Tatlong taon na ang nakalipas, naging maayos ang buhay namin ni Juctril. Tinuloy na din niya ang pagbitaw niya sa kompanya. Tinupad niya ang sinabi niyang mag fofocus muna siya sa amin. May baby girl na din kami sa pamilya, si baby Amara Ryleigh Real. Buti nalang may namana ang baby girl namin sa akin. Pero mas maraming nakuha si Lily sa tatay niyang si Juctril. 3rd death anniversary din pala nila Knight at Sam kahapon kaya pumunta kami ng buong pamilya sa cementeryo. Si Ethan at Zack naman ay mga big boy na ngayon. Ang bilis nilang tumangkad at mag mature. Paano pa kaya pag nagbinata na ang dalawang 'to? Siguradong maraming maghahabol na mga babae sa mga anak ko. Natutuwa din ako kasi tinuturing na akong mommy ni Zack. Hindi na din siya katulad dati. Dinala namin siya noon ni Juctril

