APRIL POV. "Hindi totoo ang sinabi ng doctor na tumingin sa iyo noon, misis. Pwede ka pang mag kaanak ayt ito na nga, you're 4 weeks pregnant misis, congrats!" "P-pero doc, bakit ganun?" "Ang doctor lang na tumingin sa iyo noon ang makakasagot sa tanong mo misis." Napailing ako at hindi mapigilang mapaiyak. Bakit? Bakit sinabi nung tumingin sa akin noon na hindi na ulit ako magkakaanak? "April?" Pinunasan ko ang luha ko. Nakita ko si Knight, nginitian ko naman ito. "Knight, ikaw pala.." Umupo siya sa tabi ko. "Matulog kana. Hindi yan makakabuti sa inyo ng anak mo." Napayuko ako at bumuntong hininga. "Hindi ko alam..p-pero bakit parang pinaglalaruan ata talaga kami ng tadhana. Buntis ako, oo masaya ako kasi akala ko talaga hindi na ako magkakaanak pa. Pero paano na ang anak ko?

