"Wala po rito si Mr. CEO, Mr. Madrigal," sabi ni Antonette kay Roniel nang napadaan ito sa kompanya nang araw ding 'yon. "Where is he?" "He went to Pangasinan." "Pangasinan?" Napakunot ang noo ni Roniel sa kanyang nalaman. Nagtataka siya kung bakit pumunta ng Pangasinan si Cedric. May gagawin kaya ito doon na may kinalaman sa kompanya? Nagpalingon-lingon siya sa paligid sa pagbabasakaling makikita niya du'n si Nayume pero nabigo lamang siya. "Hindi kaya magkasama ang dalawa?" tanong ng kanyang isipan habang patuloy pa rin niyang fini-figure out kung bakit pumunta si Cedric sa Pangasinan. Sa lugar ng dati niyang nobya! Lalakad na sana siya nang hindi sinasadyang marinig niya ang usapan ng mga empleyado ng kompanyang 'yon. Hindi na sana niya papansinin ang usapang 'yon pero bigla n

