Zion's POV Naramdaman ko ang paglundo ng kama kaya batid kong tumabi na sa akin si Aubrey sa pagkakahiga. Palihim akong napangiti dahil sa wakas ay makakatabi kong muli ang aking asawa. Naramdaman ko ang tila ba unan na inilalagay niya sa pagitan namin kaya lihim akong natatawa sa kaniyang ginagawa. Nakita at natikman ko na naman yung bagay na pinoprotektahan niya, siya pa nga ang may gustong gawin namin ulit yon, tapos ngayon may nalalaman pa syang paglagay-lagay ng unan sa pagitan namin. Hindi nagtagal ay tila ba mahimbing na itong natutulog kaya isa-isa kong inalis ang mga unang inilagay nya sa pagitan namin at pagkatapos ay dahan-dahan kong inilagay ang kaniyang ulo upang ipatong sa aking braso. Bigla siyang tumagilid papaharap sa akin kaya para akong itinulos sa pagkakahiga ko haban

