Who

3733 Words
"Ano to?" naiirita na tanong ko. Ang aga aga pa para mang stress. "Gift." seryosong sabi nya. "Gift? Ayoko sayo nayan diko naman birthday." binalik ko yung maliit na box na inabot nya sakin. "Itapon mo kung ayaw mo." galit na sabi nya habang inabot ulit yung box tsaka tumalikod. Wow ha sya pa galet aba matindi! Itapon pala sige agad kong binato sa likod nya yung box kaya napatingin sya ulit sakin at masamang tumingin pero tinaasan kolang sya ng kilay. "Ayan tinapon kona tutal mukha ka namang basurahan yang ugali mo!" sigaw ko habang nagsimula ng maglakad at lagpasan sya. Kapal ng mukha! may pa gift pa na nalalaan kung merch payan go lang. Napatingin naman ako sa paligid pinagbubulungan nanaman kami ng iba as usual may bago ba? naiirita pa naman ako sa mga ganong tao gusto ko ng tahimik lang kelan ba ulit mang yayari yun balik kaya ako ng elementary? hays buti pa don tamang pa friendly lang hati baon o tulog tulog sa klase. "Ms.De Nile why are you late?" bungad ng Prof ko sa Research. "May inutos lang po sakin yung--" di nya nako pinatapos. "Okay you may sit down." buti naman mag sisinungaling pa naman ako na inutusan ako ng isa sa prof namin. Sinunod ko naman agad sya at naupo sa pwesto ko nakita ko namang tumayo si Daryl at tumabi sakin na nakangiti lang close ba kami? Buong tatlong naging klase namin naging tahimik naman ako dahil himalang di naglulurit yung katabi ko hanggang dumating na ang breaktime inayos ko naman na yun gamit ko at lumabas na. "Alam mo ngumiti ka naman kanina kapa walang imik eh." napatingin naman ako sa kanya masyado pala kong busy sa pag cecellphone kasunod ko na pala sya. "May iniisip lang ako." sagot ko at may babae naman na lumapit samin na yumakap kay Daryl see malantod is real iniwan ko nalang silang dalawa kahit tinatawag ako ni daryl at dumiretso sa Cafeteria tinext ko naman si Shanne na sabay kami kaso busy daw sya hmp hindi ko naman sya mapuntahan dahil sa kabilang building pa yung room nya pagitan lang ng building namin itong malaking Cafeteria na halos hihingalin kana kung mag iikot ka sa bawat sulok. "Hey Celine!" sigaw ni Macky sakin na nakaupo kasama si Jade at Max nasan si Bry?,lumapit nalang ako sa kanila at nakiupo inutusan ko naman si Max na bumili ng pagkain ko. "Alam moba Celine pag ka uwi namin parang tanga si Kenzo na tumawag pa samin." kwento ni Macky napairap nalang ako ng marinig ko nanaman yung pangalan nung attitude. "Ikaw kasi lagi binabanggit tapos absent kapa kahapon tsaka si Bry diba,kaya nag cutting nalang kami at pumunta sa inyo pero nakakataka kasi girlfriend nya si---" hindi nya natuloy ang sasabihin ng batukan sya ni Jade. "Pati banaman yun ikwekwento mopa sa kanya--pero teka bakit nga pala hindi pinapansin ni Bryan si Kenzo, may alam kaba Celine?" hindi ako sumagot at nag kibit balikat nalang. Ewan koba sa mga yun. "Tsaka nung isang gabi busy ba si Bryan kase hindi sumasagot sa tawag ko ngayon kolang natanong." ay yieee haha. Teka hindi paba nila alam yung naganap nung nakaraang kagabi. "Hindi ba nasabi sa inyo ni Bry tungkol sa---" diko natapos ang sasabihin ng may maglapag ng maliit na box sa harap ko. Eto nanaman! Ang kulit nya!kalvuhin ko kaya? "Tanggapin mo naman, Please!" inis na sabi nya at tinignan ko naman sya ng masama. Ang kapal nanga ng mukha ang Kulit pa! Hindi ko sya pinansin at binalik ang atensyon kila Jade na nag tataka at nag papalit palit ng tingin samin. "Wag mong sabihin na si--" "Shut up Jade." sambit ni Kenzo. "But Kenzo." hindi na