Naglalaro kami ng anak ko sa pool ng mapatingin ako sa girlfriend ko. "Dad!" tawag ng anak ko sa akin sumenyas ako sa kanya at kaagad siyang tumango. Sumandal ako sa gilid at hinihintay na tumingala siya. "Nag-text sa akin si Chie sumama daw tayo sa resort," aniya sa akin. "Pumayag ka?" tanong ko kaagad sa kanya. "Oo, nandun si tita Jeah at tito Jeo hindi alam nina Jia at Jeree nandito sa Pilipinas ang magulang nila at alam natin na ngayong pasko at bagong taon lang may oras sila sa kanilang anak." aniya sa akin. "Kailan daw?" tanong ko sa kanya. "Bukas yata ang tanong isasama ba natin si Kj?" tanong niya sa akin napatingin sa anak namin. "Hindi, iiwan natin siya sa mama ko nandito pa siya para makilala niya rin ng tuluyan ang apo niya habang nagbabakasyon pa siya dito sa Pilipinas

