He and Him

3841 Words
•Celine's PoV• I have done eating breakfast with my handsome cousin,kaya tumayo nako at inilagay ang platong pinagkainan sa sink ng mag salita naman si mama na ikinatingin ko agad. "Aalis muna ko at mawawala ng ilang araw si Kuya nyo muna bahalang mag babantay sa inyo ha." malambing ang tonong sambit nya. "Aalis ulit kayo?" tanong ni Bry. Hindi pa ba sya sanay lagi naman umaalis yang si mama. "Aasikasuhin ko lang yung lupa na binili ng lola nyo sa batangas may balak kasi syang patuyaan iyon ng Hotel daw." pagpapaliwanag ni Mama tinignan ko naman si Bry at ngumisi ako sa kanya. "Kunyari pa isa dyan tuwa nayan kase makakaalis ng gabi tapos bangga bangga again his kotse tsk haha." natatawang sabat ko kaya pinandilatan nya ako ng mata, Totoo naman eh gaganyan pa sya! habang si mama naman natatawa lang samin. Nagulat pa ko ng bigla syang lumapit sakin sabay bulong ng."Cous walang laglagan." Sakto rin ang pagdating ni Kuya Liam na magulo ang buhok na mukhang inaantok pa dahil yung isang mata nakapikit pa, eh gabi -- I mean madaling araw na kase sya umuuwi. Sana all diba ewan ko ba at kinukunsinti pa yan! "Ang aga natin kuya." pangaasar ni Bry kay kuya pero ngumiti lang ito at tumabi kay mama. "Pumasok na nga kayong dalawa baka malate kayo." pagsusungit nya habang nagsasalin ng tubig sa baso. Nahiya naman ako sa kanya na bagong gising lang at hindi pa naliligo ewww. Kinuha ko naman ang bag ko at hinalikan sa pisngi si Mama habang nagmamadali akong lumabas at sumakay sa van na magdadala sa amin sa Campus,Nakasunod lang si Bry na gumagamit lang ng cell phone habang nakangiti sa kung sino ang kausap o text nya. May binobola nanaman sya paniyak. Hanggang sa pagdating namin sa school nag cecellphone parin sya kaya nakataas ang kilay kong nakatingin sa pero di ako napapansin. Busy much huh? May naiisip naman akong kalokohan kaya hinanda ko muna ang sarili ko lumapit lapit sa kanya ng konti saktong pagbukas nya ng pinto ng sasakyan agad kong sinipa palabas na naging sanhi ng pagtatawanan ng mga nakakitang studyante sa pag lagapak nya sa sahig. Naks nakahuli na ata ng palaka. Habang ako rin ay tumatawa hawak hawak ang tyan sinamaan nya naman ako ng tingin. "Siraulo ka talaga!" sigaw nya pa habang dahan dahan tumatayo. "Inborn insan bye."sabay takbo. Takbo Celine! takbo hahaha pag nahuli ako paniyak na malalagot. Mabilis naman akong nakarating sa room ko na hingal na hingal as in malalagutan na ko ng hininga dahil sa sobrang haba ng hallway grabe. "Celine!" bigla akong nawindang sa sigaw nya. Omg! Ayan na si Kingkong este si insan! na nakangisi pa sakin. Mabilis akong nagtago on one of my classmate back halos yakapain kona nga eh but hasn't really mattered to me, especially when I saw Bry smiling evilly. "Cous,diko alam na..." huminto sya at tinignan nya muna mula ulo hanggang paa yung hinawakan ko. "Type mo na pala si Daryl." Daryl? Huh?---Da-d--daryl? pinagsasabi neto. Dahan dahan naman akong tumingin sa hawak kong braso para kumpirmahin at agad na napabitaw s**t again! Bakit sya pa nahawakan ko ang akward mode. Pano ba naman kasi ko hindi maiistress este mabibigla eh yung nahawakan ko ay si Daryl Cylde Licauco ex friend ko oo ata. 6'1 ang height ng lalaking to tangkad sana all , white skin and brown eyes samahan mo na ang bagay na bagay yung uniform namin sa Abm kahit na mukha pa rin syang badboy dahil sa cap nya sana all. Pero hindi ko sya gusto isa syang playboy or pwede din fuckboy pero teka bakit ko sya pinagmamasdan? "Sorry." paumanhin ko agad at tumingin sa ibang direksyon para kunyare chill lang. "So you want me now huh?" mapang asar na tono nito kaya napabaling naman ako sa kanya at nakita ang malawak na pagngisi nya na nakapagpatigil sakin. "Anong pinagsasabi mo?" iritadong tanong ko dito na sabay iwas ulit ng tingin naginit bigla yung pisnge ko ano bang nangyayari sakin. "Parang kanina lang yakap yakap mo pa braso ko BABE." umakbay pa sya sakin na ikinapako ko sa aking kinatatayuan. A-ano bang-- "Hoy! Licauco ibaba mo lang yang kamay mo, baka putulin ko yan." saway ni Bry. Aba may konsensya pala tong pinsan ko makapa ng baka nilalagnat. "Why Bry, bagay naman kami ng pinsan mo diba?" pagkukumpirma pa ng katabi ko. Kapal ng mukha nagtanong pa talaga sya eh alam nya namang tao kami. Bumuntong hininga naman si Bry at tumingin ng deretso sa kanya."Oo sabihin nating bagay kayo." Duh tao nga kami. "But your not suit being a man to my cousin, you know what i mean so change yourself first Bro." makahulugan sambit nya pa at iniwan akong nakatitig na papalabas na sya. Anong you know what I mean, you know what I mean ha?. Tsaka hindi na mag babago to noh! Babaerong malandi parin ng taon pero himalang pinapansin ako nito. At hindi parin nya inalis ang pag kaka akbay sakin kaya siniko ko sya agad syang napahawak sa tagiliran saktong dumating naman ang Prof namin kaya hindi sya naka angal sa ginawa ko naupo naman ako sa sariling upuan pero hindi sya papatalo tumabi pa sakin at pa ngiti ngiti habang nag kaklase. "Umurong kanga dun!" mahina ngunit bakas ang tonong inis ko dahil yung kamay nya umuurong sa harap ko. "Ayoko nga." bulong nya at nginingitian nanaman ako Nang iinis ba talaga sya?. "Dimo aalisin yan o kukutusan kita." banta ko. "Kutusan mo na game." sabi nya at yumuko kaya napahilamos ako ng mukha. Bwisit! "Nang gigigil nako sayo!" napalakas atang sabi ko at hinapas sya ng notebook ko. "Miss De Nile and Mr Licauco? may problema ba dyan?" agad naman kaming napatingin sa prof at sabay na umiling bumalik naman ulit sya sa pag didiscuss habang si Daryl natawa lang kaya napatingin nanaman samin. "Licuaco anong nakakatawa?" "Si Celine p--" "Anong ako!" angal ko "You two come here" ma awtoridad nyang utos kaya agad akong tumayo at lumapit maliban sa lokong pabebe o sabihin na nating nag momodel pa kaya nakita ko yung prof namin na nakataas ang kilay sa kanya habang papalapit "Here." bigla nyang inabot ang isang ruler samin kaya nag tataka akong nakatingin dito "Kagatin nyo pareho at bumalik sa kinauupuan ng manahimik kayo." "P-po?" "Go." "Bakit ruler pa pwede namang labi nya." bulong ng demonyo What the!---sarap busalan ng bibig "Pwede ba tumahimik ka." "Why not diba." "Gawin nyo na ang inuutos ko!" inis na sabi ng prof namin kaya masama parin akong nakatingin sa abnormal napatingin naman ako sa prof namin na sumenyas na gawin na namin huminga ako ng malalim pampaalis inis bago ilagay sa bibig ko yung ruler tinignan ko naman ang katabi ko na ginawa nadin at ang malupet sa kanya nakalapit pa ang pisngi sakin kaya kinutusan ko. "Umayos ka!" "Okay babe." Kaasar! Mabuti mabilis lang natapos ang tatlong subject dahil diko kinaya yung kanina na pag ka stress hindi dahil sa subject kundi sa seatmate na takas mental at saktong breaktime naman na kaya lumayo layo ako sa bwisit na walangyang at tinext si Bry na sunduin agad ako sa room para sabay kami mag breaktime nasa second floor lang naman ang room ng loko kaya agad naman syang nakarating para sunduin ako dali dali nakong tumayo sabay lapit sa kanya nararamdaman ko kase ang presensya ni Abnormal na bumubuntot sakin. Ayaw nya kong tigilan! Habang nag lalakad kami sa hallway pinagtitilian naman itong katabi ko ng mga nakakasalubong namin na mga babae, bida bida ,chismosa at feelingera ,Grabe ikaw na Insan! nakasalubong din namin yung apat na kaibigan nya 'namin si Jade na sya lang nagiisang babae sa kanila na pag pinatabi mo dito sa boys eh aakalain mong anong palabas yun? Meteor garden wow si Shan chai ikaw bayan haha, Si Max na tahimik always naka headset mga 1 stanza wala panga ata minsan kung mag salita,Si Macky na walang filter ang bibig na tipong ako na sasalaksak at si Kenzo naman na maangas na naglalakad habang pinagtitilian din ng babae ibang klase. Sabi nga nila 'When you stop looking for perfect bodies you'll find beautiful hearts' ganern. "Kasama mo pala si Miss beautiful. " bungad agad ni Macky at ngumiti sakin. Aga aga nang uuto. "Maganda ba yan eh mukhang ungg---" di nya na natuloy ang sasabihin ng pingutin ko ang tenga nya kaya agad naman syang napaaray Saan ba may bentahan ng pinsan ibenta kona to, Natawa naman sila jade maliban sa isa na laging seryoso pero g*go sabi nila, gwapo sabi nila, masama ugali sabi nila, kinatatakutan din dito sa buong campus sabi nila--Wait talaga ba?, maraming babae ang nag kakandarapa at habol ng habol sa kanya tsk basketball player kase pero nabibigo lang sila dahil ipapahiya ka talaga nyan harap harapan o sabihin na nating sa sobrang honest nya sakit na mag salita. "Celine wag mo namang titigan si Kenzo natutunaw na eh." pangaasar ni Macky na sinundan ng ayieee ng mga kupal napatingin naman ako kay Bry na tahimik at napasulyap kay Kenzo. LQ parin sila? Este hindi nag papansinan . "Ewan ko sa inyo,Tara na nga." sambit ko nalang at nauna nakong maglakad papuntang cafeteria. "Celine akin ka nalang im here Babe!" Saan diko ma see. "Celine kahit si Jade na bestfriend mo nalang sakin!" Paalam ka sa mga kasama namin. "Celine ilakad mo naman ako sa pinsan mo!" Aba may paa ka ikaw nalang. "Celine kahit kay Max mo nalang ako ireto!" Wag na wala pakong sinasabi reject kana. "Akin nalang si Macky baby!" Go ahead. "Si Kenzo naman yung sakin ang gwapo kase nya!" Diko matanaw. Ayan yung mga sigawan ng iba na nakakarindi na sa tenga guys kalma kami lang to tinignan ko naman yung mga tinitilian nila na nakasunod lang sakin kumakaway pa si Max while Macky and my Cousin na may pa flying kiss pa parang mga tanga, si Jade tahimik lang din na naglalakad at Kenzo naman na seryosong nakatingin lang sakin s-sakin? kaya naiilang akong binalik ang tingin sa dadaanan at nag mamadaling maglakad. Problema nun? may dumi ba ko sa mukha? Makuha nga ang aking salamin. "Mababasag na yang salamin baks" sabi ni Jade nakanguso akong napabaling sa kanya at nilapag ang maliit na hawak kong salamin. Kami lang ni Jade ang babaeng kasama nila ngayon at as usual ibat ibang tingin at bulungan nanaman ang naririnig ko sa paligid . Kinaiinggitan talaga yung mga ganitong mukha. Sorry girls akin lang to. "Siguro isa sa kaibigan ng pinsan nya yung boyfriend nya dyan." mahinang sabi nung babaeng malapit lapit samin. Buti pa sila alam na may boyfriend ako samantalang ako nakafocus sa pagkain lang sapat na. "Hindi noh balita ko nilalandi nya lahat ng kaibigan ni Bryan." dagdag nung katabi naman neto. Landi agad? Hindi ba pwedeng friendly lang. "True ka dyan inaagaw nya si Kenzo sakin." gatong pa nung isa pang kasama nila Wow ano daw Kenzo? Never! "Don't mind them Celine? bulong sakin ni Bry napabuntong hininga na lang muna ko bago tumango. "Sanay nako." walang ganang na lang na tugon ko. Sa araw araw ba naman kulang nalang ipa news na nila. "Inggit lang sila sayo kase mga gwapo mga kasama mo," dagdag ni Macky na nag pogi sign pa. Ang hangin mo bro! "Yeah Macky is right, wag mo na lang pansinin." ani ni Max at binigyan ako ng isang tipid na ngiti habang hinihiwa nya ng maninipis ang karne na kinakain ni Jade. Sweet. May boses yata si Max ngayon himala. "Oo nga sikat pa tayo sa buong campus." sabat ulit ni Macky. And i really hate that gusto ko yung simple lang.. "Tapos naiingit sila sayo kase maganda daw tayo." pang uuto ni Jade na siniko pa ang tagiliran ni Kenzo kaya masama itong tumingin sa kanya bago tumingin din sakin. Problema? "No, She's not beautiful." kaswal na anito dahilan kung bakit inirapan ko sya nagtinginan naman sa kanya yung apat. Ikaw na nga gwapo, ikaw na feeling great, napaka sama talaga ng ugali. Attitude! And Timothy Kenzo Del Vega nga pala o Kenzo attitude nalang isa sya sa school varsity player. Crush ko 'Dati' pero hindi na ngayon naturn off ako kasi ang attitude nya bukod dun para syang galing sa kulungan ngayon dahil sa hair cut nyang army cut. Kung papansinin ay para syang taga ibang bansa kahit tan skin sya, pero may lahi daw talaga to ewan ko lang kung ano di naman ako chismosa kaya paalala wag sakin magtanong. "Edi wow." bulong ko. "Edi wow crush dapat." sabi ni Jade kaya sinamaan ko sya ng tingin pag to ginantihan ko ng pag aasar depress to. "Sana all crush" epal ni Macky kaya inirapan ko Tinext ko nalang si Shanne na mag kita kami "May pupuntahan lang ako ah." paalam ko at tumayo agad para umalis. Pero bago pako makalabas may mga babaeng nag chichismisan sa aking daraanan. "Ayan nanaman pala ang malanding Celine." agad akong lumingon sa kanya at napataas naman ang kilay ko ng makita kung sino ang nagsabi nuon sakin. "Feeling maganda pa." sabat nung kasama nya kaya inirapan ko nalang. Wag kayong sumabay badtrip ako ngayon please lang. At nag patuloy sana paglalakad palabas ng cafeteria ayokong pumatol sa walang mga utak pero nagulat ako ng biglang hawakan nung isang babae ang aking braso. "Teka lang may sasabihin pa ko." mataray na sambit nito at hinigpitan ang pagkakawak sa kamay ko. "Ano bang problema mo?" kalmadong tanong ko sabay hila narin ng braso ko na hawak hawak nya, like duh ang dumi kaya ng kamay nya baka may virus pa mahirap na. "Problema ko? Masyado mong inaagaw si Kenzo." sagot nya at hinablot yung bottle water ng babaeng ka dadaan lang at binuhos sa ulo ko. What the hell!-- ramdam ko ang lamig ng dumampi sa katawan ko simamaan ko agad sya ng tingin anong karapatan nya! "How dare you!" galit na sigaw ni Bry na nag mamadaling lumapit samin nag si tinginan din ang ibang istudyante na nasa loob ng cafeteria na halatang nagulat ang iba naman ay lumapit sa gawi namin. Syempre para hindi tumulong kundi maki chismis. "Gusto nyo bang mapatalsik sa eskwelahan na to!" galit na sambit ni Macky while Max at Kenzo na masama ang tingin takot namang umiling yung dalawang babae habang si jade lumapit agad sakin at pinunasan ang damit ko. "What's going on here?" malamig na tanong ng kung sino. Lahat kami ay napalinggon sa babaeng kakapasok lang. Si Shanne my best friend since highschool, hindi pala salita pero pag narinig mo yung boses nya na sobrang lamig gaya nya haha goodluck natakot din kasi ko nung una. Nakapamulsa syang naglalakad patungo samin,habang lumilingap sa paligid na tila pinag aaralan ang nangyayari sa paligid. Dahilan kung bakit biglang natahimik ang buong paligid. Nang tumigil sya sa harap ko at pinasadahan ng tingin ang ayos ko. "Shanne ayos lang ako." paliwanag ko sa kanya ng mapansin ko ang pagdilim lalo ng kanyang mukha. "Obvious naman diba?" pabalang na sagot ni Mr.Attitude na may pangalang Kenzo. Napabaling naman si Shanne sa kanya at nagumpisa na naman maglakad. "Tsk." hindi nya pinansin si Kenzo at nilagpasan lang bagkus lumapit sya sa dalawang babae nakangisi sa kanya ngayon habang maarteng nagbubulungan. "Say sorry to her." mahina ngunit mababakas ang kaseryosohan sa boses nito. Hay kaloka kung hindi ko kaibigan si Shanne baka pati ako kinabahan na rin sa kanya, ngunit kakaiba ang dalawang babae na to dahil pinagtawanan lang nila si Shanne. Its time to close my eyes naba. Sabay sabay kaming napatingin kay Shanne nang lumapit sya sa malapit na table na may mga kumakain. Halata naman nagulat ito sa kanya na mas lalong nadagdagan nang kinuha ni Shanne ang dalawang baso at mabilis na lumapit sa isang babae hinawakan nya sa collar na inangat patayo at binuhusan din nya ng juice gaya ng ginawa sakin tatakas pa sana yung isa kagad nya itong nahila at sinandal sa pader bago buhusan ng tubig na puno ng yelo. Ramdam ko ang tensyon sa paligid na unti unting nawala ng sa isang kurap ko lamang ay naguunahan ng lumabas ang mga studyante sa Cafeteria. Nang pareho ng nakasalampak ang dalawang babae na basang basa habang umiiyak. "Do it again and you'll see more." mahina ngunit may pagbabanta ang tono ni Shanne at nakapamulsang tinalikuran nya na ito habang naglakad sa direksyong patungo sakin. "Sige na dalin nyo na yan." ani ni Bry. Hihilahin na sana ni Macky at Max yung dalawa ng magsalita ako. "Teka pakawalan nyo na sila." napatingin naman sila sakin pero hindi nakinig si Macky at Max at tumingin pa sila kay Kenzo na sumenyas na wag akong pansinin. "Sabi ko bitawan nyo na." paguulit ko pa ng nahalata naman nilang naiinis ako binitawan naman nila kaya lumapit yung dalawang babae sakin at nag sorry tinulak ko naman ang mga ito at pinaalis. "Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Kenzo sakin pero inirapan ko lang ito at hinila ko si Shanne. Yung mata ko lumilipad sa kakairap my gosh! "Sobrang bait mo naman," mariing aniya at pumalakpak bago kami tuluyang makalabas ni Shanne sa cafeteria. Yes im mabait im gods angel. We went to her locker first before going straight to the comfort room. "Fortunately, I have an extra uniform in my locker, Here suotin mo na." ngumiti lang ako at kinuha yun inabot nya. I'm so lucky to be her bestfriend, kahit minsan di ko maintindihan yang babaitang ito masyado kasi syang seryoso pag nasa harap ng ibang tao pero pag kaharap nya ko dun lang sya nakakaroon ng emosyon. "Thanks." sabi ko at pumasok sa isang cubicle ng C.R. Pagkatapos kong mag palit lumabas na agad ako at inayos ang nagulo kong buhok. "Why do other people envying you that much." Napabungtong hininga na lang ako sabay iling. "I don't know ganon ata pag sobrang ganda haha." nagtawanan naman kami pero nahinto agad ng marinig namin nag lock yung pinto ng C.R. Ano nanaman to sinong baliw nanaman yan nawawalan nako ng pasensya sa kanila. Lumapit agad ako don at hinila ang doorknob pero ayaw mabuksan nag sisimula nanaman sila ano bang kasalanan ko! sinipa sipa kopa yung pinto narinig ko pang may nagtatawanan mula sa labas. Ano ba kaseng ginawa kong masama sa kanila bawal na ba maging maganda? Lord may pa share it ba to? "Humanda kayo pag nalaman ko kung sino kayo!" inis kong sabi. "We have surrounded with crazy people." sabi ni Shanne at kinuha ang phone habang nag pipindot sya doon humarap nalang ako sa salamin at humawak na sink. Sobrang ganda mo kasi yan Celine kaya ginaganyan ka nila ishare mo din daw kasi minsan at dahilan pa ng iba si Kenzo eh ni hindi ko nga nilalapitan yun ang sungit sungit non! tapos masama ang ugali tignan mo nga sinabi sakin kanina at punyeta sa kanila na si Kenzo di ko inaagaw! Ilang minuto pa ang lumipas nakatulala lang ako sa salamin and speaking of magbubukas ng pinto. "Girls!" agad kaming napatingin sa kanya. Sya ba tinext ni Shanne? Hmm?... "Hoy Nicolas!" sigaw ko sabay lapit at yumakap sa kanya hingal na hingal pa ang loko tumakbo ba to? Ang layo ng building ng stem dito ha. I looked at Shanne, who just rolled her eyes and averting her eyes. Hmmm I smell something fishy ang tagal na nilang ganyan. Lumabas naman na agad kami doon nag aya pa si Nicolas na kumain kami kahit saglit lang pero tumanggi ako at pinauna ko na lang silang dalawa dahil magkalapit lang naman ang room nila sa susunod na subject kung sakali at syempre bonding s***h date nila yun hehe alam ko namang crush ni Nicolas si Shanne matagal na. Manhid lang kasi yang si Shanne. I just went for a walk, there weren't too many students around probably they all in their rooms now. I sat on the bench at the side of our building and took something from my pocket. "I miss you..." mahinang sabi ko habang nakatingin sa litrato naming dalawa na magkasama. Sana nandito ka ngayon... "Hey!" bigla akong nagulat ng may sumulpot sa harap ko. "Ano nanaman Daryl? wala ko sa mood." iritadong baling ko sa kanya. "I'm not here to tease you, I know you're not in the good mood heard what was done to you in the cafeteria. Kaya hinanap kita and then I found you looking at his picture again." Hindi lang pala sya chismoso pakilamero pa. "Pake mo ba!" pagtataray ko nalang at aalis na sana ng hinawakan nya ang kamay ko. "He won't come back Celine, I hope you accept that." nag init naman bigla ang ulo ko sa kanya anong pake nya kaya hinawi ko ang kamay nya. "Bitawan mo si Celine." bigla kaming napatingin sa nag salita. Anong ginagawa ng Attitude na to dito?! "Si Yabang pala." bulong ni Daryl habang dahan dahan binitawan ang kamay ko at naka pamulsang naglakad papunta kay Kenzo. "Boyfriend ka ba ni Celine?" walang emosyong tanong ni Kenzo kaya napataas ang kilay ko. Bakit nya tinatanong? close ba kami. "Kung oo anong pakialam mo?" isa pa tong makapal na kumag na to. Naka cream stick ata sya kaya imagination ang limit tapos mamaya pipilipitin koy mga braincells nya! But Kenzo didn't answer him, he just smirked and threw an envelope in front of Daryl and walk towards me. Then he slowly fixed the strand of my hair by placing it on the side of my ear. T-teka-- "Maganda ka sana madaldal nga lang." seryosong sambit nito na ikinagulat ko. Bago sya tumalikod at nakapamulsang naglalad palayo napa kurap kurap pako. H-huh anu daw? Anong kabaliwan yun? may sapi ba sya? lasing? O high? I see Daryl immediately picked it up and read the back of the invitation. Then he directly looks at me with a shocked expression. "May gaganapin ba na party sa inyo?" he asked. "Huh? Party?" nag aalinlangan kong tanong wala naman kasi kong natatandaan ma magpaparty sila. Bakit naman mag kaka party sa bahay ano kagagawan nanaman ba ni Bry?Mag papa fiesta nanaman sya with his animals?. "Ahh wala, tara nalang sa room." pagiiba nya ngumiti nalang sya at tinago na yung sobre sa kanyang bulsa kaya pinanliitan ko sya ng tingin. Ano ba kase yun? Mahalaga bayan!? "Hoy ano yun?" curious kong tanong. "Nothing let's go." aya nya napatitig naman ako dito kaya nagtataka syang tumingin sakin. "Do you still hate me?" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para itanong pa to. Nungimiti lang sya at umiling. "Why should I be angry with you?" bumuntong hininga pa sya bago dumiretso ang tingin saking mga mata "All I want is for you to be happy, and hating you isn't my choice." seryosong dagdag nya. But why suddenly you had walked away after that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD