Boses ng pag-asa

1196 Words
"Kailangan ko ba talaga itong isuot?" "Opo, ate." Tumango si Bright sa kanya. Nakasuot siya ngayon ng mahabang pants at t-shirt tapos pinatungan ng maluwag na jacket- hanggang tuhod ang haba nito. May hoodie din ito na maluwag sa ulo niya. Bale natatakpan nito ang kalahati ng ilong niya. Ok lang naman iyon sa kanya dahil hindi naman siya nakakakita. Hindi niya na kailangan itaas pa ito. Kailangan niya daw itong isuot dahil hindi pwedeng malaman ng kahit sino na isa siyang babae. "Halika na ate." Muli siyang tumango dito bago sabay silang lumabas ng silid. "W-wala ba ang kuya mo dito?" utal na tanong niya. kinakabahan siya sa kaalamanang nandito ang masungit na kuya nito. "Why are you looking for me?" Natulos siya sa kinatatayuan. Kumabog ng malakas ang puso niya sa baritong boses nito. May autoridad sa pagsasalita nito. Paulit-ulit siyang lumunok bago humarap sa kung saan ang tinig na narinig niya. Napayuko siya. "Huh?" Tanging nasabi niya na lamang dahil hindi naman niya maintindihan ang mga sinabi nito. "P-pwede bang ulitin mo ang sinabi mo? H-hindi ko kasi maintindihan ang lenggwahe mo." "Umalis ka na rito sa bahay namin." Mariin na pagkakasabi nito. Sa halip na sagutin ang tanong niya iba ang isinagot nito. Matapang niyang hinarap ito. Lalong bumaba ang hoodie na suot niya. Umabot ang pagkakababa nito hanggang sa bibig kaya malamang ay bibig at baba lamang ang makikita nito sa kanya. "Aalis ako dito kapag tinulungan mo ako." Kung si bright ay maraming alam nakatitiyak siya na mas marami ang alam ng kuya nito. Ramdam niya ang pagngisi nito. Nabalisa ang pag-iisip niya at nakaramdam ng matinding kaba ng lumapit ito sa kanya. Bumibilis ang paghinga niya sa ginagawa nito. Bahagya siyang umantras nang maramdaman niya ang hininga nito dahil sa Ipinagtapat nito ang mga mukha nila. "Nababaliw ka na ba? Bakit kita tutulungan? Sino ka ba sa inaakala mo? Babae ka lang at wala akong pakialam sa'yo." Napakuyom siya ng mga kamao. Tutulungan siya nito sa ayaw at sa gusto man nito! "Kuya tul-" "TUMAHIMIK KA BRIGHT! Hindi ko gusto ang pagtulong mo sa babaeng 'to." Napakagat siya ng labi bago magsalita. "Pakiusap gagawin ko ang lahat tulungan mo lang akong malaman kung nasaan ang Ama ko...." "Gagawin ang lahat? Hah! Nagpapatawa ka ba? Bukod sa babae ka, bulag ka pa! Anong silbi mo? Wala!" Kumibot ang labi niya sa nagbabadyang pag-iyak. Bulag man siya pero may pakiramdam naman siya. Malakas ang pandinig niya. May kapangyarihan siya pero hindi nila pwedeng malaman. Ano bang nangyayare sa'kin? Bakit sa lahat ng nagsabi niyan sa akin- sa kanya ako mas nasasaktan? Alam ko naman 'yon pero bakit gano'n? Imbis na galit ang maramdaman ko, kalungkutan ang mas nananaig sa akin? "Hindi ka makapagsalita di ba? Kasi totoo. You can't do anything aside from being a burden to anyone!" Tumulo ang mga luha niya. Sinadya nitong banggaan ang balikat niya nang dumaan ito sa kanya. Narinig niya pa ang paghinto nito ng ilang hakbang mula sa kanyang likuran. "Oo nga pala.... hindi mo naiintindihan ang mga sinabi ko. Pasalamat ka na lang at hindi, bakit? dahil baka sobra pa ang sakit na maramdaman mo." Mali siya! Hindi niya man alam kung paano magsalita ng ganoong lenggwahe pero nararamdaman at naiintindihan niya. Hindi siya pabigat! Hindi ba? "H-hindi ako susuko sa'yo." "Oh? Tignan natin." PARA NGA talagang maganda na sumama na lang kay Bright. Iyon ang nasa isipan niya. "Ate, sure ka ba talaga na sasama ka sa 'kin sa sentrong bayan?" "Oo, p-pwede naman siguro di ba? Promise hindi ako magiging pabigat sa'yo." bumuntong-hininga ito. "Sige, halika na." Hinawakan siya nito para alalayan. Hindi niya man