"I'm so sorry, Mr. Sabino. I need to go first, there's something came up that I never expected," sabi niya kay Mr. Sabino nang tawagan niya ito sa phone.
"It's okay, Mr. Agustin. Just go ahead," pahayag naman nito mula sa kabilang linya saka agad namang binaba ng binata ang kanyang phone habang nakasunod ang kanyang mga mata sa dalagang naglalakad na mukhang wala sa sarili.
He keeps following her, ewan ba niya sa kanyang sarili at kung bakit siya nag-aalala para rito.
Habang abala ito sa kalalakad, heto naman siya lihim na sinusundan ito sa hindi niya malamang kadahilanan. Sa buong buhay niya, ngayon pa lamang niya ito ginagawa sa isang babae. Bakit kaya? Malamang, dahil wala siyang naging kapatid na babae.
Napakunot ang kanyang noo nang sa kanyang pagpasok sa isang lugar na pinasukan ng dalaga ay saka lang niya napansin na isang pub pala iyon.
Agad na hinagilap ng kanyang paningin ang kanyang secretary at nakita niya ito na nakaupo sa isang mesa at nakita niyang nilapitan ito ng isang waiter.
Umupo na rin siya sa isang mesa na pangatlo mula sa mesang ukopado ni Nayume.
"Sir, ano po'ng o-order-in niyo?" tanong sa kanya ng isang waiter nang lapitan siya nito.
Muli niyang nilingon ang dalaga at nakita niya kung anong alak ang in-order nito kaya ganu'n na lang din ang kanyang in-order.
"Isang champagne lang," sabi niya na agad namang sinunod ng waiter at makalipas lang ang maikling sandali ay dumating na rin ang kanyang wine.
Pasimple niyang sinusulyapan ang dalaga at makalipas lang ang ilang sandali ay napansin na lamang niya ang ilang bote ng alak sa harapan nito samantala ang alak na in-order niya pagdating niya ay halos hindi pa nangalahati.
Halata na rin ang pagiging lasing nito at sobrang pula na rin ng mukha nito.
"Waiter!" Narinig niyang tawag nito sa waiter at agad namang lumapit dito ang tinawag nito.
"Isang champagne pa, please," lasing nitong sabi at nang tatalima na sana ang waiter ay mabilis naman siyang lumapit dito saka niya tinanggihan ang waiter.
"It's enough," sabi niya saka niya binalingan ang lasing niyang secretary. "C'mon, I'll drive you home," sabi niya saka niya hinawakan sa braso ang dalaga at pilit na pinapatayo.
Bigla siyang nabuwal nang bigla ba naman siya nitong tinabig.
"Gusto kong uminom!" sabi nito saka niya binalingan ang waiter, "Isang champagne pa."
Mapupungay ang mga matang binalingan siya ng kanyang secretary at dahil sa kalasingan, mukhang hindi pa yata siya nito nakikilala.
"Samahan mo ako. Uminom tayo," nakangiti nitong sabi sabay hila sa kuwelyo ng suot niyang sport jacket na siyang dahilan upang muntikan na siyang mapasubsob dito. Mabuti na lamang at napigilan pa niya ang kanyang sarili.
Napatitig siya sa mga mata ng dalaga na kasalukuyang nakatingin sa kanya. Nababasa niya ang sakit na nararamdaman nito gaya nang sakit na kanyang naramdaman nang iwanan siya ng babaeng akala niya makakasama na niya habang-buhay pero iniwan lang din pala siya nito.
"Gwapo ka naman, ah pero bakit pa napaka-cold mo?" lasing na saad ng dalaga na hindi man lang niya inaasahang marinig mula sa mga labi nito.
"Ngumiti ka man," anito sabay lagay ng dalawa nitong daliri sa magkabilang gilid ng kanyang mga labi saka bahagya nitong itinulak paitaas, "...ganyan! Alam mo bang lalo kang gumuwapo kapag nakangiti ka?"
Nagkagulo ang pagpintig ng puso ni Cedric habang nanatili siyang nakatingin sa mga mata ni Nayume at mas lalong nagkagulo ang kanyang puso nang bigla itong ngumiti at napasinghap na lamang siya nang biglang napasubsob ang mukha nito sa kanyang dibdib at ang kamay nitong nakahawak sa kanya ay bigla na lamang itong bumagsak sa tagiliran nito.
Mabilis naman niya itong niyakap dahil muntikan na itong mapausdos at lalo lamang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib habang yakap-yakap niya ang dalaga.
Ilang taon na ring hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam magmula nang ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya iibig pang muli dahil sa takot na baka muli pa siyang masaktan at iwanan.
"Sir, do you need some help?" tanong sa kanya ng waiter.
"No, thanks," maagap naman niyang sagot. "Here." Inabot niya sa waiter ang cash na kinuha niya sa kanyang wallet kahit pa hirap na hirap na siya sa kanyang sitwasyon dahil sa kanyang lasing na secretary.
"Keep the change," aniya saka niya inakbay sa kanyang batok ang isang braso ni Nayume at dahan-dahan na niya itong iginaya palabas ng pub.
Pagdating nila sa labas ay siya namang pag-ring ng kanyang phone. Si Lando, tumatawag sa kanya.
"Where are you right now?" agad niyang tanong nang sagutin na niya ang tawag nito.
"Sir Cedric, pasensiya na po. Nasiraan ang sasakyan kaya dinala ko na lang muna ito sa repair shop," saad naman nito.
"It's okay, magta-taxi na lang ako," sabi niya saka niya in-end ang tawag ng kanyang driver.
Pasimple niyang tiningnan ang lumingayngay na mukha ng kanyang secretary.
"Why should I put some concern to you?" mahinang tanong niya rito habang nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa mukha nito.
