Surpresahin namin si mommy ngayon kaya habang nasa taxi kami naaalala ko si daddy nakilala ko sa lobby ng hotel magkikita pa kaya kaming dalawa? Habang nasa sasakyan at kasama ko ang lolo't-lola ko. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng taxi. "Ano ang iniisip mo, apo?" puna ni lola sa akin napa-harap ako sa kanya at sumagot. "Wala po," aniko sa lola ko. "Kilala kita, apo." sambit ni lola sa akin. "Masaya lang po ako magkikita ulit kami ni mommy," ngiting sambit ko sa lola ko at sumandal sa kanya. "Excited ka ba, apo?" tanong ni lolo sa akin ng lingunin kami ni lola. "Yes, grandpa." masayang sambit ko sa lolo ko. "Haha! Nandito na tayo," sambit ni lolo at hininto ang taxi sa gilid. "Ayon si mommy may kausap na guy," aniko sabay turo sa tapat ng school ni mommy. "Sino kaya 'yon?"

