Ready?

3141 Words
Humihikab pakong umiinom ng kape umaga nanaman! New day,New Stress kabata bata kopa my ghad naalala kopa yung kagabi! ✈Flashback✈ Nandito na kami ngayon sa hospital tinignan ko naman si Kenzo na mahimbing na natutulog ayos na sya ngayon buti naman lumabas din muna sila kuya dahil may bibilhin. "Kenzo.." napatingin ako sa kakapasok lang na babae. Nako baka sabunutan ako neto kaya lumayo layo ako ng lumapit sya kay Kenzo. Mas matangkad sya sakin at maikli ang kanyang mga buhok, ang kanyang mga brown na mata na simple lamang kung titignan pero isa yun sa nagpadagdag sa kanyang kagandahan. Cute na sana kaso mukhang may craypas yung mukha sa makeup. Pero mas maganda pa din ako syempre. "Baby.. please wake up." malungkot nyang sabi. Aww ang sweet sana all "Lalabas muna ako ah..." paalam ko ng maalala ko. Teka eto yung babae nung nakaraan ha? "Sige lang kahit wag kanang bumalik." nakuyom ko nalang ang kamay ko sa biglang pagkaasar. Sino ba nag sabing babalik ako mag sama pa kayo! "Wag.., wag mong paalisin si Celine." napatingin ako sa nagsalita Nagising na pala ang abnormal. "Nag alala ko sayo." hinawakan pa nya yung mukha ni kenzo"Tsaka kailangan nyang umalis dito ayokong makita ang mukha nya." talagang hinahamon ako ng babae nato mas ayokong makita mukha nya noh!.Bumuntong hininga na lang ako at tumalikod na. Duh gusto ko kayang makita yung mukha mong coloring book sa sobrang make up. "Alliah ikaw nalang ang umalis." rinig kong seryosong sabi ni Kenzo kaya agad ako napabaling at nakita na napanganga si Alliah daw sa sinabi nya. "No way!" sagot nito at umirap sakin Tusukin koyang mata mo eh. "Ngayon na! sa susunod nalang tayo mag usap." Problema ng dalawang to mukha mag jowa na may Lover's Quarrel "Hoy san kayo pupunta?" tanong ko ng hinila sya ni Kenzo. "Pinapalayas ko na sya." Sira nanga talaga ulo neto. "Bakit mo sya papaalisin tanga kaba sya ang mag aalaga sayo dito!" "Hindi mo ba naiintindihan!" bigla syang lumapit sakin. "Alin nanaman iintindihin ko? Gulong gulo nako sa buhay ko dadagdag kapa!" "Hindi mo paba naiintidihan na mas pinipili kong ikaw ang nandito!" sigaw nya. Ay may piliin bang naganap?hindi ako na inform. "Nahihibang ka nanaman ba?! nalagyan ba ng tubig yang utak mo kaya mas lumal--" nagulat ako ng bigla nya kong hapitin papunta sa kanya at hinalikan malapit sa gilid ng labi. Punyeta ka kenzo hindi ko pinangarap na makuha ang first ko na isang attitude na tulad mo! Matalim ko syang tinignan at bigla ring sinampal. "Yan para magising ka naman!" Sigaw ko. Baka mahimasmasan na. "Anong nangyayari dito." napatingin kaming tatlo sa kanya nakita kong umiiyak na si Alliah. "W-wal--" "Meron." matigas na sabi ni Kenzo at maangas na lumapit kay Bryan at tinulak don si Alliah na mas kinaiyak pa neto. "Ayan sayo na." sabi ni Kenzo. Tangina ano yan laruan babae parin yan! "Pag papasahan nyo nanaman bako katulad noon." Huh? "Paano kung oo." sambit ni kenzo wala ba syang puso. "Gusto mo din naman diba." "Tumigil kana Kenzo." kalmadong sabi ni Bryan. "Oh bakit totoo naman kase." "Sabing tumigil kana." mahigpit nyang hinila ang damit ni Kenzo. "Sige ipagtanggol moyang ex girlfriend mo tutal malandi nam--" hindi na pinatagal pa ni Bryan at sinapak nya na si Kenzo ,tumingin sya sakin at sinenyasan ako na itayo ko raw yung isa. Ayoko nga! Hayaan nalang yan dyan. "Tara na Alliah" "Hoy t-teka--" mabilis nyang hinila si Alliah na halatang ayaw sumama pero hindi si Bryan at tuluyang ng lumabas napahawak nalang ako sa noo so it means si Alliah ex ni Bryan tapos naging sila din ni kenzo noon tapos ang sabi ni alliah