sya nangulit ng samaan sya ng tingin ni Kenzo. "Kenzo!" napatingin kaming lahat sa sumigaw ng pangalan nya. Chinitang babae na mukhang nasa junior high palang. Sino naman tong Babae to? "Kenzo ano kase gusto mong tikman yung cupcake ko?"nakangiting ngunit bakas ang pabebeng tono nito dahilan kung bakit biglang nabuga ni Macky ang iniinom nya na tumalsik samin. Nyemas na bata to napaka bastos. "Sorry guys." sambit ni Macky samin pero mas napatingin kami kay Kenzo at sa babae,kinuha naman ni Kenzo yung box habng kumuha ng isang cupcake tinaas ko naman ang kilay ko ng tumingin ito sakin problema nanaman nito. "Gusto mo?" tanong nya definitely confirm. Gago nga sya. "Ayoko pakabusog ka." masungit na sabi ko. "Okay." nakangising sambit nya at tinapon sa babae yung cupcake. "Hindi masarap."seryosong sabi nya sa babae na mukhang naluluha na. Siraulo! Tumayo agad ako at tinulak sya. "Kenzo sira ba ulo mo kulang ba sa turnilyo?" "Ang bait mo talaga noh bat dimo gamitin yang kasikatan mo dito ikaw panaman din pinaka mataas sa lahat." ngumisi pa sya sakin kaya natawa ko. "Ayon lang ba yung dahilan Kenzo? Seriously not because you are famous here or rich you can do whatever you want, stupid!" galit na sabi ko at hinila yung babae nag iinit ulo ko sa kanya. Hangal! Mayabang! Sinungaling! Abnormal! Siraulo! At Baliw sya yan lahat! "Ayos kalang?" tanong ko sa babae habang tinuglungan syang punasan yung icing sa mukha nya tumango naman sya at umiyak. Punyeta talaga si kenzo hindi na naawa mukha pa naman pinaghirapan ng babaeng ito yung cupcake hirap hirap kaya mag bake. "Salamat ang bait mo talaga kaya Crush ka ng kuya ko eh" nahihiyang sabi nya pa. "Nako wala yun wag kang papatalo sa mga ganon tsaka sino ba yung kuya mo?" hindi sya nakasagot ng may tumawag na sa kanya na lalaki. "Salamat ulit ah." sabi nya pa at kumaway sakin bago tuluyang pumunta don sa tumawag sa kanya. Umorder na lang ako ng pagkain ko at pumunta sa bench sa ilalim ng puno konte lang ang tao dito pag ganito. Pero kung hindi pa pala alam nila Jade yung tungkol sa naging party hindi pa ito nakakarating dito sa Campus, Buti naman kung hindi baka awayin nako ng lahat ng babae na naghahabol sa kanya kaya lumalaki ulo ng Kenzo kaso kulang sa turnilyo. "Hindi moko hinintay kanina babe" napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Kelan pa ko naka instant fuckboy na jowa? "Sus binigyan kolang kayo ng time ng babae mo." teka bat bako nagagalit. "Hindi ko sya babae ikaw lang ang babae sa buhay ko!" I arche my brow again. "Anong pinagsasabi mo playboy s***h fuckboi" "Tsk jugdemental kapa rin,hindi mo kasi nakikita noon ang--" "Ang?" "Kagwapuhan ko" pagmamalaki nya. Ang hangin tatangayin ata ako. "Alam mo patawa ka." sabi ko habang uminom ng apple juice. "Ayaw mo talaga kong paniwalaan noon pa man." nakanguso nyang sabi. "Bat binabalik mo yung noon ha." "Oo na hindi na pero ikaw nga lang yunggajajsgsy---" hindi ko na maintindihan yung sinasabi nya ng subuan ko sya ng sandwich sa bibig tumawa lang ako sa kanya kaya nginuya nya nalang at sabay kaming kumain pagkatapos bumalik na kami sa room namin tinatawagan kopa si Bryan kung nasaan sya pero hindi ito sumagot kaya nag text nalang ako na sunduin nya ko mamaya. "Wala daw yung prof natin kaya pahinga kayo para sa next sub." agad nag liwanag ang aking mga mata at dali daling tumayo maglalakad na sana ako ng may humila ng damit ko mula sa likod. "Bakit?" tanong ko. "Sama ako.." "Magtigil kanga dyan Daryl." "Sige na gusto mo nito?" tanong