APRIL POV. Tulala parin ako hanggang ngayon. Wala na si Knight..at naiwan siya ngayon doon sa may kakahuyan mag-isa. Napaluha ulit ako at naninikip ang aking dibdib. "Ma'am, may mga sasakyan po malapit sa atin. Hindi po tayo makakalabas." Napatingin naman ako sa harapan namin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kotse ni Juctril sa hindi kalayuan. "f**k! Hindi maaari." Rinig kong sabi ni Jessica. "Humanap kayo ng ibang daan!" Sigaw ni Jessica. "Ma'am, wala na pong ibang daan." "Tangina." Napasulyap sa akin si Jessica. "Lumapit kayo sa kanila at bumababa tayo." Sabi ni Jessica at may tinawagan sa Cellphone nito. Kinabahan naman ako sa mga pwedeng mangyari pagbaba namin. Sana walang mangyari na masama. Tumigil ang kotseng sinasakyan namin ng makalapit kami sa kotse nila Juctr