Napailing na lamang siya saka agad na pinara niya ang isang taxi na padaan sa kanilang kinatatayuan at agad naman itong huminto.
Dali-daling ipinagbukas siya ng taxi ng driver ng pintuan at tinulungan siya nitong ipasok sa loob ang dalaga.
Napaungol ito, alam niyang gising ito pero dahil sa kalasingan, wala ito sa tamang huwesto at hindi ito aware sa kung ano na ang nangyayari.
Kung nagkataon na luko-lukong lalaki na ngayon ang kasama nito, malamang magagawan talaga ito ng kahalayan nang hindi nito alam dahil sa kalasingan.
"Saan po tayo, Sir?" tanong sa kanya ng taxi driver habang nakatingin ito sa rear-view mirror.
Nasapol niya ang sarili niyang noo nang ma-realize niyang hindi pala niya alam kung saan nakatira ang dalaga.
"Ms. Buenavista?" pukaw niya sa dalaga pero wala siyang tugon na natanggap mula rito.
"Ms. Buenavista," muli niyang tawag dito pero wala pa rin siyang natanggap na tugon.
"Nayume," sambit niya sa pangalan nito sabay yugyog sa balikat nito.
"Hmmm," ungol nito pero nanatiling nakapikit ang mga mata nito kaya wala nang nagawa ang binata kundi ang sabihin sa taxi driver ang address ng kanyang condo unit.
Habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagbabiyahe ay napatingin na lamang si Cedric sa kanyang balikat nang bigla ba namang napasandal du'n ang ulo ni Nayume.
Inilapat niya ang kanyang hintuturo sa noo nito saka dahan-dahan niya itong itinulak palayo sa kanya pero bigla na lamang siyang napapiksi at kumabog ang kanyang dibdib nang biglang iniyakap ng dalaga ang isa nitong braso sa kanyang katawan at muli nitong isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat.
Nag-uunahan na tuloy sa pagpintig ang kanyang pulsuhan at ang kanyang puso dahil sa ginawa ni Nayume. Bakit ba kakaiba ang naging epekto ng dalaga sa kanya?
Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso ni Nayume na nakayakap sa kanya at saka niya ito inilayo sa kanyang katawan at muli niyang itinulak palayo sa kanya gamit ang kanyang hintuturo ang noo ng dalaga na nakasandal sa kanyang balikat na siyang dahilan upang magmulat ito ng mga mata at tiningnan siya nito ng masama.
"Alam mo ikaw, ang sakit-sakit na nga nang nararamdaman ko dahil sa Roniel na 'yon, gaganituhin mo pa ako?" may himig ng pagkainis ang boses ng dalaga.
"Bakit ka ba ganyan sa akin? Bakit ka ba napaka-cold?"
Napalingon siya sa labas ng taxi dahil ayaw niyang pansinin ang kanyang secretary dahil alam niyang dahil lang sa kalasingan nito kaya ito nagda-drama ngayon.
Pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang ikinulong ng dalaga ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang magkabilang palad nito.
"Ayaw mo ba sa akin? Itatakwil mo rin ba ako kagaya ng ginawa sa akin ni Roniel?" mangiyak-ngiyak nitong tanong.
Muling kumabog ang kanyang puso nang maramdaman niya ang hinlalaki ng kaliwang kamay ng dalaga na bahagyang hinahaplos ang bandang kanang gilid ng kanyang labi habang nakikipagtitigan ito sa kanya.
Nakita niyang napatingin si Nayume sa kanyang mga labi at walang babalang inilapat nito ang mga labi nito sa kanyang bibig na siyang labis na nagpagulat sa kanya nang labis.
Nanlaki ang kanyang mga labi at halos hindi siya makagalaw dahil sa ginawa ng kanyang secretary.
Lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib at para bang bumalik siya sa kanyang kabataan kung kailan niya natutunan ang unang umibig.
Napapikit siya habang nakalapat pa rin ang mga labi ni Nayume sa kanyang bibig na para bang ninanamnam na rin niya ang sandaling 'yon kahit na alam niyang tulak lang iyon ng kalasingan ng dalaga.
Napatingin siya sa mga mata ni Nayume nang pakawalan na nito ang kanyang mga labi pero aminado siya sa kanyang sarili na nagustuhan niya ang halik na 'yon at gusto niya uli itong matikman kaya walang anu-ano'y ikinawit niya ang kanan niyang kamay sa batok ng dalaga saka niya bahagyang hinila palapit sa kanya ang mukha nito sabay angkin sa mga labi nito.
Sabay silang napapikit nang tuluyan nang naglapat ang kani-kanilang mga labi at dahan- dahan na iginalaw ni Cedric ang kanyang mga labi na para bang nakikiramdam muna, na para bang nag-aanyaya sa dalaga at nang maramdaman niya ang kusang pagtugon ni Nayume sa kanyang halik ay mas lalo pa niyang hinapit palapit sa kanya ang dalaga para mas lalong lumalim ang halikang kapwa nila pinagsasaluhan.
Bumagsak ang malamig na tubig galing sa shower sa h***d na katawan ni Cedric. Matapos niyang maiayos ang pagkakahiga ni Nayume sa ibabaw ng kanyang kama ay napagpasyahan niyang maligo muna.
Matapos kasi ang isang mainit na halikan na sinaluhan nila kanina sa loob ng taxi ay nakatulog ito nang mahimbing habang nakasandal sa kanyang balikat ang ulo nito.
At habang nasa ilalim siya ng umaagos na shower ay bumalik-balik sa kanyang isipan ang nangyaring halikan.
Nahilamos niya ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha saka niya parehong inilapat sa magkabilang wall ng kanyang banyo ang kanyang mga palad habang patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang eksena kanina.