Beat

3607 Words
"Good morning babe." masayang bati ni Daryl habang sumabay sakin mag lakad. "Pwet mo good morning." mataray na sabi ko "Aga aga sungit nito gutom ka nanaman siguro?" nakangusong tanong nya. "Sira kumain nako." "Asus dika nga nabubusog eh." nang aasar na sabi nya kaya kinutusan ko napahawak naman sya sa ulo ng may mga babaeng nag tatakbuhan. "Anong meron." bulong ko. "Celine!Celine! yung pinsan mo nakikipag suntukan!" nagmamadaling sabi ng isa sa kaklase ko. "Ano?" agad nakong tumakbo papuntang gymnasium dahil dun yung maraming nag kukumpulang studyante tinulaktulak kopa ang mga nakaharang andaming chismosa at chismosa nayan. Nang makarating ako sa may unahan nakita ko si Bry na sinuntok nung isang lalaki nandun si Kenzo at Macky na hawak sa kwelyo yung nasa harap nila. "You!" sigaw ko at lumapit para itulak yung lalaking sumuntok kay Bry hindi sya studyante dito mukha pang takas mental pero pano nakapasok to dito. "Miss wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay." "Eh gago ka pala pinsan koyang sinuntok mo!" galit na sigaw ko dito. "Ahh ganun ba." nakangising sabi nito at lumapit sakin ng bigla nyang hawakan ang kamay ko ng mahigpit. "Bitawan moko." inis na sabi ko pero tinawanan nya lang ako ng biglang may sumuntok sa kanya kaya natumba ito pag tingin ko si Daryl na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya. "Wala kang karapatang hawakan sya" malamig pa na sambit nito habang ako napatitig nalang sa kanya. "Umalis na kayo dito!" sigaw nya na natitiyak kong si Kenzo na malakas na sinipa yung lalaki. "Ibigay nyo muna ang kailangan namin." "Kapal naman ng mukha nyo." sabi ni Macky. "Kung hindi nyo ibibigay." sabi nung isang lalaki at may nilabas na maliit na kutsilyo sa bulsa kaya kinabahan ako. "Kayo!" napatingin bigla ang lahat sa kanya dahil sa lakas ng sigaw nito "Kayo nanaman di talaga kayo titigil mang gulo dito!" dagdag pa nito. "Sinabi naman namin hindi kami titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto." matapng na sagot ng isang lalaki. "Oh eto." sabi nya at nag hagis ng baryang limang piso. "Pasensya na wala pa allowance ko kaya ayan muna." nakangiting dagdag nya. "Talagang ginagalit mo kami Carys!" "Dont call me Carys,Im Faith di tayo close pero tingin nga ng galit galit na ba yan parang gorilla lang na gutom." natatawang sabi nya. Diko alam kung matatawa ako o kakabahan ng sumugod sa kanya yung isang lalaki pero bago pa man sya malapitan inuhan nya na ng sipa kaya tumalasik to Wow! sumunod din yung isa na hinawakan nya naman sa braso at pinaikot bago din sipain sumugod din yung huli na may hawal na kutsilyo hinawakan nya rin ang kamay at inagaw ang hawak nito bago nya paikutin at tinutok dito. "Eto ang huling banta ko isa pang ulit itatarak kona sayo to." malamig na sabi nya at tinulak na to nagmamadali namang lumabas yung mga lalaki. Ibang klase. "Kayong mga chismosa at chismoso mag si balik na kayo sa klase nyo." nag si sunod naman ang lahat at lumapit naman sya sakin "Ayos kalang." tanong nya ngumiti naman ako at tumango. "mabuti naman baka kutusan ako ni ate shanne." napakurap kurap ako bago mag tanong. "Ano yun." "Ahh wala wala." sabi nya at bumaling naman sya kila bry. "Kayo naman at ikaw Del Vega gumagawa ka nanaman ng gulo dito try mong iwas iwasan yan baka ipatapon kita." "Find my care." "Diko na kailangan hanapin dahil dina kailangan pede naman kitang patalsikin dito." masungit na sabi nito at umalis na. "Ang sungit talaga ng