CHAPTER 6

1656 Words
Nang makita ni Nayume ang kanyang minahal na lalaki noon ay agad siyang napayuko sabay bahagyang napatalikod sa mga ito. "Oh, my son-in-law is here!" Nakaawang pa rin ang mga labing napatingin si Nayume kay Mr. Sabino. Naguguluhan siya sa kanyang mga naririnig. "He is Roniel Madrigal. My son-in-law to be," pagpapakilala ni Mr. Sabino sa kanyang anak kay Cedric at agad namang napatayo ang binata para batiin si Roniel. "Nice to meet you, Mr. Madrigal," aniya sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa harapan nito. "Nice to meet you, too, Mr. Agustin," sagot naman nito sabay abot sa kanyang kamay. "And this is my one and only daughter, Janinne Sabino." "It's my pleasure to meet you, Ms. Sabino and soon to be Madrigal," nakangiting saad ni Cedric sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa harapan nito. "It's my pleasure to meet you, too, Mr. Agustin," nakangiti ring saad ni Janinne sabay daop ng kanilang mga kamay. Agad namang binitiwan ni Cedric ang kamay ng dalaga. "By the way, this is my secretary Ms. Buenavista," pagpapakilala ni Cedric kay Nayume sa mga ito na siyang lalong nagpakabog sa dibdib ng dalaga. Gustuhin mang umiwas ni Nayume pero wala na siyang nagawa pa kundi ang humarap na lamang sa mga ito. Kung nabigla man siya nang muli niyang nasilayan ang dating nobyo ay mukhang mas nabigla pa yata si Roniel nang makita siya nito sa lugar na 'yon. "Nice to meet you, Ms. Sabrino and... Mr. Madrigal," aniya sabay yuko sa harapan ng mga ito bilang paggalang. Nang iangat na niya ang kanyang mukha ay saka lang niya nakita ang sobrang pagkabigla sa mukha ni Roniel. Talagang hindi ito makapaniwala nang malamang nandu'n din siya. Napaawang ang mga labi nito at talagang gulat na gulat sa biglaan niyang pagsulpot sa buhay nito. "Nice to meet you, too, Ms. Buenavista," saad ni Janinne habang si Roniel naman ay nanatiling nakatulala at hindi makapaniwala habang nakatingin kay Nayume at si Nayume naman ay panay ang iwas na magkatagpo ang kanilang mga mata dahil everytime na magkasalubong ang kanilang mga mata ay bumabalik ang sakit na naibigay nito sa kanya. "Babe?" "Huh?" gulat nitong tanong na para bang bigla itong nagising mula sa malalim na pagkakatulog. "Are you okay?" kunot-noong tanong ni Janinne habang pasimple nitong tinatapunan ng tingin si Nayume dahil kitang-kita naman nito kung papaano natulala ang kanyang fiance habang nakatingin kay Nayume. "Yeah. I am!" maagap naman nitong sagot pero halata naman sa boses nito ang panginginig at ang ekesenang 'yon ay hindi nakaiwas sa atensiyon ni Cedric. Mukhang si Mr. Sabino lang yata ang naging manhid sa eksenang 'yon dahil wala man lang itong naging reaksiyon sa naging kilos ng magiging manugang nito. "Let's have our seat first," singit ni Cedric sa mga ito dahil sa totoo lang, kakaiba talaga ang kanyang napapansin at nararamdaman sa pagitan nina Nayume at Roniel. Kitang-kita kasi niya kung papaano nabigla si Roniel nang makita nito ang kanyang secretary at kitang-kita naman niya kung papaano iwasan ni Nayume ang tingin ni Roniel. Magkakakilala kaya ang dalawa? Tanong ng binata sa sarili habang pinagmamasdan niya nang lihim ang dalawa. "Oh, yeah! Let's sit first," ani naman ni Mr. Sabino na agad naman sinunod ng lahat. Katabi ni Cedric ang kanyang secretary at nasa gilid naman nito si Roniel habang katabi naman nito ang fiancee sa pabilog na mesa. Maya-maya lang ay dumating na rin ang mga in-order nilang pagkain at habang nag-uusap sila tungkol sa pag-iinvest ng pamilyang Sabino sa kompanya nina Cedric sa pagitan ng pagkain ay hindi naiwasan ng binata na pasimpleng tapunan ng tingin si Roniel at nakikita niya kung papaano nito nakawan ng kakaibang tingin si Nayume habang ang dalaga naman ay hindi mapakali at halos nakayuko lamang ito. Hindi rin nakaligtas sa pansin ni Cedric na para bang may gustong sasabihin si Roniel sa kanyang secretary pero hindi lang nito magawa dahil nandu'n sila. Nang matapos silang kumain ay may konting pa-wine si Mr. Sabino na hindi naman kayang tanggihan ng binata lalo pa at kailangan niyang makuha ang loob ni Mr. Sabino upang ituloy nito ang pag-invest sa kanyang kompanya. Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap tungkol sa negosyo ay pasimpleng nagpaalam muna si Nayume at makalipas lamang ang ilang sandali ay sumunod naman si Roniel na siyang lalong nagpalakas sa kanyang hinala na may nakaraan nga ang dalawa o baka magkakakilala nga mga ito. Ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang dalawa lalo na si Nayume kaya lalong hindi mapakali si Cedric. Lalo tuloy tumibay ang kanyang pagdududa na may nakaraan nga ang dalawa. Pero ano naman ang kanyang pakialam kung may nakaraan ang dalawa o magkakakilala nga ang mga ito? Pasimple siyang napailing sabay saway sa kanyang sarili na huwag nang isipin ang ibang tao na wala namang kinalaman sa kanyang buong pagkatao. Pero hindi pa rin talaga niya napigilan ang sariling isipin ang kanyang secretary lalo pa at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito bumabalik kaya nang biglang tumunog ang kanyang phone ay labis ang kanyang kasiyahan na nadarama. Dali-dali niya itong tiningnan at nakita niyang si Paolo lang naman pala ang caller niya kaya kung tutuusin, pwedeng-pwede niya itong ikansela at ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Mr. Sabino. "Please, excuse me for a moment. I need to take this call," aniya para may rason na siya para makalabas at malaman kung saan na nga ba ang dalawa at kung bakit hindi pa rin ang mga ito bumabalik sa loob ng VIP room ng restaurant na ukopado nila. "Sure, go ahead," magiliw namang tugon ni Mr. Sabino. Dali-dali siyang lumabas saka niya sinagot ang tawag ng kanyang pinsan. "It's a big miracle!" bulalas ni Paolo mula sa kabilang linya. Kapag tatawag kasi ito, madalas hinahayaan lamang niya ang kanyang phone sa kaka-ring at hindi niya ito sinasagot maliban lang kung magte-text ito, rereplyan naman niya ito pero kapag tawag naman ay hindi niya ito sinasagot maliban lang kung alam niyang napakaimportante nang itinawag nito sa kanya. "Why are you calling?" tanong niya habang nagpapalinga siya sa paligid sa pagbabasakaling mahagip ng kanyang mga mata ang kanyang secretary. "It's just nothing.  I just want to------"At sino ka ba sa tingin mo para diktahan ako sa mga dapat kong gawin?" Napatingin si Cedric sa sulok ng bahagi ng restaurant nang marinig niya ang boses ng isang babae na nagsasalita at kung hindi siya magkakamali, boses iyon ni Nayume. "Tol, are you still there?" Napapiksi siya nang biglang nagsalita si Paolo mula sa kabilang linya at dahil sa kagustuhang makita kaagad si Nayume ay hindi na niya napansin ang kanyang pinsan na kausap pa pala niya ito sa phone. "I gonna go. Bye," aniya saka agad niyang pinatay ang tawag nito na siya namang nagpakunot sa noo ng kanyang pinsan. First time ngang sagutin nito ang kanyang tawag, agad naman siya nitong binabaan nang hindi man lang hinintay ang kanyang magiging sagot. Ganito na nga ba siya kawalang-halaga sa kanyang pinsan? Dahan-dahan na nilapitan ni Cedric ang kinaroroonan ng boses ng babae na kanyang narinig at nang bahagya niya itong silipin ay hindi nga siya nagkamali, si Nayume nga at si Roniel. "Alam kong hindi ka pa nakakamove-on kaya ka nandito ngayon pero nakikiusap ako sa'yo, Nayume. Please, stay away and don't ever tell our story to others dahil lahat nang nu'n ay tapos na." Hindi nga nagkakamali si Cedric sa kanyang inakala. May nakaraan nga ang dalawa kaya ganu'n na lamang ang pagkabigla ng mga ito nang makita nila ang isa't-isa. "Oo, aminado ako. Until now, masakit pa rin, Roniel. Masakit pa rin ang ginawa mong pag-iwan sa akin lalo na at nasa panahon pa ako kung kailan kailangang-kailangan kita." Napasandal si Cedric sa wall na malapit lamang sa kinaroroonan ng mga ito habang ipinagpatuloy pa rin niya ang pakikinig. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito na lamang siya ka-interesadong malaman ang tungkol sa naging nakaraan ng kanyang secretary sa magiging son-in-law ng kanyang investor. "Pero hindi mo 'ko kayang diktahan sa mga bagay na dapat kong gawin. This is my life and not yours. Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin," matapang na pahayag ni Nayume saka niya nilagpasan si Roniel pero bago pa man siya tuluyang nakalayo ay mabilis siya nitong pinigilan sa braso. "Stop following me. Stop hoping that you can bring back what are already in the past. Stop wishing that we can be what we were before dahil hindi 'yon mangyayari pa. I have a lots of money now but look at yourself, you are just a secretary kaya hindi tayo nababagay sa isa't-isa." Galit na iniwaksi ni Nayume ang kamay ni Roniel na nakahawak sa kanyang braso at matapang njya itong tiningnan. "Hindi ko ugali ang maghabol ng taong unang nang-iwan at isa pang bagay na tatandaan mo, kahit pa anak ka ng isang pinakamayamang tao sa buong mundo, hinding-hindi pa rin ako maghahabol sa'yo, alam mo ba kung bakit?" Dahan-dahan na lumapit si Nayume sa dating nobyo. "Because you are not worthy to be chased," mariin niyang sagot sabay walkout at iniwan si Roniel na natutulala. Napadaan ang dalaga sa wall kung saan nagtatago si Cedric at nakita niya ang bahagyang pagpunas ng dalaga sa pisngi nito. Muli niyang sinilip si Roniel, nakikita niya sa mukha nito ang pagkakadismaya at pagkainis. "Siya kaya ang ama ng anak ni Nayume?" tanong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya si Roniel. Agad itong bumalik sa room nila at nang muli na sanang papasok si Cedric ay napatingin na lamang siya bigla sa kanyang phone nang bigla itong nag-vibrate. Mr. CEO, I'm so sorry, there's something came up so I really need to go home first. I'm sorry. Text message ni Nayume pero ewan ba, iba ang nararamdaman ng binata lalo pa at kitang-kita niya ang mga luhang umagos sa mga mata nito nang talikuran nito si Roniel. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD