"Para kang baliw diyan! Alam mo ba 'yon?"
Nag-angat siya ng ulo. Napahikbi at lalong umiyak nang marinig ang boses ng lalaki.
Khiros!
Hinaklit nito ang kanyang braso patayo atsaka marahas na binitawan.
"Pwede ba?! Kapag gagawa ka ng drama, h'wag dito?! Nakakasagabal ka sa mga tao. Tsk. Wala na ngang kwenta, pabigat pa!"
Naramdaman niya ang pagtalikod nito sa kanya. Yumuko siya at bahagyang tumawa.
Bakit gano'n? Dapat magalit siya sa lalaking 'to. Dapat sigaw-sigawan niya ito dahil sa masasakit na salita ang mga binibitawan nito pabalik sa kanya. Pero bakit parang kabaliktaran nito ang nararamdaman niya? Masaya siya. Totoong masaya siya dahil nandito ito at nakita siya. Nakaramdam siya ng pag-asa dahil dito.
"Ano? Wala kang balak kumilos? Tatayo ka na lang talaga diyan? O baka naman gusto mong tuluyan na kitang iwan dito?"
Umiling siya dito. Bahagya siyang napangiti habang nakayuko. Unti-unti niyang itinaas ang kanang kamay. Huminto ito sa ere bandang baba ng kanyang dibdib. Nakalahad kay Khiros ang kanyang kamay.
Ramdam niya ang pagkunot ng noo nito at pagtatakang tingin sa kanya. She just smiled at him.
"Anong gagawin ko diyan sa kamay mo?"
Napalabi siya bago patagong ngumuso. She bite her lower lip before she speak. "H-hindi ko makita ang daan. B-bulag ako hindi ba?" Mahinang sabi niya dito ng may pag-aalinlangan.
"Tsk." Pabalya nitong kinuha ang kanyang kamay at hilain para magpantay na sila habang naglalakad.
Habang naglalakad sila hindi niya maiwasang mapangiti. Ewan niya ba. Ang sarap ng kanyang pakiramdam habang naglalakad at magkahawak kamay sila sa isat-isa. Oo, hindi siya nito gusto pero nandito ito at hinayaan siyang makabalik sa kanila- sa bahay nito.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya kaya napahigpit ang hawak niya sa kamay nito. Napahinto si Khiros kaya napahinto rin siya.
"Para sabihin ko sa'yo, h'wag mong lagyan ng malisya ang ginagawa ko sa'yo. Ginagawa ko lang 'to dahil kay Bright at hindi dahil sa naaawa ako sa'yo o kung ano pa man. Hindi magbabago ang isipan ko na 'a-yo-ko sa-'yo'." mariin nitong sabi.
Tumango siya dito. Ayaw niyang magsalita. Hindi niya ito kokontrahin.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Hindi niya akalaing may makakabanggaan siya. Dahil sa pwersa at lakas ng taong nakabanggaan niya sa balikat, nabuwal siya. Ang mas hindi niya inaasahan- ang mabilis na pagkilos ni Khiros. Mabilis na nahila ni Khiros ang kamay niyang hawak nito para hindi siya matumba. Dahil sa lakas ng paghila nito bumangga siya sa matigas nitong dibdib at ipinalibot ang isang kamay sa kanyang bewang.
Napasinghap siya sa bilis ng pangyayare.
Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Bumibigat ang paghinga niya. Ang lakas ng t***k ng puso na naririnig niya.
T-t***k ba ng puso niya iyon? O t***k ng puso ni Khiros?
Napakapit ang isa niyang kamay sa damit ni Khiros at akmang aalis sa posisyon nila nang pigilan siya nito at lalong higpitan ang pagkakapulupot ng isang kamay nito sa kanyang bewang.
"Sandali!"
Napatigil siya sa paggalaw. Mas lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya. Hindi niya alam pero parang mauubusan siya ng hininga. Nasa bisig lang siya ni Khiros pero pakiramdam niya, nalulunod siya.
"K-khiros?"
"S-sandali! Ang pagtibok ng p-puso mo p-par-"
"Kuya Khiros? Ate Vira?"
Naitulak niya si Khiros nang marinig ang boses ni Bright. Mariin niyang naipikit ang mga mata.
Ano bang nangyare? Nakakapanghina! Nangangatog ang kanyang katawan lalo na ang mga tuhod.
"Anong nangyare?" Nagtatakang tanong ni Bright. "Saka bakit magkasama na kayo? At... magkayakap pa?" Alanganing tanong nito.
"Tsk. Pwede ba Bright! Bantayan mo 'yang alaga mo ng hindi tayo napapahamak? Paano kung iba ang nakakita sa kanya at tanungin siya kung saan nakatira? Paano kung bahay natin ang ituro niya? Edi tayo naman ang napahamak! Tsk. Mag-isip-isip ka naman!"
Yumuko siya at nakagat ng mariin ang kanyang labi. Hindi naman siguro gano'n 'yon. Iyon na lamang ang nasabi niya sa kanyang sarili.
"P-pasensya na kuya."
"Tsk. Your sorry won't change anything. Mauuna na ako at ikaw Bright! Umayos ka."
"S-sige kuya."
Mahabang katahimik ang namayani sa amin ni Bright. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin. Sa kanya ba? O sa papalayong bulto ni Khiros? Hindi niya maramdaman.
Mariin niyang nakagat ang labi. Nahihiya siya kay Bright. Kasalanan niya kung bakit ito napagalitan ni Khiros.
"Pasensya ka na Bright.... napagalitan ka ni Khiros dahil sa'kin."
"Ok lang 'yon Ate Vira. Hindi naman talaga galit si Kuya. Nag-aalala lang iyon sa akin...... Uwi na tayo?"
Tumango siya dito bago ngumiti. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay sa braso nito.
Lumipas ang mga minuto, nakauwi na sila sa bahay nila Bright at habang nasa daanan sila, isang pasya ang kanyang nabuo na kaagad naman niyang sinabi kay Bright.
Masyado na siyang nagiging pabigat sa mga ito.
"Pakiusap Bright.... Tulungan mo 'kong makabalik sa Mansyon namin. Hindi ko alam ang pabalik doon. Kahit hatid mo lang ako sa b****a ng gubat. Baka nandoon si Ama sa bahay."
Napakagat siya ng labi at bumuntong hininga. Ayaw nitong payagan na umuwi siya. Baka daw mapahamak siya. Pero wala naman siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kanya ay malaman kung nandoon ba ang kanyang Ama sa Mansyon o kinuha ito ng mga lalaking iyon.
"Sorry Ate.... hindi kasi ako pwedeng umalis dito. Meron akong parusa kaya hindi talaga pwede."
"P-parusa? Anong parusa?"
Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. Ni hindi niya naintindihan ang parusa na sinasabi nito.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo Ate Vira. Mapapahamak ka..."
Anong parusa 'yon? At bakit mapapahamak siya?
"Eh kung si Kuya Khiros na lang kaya?"
Napalabi siya. Bahagyang pinalobo ang pisngi bago mahinang ibinuga.
"Papayag kaya siya?"
Malaki ang galit no'n sa kanya kaya baka hindi pumayag. At isa pa, ang sungit sungit ni Khiros- sobra!
"Pipilitin natin." Hinawakan ni Bright ang kanyang kamay at hinila palabas ng silid. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Basta namalayan na lang niya nasa tapat na sila ni Khiros.
"Anong kailangan niyo?" Ramdam niya ang kadiliman ng mukha nito dahil sa riin ng pagtatanong.
"Kuya baka pwede mong samahan si Ate Vira makabalik sa mansyon nila. Sa tuktok ng bundok dito sa Occidens."
Mahinang tanong ni Bright. Humigpit ang hawak nito sa kanya. Ramdam niya ang kaba nito. Maski naman siya ay sobra ang kaba. Nakakainis lang! Nakakatakot si Khiros!
"A-yo-ko!"
Dumagundong na sigaw nito. Napakapit siya sa damit ni Bright.
"Pakiusap tulungan mo na ko... kahit sa b****a lang ng gubat."
Gusto niya pa rin subukan na magmakaawa kay Khiros kahit na ayaw nito sa kanya.
"Bakit ba ako ang ginugulo mo? hah?!"
Kumibot ang kanyang labi. "Pakiusap?" Nakangiwi niyang pagmamakaawa. Pangako kapag naihatid mo na ako doon hindi mo na ako makikita pa. Ito na ang huli na makikita niyo ako. Hindi ko na kayo guguluhin. Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ang mawala ako? Nakikiusap ako sa'yo, Khiros...."
"Ate Vira, don't say that."
Don't say that?
Eh? Hindi niya man maintindihan ang sinabi ni Bright, hindi na lang siya nagsalita. Nagmumukha kasi siyang mangmang sa lengwaheng 'yon.
"Tsk. Fine! Maghanda ka na aalis na tayo. Ngayon, at hindi bukas, wala akong oras para sa'yo."
Nanlaki ang kanyang mata. Hindi niya akalain na papayag ito. Pero... may parte sa kanya ang nalulungkot. Pakiramdam kasi niya pumayag ito dahil ayaw talaga nitong nandito sa bahay nila. Ayaw nitong nakikita siya. Hindi talaga siya gusto ni Khiros.
"Salamat!"
Ngumiti siya ng mapait dito. Hindi niya alam kung nakita nito ang kanyang pagngiti dahil lagi namang nakatakip ang mukha niya ng hoodie.
Humarap siya kay Bright. "Maraming salamat sa'yo Bright. Salamat sa pagtulong mo. Salamat dahil naging mabait ka sa'kin."
"Wala 'yon Ate Vira. Mag-iingat ka. Saka kapag may oras ka bumalik ka dito sa 'min ah?"
"Tsk. Balik daw. Nunkang papayag pa ulit ako."
Napangiti siya nang marinig ang boses ni Khiros. Mahina lang iyon pero dinig na dinig niya.
Alam ko....
"Paalam na Bright." Niyakap niya si Bright bago humarap sa kinaroroonan ni Khiros at naglahad ng kamay.
"Tsk."
Marahas na kinuha ni Khiros ang kanyang kamay at hinila palabas ng bahay.
Hindi niya alam kung ilang oras silang naglakad. Basta namalayan na lang niya, nasa b****a na sila ng gubat nang bitawan nito ang kanyang kamay.
"Ayan, ok na? Nandito na tayo. Siguro naman ito na ang huli? Hindi ba?"
Napalunok siya at napalabi. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Pakiramdam niya may kung anong nagbara dito. Nangilid ang mga luha niya. Yumuko siya at tumango dito.
Ang totoo niyan... hindi niya alam ang pasikot sikot dito sa gubat. Pero bahala na! Siguro naman ay makakarating siya sa bahay nila.
"S-sige Khiros.... s-salamat."
Nang hindi ito nagsalita, pinili na lang niyang talikuram ito. Nagsimula siyang maglakad.
Sa ilang minuto na paglalakad niya, pakiramdam niya ay paikot ikot lamang siya. Napapagod na siya pero nagpatuloy pa rin sa paglakad. Nang hindi niya na talaga makayanan ang pagod, umupo na lang muna siya sa isang tabi. Pinagpagan niya muna ang mga kamay na nadumihan bago umupo.
Ama... sana ay nandiyan ka lang sa Mansyon.
"Sigurado ka ba na wala pa ring tao dito?"
"Oo, grabe tiba tiba talaga tayo dito."
"Dalian natin para makarami tayo ng mahakot."
Napatayo siya nang makarinig ng mga boses. sinundan niya ang mga tinig na iyon. Unti-unting bumibilis ang mga lakad niya habang sinusundan ang mga boses na naririnig.
"Nasa labas na si boss."
"'Yon, oh!"
Anong ginagawa nila? Ang dami nila!
Hindi niya alam kung nasa Mansyon na siya. Napahinto na lang siya nang may sumigaw- mula sa kanyang likuran!
"SINO KA?!"
Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Daig niya pa ang biktima ng bampira sa mutla ng kanyang mukha.