Makalipas ng dalawang araw, nagulat ako ng dumating ang girlfriend ko nagagalit. "Anong nangyari sa'yo?" tanong ko kaagad sa kanya ng pag-buksan ko ng pintuan. "Buwisit ninakawan ako sa club!" sambit niya naiinis na umupo siya sa sofa. "Ah? Anong ginawa mo sa club?" tanong ko wala siyang sinabi na may pupuntahan siya ngayon. Kinunutan ko siya ng noo at namaywang ako na humarap sa kanya. "Wala lang, trip lang namin ng kaibigan ko mag-inom biglaan din naman." aniya sa akin nang tumingala siya. "Paanong nawala at ano ang nawala?" tanong ko sa kanya minasdan ko pa siya kung sinaktan siya ng magnanakaw. "Wallet ko at nag-lalaman ng 5k," aniya nagulat naman ako allowance niya ang nawala sa kanya. "Hindi ba allowance mo 'yon? Ang laki nun!" sambit ko nagpunta ako sa kusina para timplahan