pinagsahan pa sya ng mga ito sakit nyo sa bangs. Bahala na sa susunod ko nalang isipin. Napapailing nalang akong nakatingin sa tulog na Kenzo sa sahig tsk tsk kawawa ka naman pero tama lang naman sayo yan para naman tumino ka pero di kana ata titino hays marahan ko syang inihiga sa hospital bed kahit ang bigat nya at tinitigan. Bakit kaba nag kaka ganyan nalilito ako sa kinikilos mo tsaka paano ang plano namin ni Bry? "Kenzo nalilito nako sa ginagawa mo" mahina kong sambit kahit alam kong di nya naman ko naririnig. Kinumutan ko na sya at dumukdok sa may bed nya naalala ko yung ginawa nya. Mga punyeta kayo ni Daryl iniingatan ko to ng 18 years hindi pwede makuha lang basta basta. ✈End of Flashback✈ "Baka pasukan ng langaw yan" si kuya na kadarating lang. "Tse!" singhal ko nakakainis ako pa pinagbantay dito kesyo sabado naman daw at ako may kasalanan oo ako na! buti hindi nya ko sinumbong kila mama at ayun speaking of our parents diko alam kung nasaan nanaman sila simula nung nangyari sa party kinabukasan wala na agad kung tumawag man wala pa atang 10 minutes. "Pinaayos mo naba yung hotel na tutuluyan namin sa palawan Kuya." tanong ni Kenzo kay kuya gusto kong masamid at oo gising na ang loko magkaharap pa kami kaso mataas taas sya ng konti dahil nasa kama sya ako ay nasa upuan lang. "Oo inasikaso ko agad sa isang kilalang hotel na pagmamayari ng kaibigan ko." sagot ni kuya na lumabas naman muna. Bat ba kayo labas ng labas pero pag ako bawal. "Ayusin mo na agad yung gamit mo Celine---mauuna kase tayo pumunta don" n-nabuga ko yung iniinom ko sa may harap nya . "A-ano?bakit?pano?" ngumiti lang sya sakin bakit ba sya ngiti ng ngiti. Nasobrahan yata sa dextrose. "Wag kanang mag alala susunod sila Bryan kinabukasan." "Eh bakit tayo mauuna na don? Kapal mo naman?" inis na sambit ko. "Tsk wag kana ding mag alala susunod din ang kabet mo." "K-kabet?" Kelan pako nag karon non wala nga kong asawa ay meron pala si Jimin. "Oo si Daryl diba remember ikaw pa may gustong isama sya." sagot nya na malanding inisrapan pako. "Gusto mo ibuhos ko sayo tong kape." pagbabanta ko. "Easy baby." "Ulul baby mo mukha mo!" "Yakapin mo nga ko please." nakangising aniya. Sobrang kapal talaga ng mukha face nito di matibag tibag. "Eto paa ko yakapin mo." itinaas ko ang paa ko at hinarap sa kanya bigla nya naman tong hinawakan at niyakap kaya nausad yung upuan ko papalapit sa kanya. Hindi lang pala to abnormal isip bata rin. Napangiti naman ako sa naiisip kaya ngumisi sya sakin. "In love ka nanaman sakin" napangiwi naman ako. Ulul in your dreams. "Siguro kasing kapal ng sampung libro o higit pa yang mukha mo" sabi ko. "Yung pangiti ngiti ganyan may balak sakin noh." Balak patayin siguro. "Tch, kaya ko ngumingiti kase gusto kitang lunurin ulit." "Sama ng ugali mo." wow nag salita. "Sino kaya satin tanong lang?" tumitig lang sya sakin pero biglang may tumawag sa cellphone ko kaya hinila ko muna ang paa ko na hawak nya bago ko sagutin yun. Kaso Sino to? Bakit number lang Hmm? "Hell--" "Hi babe!" nawindang ako sa lakas ng boses nya. Hay kakapal ng mukha ng mga lalaki ngayon. "Pano mo nalaman number ko?" tanong ko dito. "Kinuha ko kay Bryan,Malakas ata ako dun." mayabang nyang sagot. "B-binigay nya seryoso?" Anong napapagisip ng loko kong pinsan at binigay nya dito yung number ko. "Oo nga para daw ako yung kausapin mo kesa kay Kenzo" napatingin naman din ako kay Kenzo na masamang nakatingin sakin. "Ahh mamaya nalang tayo mag us--" "Ayoko nga miss na kita eh" "Magtigil kanga dya--" "Naka empake nako babe excited nako makasama ka" wow huh teka maka pag excited