nya at may nilabas na chuckie sa bag bwisit! alam nya talagang marupok ako pag dating sa ganyan. Eto kami ngayon nag lalakad patungo sa garden gusto kolang magpahangin ng matawan ko si Jade at Max sa di kalayuan nakaupo doon sa bench lalapitan ko na sana sila ng pigilan ako ng loko. "Bakit nanaman?" inis na natanong ko ngumuso naman sya dun sa dalawa. "I think Jade is crying." "A-ano?" tanong kopa sumenyas sya na wag akong maingay at dahan dahan akong hinila papunta sa may fountain kung saan malapit sila Jade. Para kaming tanga na nakasilip sa dalawa habang pinapakinggan yung pag uusap nila. "Max bakit ganon kahit sabihin kong wala na nandito parin sa puso ko." humahagulgol na sambit ni Jade. "May mali ba sakin may kulang?" dagdag na tanong nya. "Walang mali at kulang sayo hindi molang kasi matanggap ang totoo." sabi ni Max. "Wow." bulong ko. "Anong wow." bulong din ng katabi ko. "Nagsasalita sya." natatawang bulong ko. "Malamang may bibig yan." "Stupid hindi sa ganon." sabi ko sabay kutos nadin ng nakita kong tumayo na sila Jade nag papanik naman akong inalog si Daryl ng medyo kita na sya ng dalawa at bigla ko nalang hinila papunta sakin pero natigilan ako sa pwesto namin na nakayap na sya sakin at halos magkalapit ang mukha namin. "Hindi mo naman sinabing gusto mokong ikiss oh eto." mayabang na sabi nya at inilapit ang pisngi sakin kaya tinulak ko "Bwisit ka dyan kana nga." singhal ko napatingin naman ako sa may bench wala na sila Jade kaya tumayo nako at nag lakad papalayo sa abnormal. "Babe hintayin moko!" balakajan. Mag uuwian naman na ngayon habang nakatayo kami ni Daryl sa may harap ng bakanteng room na luma dahil sa kasalanan nya kanina!pinaglilinis tuloy kami dito ang ingay ingay nya kase kanina sa loob ng classroom puro daldal sakin kaya nainis ako at nasigawan ko nanaman kaya eto na welcome to detention kami. "Babe marunong kaba maglinis?" Inirapan ko nalang sya. Tingin nya sakin hindi tao kahit papano marunong naman ako mag walis noh. "Babe tatawag nalang ako ng katulong." Tamad talaga. "Hindi ikaw ang mag lilinis dito at wag mo nga ko ibabe babe dyan gawin mona!" inis na sabi ko kinuha nya naman yung walis at tumuon nanaman sakin. "18 na nga pala ako." parang tanga nanaman. Pati banaman age ishare pa "Oh tapos?" "18 nadhana sayo." diko sya pinansin at umupo sa may hagdan sya ang maglinis dyan tutal marami naman syang alam. "Babe meron pa." tignan mo nga naman oh lagyan ko kaya sili bibig neto ng mahahimik "Si nail kaba?" dagdag nya hindi parin ako umimik at tumingin sa malayo. "Cooperate naman crush." nakanguso pa ang loko. Noo mo crush. "Bakit?" "Ikaw kasi nail-laan ni god para sakin." korny talaga ng loko narinig ko nayan eh siguro 1 thousand times banatan ng mga junior high yan eh. Tsaka pano nya nalaman ako nilaan sa kanya tadhana ba sya tsk. Bigla kaming nag katinginan ng may marinig na music sa kabilang room. "M-may multo ata." bulong nya at kumapit sakin. "Bakla kaba? Tingin mo may multong mag paparty party?" tanong ko sabay batok sa kanya. "Why not tsaka ako ang Baklang para sayo." Petse puro kalandian ang alam. "Tse. " napatingin agad ako sa papadating kaya hinila ko agad si Daryl at nagmamadaling pumunta sa loob ng room na lilinisan namin para magtago napaubo pako dahil sa mga alikabok nung natabig ko na mga libro! Teka si Jade at--- sino yung babaeng inaalalayan naman ni Macky? habang nakapiring ang mga mata neto ng pulang panyo bakas pa sa labi nito ang sobrang kasiyahan ng pumasok na sila dun sa room