president nayun noh." bulong ni Bry habang piningot ko sya sya. "Aray ko insan masakit." angal nya kaya binitawan kona. "Di lang yan mang yayari sayo pag sinumbong kita kay kuya ay hindi na pala kailangan paniyak na dadating din sa kanya ang balita." "Insan naman syempre alam ko namang pag tatanggol moko kay kuya." "Manahimik ka ayoko mapalayas din ng bahay." "Bryan!" "Celine!" napatingin agad kami sa tumawag. S-peaking off lagot. "K-kuya ano ginagawa mo dito." inosenteng tanong ni Bry. "Nagtanong kapa alam mo naman ang sagot?" masungit nyang sabi. Sabi ko sayo Bry wag kana mag tanong eh. "Kuya hindi naman." "Wag kana mag paliwanag baka dagdagan koyang suntok sayo." lagot mainit ang ulo ng bumaling naman ito sakin. Wait wala kong ginagawa. "Celine 2 weeks Mawawalan ng pasok next week at nalaman ni mama kaya tumawag sya saki--" "Bakit mo hinayaang malaman!" alam nya na kase na gumagaala ako pag walang pasok hehe. "Mapipigilan koba yun." napairap nalang ako ng tumingin sya kay Kenzo. "Kaya sa mga araw nayun pumunta daw sana kayo ng Palawan ni Kenzo." dagdag ni Kuya. What! "Ano nanaman to Kuya ayoko nga." naasar na sabi ko. "Celine." marahan niyang sabi na parang nakikiusap. "Sige papayag ako basta kasama si Bryan at mga kaibigan ko noh." sabi ko nalang na kinatango nya tumingin din ako kay Kenzo para irapan sya. Dipa ko tapos.. "Pati narin tong si Daryl." dagdag ko habang nakangiti at tinuro sya natigilan naman si kuya saglit. "Payagan mo na Kuya kaibigan ko din naman tong Daryl." sabi ni Bry at umakbay pa kay Daryl habang nakangising tumingin kay Kenzo na masamang nakatingin samin,Si Daryl naman nakatulala sakin parang di makapaniwala tumango naman si kuya "Isama mo narin si Alliah ,Bry" at umalis na mag sasalita pa sana si kenzo ng hilahin kona si Bry at Daryl. Balakajan. "Bry, sinong Alliah nga pala?" tanong ko nag iba agad ang ekpresyon nya at tumingin sakin na may galit ang mata. Inaano ko ba to. "Sino yung Alliah?" paguulit ko at niyugyog sya. "Sa susunod ko na kukwento" ayan nanaman sya puro sa susunod! inirapan ko naman sya. "Sa susunod din sasapakin na kita." biglang tinawanan nya lang ako. Akala siguro nagbibiro ako hmp. Pumasok naman na agad kami sa mga room namin mamaya ko kukulitin si Bryan tungkol sa Alliah nayun masasapak kona talaga pag sa susunod nanaman sasabihin nya. "Babe nakakaboring yung mga lesson natin noh." reklamo nya habang nahihikab at sumandal sa balikat ko. Umalis na pala yung Prof namin,patago kase akong nanonood sa cellphone ko kaya diko napansin-- bait kong studyante noh pero. "Hoy." sabi ko at umurong agad,kaya nalaglag sya at nauntog sa upuan. "Aray ah.." nilapit konaman sya sakin para tignan yung noo nya pero ngumiti lang eto kaya binitawan ko agad. "Loko ka talaga!" sigaw ko. "Haha nag alala ka naman dyan yieee." Kapal. "Hindi noh." inirapan ko nalang sya. Masyadong feeling. "Asus." "Hindi nga!" ang kulit nya rin noh,akmang magsasalita pa ko ng bigla. "Yieee!" napatingin naman kami kung sino yun. "Shanne, Nics!" masayang sabi ko at lumapit sa kanila. "Ayos kalang nabalitaan ko yung kanina." tanong nya agad. "Oo ok lang si tukmol yung nasapak eh." pagtutukoy ko kay Bry. "Bes boyfriend mona pala si Daryl di ako na inform." sabi ng katabi nya na si nicolas na boy bestfriend ko parang kinikilig pa. "Ano? Hindi ko boyfriend yan no--" "Kase si Kenzo?" sabi ni shanne. "Mas lalong hindi noh!" pagtanggi ko. "Pero narinig ko usapan nila mom sa balitang engaged daw kayo kase