to parang walang nangyari nung nasa music room kami. Please self tanggalin mo sa utak mo yun!. "Mamaya na sabe tayo mag usap." paguulit ko ng biglang inagaw naman ni Kenzo yung cellphone ko. "Wag mong istorbohin yung magiging asawa ko" sigaw ni Kenzo at pinatay ang tawag sabay abot sakin ng cellphone ko napahilamos nalang ako ng mukha. Ayan nanaman po sya. "Pakialamero ka din masyado noh." sabi ko sa kanya. "Nag papalakpakan naman yang tenga mo dahil nakausap mo si Daryl." paano nya nalaman na si Daryl yun manghuhula din kaya isang to. "Nakita mo nakita mo? May kamay pala yung tenga ko" pabalang na sagot ko. "Ewan ko sayo" sabi nya sabay higa at talukbong ng kumot. Arte arte mo sabagay bagay sayo artistahin ka eh. Hindi ko na sya pinansin at pinagpatuloy kona lang ang pag kakape at nanood sa cellphone ko ng aking mga asawa. Then twitter pop on my phone.♡ 'Bangtan sonyeondan Fan meeting in Japan' Yey! agad ko itong pinindot para makita ang buong updated nito, sa wendnesday na pala gaganapin ng 2 kst and so 4 days to go nalang ito kaso may pupuntahan kami ...pero gusto kong pumunta dito walang makakapigil! Lumabas muna ko saglit para tawagan ang Bestfriend ko din alam kong matutulungan ako non. "Hello.." sambit nya mukhang kagigising lang. "Tina na maganda! ,tulungan moko." naeexcite na sabi ko. "Ano bayun?" "Pwede mo bakong bilan ng ticket sa airline nyo alam mo naman na account ko dun muna lang ulit kunin yung payment ko hehe." "Oo naman san kaba pupunta?kelan ka aalis?ano meron." sunod sunod nyang tanong. "Wait lang sunod sunod eh mahina kalaban sa Japan ako pupunta , and Wendnesday in the morning please para makapag book ako sa hotel dahil may fanmeeting yung babies ko." "Haha,Okay noted tawagan nalang kita mamaya." alam kong sanay narin sya sakin dahil sa kanya ko nag papatulong tungkol sa airplane ticket. "Sige Thank you, i miss you." "I miss you too ingat." "Bye." "Bye." binaba nya na ang tawag. YES! Solo trip koto, pero kailangan kong umisip kung paano ako makakatakas kay Kenzo sa araw na yun pag uwi kona siguro sa bahay isipin. Bumalik na ulit ako sa loob nakaupo na ulit si Kenzo at sinusundan pako ng tingin. "Katawagan mo nanaman ba si Daryl?" agad na salubong nya pagbalik ko. Luh? kelan pa sya naging manghuhula papahula nga ko kung kelan ko sya mabibigwasan. "Kulang kaba sa gamot o sobra?" tanong ko. "Halatang masaya kapa ah." Nakakairita na makipagtalo sa kanya! "Tamang hinala." "Eh bakit ka lumabas." "Bawal ba? "Oo." "Boss kita?" umiling lang sya "Hindi naman pala eh." "Pero asawa moko." Luh assuming pala nito. "Makapal nanaman ang mukha mo,tsaka kelan pa naging Park Jimin ang pangalan mo?" "Sino yun?" "Yun yung asawa ko kaya wag kang feeling,assuming at mag iimagine." taas noo kong sagot. "Ang pangit naman ng pangalan ny--" hindi ako nakapagtimpi binato ko sya ng cellphone ko wala kong pake kahit masira basta mabasag kolang sa mukha nya. "Mas pangit mukha mo" sigaw ko. "Seriously ako pangit pinag aagawan nga ko sa campus!" Lolo mo hanapin mo pake ko. "Dimo ba yun kilala?Mas Sikat yon Tanga!" world wide ata kilala ang baby ko. "Ahh yung koreano ba na naririnig kong tinitilian din ng ibang babae sa school pag hawak cellphone nila" tumango naman ako "Asawa mo yun eh bakla naman--" nabato ko narin sa kanya yung tsinelas na suot ko. "Shut up your mouth kung may bakla man ikaw yon!" "Ako bakla? Hinalikan nga kita kaso tinulak mo ko" inirapan kolang sya ipaalala pa daw ba. At may plano ka pa kuhaning first ko manigas ka "Gusto mo ulitin ko?" tanong nya pa. "Nakakita ka naba ng Flying Kenzo?" banta kona yan. "Hindi