na pinauusapan namin ni Daryl agad akong sumunod at sumilip lang sa bintana. Napaka Chismosa ko naman ngayong araw. Nakita ko ang ayos nuon maraming red petals sa paligid , mga kandila na nagsisilbing liwanag sa paligid at mga pusong dekorasyon na nakasabit. Ang sweet naman. "Babe anong ginagawa mo" tanong nya. "Wag ka nangang maingay and don't call me babe." Pagbalik ko ng tingin sa bintana nagulat ako sa nakikita ko ngayon-- Si Kenzo na hawak yung kamay ng babae. "Celine..." mahinang sambit nya habang gulat na nakatingin sakin sumenyas ako na wag maingay tumango lang si Jade kaya umalis na agad kami doon ni Daryl. Kenzo simulan mona mag dasal. Pero sakto lang na aalis na sana kami ng dumating si Bry kaya mas kinabahan ako at di mapakali habang nagiiwas ng tingin. "Bat hindi pa kayo nag lilinis nag uuwian na lahat." nakangising sabi nya na parang nangaasar pa. Nag iimagine nanaman sya. "Nalinis na namin diba Daryl." siniko kopa si daryl kaya tumango ito. "Baka iba nilinis nyo ha." pangaasar nya pa. "Siraulo!" "Haha Tara na kain muna tayo sa mall treat ko gusto mo bang sumama Daryl." nakangiti akong tumango pati si Daryl pero napalitan agad iyon ng kaba nanaman at napatingin sa nag silabasan na ang mga tao sa loob ng room na iyon ang bilis nyo naman--- kitang kita ng mata ko kung pano magkahawak ang kamay ni Kenzo at ng babae na nagtatawanan pa napatigil si Kenzo ng makita ako at napabitaw sa babae. "Celine.." sambit nya. Nagulat nalang kami ng biglang lumapit si Bryan sa kanila kaya mas kinabahan ako oo sobrang kaba na hahawakan kopa sana sya para umalis nalang kami pero hindi sya nag papigil lumapit sya agad doon at sinapak Kenzo sa mukha. "Kapal ng mukha mo pati ba naman sya!" galit na sambit ni Bry. Sya? Natulala lang kaming lahat sa nangyari agad naman tinulungan nung babae si Kenzo para makatayo ito tinignan pa nya si Bryan ng masama. "Umpisa pa lang sinabihan na kita na akin sya pero bakit ganito Kenzo." nang gigil na sabi Bryan kay Kenzo na seryoso lang na nakatangin sa kanya habang dumudugo ang gilid ng kanyang labi. Teka ano daw akin? "Simula ngayon nagkalimutan na tayo hindi na kita kaibigan." pagkatapos hinila nya nako papalayo doon tinignan ko naman si Jade na malungkot na nakatingin samin, naka sunod lang din samin si Daryl na mukhang nagulat din. Parang ang nakakahinayang din na hindi na sila magkaibigan akala ko nung una simpleng hindi pagkakaunawaan lang pero bakit umabot sa ganito. Sino nga ba yung babaeng yun bakit sinabi ni Bry na umpisa palang sakanya na yun girlfriend ba ni Bry yun eh bakit si Kenzo ang kasama? Hay peste naguguluhan ako! Habang nasa byahe kami papunta ng mall hindi ko na sya ginambala dahil sa nangyari kanina nakatahimik lang ako pati si Daryl tumingin nalang ako sa bintana. "Bogoshipda,bogoshipda." pagkanta ko pa ng mahina lang hehe wala bang bagong mv ang Bts ngayon hmp miss kona sila ang tagal ng comeback! Pati na blackpink yeah! Blackpink in you area. Napatingin naman ako kay Bryan na kakababa lang ng phone at humarap sakin wala kong ideya kung ano man ang iniisip nya Dahil hindi naman to makikitaan ng kahit anong ekpresyon anong trip neto. "Gusto mo ba si Daryl kung oo okay lang mas mabuti yun." anak ka ng-- "Pinagsasabi mo manahimik ka nga!" sigaw ko tinawanan nya naman ako sana all mabilis magpalit ng mood. "Gusto ka nya diba Daryl." "Yes naman insan." sabat naman nya. "Manahimik nga kayong dalawa!" "Pero diba magkagalit kay--" tinakpan ko nalang ang bibig nya ang ingay, Dati payun babalikan nanaman nya? Tch. "Manahimik ka lang kung di mo pa sinuntok si Kenzo kanina." binaba kona ang kamay ko kasabay ang pagtalim ng tingin nya sakin. "Tama lang yun namumuro na sya." sambit nya na curious naman ako sa dadahilan nya pa. "Why?" kaya tanong ko. "Sa susunod ko na lang kwento sayo." sambit nya at umayos ng pag kakaupo hays pinilit ko pa syang sabihin sakin kaso pumikit na ang loko si Daryl naman humiga sa balikat ko wala nakong magawa kundi pumikit nalang din. Nang makarating sa mall para akong bata na tumatakbo papasok sa loob hinila ko si Bry papuntang store ng Kpop merchandise alam kong napapahilamos ito ng mukha dahil alam nyang mag papa libre ako ng new album ng Bts, Blackpink at kung ano pang makita ko doon hehe. Humila na sya ng cart at sumunod sakin. "Sabi na eh,di pwedeng di tayo dadaan dito." "Syempre this is my life,duh." masayang sabi ko habang kumukuha ng mga Bt21 baby stuff ang cute nila. "Mahilig pala sya dito?" tanong ni Daryl kay Bry. "Oo lalo ng ma-broken" napairap nalang ako sa sagot ni Bry at dumiretso nako sa mga album kumuha ako ng tig-iisa bawat bago dumiretso din ako sa may lightstick yeheyy!madadagdagan na sila. Tinignan ko naman si Bryan na nakasimangot na sakin haha bumawi ka ngayon kala mo ha! Ngayon tapos nako mamili halos pumalakpak naman sya. "Buti naman at tumigil kana sa kaka kuha,lugi nako eh." sambit nya habang kumakamot ng ulo. "Sus easy lang sayo yan,bayaran mona!" sabi ko at pumunta na sya sya counter pero naunahan sya ni daryl. "Ako na insan."nakangiting sabi nya sabay kindat sakin. Kelan pa nya to naging pinsan huh. Halatang kinikilig pa sa kanya yung babaeng nag aasist kaya etong isa may pa kindat kindat pa ang lantod! kaya naghintay nalang ako sa labas sumunod naman sakin si daryl napaiwan daw yung pinsan ko. Hinila ko naman si Daryl sa may gumagawang cotton candy nag pagawa ako ng hello kitty sya naman ay yung kapartner ni hello kitty na si daniel para daw destiny tch may pa ganon pa ang lantod talaga bumalik na ulit kami sa pwesto kanina nagpumilit pa sya mag picture kami kasama yung cotton candy namin para daw may remembrance sus. Sampung minuto ang nakalipas sa wakas papalabas nasya na nakangiti sakin at may pataas taas ng kilay, hulaan ko nakuha nya number nung babae don. At yun nga winagayway nya pa sa may muka ko ang maliit na papel. "Tsk may mabobola ka nanaman?" tanong ko. "Hindi ko naman sila niloloko nagsasawa lang ako kaya naghahanap ako ng iba." napahawak nalang ako sa noo ko sa sagot nya. Pero sa totoo lang hindi naman ganito si bry dati i dont know baka siguro hays... "Matakaw ka pa rin talaga noh." ani Daryl na tumatawa pa sakin. Kutusan kita eh. "Oo kaya yung ref namin nawawalan ng laman sa susunod papalagyan na yan ng ref sa kwarto nya o kaya sa kusina na sya mag kwarto." sinamaan ko naman si Bry ng tingin kaya natawa silang dalawa epal!. "Pero alam mo cous." "Alin?" nakangusong sabi ko. "Di mag tatagal malalaman din ng magulang nya at nila Tita yung ginagawa nya sayo." si Kenzo ang binabanggit nya matik na yan. "Sa tingin moba papayag yun na mangyari yon eh mas demonyo ata sayo yun." sabi ko habang si Daryl nagtatakang nakatingin samin. "Walang sikreto ang hindi nabubunyag alam mo yan cous." paalala nya. Tama naman sya kaya may naisip akong sabihin at kalimutan muna ang Hangal na Kenzo. "So malalaman din nila mama yung ginawa mong mag pa party sa bahay noon habang wala sila at yung mga nawalang mamahaling gamit sa bahay na nakuha tsaka yung mga babae mo na nag iwan ng b*a at pant--" nanlaki ang mata nya habang mabilis nasinusubuan ako ng hambuger sa bibig See! inalis ko naman agad iyon nag weh naman si Daryl kaya tumango ako. "At meron pa yung unggoy na alaga mo inuwi mo na nanggulo sa kusina at hanggang ngayon nasa may basement pa tsaka yung baby crocodile na nasa swimming pool gosh!" dagdag kopa. "Ibabalik ko din naman yun sa zoo." See See! "But kelan mo iuuwi ulit si coco" pag tukoy ko sa asong puti napulot nya noon na kinulayan ko na parang rainbow nawala nalang kase yun tapos sabi nya may pinag hiraman daw sya. "Pati narin pala yung mga antik bayun na malalaki? Na nilagay mo sa damitan ni kuya--" dagdag ko ng "Hala! Baka mabuksan nayun mamaya kase may set na date at timer yun na binili kopa sa magic shop." "Lagot kana gagi haha." natatawa kong sabi kalokohan nya yun bahala sya. "Kaya ba sabi mo noon zoo na yung bahay nyo?" tumango naman ako sa tanong ni Daryl. Yung tipong pede nako mag papasok sa bahay with payment para makita ang kanyang mga pet tapos llagay ko sa gate No bayad,Kagat Bryan. "Daryl may tanong ako." napatingin naman kami ni Daryl sa kanya na umiinom na. "Ano?" "Gusto mo ba talaga yang si Celine diba?" seryosong tanong ni Bry. "Sya yung may gusto sakin binasted ko lang." nakangising sabi nito dahilan kung bakit piningot ko sya. "Aray celine wala kang kupas sakit mo parin mamingot." Kapal ng face neto. "Ehh bakit nga pala kayo hindi nagpansinan noon?" biglang tanong nya na ikinagulat ko. Shocks hindi ko alam bakit nga ba? "Alam mo ikain nyo nalang yang dalawa ang ingay nyo eh." pagiiba ko natawa naman sila sakin. Pagkatapos namin kumain tinawagan na ni Bry yung Driver namin na kunin ang pinamili para makauwi na inihatid muna namin si Daryl sa kanila pinagmasdan kopa yung bahay nila namiss kona ring pumunta dito haysss. "Ingat babe."kumaway kaway pa sya bago pumasok sa gate. "Babe mo mukha mo." sabay irap sa kanya at ngimisi lang ulit sya bago tuluyang pumasok sa bahay nila. "Ang tagal nyo rin hindi nagusap noh." makahulugang sabi ni Bry na hindi ko na lang pinansin. Madami na talagang chismosong lalake sa mundo kamalas malasan nga lang malapit sakin yung iba sa kanila yung isa dun pinsan ko pa. Habang papalapit naman kami sa bahay ni Bry mas kinakabahan ang loko sarili nyang kalokohan yun natatakot hays at kung itatanong sakin kung bakit diko sinusumbong my promise kase kami na kung may gagawing kalokohan kami lang may alam. "Celine dalawin mo nalang ako sa puntod ko ah." bulong nya habang papasok na kami ng bahay. "Oo ba,araw araw pa kitang dadalan ng bulaklak haha." natatawang kong sabi. "Bilang papasalamat hihilahin ko ang paa mo pagtulog kana." sambit nya naman. "Sige tapos mag kakape tayo ng madaling araw hahaha." natawa nadin sya sa sinabi ko pero natigil yun ng makita namin si Kuya na nakabihis at mukang aalis namutla naman tong katabi ko kahit natatawa ko kailangan kong pigilan. "Aalis muna ko dahil birthday ni Marie ngayon." sambit nya edi umalis ka dun kana sa girlfriend mong Marie'ng walang panty buntisin mo na din pa birthday gift ba chos. Hinalikan lang ako ni Kuya sa noo at tumango kay Bryan at nagsimula ng maglakad pagalis yung kanina pa na tawa ko ay lumabas na nakahinga naman si Bryan ng ayos dahil hindi sya napagalitan buti nalang hindi ata naalis sa garapon yung mga antik daw kundi ma papalayas kami ng wala sa oras pero pede din sa Korean nako titira kasama yung official husband ko. Mas bet ko yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD