Pinuntahan ko ang anak ko sa bahay para batiin ng Merry Christmas hanggang sa New Year kinakabahang nagmamaneho ako papunta sa bahay. First time ko ito! Ramdam ko ang pamamawis ng dalawang palad ng kamay ko. Nang makarating ako hininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay. Pinindot ko ang doorbell bago ko napansin bukas ang gate at pumasok na ako sa loob ng bahay. "Dadddyyy!!" sigaw ng anak ko nang salubungin niya ako sa pintuang kahoy ng buksan niya ito. "Hey!" aniko sa anak ko at niyakap ko na lang siya. "I miss you, dad dito po ba kayo mag-Christmas?" tanong niya sa akin habang humahawak sa kamay ko. "May pupuntahan ako, anak." kaila ko na lang sa anak ko. "Pwede ka ba ngayon?" sabat niya sa amin ng anak niya. "Hindi ba nakaka-abala sa inyo?" tanong ko sa kanya at tinignan ko na

