Alam niyang hindi magtatagal ay lalabas ang babaeng iyon sa silid ni Zacheus. Hindi nga siya nagkamali't tatakas talaga ito. Sumunod siya sa babae nang tuluyan na itong lumabas ng silid. Gusto niyang malaman ang mangyayare. Gusto niyang makita ang mga susunod na gagawin nito. Napangisi pa siya ng makasalubong ito ng dalawang tulisan. Tignan natin kung kaya mo nga. Ang ngisi sa mukha niya ay unti-unting nawala nang makita niya ang inilabas ng kaliwang kamay ng babaeng iyon. 'Golden bow' Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Awang ang kanyang labing napatitig sa hawak-hawak nito. Pakiramdam niya nakulong siya sa nakaraan. Isang pangyayari na hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang isipan. Hanggang sa lamunin siya ng nakaraan, labing-siyam na ang nakakaraan. Walong taong gu