ininvite sya ng mama mo." Nakakabingi yung salitang engagement. "Alam mo na pala pero....." hinila ko pa sya kung san kami lang makakarinig. "Hindi ko naman gustong mangyari yun." "Diba naging Crush mo naman si Kenzo bat ayaw mo." Noon yun! "Like Duh bat ko gugustuhin ang masama ang ugali?" Pagkukumbinsi ko tumango naman sya pero yung katabi nya nakangisi sakin kutusan ko kaya. "Hmm Okay pero kung ako tatanungin I like Daryl for you hindi ako mag tataka kung nahulog ka sa kanya." napasibangot nalang ako ng tumingin sya sa likod ko. "Lord..diba di nya alam sinasabi nya." umasta kong nagdadasal kaya binatukan nya ko. "Gaga nagsasabi lang ako ng totoo." "Lord a--" nabatukan nanaman ako napahawak naman ako saking ulo. "Why not diba matagal kana nyang gust--" di nya natuloy. "Ano yun shanne." natatakang tanong ko. "Wala."at bumalik nanaman ang kanyang seryosong espresyon na hindi ko na lang pinansin. "Lor-" and the third time nakaiwas ako."Enough na baka mawala utak ko." "Meron kaba non." sabat ni nicolas bastusan ah pag ganito nga naman yung Bestfriend mo, napatingin naman si shanne sa relo nya. "Aalis na pala ko." aalis agad "Napadaan lang ako kase may pinaabot prof namin sa kabilang section nyo." tumango naman ako. "Bye bye bestfriend."kumaway kaway pa si Nicolas na naka buntot sa kanya. Hay torpe at manhid ayos yan. "Balitaan moko kay Christina at sa inyo ni Nicolas." habol ko hmp namimiss kona bonding namin nito bakit kase sa kabilang building pa sila. "Tandaan mo yung sinabi ko hehe." talagang pag pipilitan nya. Pagkaalis nya naman bumalik nako sa sa upuan ko nandun naman ang tukmol na naka dikwatro pa habang nakangiti sakin umupo nalang ako sa upuan ko at ilang minuto pa dumating na ang prof at nagturo agad. "Babe kape kaba?" "Manahimik ka nga Daryl ayan ka nanaman." nagsisismula nanaman sya mamaya buong campus na palinis samin. "Sabihin mo nalang bakit." "Hays bakit?" sagot ko para hindi na mangulit. "Gusto ko kase makapeling ka" inirapan ko naman sya. Korny talaga narinig ko nayan sa mga kabataan brad. "Meron pa babe,ang pag ibig ko sayo parang paghinga." diko sya pinansin. Parang tanga million times ko nayan narinig na banat ng mga lalaki sa may corridor pag nanliligaw sila. "Babe sabihin mo bakit." pangungulit nya. Napaka walanghiya talaga! "Bakit?" "Pano ko ito pipigilan kung hindi ko kaya." sabi pa nya habang nakangisi ako rin may banat sa kanya. "Tang na juice ka ba?" tanong ko ngumiti naman ang loko sakin. "Bakit babe?" "Kase tangina ka manahimik ka dyan!" inis na sabi ko kaya sumimangot sya. Dami kasing alam eh. "Sir.." napatingin naman dun ang lahat maliban sakin. "Pinapatawag po kayo sa office." sambit nya edi wow! "at pa excuse narin po kay Celine." tang--orange grape apple, tumango naman yung prof namin at agad na umalis ito ako naman ay walang imik lang bahala ka dyan ayoko ngang makita pag mumukha nya. "Celine tawag ka ni Kenzo." sabi ni Klea na kaklase ko. Ayoko nga! "Hayaan nyo sya,Aalis din yan." matigas na sambit ko. Manigas ka dyan! "Celine pag di kapa lumabas ako mismo papasok dyan." seryosong sabi nito. Edi pumasok ka! Nanakot pa eh. "Walang Celine ang lalabas dyan kaya umalis kana." sagot ni Daryl. "Ahhh ganon ba." bigla akong kinabahan ng pumasok nga sya at lumapit sakin "Celine mag usap tayo." Kausapin mo yung sahig! "Wala kayong pag uusapan." si Daryl nanaman. "Ano bang pake mo." mukhang mag aaway na sila! "Kenzo lumabas ka nalang mamaya na tayo mag usap." sambit ko para matigil