ito nakikita pero ramdam niya na mas matangkad ito sa kanya. Bata pa pero malaking bulas na. Napanguso siya dahil sadyang maliit lang talaga siya. Naiinggit ba ako? Nah! Nakarating sila sa sentrong bayan bago magtanghale. Todo ang kapit niya kay Bright dahil baka mawala siya. May parteng siksikan. May parteng maluwag. Kaya minsan kapag siksikan may nakakabanggaan siya. Todo yuko din ang ginagawa niya dahil hindi pwedeng malaman na isa siyang babae. "Ate pwede ba kitang iwanan muna dito saglit?" "B-bakit?" Iiwan niya ako? Baka hindi na siya bumalik. Ayoko! Humigpit ang kapit niya sa braso nito. Hinawakan nito ang kamay niya sa braso nito bago unti-unting tanggalin. "Babalik din agad ako ate. Basta kahit anong mangyare h'wag kang aalis, ok?" Hindi man sang-ayon pero pumayag na lang siya. Wala pa man na isang araw niyang nakilala si Bright pero alam niyang mapagkakatiwalaan ito. Nararamdaman niya. Nakatayo siya sa isang gilid habang nakayuko. Panay rin ang paglingon niya sa kaliwat kanan kahit na wala naman siyang nakikita. "M-mister!" Naestatwa siya ng maramdaman ang paghawak ng isang maliit na kamay sa kanyang kamay. Batang babae! Boses ng batang babae! Napalunok muna siya sa nanunuyo lalamunan. Tumikhim at nagpanggap na panglalaki ang boses niya. "Ano 'yon?" "Pwede bang pasuyo?" "Anong ipapasuyo mo?" "Tulungan mo akong hanapin ang pera kong gumulong doon!" "T-teka sand-" Hindi niya nagawang makapagprotesta nang biglaan siya nitong hilain sa kung saan. "Dito siya nawala!" "S-sandali h-hindi kita matutulungan, b-bulag kasi ako." Saglit na natigilan ang bata bago pabalang na hinablot ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Wala ka naman palang kwenta, e! Nag-aksaya pa ako ng panahon sa'yo. Diyan ka na nga!" Napakagat siya ng labi. Tuluyang nanuyo ang lalamunan niya. Ramdam niya ang mabilis nitong pagtakbo papalayo sa kanya. Hindi siya kaagad nakakilos sa kinatatayuan. Sa puntong ito alam niya na, walang makakatulong sa kanya sa pagbalik kung saan ang kinalalagyan niya kanina. Hindi niya alam ang tawag sa lugar na 'yon. Pinunasan niya ang mga luhang tumulo mula sa mga mata. "Wala ka naman palang kwenta! Nag-aksaya pa ako ng panahon sa'yo. Diyan ka na nga!" "Hindi ka makapagsalita di ba? Kasi totoo. You can't do anything aside from being a burden to anyone." Bahagya siyang napatawa bago kumawala sa labi niya ang isang hikbi. Tama sila. Pabigat nga ako. Pabigat ako sa kanila. Kahit kay Ama pabigat din ako. Wala akong kwenta. Wala akong silbi. Ano pa ang rason sa pagbuhay sa akin kung wala naman akong silbi? Magiging daan lang ako ng pagbagsak ng iba. Wala sa sariling naglakad siya papunta sa kung saan. Nakatulala siya. Walang pakialam kung ilang beses siyang nababangga sa balikat or kahit saan pa man ng mga nakakasalubong niya. Bakit gano'n? Kailangan pa bang mabuhay ako sa ganitong buhay? Bakit kailangang maghirap pa ako ng ganito? Hindi ko na alam, ayoko na. Kung pwede lang... kung pwede lang pumili ng buhay na gusto natin... magiging maganda kaya ang buhay ko? Hindi ba ako mabubulag? Magiging masaya ba ako? Napasalampok siya sa semento nang may bumangga sa kanya na malaking tao. "NAPAKALAMPA MO!" Ramdam niya ang hapdi sa mga kamay niyang naitukod. Siguro nga napakasama niya sa dating buhay kaya nagdurusa siya ng ganito ngayon. Napahagulgol siya ng iyak. Walang pakialam kahit na pinagtitinginan siya. Ang gusto niya lamang ay maibuhos ang sakit na nararamdaman. "Para kang baliw diyan! Alam mo ba 'yon?" Nag-angat siya ng ulo. Napahikbi at lalong napaiyak nang marinig ang boses nito. Ang boses ng taong hindi niya aakalaing maririnig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD