
May mga kwento ng pag-ibig na hindi mo nakikita sa simula at kahit na magulo, may dahilan ang lahat ng nangyari.
Kecha Woon at Jong Yu, unang pag-ibig ng bawat isa, nagkahiwalay dahil sa isang pustahan, at hindi naipagtapat ang pinakamahalagang sikreto: may anak sila. Sa loob ng apat na taon, nagbago ang lahat—nag-aral sa Pilipinas, nagkaibigan muli, at ang tadhana ang nagdala sa kanila sa hindi inaasahang reunion.
Hindi alam ni Jong ang buong katotohanan, at ni Kecha ay hindi niya alam ang lalaking kanyang pinagpanggapang kasintahan ay kababata rin pala sa Korea. May mga gulo, may selos, may laban para sa anak, at may mga taong handang gumawa ng lahat para sirain ang kanilang relasyon. Pero sa huli, ang pagmamahal nila ay hindi matitinag kahit ilang taon ang lumipas, kahit ilang lihim ang naimbak, at kahit ilang sugat ang naiwan.
Isang kwento ng unang pag-ibig, pagkakahiwalay, pagsasama muli, at pamilya.
Isang kwento kung saan ang nakaraan ay darating, ang kasalukuyan ay susubok, at ang hinaharap ay nakasulat sa t***k ng dalawang pusong nagtagpo muli.

