Kinabukasan Nasa loob ako ng banyo at kausap ko ang sarili ko pagkatapos ko maligo. Kaya mo bang aminin kay Cris ang totoo mong nararamdaman? Ang totoong dahilan kung bakit mo siya niligawan noon? Masasabi mo ba sa kanya na hindi mo siya lubusang mahal at mahal mo pa rin talaga ang ex mo? Huminga ako ng malalim bago ako lumbas ng banyo na naka-tapis lang ang kalahati sa katawan ko. Nag-suot ako ng maong na pantalon at inipitan ko ang mahabang buhok ko at nag-suot ako ng polo long sleeves na tinupi ko hanggang sa siko ko at may nakasukbit na shades sa may gitna. Sinundo ko ang girlfriend ko sa bahay nito at nakangiting sinalubong niya ako at hinalikan ako sa labi. Ngumiti na lang ako sa kanya bago kami sumakay sa sasakyan ko para pumunta saschool. "Pwede ba tayo mag-usap?" tanong ko

