Zion's POV Isang linggo na rin ang lumipas mula ng umuwi si Aubrey sa kaniyang mga magulang. Ngayon nga ay papunta ako sa kanila dahil katatapos ko lang sa opisina. Kinailangan ko kasing dumalo sa mga importanteng meeting kanina dahil busy din si Zoran. Hindi ko nga alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng kapatid kong yon at lagi na lang umaalis. Naging palagiti na ulit ako, maging sa loob ng aking building ay napapansin ng mga empleyado kooa nagiging palangiti na ako. Hindi ko na lang nga pinapansin ang mga panunukso nila, maging mga magulang ko ay masaya dahil nakikita na daw nila ulit ang dating Zion na masayahin at laging hindi nauubusan ng kwento. Nagbago ako nuon mula ng iniwan ako ni Aubrey, mga ngiti sa aking labi ay tila ba naglaho, mga nakagawian ko ay kinalimutan ko at binalo

