Aubrey's POV Humanda talaga sa akin mamaya yang Zion na yan. Baka akala nya ay basta-basta ko na lamang na hahayaang gawin nya sa akin ang mga yon. Gagantihan ko talaga siya mamaya bwisit sya. Nakakainis, wala siyang ginawa kung hindi asarin ako ng asarin. Ito ba ang way ng panunuyo niya? Ang sarap nyang sipain sa ano. Tahimik lamang kaming kumakain ng hapunan at maging ako ay hindi na rin nagsalita pa. Nararamdaman ko ang pagtitig sa akin ni Zion ngunit nagpapanggap na lamang ako na hindi ko ito napapansin at patuloy lamang ako sa pagkain ko. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay hindi pa muna umalis si Zion kaya naiinis ako dahil wala siyang ginawa kung hindi ang magpa cute lang sa akin. "Upo ka dito sa tabi ko baby ko." Ani nya na inirapan ko naman. "Eh di umupo kang mag-isa diyan. P

