UNWANTED 30 - HIS POV. MARC JUCTRIL'S POV. "Juctril, Maawa ka naman sa akin. Kausapin mo ako please!" Galit ko siyang nilingon at hinawakan ng mahigpit ang braso niya. "Hindi mo ba talaga ako titigilan, Jessica? I said, I don't want to see your face ever again! Get lost!" Nagsimula siyang umiyak. "No! H-hindi ako aalis! H-hindi pwede! Akin kalang!" Bahagya ko siyang tinulak. "Tama na Jessica. 'Wag mo na akong lokohin at paikotin ulit! Sawang sawa na ako, utang na loob! Wala ka na ngang kwentang ina kasi pinatay mo ang sarili mong anak! Sa tingin mo mapapatawad pa kita jan?" Isang buwan na ang nakakaraan ng malaman ko ang katotohanan. Niloko ako ni Jessica. I'm so mad at her. Niloko niyang may sakit siya at dun ako nagalit sa kanya. Nangako ako noon sa kanya na aalagaan ko siya at