lang tumingin lang ito na tumango sakin saglit at lumabas na. Buti naman tumataas dugo ko sa inyo. Syempre di ako makikipag usap sayo noh tatakas ulit ako,tinanong pako ng kaklase ko kung bakit ganon yun ewan lang ang sinagot ko dahil ewan ko naman talaga don! Maya maya pa nagbigay hudyat ang President namin para sa break natuwa naman yung iba habang nanatili lang akong nakaupo niyaya pako ng kaklase kong si Klea pero sabi ko ay mauna na sila at hihintayin ko ang pinsan ko para mag papabili nalang ako ng pagkain ayoko ngang makita yung attitude nayun,paniyak na nag aantay na sya nilapitan ko naman si Daryl na walang balak din atang lumabas. "Kumain ka narin." sabi ko sa kanya para maiwan ako dito sa room mag isa. "Kung papipiliin ka Ako o si Kenzo." biglang tanong nya habang nakatingin sakin. "Anong pipiliin ko? Of course Ai---" napatigil ako ng lumungkot ang mga mata nya na nakatingin sakin. "Hindi mo parin talaga sya nakakalimutan?" nakatahimik lang ako. "Its been 2 years when he passed away." mapait sya ngumiti. "Sya parin talaga." dagdag pa nya biglang namang kumirot ang puso ko. Porke ba wala dito kailangan ng kalimutan ganon? "O-oo w-wala na sya pero nandito parin kase." sabi ko at tumuro sa puso ko bago ko sya talikuran pero hinila nya ko at naramdamang yumakap ang kamay nya sakin nag uunahang bumagsak na ang luha ko sa sakit na nadarama naalala ko nanaman sya bakit ganito hindi ko sya kayang kalimutan. "Kaya pala." natigilan ako ng may dumating. "Umalis kana dito." si Daryl pero hindi sya pinakinggan ni Kenzo at lumapit samin. "Kenzo ano pabang kailangan mo sakin." pinunasan ko muna ang luha ko bago humarap sa kanya. "Ikaw ang kailangan ko." "Liar!" sigaw ko na kinagulat nya. "Celi---" "Hindi ako ang kailangan mo diba kundi business namin na magsasalba sa kompanya nyo i know na Kenzo nakita namin sa office ni mama nung tumulong kming maglinis dun nakita ko na bumabagsak na ang kompanya nyo at alam mo ang masakit kasi para lang masalba yun madadamay ang buhay ko." "Wala kong alam sa sinasabi mo gusto ko ay ikaw." napahilamos sya ng mukha at tumingin sakin. "Gusto moko? sige nga paliwanag mo sakin yung narinig ko sa kausap mo na hindi ako ang gusto mo desisyon lang din ng mommy mo go explain mo yun." halatang nagulat sya sa sinabi ko pero hindi pa ko tapos. "Pati narin yung sinuprise mo kahapon hindi la naman bulag non na si Bry lang ang nakita mo!wag ako gaguhin mo Kenzo narinig at nakita ko lahat!" "Celine let me explain." "No! hindi mo kailangan mag explain tapusin mo ang kalokohan na to, I dont have a f*****g care kase pagod ako mag isip pero please wag nyo naman akong idamay ha pakiintindi din ako. "mahinahon ngunit mariin kong sambit. "Celine sorry...." hindi ko na sya pinakinggan at tuloy tuloy nakong lumabas. Pano ba mawala kahit saglit. Nandito ako ngayon sa Music Club Room nakatambay kung saan lagi akong tumatambay noon pa man nakasunod lang din sakin si Daryl sakin. Isa pato anong kaya kailangan sakin. "Gusto mo kantahan nalang kita?" tanong nya sakin dahil naiinip narin siguro sya isang oras na kaming nandito. "Sige gandahan mo ah..." sagot ko ngumiti naman sya at kinuha yung gitara na nasa lamesa at sinimulan ng kumanta sa harap ko. "Araw araw ikaw ang gusto kong kasama Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka." Dahil sayo by iñigo pascual pa talaga napangiti nalang din ako dahil narinig ko ulit ang magandang boses nya boses na nagpaibig din sa karamihan. "Sa tabi ko o aking giliw 'di pa din ako makapaniwala." Isa sya sa sikat kumanta dito sa school namin noon ewan kolang kung bakit tumigil sya kasabay nun ang pagtatalo namin noon kaya lahat ay nalungkot at ang iba sinisisi pako kaya mas maraming galit sakin. "Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na." Masaya ang kanyang mata na nakatingin sakin katulad ng tingin na nakita ko noong una ko syang nakilala hindi ko alam pero may kung ano pa doon. Bakit gustong gusto kong tumitingin sa mga mata mo? "Ikaw ang tanging inspirasyon At basta't nandito ka, ako'y liligaya." Mga pangungulit nya at pangaasar unti unting bumabalik ata ngayon. "Dahil sa'yo, ako'y matapang Dahil sa'yo, ako'y lalaban." Tumitig lang ako sa mga mata nya na parang nag sasabi na mahalaga ako dito ,biglang may kung ano sa puso ko at bumibilis ito sa hindi mapaliwanag na dahilan. Bakit? "Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan Dahil sa'yo, merong pangarap." Nagsimula na syang lumapit sakin na mas lalong kinatibok ng puso ko ano bang nangyayari saki'n. Bakit bigla akong nakaramdam ng ganito? "Pagmamahal ko sayo'y tapat Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat." Napatitig pako sa kanya may naalala ko sa pangyayari na ganito sa pangyayaring nasaktan ko sya noon na hindi ko manlang nagawang mag sorry sa kanya na alam kong pinagbago nya. "Daryl,Sorry.." paumanhin ko kaya tumigil syang nilapag ang guitara at mas kinatitigan din ako na nagbigay sakin ng kung anong kirot sa aking puso. Nagagawa mo na ulit ako tignan, pero bakit nawala na ang mga kislap nito na dati araw araw kung pinagmamasdan. "Wag kang mag sorry,tapos nayun." ngumiti pa sya sakin. "Pero alam kong nasaktan ka." malungkot kong sabi Oo nasaktan ko sya ramdam ko yun noon. "Pero hindi na ngayon lalo't nandito kana ulit sa tabi ko." sagot nya habang hinawakan ang mukha ko ng dalawang palad nya at unti unti nyang nilapit ang mukha nya sakin napapikit nalang ako ng maramdamang dumampi ang labi nya sa aking noo. "Celine ako lang diba" May kung ano pumasok na salita sa isip ko salitang si airen ang nagsabi dahilan kung bakit natulak ko sya . "Ahh... siguro lumabas na tayo dito." naiilang na sabi ko at nag paunang lumabas na. Shit! napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito Airen ito ba yung sinasabi mo sakin noon. I hope I'm fine "Celine okay kalang." tanong nya napatingin naman ako agad sa kanya. "O-oo naman b-bakit?" nauutal kong sagot kaya iniwas ko ang tingin ko. "Wala lang iniisip mo nanaman si Daryl noh." nakangisi nyang sabi kaya humarap ulit ako at pinanlakihan sya ng mata nagulat nalang ako ng bigla syang tumawa sakin kaya binato ko ng cellphone ko letse! Kanina pa nya ko inaasar hanggang ngayong nasa bahay na kami nalaman nya kase na hindi ako pumasok sa ibang subject at nalaman nya ring kasama ko si Daryl sa oras nayun. Hindi ko na sya pinansin at pumunta nalang sa kusina para kumain nang biglang may nag doorbell. "Celine tignan mo kung sino." Nasa sala naman sya mang uutos pa! "Ikaw na kumakain ako,tamad mo naman malapit lang sayo yung pinto diba konting lakad ka lang at nasa labas kana." sigaw ko. "Oo na!" Ilang minuto lang ang lumipas ng may pumasok sa pinto ng kusina nabitawan ko nalang yung tinidor ko. "Miss me?" pang aasar nya. Mama mo miss. "Kenzo hanggang dito ba naman sa bahay pambuwisit ka?" naiinis kong sabi sakanya. "Why not,you are my fiancee" nakangiti sya kaya napairap nalang ako. "Pinag lalaruan moba ko?" "Paano