niyang dinampot ang dala niyang sling bag at agad na sumunod sa kanyang boss. Dali-dali siyang pumasok sa elevator nang pasara na sana ito saka siya pumuwesto sa likuran ng kanyang boss na wala man lang kangiti-ngiti sa mukha. Pagdating nila sa parking area ay naghihintay na du'n ang kotse nito pati na si Lando. Agad itong ipinagbukas ni Lando ng pinto at agad naman itong pumasok habang si Nayume naman ay sa tabi ng driver seat umupo. "Saan po tayo ngayon, Sir Cedric?" tanong ni Lando matapos nitong pinaandar ang makina ng sasakyan. "We're going to Emerald restaurant," sagot naman nito habang nakatuon ang tingin sa labas ng sasakyan. Agad pinasibad ni Lando ang kotse papunta sa lugar na sinabi nito. Hindi alam ni Nayume kung ano ang gagawin nila du'n at bakit kasama pa siya. Ang alam lang kasi niya, may dinner meeting ang boss niya sa isang restaurant. Baka nga ito na 'yong dinner meeting na pupuntahan nito. Kinakabahan tuloy siya dahil first time niyang pumunta sa ganitong ganap at nababahala na rin siya dahil baka aatake na naman ang pagiging clumsy niya at mapapahiya niya ang kanyang boss sa harapan mismo ng kung sino man ang kikitain nitong may malaking pangalan sa industriyang ginagalawan ng mga ito. Pagdating nila ay agad na bumaba si Nayume saka siya na ang nagbukas ng pintuan ng kotse para kay Cedric. Nang papasok na sana ang binata ay napakunot ang kanyang noo nang napansin niya ang kakaibang ikinikilos ng kanyang secretary. Napahinto siya sa kanyang paglalakad at dahil sa takot at kaba na nararamdaman ni Nayume ay hindi niya napansin ang biglaang paghinto ng kanyang boss dahilan para mabunggo niya ang likuran nito. Nang pumihit si Cedric paharap sa kanya ay saka lang siya parang natauhan. "Sorry po. Sorry po talaga," hinging paumanhin niya habang nakayuko. Biglang itinulak ni Cedric ang noo ng kanyang secretary kaya napatingala na lamang ito bigla. "What's wrong with you?" "W-wala po, Mr. CEO. I-I'm just feel a little nervous. This is my first time to attend a dinner meeting with those well-known people," aniya habang nanatiling nanatingin sa kanya ang kanyang boss. She came from the province. Probinsiyang babae kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ganito na lamang ang kanyang nararamdaman kaya naiintindihan iyon ng binata. "Just relax. Take a deep breath," aniya na siya namang sinunod ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Nayume nang biglang inilapit ni Cedric ang mukha nito sa kanya habang bahagya pa itong nag-bend upang magpantay ang kanilang mga mukha. "Don't make any mess inside the restaurant if you don't want to get fired. Do you understand?" Napalunok ang dalaga hindi dahil sa takot dahil sa parang pinagbabantaan siya ng kanyang boss kundi dahil sa kakaibang damdamin na naibigay ng pagkakalapit ng kanilang mga mukha sa isa't-isa. "O-opo, Mr. CEO," kinakabahan niyang sagot. "Good." Nakahinga siya nang malalim nang agad na lumakad papasok si Cedric at bago pa man siya sumunod ay nag-inhale-exhale muna siya para kahit papaano, kumalma ang kanyang kalooban. "Hey, Mr. Agustin." Agad na sinalubong sila ng lalaking nasa mid 50's na ang edad at naka-business attire pa ito. "Hello, Mr. Sabino. Have we kept you waiting for a long time?" tanong ng binata nang tanggapin nito ang kamay ng kanyang ka-appointment ng gabing 'yon. "No, we just arrived," sagot naman nito saka itinuro nito sa kanya ang upuan na katabi lang nito sa pabilog na mesa. "Ah, by the way, this is Nayume Buenavista. My secretary," pagpapakilala ni Cedric sa dalaga kay Mr. Sabino. "Nice to meet you, Mr. Sabino," agad na bati ni Nayume sabay lahad ng kanyang kamay. "It's my pleasure to meet you, Ms. Buenavista," nakangiting sagot naman ng lalaki sabay hawak sa kanyang kamay na agad namang binawi ng dalaga nang walang anu-ano'y hinalikan ni Mr. Sabino ang likod ng kanyang kamay. Lihim na napangiti ang binata nang makita niya ang naging reaksiyon ng kanyang secretary matapos halikan ni Mr. Sabino ang likod ng kamay nito. "Let's have a seat," nakangiti pa ring aya nito sa kanila na agad namang sinunod ng dalawa. Pupunta na sana ang dalaga sa likuran pero bigla siyang napatigil nang hawakan siya sa kamay ni Mr. Sabino. "You can take a seat here," anito sabay hila ng upuan na nasa tabi lang nito. Napatingin ang dalaga sa kanyang boss at nabasa naman ni Cedric sa mga mata ng kanyang secretary ang pag-aalinlangan nito kaya agad siyang tumayo saka siya lumipat ng upuan. "You can take that seat," aniya kay Nayume sabay turo sa upuang ukupado niya kanina na agad namang sinunod ng dalaga, "Can I sit here, Mr. Sabino so that we can discuss our matters clearly without stressing out our voices in order to hear each other?" Nababasa ng binata ang medyo disappointment sa mukha ng kanyang kausap. "Sure, why not?" Lihim namang napangiti ang binata. Ramdam niya na interesado ito sa kanyang secretary. "My son-in-law is on his way and any moment, he will be here and----"I'm sorry if we're late." Napatingin silang lahat sa pintuan nang biglang may lalaking dumating na may kasamang sophisticated woman who's wearing a red dress na hanggang tuhod nito ang haba. Nang makita ni Nayume kung sino ang dumating ay ganu'n na lamang ang pagkaawang ng kanyang mga labi sa sobrang pagkabigla at pagkagulat! Kumabog ang kanyang dibdib sa sobrang kaba at hindi niya tuloy kung ano ang dapat niyang gagawin. Tatalikod ba siya? Lalabas ba siya? Tatakbo pa siya? Lihim na napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang skirt na suot dahil sa kabang nararamdaman. Hindi tuloy niya halos marinig ang boses ng mga ito dahil sa lakas ng kaba ng kanyang dibdib. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lugar sa mundo, bakit muli pang nagkatagpo ang landas nila ng lalaking nag-iwan ng malaking scar sa kanyang puso. Ang tanging lalaking naging dahilan kung bakit halos ayaw na niyang mag-entertain ng mga lalaking nakapaligid sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD