Sino ang kausap niya sa cellphone? Kung kausapin niya ang nasa kabilang linya katulad nang pagsasalita niya nung panahon may relasyon pa kaming dalawa, wala na bang pag-asa? Kung hihiwalayin ko si Cris kasi ang hirap na eh...mahal ko siya ng sobra kaysa sa pagmamahal ko kay Cris nagsisisi talaga ako at iniwan ko siya.
Nakarinig ako nang tunog ng cellphone kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin nakita ko ang pangalan ng dating kaibigan.
Anong kailangan niya sa akin? Mag-kunwari kaya ako sa kanya na hindi ko siya kilala. Nakaka-miss rin ang makausap ang totoo kong kaibigan.
Calling...
Jong: Hello, sino 'to?
Chie: Brad.
Jong: Sino 'to?
Chie: Si Kenchie 'to, kamusta?
Jong: Oh! Ikaw pala, okay lang naman ako.
Chie: Hingin ko 'yong opinyon mo.
Jong: Para saan naman?
Chie: Sa amin ni Jia.
Jong: Kayo pa rin?
Chie: No, kahapon lang.
Jong: Hindi, kahapon lang? Ang gulo ah!
Chie: Break na kaming dalawa.
Jong: Mahal mo siya talaga? Hindi mo kayang mawala siya sa buhay mo.
Chie: Oo, mahal ko siya at may mahal siyang iba.
Jong: Ginawa niya ulit?
Chie: Oo, naging manhid ako para sa kanya.
Jong: Nasaan ka ba?
Chie: Sa condo, aalis ako babalik ako ng China.
Jong: Kaya mo bang layuan siya?
Chie: Hindi eh!
Jong: Balikan mo baka kapag tuluyan mo siyang iwan wala ka nang babalikan.
Chie: Thanks!
Jong: Saan?
Chie: Wala, bye.
Jong: Bye.
Nang matapos ko siya kausapin nagpunta ako sa bahay ng girlfriend ko.
"Hon!" masayang bungad niya sa akin mula sa labas ng gate.
"Nahuli ba ako?" aniko sa kanya.
"Hindi, hon sakto dinner na nang makarating ka dito," aniya humawak siya sa braso ko at pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
Tinawag niya ang katulong para ihain ang pagkain sa mesa pagkarating namin sa dining table.
"Hon, punta kaya tayo Pampanga o Ilocos, Sur sa bakasyon?" aya niya sa akin.
"Naisip mo 'yan bigla, hon bakit?" takang tanong ko sa kanya.
Nag-sandok ako ng pagkain sa pinggan ko at naglagay ako ng tubig sa baso.
"Wala naman, hon hindi tayo nagkaka-pasyal ng malayo eh.." aniya sa akin kumain na kaming dalawa.
Pagkatapos namin kumain inaya niya ako maligo sa pool nila pumayag na lang ako kaysa mag-tampo siya sa akin.
"Isang taon na tayo, hon alam mo ba naiisip ko na ang future natin?" aniya natahimik naman ako sa sinabi niya sa akin.
"Talaga? Sa akin hindi pa eh, hon kasi mas gusto humanap ng trabaho pagkatapos natin mag-graduate," aniko.
Ang nasa isip ko si Kecha, siya lang ang babaeng gusto ko pakasalan at makasama habangbuhay kung hindi ko lang siya makakasama ko magbubuhay binata na lang ako at ang dating bahay namin gagawin kong restaurant.
"Hon? Lumilipad na naman ang isip mo, future ba natin 'yan?" ngiting aniya sa akin.
Lumangoy ako sa kanya nang umupo siya sa gilid ng pool.
"Oo," kaila ko na lang sa kanya hinawakan ko siya sa hita.
"Ilan anak ang gusto mo?" tanong niya sa akin.
Dalawa, kuntento na ako dahil, ganun din ang gusto niya.
Hindi siya, kundi ang babaeng mahal ko.
Si Kecha, my beauty!
"Kahit isa okay na ako." aniko sa kanya.
"Tatlo sa akin para maging I LOVE YOU." aniya hinalikan niya ako sa labi hinayaan ko siyang halikan at tumugon na lang ako.
"Bakit ang ibang lalaki hindi tulad mo?" tanong niya.
"Tulad ng, ano?" naitanong ko kahit alam ko na ang gusto niya itanong sa akin.
"Hindi ka nag-aaya mag-s*x tayo," aniya.
Tinititigan ko siya gusto ko ang babaeng mahal ko ang nakikita ko kapag nakikipag-s*x ako pero, hindi ko nakikita sa kanya ang hinahanap ko.
Hindi ko masasabing respeto ang ginawa ko kundi, hindi siya ang babaeng gustong hinahanap ng katawan ko.
"Nirerespeto kita, hon makakapag-hintay naman ang s*x kapag handa na tayo," aniko na lang sa kanya.
Lumangoy ako sa pool dahil nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan ng sumagi sa isip ko si Kecha.
"Hon!" tawag niya sa akin.
"Oh?" bungad ko ng bumalik ako sa tabi niya.
"Dito ka na matulog, hon sa guest room ka dadalhan kita ng damit ni dad." alok niya ng umahon na ako sa pool.
"Huwag na, boxer short ko lang naman ang basa uuwi na ako kapag nakapagbihis na ako," aniko.
"Huwag ka na magmaneho dito ka na matulog, hon please.." aniya.
"Wala akong school uniform dito, hon!" aniko.
"Maaga ka na lang umuwi sa condo mo," sambit niya sa akin.
Huminga na lang ako bigla at tumango sa kanya. Sumunod ako sa kanya ng pumunta siya sa guest room nila.
"Hintayin mo na lang ako dito kukunin ko 'yung damit ni dad sa kwarto nila," aniya at iniwan niya ako sa guest room.
Humilata na lang ako kahit isang taon na ang lumipas hindi nagbabago ang nilalaman ng puso ko. Hindi niya na-angkin ang puso ko kundi nasa tunay na may-ari pa rin tumibok ang puso ko.
Hindi mahirap mahalin si Cris, ang maibibigay kong pag-ibig sa kanya hindi katulad ng pagmamahal niya sa akin.
Pagmamahal ng isang kaibigan lang ang maiibigay ko sa kanya.
"Hon!" tawag niya ng maka-pasok siya sa loob.
Napatingin ako sa kanya kahit nakahilata pa rin ako sa kama.
"Oh.." aniya binato niya sa akin ang sandong blue.
"Haha!" tawa ko na lang sa kanya at tinaas ko ang kamay.
Yumakap siya sa akin ng padapa niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you," sambit ko na lang sa kanya.
Umalis na siya kaagad sa guest room at nahiga na ako para matulog pagkatapos ko magpalit ng damit.
5 years na sana kaming dalawa kung walang pustahan namagitan sa aming dalawa.
Mag-propose ako na dapat ako ngayon para next year kapag graduate na kaming dalawa ikakasal na kami at magtatayo ng negosyo para sa kinabukasan ng pamilya namin.
May lungkot ako natulog sa kama at hindi siya mawawala sa puso't-isip ko.
Siya lang talaga...