Lumabas ako ng bahay para magtapon ng basura sa basurahan ng makarinig ako ng boses. "Pilosopo kang bata ka ah!" sambit ng boses na parang pamilyar sa akin. Nilapitan ko sila at nakita kong sinamaan niya ng tingin ang bata. Si Jong, anong ginagawa niya dito? "Hey!" saway ko sa kanya nang makita kong sinamaan niya ng tingin ang bata. "Waahhh...." sigaw ng bata at lumapit sa akin yumakap siya sa baywang ko. Hinawakan ko naman siya sa balikat niya. "Anong ginawa mo sa kanya?" tanong ko sa kanya at tinignan ko siya ng masama. "Wala akong ginawa sa kanya," sambit niya sa akin alam ko naman 'yon mahilig sa bata si Jong. Kaya natakot akong sabihin na may kami dahil, baka hindi niya matanggap kaagad. "Umuwi ka na sa inyo," sabat ko sa bata at binitawan ko na siya. "Okay po," wika ng b

