APRIL POV. Maaga akong sinundo ni Knight sa bahay namin. Alas 3 ng madaling araw nasa labas na siya ng bahay. Gusto ko kasing umalis ng hindi nila nalalaman. Ayoko na ng gulo. Gusto ko tahimik ang pag alis ko. Bandang 2pm nakarating na din kami sa probinsya nila Knight dito sa Mindanao. Tumigil ang sinasakyan naming taxi sa isang simpleng bahay. Hindi siya kalakihan at hindi din siya maliit. "Salamat po manong!" Pasalamat ni Knight sa taxi driver. Napatingin si Knight sa bahay at napabuntong hininga. "Nakauwi na din ako, sa wakas." Sabi niya habang nakangiti. Ngumiti ako. "Nasaan nga pala tayo?" Napatingin siya sa akin. "Nandito tayo sa baranggay ng Pantukan. Probinsya ng Davao de Oro, kaya hindi ka masusundan dito ng asawa mo kasi masyadong malayo." "Knight, anak!" Napatingin