kung ganon." pabalang na sagot nya. Talagang! ang sarap nyang saksakin ng tinidor alam nyo yun. "Sige paglaruan molang ako tutal player kapa lang naman Coach nako." "Seryoso naman neto." "Pwet mo seryoso." bulong ko. "Joke lang naman." lumapit sya sakin at niyakap ako kaya nagulat ako dahilan para matulak ko sya. "Celine... Sorry" sambit nya at hinawakan ang kamay ko. "Tse!" "Celine listen please hindi ko--" "Lumayo layo kalang sakin kung gusto mo pa mabuhay ng matagal." "Tch pag dating kay Daryl." "Kaibigan ko sya..." paliwanag ko. Teka bat nga ba ko nagpapaliwang sa isang to. "Kaibigan? Pero higit pa ron ang turing nya sayo alam mo yan." Huh nung sinasabi ng attitude na to. "Wala kong alam sa sinasabi mo." "Alamin mo... at kahit na malaman mo akin ka parin naman." ang kapal kapal kapal ng kanyang mukha oo makapal. "Hindi moko pag mamay ari Kenzo kung gusto mo ng laro dun ka sa babaeng---" "Si Alliah ba?" tanong nya. A-alliah? Narinig ko nayun ahh si ano--. "Are you jealous?" nawala ko sa pag iisip ng sabihin nya yon at ngumiwi. "Bat ko naman pag seselosan yun,duh." "She's not my girlfriend." aniya. Di ko tinatanong. Tumahimik naman ako at pinagpatuloy ang pag kain tsaka wais din tong isa kumuha din ng cake sa ref at umupo sa may tapat ko feel at home? "Ano bang pinunta mo dito?" tanong ko dahil naiirita ko sa pag titig nya. "You?" "Why?" "I want to say sorry." "For what?" "That you think we are just using you." "Nonsense." sambit ko at tumayo bahala ka nga dyan kinuha ko ang kinakain ko at lumipat sa may pool pero hindi sya papatalo sumunod talaga! Naupo nalang ako malapit sa may railing at syempre agad syang tumabi sakin tibay mo mang asar sige panalo kana wait--- hmmm. Napangiti nalang ako ng may naisip na kalokohan tumayo muna ko na ginawa nya rin diba nga gaya gaya talaga patay ka sakin! "Talagang dimoko tatantanan?" tanong ko tumango sya at ngumiti kaya yumakap ako sa kanya at tumingin sa mukha nya habang pinagmasdan na halatang nagulat sa ginawa ko. Gwapo naman talaga sana kaso may diperensya sa utak. Ngumiti naman muna ko saglit at kasunod ang pagtulak ko sa kanya sa pool. "Wait! CELINE!" sigaw nya pa pero tumalikod nako. Bahala ka dyan HAHA! mas mapangasar ako sayo akala mo ha! "Celine...C-celine..." biglang humina ang tawag nya sakin kaya tinignan ko naman sya na tatawanan pa sana p-pero nakalubog na ito kaya bigla akong kinabahan hindi ba sya marunong lumangoy or umahon man lang? at--isa pa kaya my gosh tumalon nako sa pool dahil nandon parin pala yung crocodile ni Bryan na nag pakaba pa lalo sakin kase papalapit na ito samin buti nalang mabilis ko syang naiangat. Malalagot pako pag nagkataon. "K-kenzo--Hoy nagbibiro lang naman ako!" tinapik tapik ko at pisngi nya niyugyog para magising pero nakapikit lang eto kaya tinawag kona si Bryan. "INSAN! BRY!!" malakas na sigaw ko nagmamadali naman syang tumakbo papalapit samin. "Bakit basang basa sya?" Nag aalalang tanong nya. Ay kabog friendship over daw pero bilis nyang pumunta dito may care parin naman pala sya kay Kenzo arte arte pa hmp. "Lumangoy lang--..." "Pero may takot sya sa malalim o pool." h-huh? "Huh? E-eh D-diko kase alam tsaka sya may kasalanan kaya tinulak ko sya." inosenteng pag amin ko. "Tawagan mo nalang ang ambulansya dalian mo." nanginginig akong sumunod, hindi ko naman kase alam na ganon. Susko makakapatay na pala ko ng diko alam pero siraulo naman kase sya! kaya nagawa ko yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD