Ang Mga Tulisan

2004 Words
"SINO KA?!" Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya nagawang makakilos sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman. Namamawais ang kanyang katawan sa panginginig ng mga kalamnam, maging ang mga tuhod. Akmang tatalikuran niya sana ang mga ito para tumakas nang mabangga siya sa taong nasa kanyang likuran. Agad nitong hinawakan ang kanyang kamay patalikod. Napadaing siya sa sakit. Pinilipit nito ang kanyang mga braso sa likuran. Kahit anong gawin niya at pilit na pagpupumiglas dito hindi niya magawang makaalis. Sadyang hindi siya makawala dahil sa sobrang higpit ng mga hawak nito sa kanya. Namimilipit siya sa sakit sa sobrang higpit nito. "Tatakbo ka pa ah!" "Bitawan mo ako!" Napakuyom ang mga kamao niya kahit pa sobrang higpit ng pagkakahawak nito. Unti unting umusbong ang galit sa kanyang katawan. Bumibilis ang kanyang paghinga. Napayuko siya. Isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi. Ramdam niya ang paglabas ng galit mula sa kanyang ikabuturan. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng isang demonyo sa kanyang kaloob-looban. Naging kulay pula ang mga mata niya pero agad na napawi ito sa isang bagay na kanyang naalala. Napatulala siya sa paglabas ng isang balintataw mula sa kanyang isipan. "Vitha! Ang gusto kong marinig ay ang pangako mo." Kumibot ang labi niya. Labag man sa kalooban niya, tumango pa rin siya. "Opo, A-ama... n-nangangako po ako." Ama.... patawarin mo po ako. Hindi ko gusto ngunit kusa itong lumalabas. Hindi siya nakapalag ng sapilitan siyang kaladkarin ng mga ito. Naramdaman niya ang pagpasok nila sa isang pintuan. Nasa Mansyon na ba kami? "Amo! May nakita kaming nagmamantyag sa atin sa labas!" Itinulak siya nito. Malakas ang kanyang pagkabagsak sa sahig. Bahagyang napadaing ng masaktan. Nang makabawi, kaagad din siyang tumayo sa pagkakasalampok sa sahig. "SINO KAYO? BAKIT KAYO NASA BAHAY NAMIN?!" Marami sila! Napapaligiran siya. Mga walanghiya sila! "Aba! Amo, matapang pala ang isang 'to." "Amo, patatahimikin na ba natin ang isang 'to?" "Wag muna, sandali lang." Naramdam niya ang paglapit ng kung sino. Siya ata ang sinasabi nilang Amo. "Ipakita mo ang mukha mo sa amin." Bahagya siyang tumawa at nanunuyang sumagot. "Hindi mo ako utusan." Mariing sabi niya. Walang pwedeng mag-utos sa kanya. Sa kanya ang sarili niya kaya wala silang karapatan na utusan siya. Gagawin niya ang gusto niya at hindi ang gusto ng iba. "IPAKITA MO SABI!" "A-yo-ko!" Napatiim-bagang siya. "Amo, matigas pala ang isang 'to, e!" "Sige kung ayaw niya... idaan niyo na sa dahas." Nataranta siya sa paglapit ng ilan sa kanya. Kinabahan siya. Gusto niyang umiyak. Pero pinipigilan niya. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan ng mga ito. Lalo niyang naramdaman ang pag-iisa. Ni walang makakatulong sa kanya. Walang tutulong sa kanya. Napakagat siya ng labi para mapigilan na makagawa ng isang hikbi. "BITAWAN NIYO AKO!" Nagpumiglas siya nang hawakan siya ng mga ito. "Matigas ka talaga, ah!" "PAGSISISIHAN NIYO ANG GINAGAWA NIYONG ITO SA AKIN!" Pumalibot sa buong paligid ang malakas na tawa nila. Kasabay no'n ang pagpilit ng mga ito na tanggalin sa kanya ang suot niyang jacket at ang hoodie nito na nakatakip sa mukha niya. Pakiramdam niya umiikot ang buong paligid. Pakiramdam niya nakakulong siya sa ibang daigdig at puro tawa ng mga taong nakapaligid sa kanya ang naririnig niya. Ngayon nag-sisisi na siya kung bakit nagpumilit siyang isuot kanina ang puting bistida niya. Malalaman ng mga ito na babae siya. Nang tuluyan na nilang matanggal ang mahabang jacket na suot niya at ang hoodie na nakatakip sa mukha, tumambad sa kanila ang itsura niya. Sumabog sa likuran niya ang itim na itim niyang buhok na hanggang sa bewang ang haba. Ang bistida niyang kulay puti na hanggang tuhod ang haba at ang balat niyang maputi. Agad siyang napayuko. Tumabon ang ilang buhok niya sa mukha. Napahikbi siya. Nanunuyo ang lalamunan Mahina lang ito pero alam niya na rinig na rinig ng mga ito ang bawat hikbi na lumalabas sa labi niya. Ang mga luha niya ay tuluyang lumandas sa pisngi pababa sa leeg niya. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya. Pakiramdam niya, lahat kalaban niya. Pakiramdam niya nilalait siya ng mga ito. Pakiramdam niya pahihirapan siya ng mga ito higit sa mga hirap na nararanasan niya sa buhay. Saglit na katahimikan ang namayani. Nabasag lang ito nang magsalita ang isang lalaki. "B-babae ka p-pala...." Napalunok siya. "K-kunin niyo na ang lahat ng gusto niyo at umalis na kayo." Tinatagan niya ang kanyang tinig. Pilit na nilalaban ang takot. Wala na siyang magawa. Kung gusto nila ang mga bagay na nandito ay kunin na lang nila at umalis ng matiwasay. Sandali pang katahimikan ang namayani hanggang sa basagin ito ng boses ng kanilang Amo. "Ipakita mo sa'min ang mukha mo." "U-ma-lis na ka-yo." Mariin na pagkakasabi niya. Hindi nila siya pinakinggan sa halip ay hinawakan ng mga ito ang magkabilaang kamay niya. "Ano ba?! Bitawan niyo ako! H'wag niyong kong hahawakan! Mga walang hiya kayo! Pakawalan niyo ako!" Nagsimula siyang magpanik. Nagpumiglas siya. Mas lalong humigpit ang hawak ng mga lalaki sa kanya. "Ipakita mo sa'min ang mukha mo!" Pag-uulit ng Amo nila. Hindi niya ito pinakinggan sa halip ay pumikit siya. Ramdam niya ang paglapit ng Amo nila sa kanya. Huminto ito sa harapan niya. Nanatili siyang nakayuko at nakapikit. Hinawakan nito ang buhok niya sa likuran at sinabunutan bago itaas ang mukha niya paharap dito. Napadaing siya sa sakit ng pagkakasabunot nito sa kanya. Nanatili siyang nakapikit. Hinawi nito ang mga buhok na tumatabon sa mukha niya. Sa puntong nasilayan na nila ang mukha niya sabay sabay silang nagsinghapan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Isang muling katahimikan ang nangyare kasabay ng pag-ihip ng isang malakas na hangin. Ni hindi niya alam kung paano nagkaroon ng malakas na hangin. Paano iyon mangyayare kung nasa loob sila ng mansyon. Parang may kung anong dumaan sa lakas ng hangin na sumaboy sa kanilang lahat. "H-hindi ako makapaniwala!" Nanatiling nakapikit ng mariin ang mga mata niya. Nagsimulang umugong ang mga bulungan nila sa paligid. Sari-saring komento ang naririnig niya. "S-sobrang ganda niya, Amo...." "P-para siyang isang Manika." "Sa tana ng buhay ko ngayon lamang ako nakakita ng isang diyosa." Hindi niya narinig ang sagot ng Amo nila. Naramdaman na lang niya na hinawakan ng mariin ang kanyang panga kaya napamulat siya. Muling sinakop ng singhapan ang buong paligid. "A-amo! A-ang mga mata niya...." Napangisi siya, "Oo, bulag ako kaya puti ang mga mata ko. Umalis na kayo bago niyo pa pagsisihan ang pagtapak sa lugar na ito." Matapang na sabi niya pero nawala ang ngisi sa labi ng marinig ang malakas na halakhak ng tinatawag na Amo ng mga ito.. "Tignan mo nga naman, oh! Sinong mag-aakala na may isang magandang babae ang nagtatago sa bundok na ito?" "A-amo! Ang mga mata niya.... b-baka may sa demonya 'yan!" "Wala akong pakialam! Akin na ang babaeng ito. Dadalhin natin siya sa ating kampo." "Amo, bawal ang babae sa atin. Baka maparusahan tayo." "Walang parusa kung hindi nila malalaman. Walang parusa kung itatago natin siya." Natakot siya sa sinabi ng nito. Hinaklit siya ng mga ito. "BITAWAN NIYO AKO!" Nagwawala siya sa mga hawak nila sa kanya. Ayaw niyang sumama sa kanila. Natatakot siya sa bagay na kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Mga walang hiya sila! "Bitawan niyo ako!" Malakas na sigaw niya. Halos pumiyok siya sa pagsigaw. "Sumama ka sa amin, ganda. Bukod sa gaganda ang buhay mo. Maiiwasan mo pang mapasakamay ng batas ng hari. Ayaw mo naman sigurong mapabilang sa mga babaeng kinukuha nila, hindi ba? Hindi mo gugustuhing makarating sa lugar na 'yon." Natigilan siya. May alam ba ang mga ito kung ano ang ginagawa nila sa mga babae? "B-bakit? A-ano ba ang ginagawa nila sa mga babae do'n? Ano ba ang lugar na iyon?" "Sek-re-to." Ramdam niya ang nakakalokong ngisi ng Amo nila kaya nagtangis ang mga bagang niya. Nagagalit siya. Gutso niyang malaman! Pero pinaglalaruan siya ng mga ito! "Walanghiya ka! Napakasama niyo!" "Tama ka, masama kami! Ano ba ang aasahan mo sa mga kagaya namin na tulisan? Hah?!" "M-mga tulisan kayo?" Nabigla siya sa sinabi nito. Alam niya ang tungkol sa mga ito. Mga dakila sila pagdating sa pagnanakaw ngunit hindi sila magawang lupigin dahil isang buong bayan ang sakop nila. Hindi natitinag ang bayan na iyon. Masyadong mapanganip sa bayan nila. "Oo ganda... at ikaw ay papakasalan ang Among kagaya ko." "Pa-ka-sa-lan mo ang sarili mo!" Napasinghap siya ng marahan nitong sinampal ang pisngi niya. Hindi siya nakakilos sa ginawa nito. Namanhid ang pisngi niya sa simpleng paglapat lang ng kamay nito doon. Bakit gano'n? Marahan ang pagsampal nito pero tila may malakas na pwersa ang katumbas nito. "Ganyan nga ganda... lumaban ka. Ganyan ang mga tipo ko sa mga babae. Ang palaban...." "Woahhh! Amo, magdidiwang na ba tayo?" "Pagdating sa ating bayan..." "BITAWAN NIYO AKO!" Kinaladkad siya ng mga ito sa kung saan. Nanlalaban siya. Pinilit na magpabigat para hindi siya madala ng mga ito. Muli siyang napahikbi. Natigilan siya ng maramdaman ang malakas na simoy ng hangin. Katunayan na nasa labas na sila ng mansyon. Pakiusap! Pakiusap! Kahit ngayon lang.... Umuga sana ang lupa ng ako'y makatakas. Pakiusap! Lupa'y umuga upang ako'y sandaling makalaya. Hindi niya alam kung paano nangyare. Tila'y pinakinggan siya ng kung sino sa dasal niya at nakaramdam sila ng lindol. Nabuwal sila sa pakakatayo. Nabitawan siya ng may hawak sa kanya. Nang huminto ang pagyanig, sinamantala niya ang pagkakataon at tumakbo palayo. Ni wala siyang pakialam kung saan man siya mapunta. Ang gusto na lamang niya ay makawala at makaalis sa lugar na ito. "Tumatakas siya!" "MGA WALA KAYONG KWENTA! HABULIN NIYO SIYA!" Mabilis siyang tumakbo at walang pakialam kung puro galos man ng mga sangang nadadaanan niya ang katawan. Napaigik siya sa sakit ng madapa siya. Mahapdi ang tuhod niya ngunit hindi na ito ininda pa. Mabilis ulit siyang tumayo. Kinapa-kapa ang mga punong naglalakihan. Nagtago siya sa isang malaking puno na may pakurbang mga sanga. May hati ito sa gitna. Pinilit niyang pagkasyahin ang sariling katawan doon upang makapagtago. "Hanapin niyo siya! Bulag siya at hindi makakalayo! H'wag na h'wag kayong babalik na hindi dala ang babaeng 'yon!" Pakiusap iligtas niyo po siya mula sa mga ito. Mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa sumama sa kanilang bayan. Paulit-ulit at piping dasal niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Hinihingal siya. Nanghihina na siya. Ni hindi niya maramdaman ang mga paa. Pakiramdam niya namamanhid ang buong katawan. Nakatakip ang dalawang kamay niya sa bibig para hindi makagawa ng ingay. Napapitlag siya at nahintatakutan ng makarinig ng mga kaluskos. Mariin siyang pumikit at pigil ang hikbing kumawala mula sa kanya. Muli niyang nahigit ang hininga nang makarinig ulit ng mga kaluskos. Lumakas ang tunog ng kaluskos kaya walang pagdadalawang isip na umalis sa punong pinagtataguan. Pero hindi pa man siya nakakalayo nang may humila sa kamay niya. Mariin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Napahinto siya at pilit na kumakawala sa taong iyon. Lalong lumakas ang hikbi niya at nauwi sa malakas na iyak. "BITAWAN MO AKO! WALANGHIYA KA! BITAWAN MO AKO!" "f**k! STOP STRUGGLING, VIRA!" Napatigil siya sa pagwawala ng marinig ang boses nito. S-siya ba talaga ito? Hindi ba siya na nanaginip? Namali lang ba siya ng pandinig? O talagang nandito ito at hindi umalis mula kanina? Napasinok siya. "K-khiros?" Unti-unting umangat ang ulo niya sa pagkakayuko. Kasabay ng pagtaas ng ulo niya ang siya ring pagbitaw ng mariin na pagkakahawak ni Khiros sa kamay niya. Ramdam niya ang pagkabigla at pagkatulos nito sa kinatatayuan. Ramdam niya ang pag-awang ng labi nito. Bakas sa mukha ang takot at ang emosyong hindi niya mapangalanan. Nangunot ang kanyang noo. Ibat-ibang emosyon ang nararamdaman niya. Takot, kaba, tuwa, kagalakan, pagkalito, at puno ng katanungan sa biglang pagsulpot nito. Pero ang lahat ng nararamdaman niya ay napalitan ng pagkabigla. Pagkabigla sa pagtawag nito sa pangalang kahit kailan ay hindi naman niya nagawang maipakilala sa mga ito. Natulos siya sa kinatatayuan. Nanginginig ang mga kalamnam niya lalo na ang mga tuhod sa pagtawag lang nito sa pangalan niya. Nagkatitigan silang dalawa. Kahit hindi siya nakakakita, ramdam niya ang pagsalubong ng mga paningin nila. "V-vitha?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD