"I'll be out for how many days, Lando and you will be the one to report everything to me about the company," bilin niya kay Lando habang tinutulungan siya nitong ilagay sa likuran ng kanyang sasakyan ang kanyang dalang gamit. Hindi kasi niya alam kung makakauwi ba siya kaagad o tatagal ba siya sa probinsiya nina Nayume. "Saan po ba ang punta niyo, Sir Cedric?" "It's confidential," sagot naman niya. "Kay Ms. Buenavista po ba?" Saglit na natigilan ang binata at saka niya binalingan ng tingin ang kanyang driver sa tingin na para bang mangangain na ng buhay. "Sa totoo lang, Lando kailan ka pa naging interesado sa buhay ko?" Napangiti na lamang si Lando at nang wala siyang natanggap na tugon mula rito ay agad na siyang pumasok sa kanyang kotse. "Take care po, Sir Cedric," bilin nito ha

