Pagdating ng uwian naabutan ko yung tatlo na nasa may harap ng classroom ko at kumakain kaya agad akong lumapit
Para agawan sila hehe.
"Jade tara kila Shanne." aya ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat nya gusto kong mag bonding muna kami.
Pero umasta syang nag iisip bago tumingin sakin.
"Sorry Celine may tatapusin pa pala ko next time na lang." sabi nya at tumakbo habang kumakaway,I was left with Macky and Max. They both staring at her in the some different way a couldn't explain but I chose to ignore it.
Baka nagkakamali lang ako.
"Hoy mga baliw anong tingin yan?" tanong ko agad naman silang napatingin sakin.
"Huh?" sabay nilang sabi.
"Wala sabi ko ang gwapo nyo"
"Ahh matagal na." sabi agad ni Macky.
"Inborn." sabat ni Max.
"Umuwi na kayo hihintayin ko lang si Bry may dinaanan lang daw sya." sabi ko at sumandal sa locker ko umiling naman sila
"Bakit?"
"Syempre dika namin iiwan dito mag isa noh baka kung ano pang mangyari"
"Malapit na rin siguro si Bry kaya hinatayin na natin" tumango ako at napangiti ang sarap ng may bestfriend katulad nila.
Habang nag naglalaro sa cellphone nila bumaling naman ako sa locker ko binasa ko naman yung mga love letter na nasa loob nakakalungkot lang isipin na hindi lahat sila pwedeng marereplyan ko haba kasi ng hair ko.
Creamsilk pa more.
Tsaka minsan narin akong gumawa ng ganito sa taong gusto ko naalala ko pa parang tanga pako noon my gosh I miss you.
It's just sad to think that I might be able to write a letter again, but my love will not be able to read it again.
Hinintay pa namin si Bry ng ilang minuto pero ng dumaan lang ito samin kaya sumenyas ako sa dalawa na anong problema nun nagkibit balikat naman sila ng makarating sa parking kumaway nako sa papaalis na si Macky at Max bago bumaling kay Bry.
"Bilisan mo nga maglakad!" sigaw nya sakin kaya napahinto ako.
"Bakit ba nagmamadali ka?"
"Hinihintay na tayo ng Driver natin." ayon lang pala eh.
Gusto kong pumunta sa condo ni Shanne miss ko na tumambay dun kahit ngayon lang "Mauna kanang umuwi."
"Hindi pwede!" biglang sigaw nya nanaman na ikinagulat ko.
Inaano ko bato ang init ata ng ulo nabusted siguro pero dinaman marunong mag seryoso yan eh kaya hindi rin.
"Pwede!" sigaw ko din napahilamos naman sya ng mukha nya dahil sa inis sakin ngumisi lang ako.
"Hindi!" dumila na lang ako sabay takbo palayo sa kanya narinig ko pang tinatawag nya ako bahala ka dyan. Patuloy lang ako sa pag takbo ng may biglang humila naman sa kamay ko pabalik kay Bry.
Si Attitude.
"Hoy bitawan mo nga ko." angal ko pero hindi sya nakinig at patuloy lang sa paghila sakin.
Tch Kapal ng mukhang hawakan ako.
"Ano bang problema mo king ina naman!" singhal ko ng makalapit na kami kay Bryan.
"Wag kanang maingay."
"Ayoko bitawan mo ko." protesta ko at nagpipilit na alisin ang kamay nya sa braso ko.
"Sumunod ka na lang kase." walang buhay nyang tugon kaya pinanliitan ko sya ng mata.
Ang epal nya talaga!
"Pakialam mo ba ha!"
"You're going to be my fiancee that's why I care." napatigil ako at napatitig sa kanya nag cicirculate pasa utak ko yung sinabi nya.
'You're going to be my fiancee thats why i care'
Magiging ano daw ha? Hotdog.
Tumingin naman ako kay Bryan ng nag tataka.
"Ano ba ang kalokohang sinasabi nito." natatawa kong tanong kay Bryan pero iniwas nya lang ang kanyang tingin sakin.
"A-ano kase---"
"Ano?" putol ko sa sinasabi nya.
Hays bakit ba ang tagal sumagot ni Bry simpleng hindi lang naman.
"T-totoo yung sinabi nya." mahinang sabi nya ng bumaling sakin.
Napanganga nalang ako at natatawa ding tumungin kay Kenzo parang mga tanga lasing ba kayo mga bro.
"Hindi Prank nyo lang to diba? Tigilan nyo ko alam kong mahilig kayo mag prank magkaibigan pero wag naman ako." hindi sya umimik nag iwas muli ng tingin sakin at nagsimulang maglakad.
Hoy teka insan! nang iiwan ang loko.
"Bry..." mahinang tawag ko sa kanya para akong mawawalan ng lakas sa kalokohan na to.
Ang ganda ng prank nila di nakakatuwa.
"Bitawan mo ko sabi!" sigaw ko sa kanya mahigpit pa rin kasi nyang hawak ang braso ko hindi sya nakinig at hinila ulit ako.
"Attitude ka talaga! Bitiwan mo ko!" pagproprotesta ko pa na nag wawala na kaya tumingin sya sakin at ngumisi.
Naiirita nako sa kanya!
"Galit ka parin ba sakin?" umirap lang ako sa tanong nya at pilit na binabawi ang braso ko punyeta! hangal! gago sya! pero hindi ko talaga maalis yung pagkakahawak nya sakin.
Kahit namumula na ang braso ko gusto kong makawala dito! pero binuhat nya naman ako na parang nagbubuhat lang ng sako sigaw pa ko ng sigaw ng ibaba nya ko pero huli na napasok nya nako sa sasakyan nakasibangot lang ako habang pauwi kami badtrip ngayong araw ang sarap nyang itapon palabas ng Earth.
I could see from the car window our house the visitors that are having fun. Is this what Daryl said about the party earlier? Oh no hindi to isang party lang malakas ang kutob ko kaya kailangan kong tumakas!
Pagbukas ko ng pintuan ng sasakyan agad akong hinila ulit ni Kenzo patungo sa bahay hindi talaga sya papatalo!
"Letse bitawan mo ko sabi." iritado kong reklamo at tinulak ko sya tumakbo pa ko pero nahuli parin ako ng loko binuhat nanaman nya ako katulad kanina hanggang binitawan nya naman ako pagdating namin sa pintuan at sinalubong ako ng babae na hindi ko kilala at hila ko sa isang silid na pinabayaan lang ni Kenzo.
"Anong gagawin nyo sakin!" napapanic na tanong
"Wag ka magpanic miss papagandahin ka namin lalo." sagot ng isang bakla at nagsimula ng silang ayusan ako nanahimik na lamang ako.
"Yan mas lalo ka nagmukhang angel Ms. De Nile." nagpalakpakan sila kaya tinignan ko ang sarili ko sa salamin nakapugong ang buhok ko wavy brown ngunit may kakaibang disenyo ito ang aking damit ko rin ay off shoulder dress na kulay white na pinarisan ng kulay white din wedge sandals simple lamang ang aking make up pero nagmumukha itong perpekto dahil sa kulay ng aking maputing balat.
"Ang tagal mo naman." bungad nya agad pagkalabas ko ng pinto nakasadal sya sa gilid habang nagtitipa sa kanyang phone. Naka tuxedo na rin sya ng all black pero kahanga hanga na kahit simple lamang ito pero bumagay naman sa kanya.
Ang gwapo.. Este ano self?
Nang tumingin sya sakin ay bahagya syang natigilan ng makita nya ang ayos ko.
Dahan dahan sa pagtingin baka mainlove ka sakin..
"Ano ba kasing mayroon totoo ba na---" tanong ko sa kanya ngunit naputol ito ng sumulpot si mama sa aming harapan.
"Eto napala ang aking Unica Hija." masayang ani mama sa mga babaeng kausap nya na kasing edad nya lang siguro ang mata ko'y napapairap nalang ang sabi nya samin may pupuntahan sya tapos may pa-party pa.
"Napaka ganda pala talaga ng anak mo,pero bakit hindi sya nag momodel sa mga magazine ng Business nyo sikat pa naman ang mga ito."
"Nako pinilit ko na sya noon, ayaw lang nya maganda naman na ang anak ko kaya okay na sakin yun." sagot ni mama na ikinanguso ko.
"Ganon ba,pero bakit nga ba Hija?" baling sakin ng kausap ni mama hindi naman ako sumagot kaya nilapitan ako ni mama na masamang nakatingin sakin.
"May problema ba, Celine?" mababakasan ng iritasyon ang tono nito.
"Para saan tong party ma?" nag aalinlangang tanong ko pero lumapit samin si Kenzo na may kasamang kasing edad ni mama kung titignan maganda rin ito at mukhang mabait ng mapatingin sya sakin ay agad sumilay ang kanyang ngiti.
"Simulan na ba natin ang Party Lyz?" nakangiting tanong nito kay Mama na sinakulian din ng ni Mama ng ngiti bago tumango.
"Let's go Celine and Kenzo" aya sakin ni mama sa garden agad ko namang napansin ang maraming tao pagkapasok ko roon na pinagmamasdan kami. Tumingin naman ako sa paligid ng mapagtantong engrandeng pagkakaayos nito pinaghalong kulang white and gold ang theme. May mga ilaw sa bawat puno na hugis puso at mga lampara na may nakasabit na lobo kulay ginto na nasa gitna papunta sa stage. Habang ang mga bista ay nakaupo sa magkabilang bahagi ng parihabang mesa na may mga kandila rin na nasa gitna.
"Celine and Kenzo mauna na kayong maglakad." nakangiting aniya ng Mama ni Kenzo.
"Can I hold your hand?" mahinang tanong nya na ikinalaki ng mata ko.
Ano daw bakit hahawakan close ba kami?
"Ayaw ko." pagtangi ko pero mas lalo kong nagulat na hawak nya ako sa bewang at nagsimula humakbang kaya sa huli ay wala na kong nagawa kundi sumabay sa kanya.
Peste pasalamat ka ayaw kitang mapahiya sa maraming tao.
When I got to the stage,I immediately removed his grip on my waist while Mama called everyone's attention, now with Papa...
"Ladies and Gentleman Welcome to the engagement of my daughter Celine Brianna De Nile and Timothy Kenzo Del Vega."
Para akong nabingi sa narinig ko. Engagement Party? Bakit? Ni hindi ko nga naisip magpakasal pero bakit ganto? Kung ako man ang magiging magulang pipiliin ko sa anak ko yung taong gusto nya at yung oras na gusto talaga nyang magpakasal hindi yung ganito!
Nag si palakpakan pa ang mga bisita at nagsimula na rin kumain ang lahat.
Wala bang pipigil dito?
Nalulungkot na lang ako sa naisip wala na nga pala sya pano nya pipigilan.
I miss you so much love. I'm sure if you're here you won't let anyone to put me in any situation like this.
Naupo na lang ako malayo sa kanila pagkatapos ng pag papakilala nila samin dumukdok nalang ako sa lamesa at di mapakali tapos nalaman ko mommy pala ni Kenzo yung kasama nya kanina ang layo ng ugali nila ang bait ng Mommy nya tapos sya parang kinulang sa aruga kaya attitude.
"Babe...." nagulat ako ng umupo sya sa may harap ko.
"Bat ka ba laging nang gugulat at sumusulpot bigla ha?" singhal ko.
"Haha nakakagulat na ba yun?" haha nakakagulat naba yun? ay hindi!
"Bakit ka nga pala nandito?" paiiba ko ng tanong tinaas nya naman yung sobre na hinagis sa kanya ni Kenzo kanina.
"Okay." walang buhay kong sagot at ngumusong muli ngayon alam ko na bakit nya tinanong kung may party ba.
"Wag kanang mag emote dyan. Hindi bagay." aniya.
"Sinong di mag eemote dito tanong lang?" tugon ko at ngum
"Gusto mo itakas kita dito at itanan, sakin ka na lang sumama." suhestiyon nya kaya tinignan ko naman sya ng masama.
"Siraulo gusto mo rin ba mamatay na nandyan si mama tara usap kayo?" gigil kong tanong pero tinawanan nya lang ako kaya nag iwas ako ng tingin at uminom ng tubig.
Habang nakatingin ako sa paligid halos lahat sila masaya aba share nyo naman.
"Wag ka nang malungkot." hinawakan nya yung mukha ko ng dalawang palad nya kaya natigilan ako "Pumapangit ka kasi." dagdag nya kaya kinurot ko sya sa tagiliran natawa ulit sya sa ginawa ko habang iniinda ang kinurot ko.
"Celine tawag ka ni Mama nandyan na daw si Papa." masama akong tumingin sa kanya at tumayo.
Isa pa tong Kuya ko naiinis ako sa kanila.
"Oh Daryl sumunod ka na rin samin at kumain na." aya nya kay Daryl at pumunta na kami kila Papa.
Habang naglalakad kami patungo kila Papa hindi ko maiwasan makaramdam ng kakaibang lungkot at pagtatampo ng lingunin ang katabi na to na si Kuya ko na seryoso lang. Kahit pagupo ko sa kanyang tabi ay hindi nya napansin kaya siniko ko sya.
"Kuya anong mukha yan?" tanong ko tumuon naman sya sakin at kinurot ako sa pisngi.
"Sorry baby if kuya can't do anything to stop this mess." napatitig nalang ako sa kanya na nakangiti pero malungkot ang kanyang mga mata kaya yumakap ako dito.
"Sweet naman ng Baby namin." nakangising sambit nya ng bitawan ako.
"Pero di na ko Baby." nakangusong sabi ko at humiwalay sa kanya lumapit naman si papa samin.
"Sana maging masaya ka dito anak." masaya sabi ni papa sakin at hinalikan ako sa noo.
Hindi ako magiging masaya sa desisyon nyo. Hay bakit hindi ko masabi yan. Magagalit sila kung sakaling magsasalita pa ko and worse madisappoint ko sila.
"Tito may paguusapan lang po kami ni Celine." biglang paalam ni Bry kay Papa tumango naman ito at nakipag usap sa mga bisita nila yes sila may bisita non hindi ako kaya bahala sila.
Hinila naman ako ni Bry sa may gilid ng hagdan at nag pinag cross ko na lang ang dalawang braso ko.
"Problema mo?" tanong ko dito.
"Galit kaba sakin?"
Hindi ba halata?
"Malamang!"
"Sorry."
"Ayaw. ."
"Cous."
"Sorry mo mukha mo!--"
"Sino si Celine?" napatigil kami sa pagtatalo ng marinig namin ang pangalan ko para naman kaming nag uusap sa tingin ni Bry na lumapit don.
"Baby, I don't like her okay? sila mama lang ang may desisyon nito para sa plano nilang makipagmerge ng business namin at sa mga De Nile." paliwanag pa nito kaya nag katinginan kami ni Bry ulit at lumapit pa ng konti sa nag sasalita nagtago lang kami sa gilid ng pinto kung saan nandon sya sa may isang kwarto may kausap sya sa kanyang phone.
"I have a surprise for you." malambing n sabi nya pa napatingin ako kay Bry na mapansin ko ang pagpipil nya ng galit na dinaan sa pagkuyom ng dalawang kamay na parang gusto nya itong sugurin pero nagtitimpi lang sya.
"Bry...umalis nalang tayo dito." bulong ko pero hindi sya natinag sa pakiusap ko dahil muli syang tumingin sa gawi ni Kenzo.
"Bry please..." ayaw nya kase kong pakinggan.
"Hindi ko hahayaang saktan ka nya." mariing aniya at hinila nako paalis kung nasan si Kenzo na nakangisi na ngayon sa kausap.
Walangya ka talaga Kenzo purong puro kana ngayong araw sakin!
Bukas mukha mo naman ang pupuruhan ko.
Kinabukasan hindi tuloy ako pumasok ngayong araw at nagtago lang sa kwarto sumisigaw pa si Kuya Liam sa may pintuan ko para pumasok na daw ako pero nagtatalukbong lang ako at hindi sya pinakinggan inaantok pako at di maiwasang maalala yung nangyari kagabi hanggang napagod na si Kuya at umalis nalang talaga.
Ilang oras din akong nagpaikot ikot sa higaan ko bago naisipang tumayo para kumain nakaramdam nako ng gutoms dahan dahan pakong bumababa ng hagdan para kumpirmahin na wala ng mga tao YEHEY!confirm wala na nga sila Magdiwang! buti naman nagsilayasan na sila.
"Para kang tanga..."
Napatalon ako ng magsalita sya mula sa likuran ko agad ko naman syang tinignan ng masama na mukhang bagong gising lang ang loko at hindi rin sya pumasok?
Gaya gaya lang.
"Bakit nandito ka di ba dapat pumasok ka ha?" tanong ko na parang nanay nya.
"Tinatamad ako tsaka diko kasama pumasok at uwi magandang pinsan ko yieee." sinundot sundot nya pa yung tagiliran ko.
Tamad na mag pinsan check.
"Nako nang uuto ka nanaman eh." masungit na sabi ko habang pinag-cross ang braso at nagtaas ng kilay sa kanya.
"Hindi noh tara na nga alam kong sa kusina ang punta mo pati ref malapit na ipakain sayo sa sobrang takaw mo." pang aasar nya pa at hinila ako pababa ng hagdan.
Grabe ang sama nya sakin...
"Teka! teka! bitawan moko." sabi ko binitawan naman nya ko sumenyas akong tumalikod sya bigla akong tumalon at sumakay sa likod nya.
Yeaahh superman!
Tumakbo pa sya papuntang kusina habang ako natatawa,hindi man kami magkapatid pero we're sibling in heart kataga nga namin sabay kaming lumaki simula ng mawala mga magulang nya o ang tita at tito ko sila mama na ang nag alaga din sa kanya sa lahat ng bagay lagi kaming magkasama mas kapatid ko pa nga sya kesa kay Kuya Liam ang sungit din kase non paminsan minsan at matatakot ka nalang pero madalas may pag ka sweet naman.
Nasa kusina na kami kaya binaba nya ko bigla ko naalala yung nangyari kagabi lang.
"Bry yung kagabi nga pala sana tayo nalang muna ang may alam nadedemonyo ko baka bigwasan ko si Kenzo." sabi ko at umupo na habang sya naman ay natatawang kumukuha ng juice sa ref.
"Cous kaya mo ba syang gantihan?" tanong nya na kakaupo lang sa may harap ko.
"Anong ganti ba?" tanong ko din habang nagtataka.
Bibigwasan koba talaga?
"Make him falling in love with you."
M--make WHAT!?
"Huh?! Eh ni anino nga nun ayoko makita simula ngayon ang sama sama ng ugali non bat monga ba naging kaibigan yon? tsaka narinig mo naman diba may girlfriend na sya." sagot ko at tinuon ang sarili sa pag papalaman sa tinapay na hawak ko.
"Tsk basta tsaka no hindi nya girlfriend yun!" eh ano?bakit sya sumisigaw?galit much?
Abnormal din isang to.
"Ehh ano narinig mo naman diba baby pa yun--" hindi nya ko pinatapos.
"Celine just do it." napataas naman ang kilay ko.
"Mahirap kase yung pinagagawa mo sakin." paliwanag ko.
"Kaya mo yan kagatin mo lang." aniya ng mukhang may halong pagkukumbinsi pa ang loko kaya hinampas ko.
"Abno! And Hindi ko kaya."
"Kaya mo."
"Hindi."
"Kaya mo."
"Hindi sabi eh."
"Kaya mo."
"FINE!" inis na sabi ko ngumiti lang sya ng malawak alam ko namang hindi sya titigil.
"Pag nagawa ko anong next na gagawin ko papatayin kona ba char?" dagdag kopa mas malawak pa syang ngumiti nawiwirduhan nako sa kinikilos nya.
"Ang pabagsakin sya sunod sunod mona"
Pabagsakin? Ilalag sa 20th floor.
"So you mean na kung mapapa inlove ko sya sakin?"
"Iwan mo." maikli ngunit seryoso nyang sagot.
Ang hirap naman ata ng plano nayan.
"O--okay pero pano ko sya maiiwan kung engaged ako sakanya remember." tanong ko kaya napa isip naman sya.
"Edi magplano tayo kung pano hindi matutuloy yung plano nila na pag memerge magtiwala ka na lang sakin celine pwede?"nangising sabi nya kaya ngumuso na lang ako.
Bryan Devil Mode On.
Bet ko naman yung plan nya kaso mukhang mahihirapan ako ayun mapa-fall sakin eh mukhang si Kenzo nga ang pa-fall.
"At isa lang ang natatandaan mo insan, ikaw ang wag mahuhulog." seyosong sabi nya kaya tumango nalang ako at nagsimula ng kumain.
Bigla tuloy akong kinabahan......
"Bry,may bisita ka." sambit ni Yaya Yolly na kagagaling lang sa labas at mukhang nag dilig.
"Sige po papasukin nyo po." sabi ni Bryan na kumakain ng popcorn habang nakataas ang paa nanunuod kase kami ng movie ngayon.
"Pero Bry nag wawala sila eh" nagaalinlangang sabi ni Yaya Yolly.
Huh? bakit sino ba mga yun
Tumayo naman ako at tinignan kung sino ang naghahanap sa loko, chismosa ako bakit ba nanlaki pa ang mata ko ng may makitang limang babae ang nag sisigaw sa gate namin at kinakalapag ang bakal kahit malayo layo sila rinig na rinig ko hanggang dito.
"Palabasin nyo si Bryan!"
"Akin lang si Bryan wag kayong ano!"
"Hindi sya sa inyo! Bryan lumabas ka babe"!
"Bryan ako lang diba"!
"BRYAN ANGELO KANE DE NILE ako lang diba!"
Napahawak nalang ako sa sintido grabe ibang klase talaga pinsan ko nato mukha naman may pinag aralan yung mga babae nya may class naman bakit kailangan pa nila pag aksayahan ng oras yung pinsan ko at pag agawan halata naman na wala mapipili sa kanila duh magpapamisa na ko pag nagseryoso to napabungtong hininga na lang ako at bumalik na ulit ako sa loob at lumapit sa kanya habang binato ko ng unan.
"Hoy tangina mo daw sabi ng mga babae mo." nagulat naman sya at napatayo sa sinabi ko nagkalat naman yung popcorn na hawak nya kaya binato ko ulit ng unan nagpapakahirap mag linis si Yaya yolly tapos magkakalat sya.
"Ano nandyan sila." sigaw nya.
Ay wow so legit mga babae nga nya.
"Oo at papatayin ka daw nila." sabi ko pa at may halong pananakot para kapa paniwala.
"Itago moko." pakiusap nya ng makalapit sakin.
"Ayoko lumabas kadon at harapin mo sila noh." tanggi ko.
"Ano edi sa simenteryo na yung inabot ko." natawa naman ako dahil hindi sya mapakali gawa gawa ng kalokohan.
Hinabol nya pako at hinila papunta sa may pinto.
"Cous sabihin mo wala ako." pagmamakaawa nya.
"Ayoko nga." pang aasar ko.
"Please......" pamamakaawa nya with puppy eyes.
Hays kelan bako di makakatangi dito hays.
"Oo na,oo na." sabi ko habang tinaas ang dalawang kamay ko at lumabas para puntahan yung mga babaeng sumisigaw naka uniform pa ang tatlo dito na katulad samin tsk tsk seriously nag cutting sila para lang puntahan si Bryan.
"Sorry fellas wala yung pinsan ko dito eh." para naman silang nasakluban ng langit at lupa sa sinabi ko.
"Sana sa susunod mag dala kayo ng kabaong at bulaklak para kay Bry." dagdag kopa.
"Sabihin mo kay Bry puntahan nya ko ah." tumango naman ako.
"No ako ang pupuntahan nya!" angal ng isang babae.
"Im the real girlfriend!" sabat din nung isa kaya napairap nalang ako sumasakit ulo ko sa kanila umalis nalang ako doon bahala na kung mag aaway sila.
"Ano wala naba sila?" tanong nya tumango naman ako nagtatalon nanaman sya.
Hay nako lagot ka pag nakita ng mga yun
Manonood na ulit sana kami ng may nag doorbell na kung sino.May bisita nanaman? Ngumuso naman ako kay Bryan para tignan nya ngunit umiling naman ito kaya sinamaan ko ng tingin.
Bwiset nato pagkatapos kong humarap sa mga babae nya.
"Tignan mo na!" Inis na sambit ko at pinanlakihan sya ng mata umirap lang sya sakin na parang babae bago maglakad papunta sa labas habang nag nininja moves.
Baliw talaga hay kung bat ba maraming nagkakadarapa sa baliw kong pinsan na to.
Pagkabalik nya nakakunot na ang kilay na magdidikit na sa sobrang kunot problema naman neto ngayon ngumuso naman sya sakin sa may pinto kaya tinignan ko iyon si Jade,Max at Macky na nakangiti habang papasok ng pinto habang may mga dalang ibat ibang pagkain.
Hindi rin sila pumasok?ano ba meron ngayong araw at tamad mga studyante isa nako don syempre bait na studyante eh
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko inakbayan naman ni Jade si Bry nakita kopang sumimangot si Max at Macky.
"Tatambay." sambit nya kaya kumuha naman ako ng tambo at inabot sa kanya.
"Ano to?" tanong nya tumuro naman ako sa popcorn na natapon sa sahig kanina napakamot naman sya ng batok at bumulong pa na 'Nakikitambay nanga lang napaglinis pa'
Aba syempre ano sya chicks kahit bestfriend ko din ang gaga yan ako dapat masusunod haha Charot.
Si Max at Macky naman ay pinakuha ko ng pinggan at baso sa kusina at si Bry at Ako naupo na well may taga pag silbi kami ngayon HAHAHAH.
Napili nilang panoorin ay horror like seriously dapit hapon tapos matatawa ka pa kay Macky,Max at sa pinsan ko na magkakayakap habang magkakatabi sa mahabang sofa tinignan ko naman ang katabi kong si Jade kung saan naka sentro ang mga mata.
"Tunaw nayang pinsan ko Jade" pang aasar ko habang nakangisi.
Grabe kasi titig eh.
"H-huh." nag mamang maangang aniya.
"Nako crush na crush mo talaga sya noh,Aminin." sabi ko habang tinutusok tusok kopa ang tagiliran nya.
"Hindi noh." depensa nya naman.
"?Dont deny it,cause i saw it,your eyes is sparkling bebe girl?." pagkanta ko.
"Sira kung ano ano nalalaman mo." hinampas nya pako ng unan.
"Dont worry pag naging jowa mo naman pinsan ko congrats nasa magandang lahi ka haha." natatawa kong sabi kaya hinampas nya ulit ako napatingin naman samin yung tatlo.
"Ang ingay nyo." nakangusong reklamo ni Max.
"Wow ha kung di pa kayo takot na takot sa pinanonood nyo." sabi ni Jade kaya napasibangot na lang silang tatlo.
"Hamo na mga bakla naman kasi yan eh." singit kopa.
"Kami bakla?" tanong ni Macky kaya tumango kami ni Jade at sabay na natawa.
"Palibhasa kase kayo mga manhid." sambit naman ni Max.
"Si Jade lang manhid." sabi ni Bry kaya napatayo si Jade at sininghalan sya.
"Nahiya naman ako sayo eh mas manhid ka nga hindi mo nga makita yung---" napatigil sya ng mahalata nyang nakatitig sa kanya yung tatlo ng bigla nalang syang pumunta sa kusina kaya sinundan ko.
Nako haha tampo na sya, Bry naman kase kelan moba mapapansin.