Kinabukasan, nagising at nagulat ako sa pagbukas ng pintuan ko at napalingon ako sa taong nagbukas. "Hon!" tawag ni Cris at masama ang tingin niya sa akin. "Ano ang ginagawa mo dito?" pupungas-pungas kong tanong sa kanya ng bumangon at umayos ako ng pagkaka-upo sa kama ko. "Ano 'tong sinasabi ng kaibigan ko na nakita ka niya na kasama si Kecha?" sigaw niya sa akin pinag-babato ako ng unan na napulot niya. "Ang aga-aga ang ingay mo!" sita ko sa kanya tumayo at lumabas ako ng kwarto ko dumeretso ako sa kusina para mag-timpla ng kape. "Ako ba talaga ang nakita niyang kaibigan mo?" tanong ko at inabot sa kanya ang tinimpla kong green tea. "Lumabas ka sa bahay kung saan nakatira si Kecha taga-doon ang kaibigan ko," aniya sa akin sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi lang siya ang kilala ko