pa." Ahh hindi pa ibabato lang naman kita papuntang bintana at mag fly fly kana. "Pwes makakakita ka." tinawanan nya lang ako sa sinabi ko at lumapit sakin "Subukan mo lang lilipad din tong natitirang tsinelas ko sa mukha mo." banta ko at umatras. "Ako pa tinakot mo?" tanong nya na mas lalong lumapit sakin May binabalak nanaman sya.. "Lumayo kanga sa kanya Kenzo." napahinto naman si Kenzo. Thanks god. "Oh Bryan nandyan ka pala kamusta kayo ng ex girl friend mo. " mapangasar nyang sabi. "Maayos naman sya malayo sa gagong tulad mo." seryosong sabi ni Bryan. Go bryan fight tatay nako! "Pero ginago mo din sya diba?" nakangising sabi ni attitude este Kenzo na nag patingin sakin kay bry na nakakunot ang noo na kukay nalang magdikit to. "Na gagawin mo din sa pinsan ko?!" sigaw ni Bryan. Tama ka naman dyan wait--Ano?Bakit nadamay nanaman ako. "No." kalmadong tanggi ni Kenzo at tumingin sa bintana. "Wag ako Kenzo kilala kita." "Hindi na ngayon , hindi mo nako kaibigan remember?" Ang aarte nila. "Oo nga naman." napangisi pa si Bryan. "Kaya di ako papayag na gawin mo din yun kay Celine." "Alin ang ipasa sa iba, pwede naman.." "K-enzo.." mahinang tawag ko. "Pero di mangyayari yun dahil gusto ko nga sya." sigaw nya nako patawa nanaman sya kaya nakisali ako sa usapan nila. "Aalis nako." paalam ko kaya napatingin sila sakin kita ko ang pag iba ng ekpresyon nya at pag ngisi ni Bryan. Madami pako aayusin bahaka kayo dyan. "Celine..." tawag nya sa pangalan ko "Take care bye" ngumiti ako at nag mamadling kinuha ang gamit ko sabay labas. Maka uwi nalang at kung mag sasapakan man sila don bahala na bigyan ko pa silang tig isang kutsilyo. Habang kumakain ako may binigay si yaya yolly sakin habang naka group video chat kami. "Enjoy your trip." nakangiting sabi ni Tina na mukhang bagong gising pa. Galing to sa bar kagabi for sure kaya tanghali nanaman nagising. Napangiti nalang ako dahil nandito na yung pinagawa ko, kaya love ko si Tina eh,pagkatapos kong kumain dumiretso agad ako sa kwarto para maayos kona ang gagamitin ko bukas. "Bakit may dala kang army bomb?" tanong ni Shanne na kakaaaccept lang ng request namin video chat. "Ano kase secret lang natin to ha gagala lang ako sa japan kaya tulungan mo nyo ko magisip ng paraan para tumakas." "Maka gala parang sa park kalang pupunta."bilang singit ni Tonette na kaibigan ko din kapatid sya ni Tina kaso nasa america sya nag aaral. " Tsaka bakit nasa palawan naba tayo pag tumakas ka?" Jade na nabasa agad ang plano ko. "Pano sila Kenzo at Daryl iiwan mo sila dun? Kwento ni Macky na pinasama monga daw si Licauco.?" nagtatakang tanong ni Tina. "Yaya ko Tina?hayaan mo sila magpatayan ron?" natawa naman silang tatlo bukod kay Shanne na umiling lamang. "Magwawala si bry for sure pag nalaman nyang tumakas ka kasi mapapagalitan sya ng kuya mo."nakangusong sabi nya. "Dont worry papaalam ko kay Bry,at Uy concern kay insan haha." natatawang pang aasar ko sa kanya na tinawanan lang nila. "Shanne bakit ba kase second day pa kayo dadating ni nicolas ako lang tuloy mag isa kasama yung attitude na may sayad sa utak pati ikaw jade dapat nauna na kayo."nakangusong ring reklamo ko. "I need to go somewhere may inutos si lolo gawin ko muna daw yun before ako pumuntang palawan."seryosong sabi nya at naiintindihan ko naman syempre si Nicolas paniguradong magdadahilan rin para makasabay kay Shanne. "Tutulungan ko si max sa project nya kaya susunod na lang ako." sabi ni Jade. "So wala nga talaga ko magagawa kami na talagang dalawa mauuna."napabuntong hininga na lang ako naiisip ko pa lang stress na agad ako. "Ganon na nga girl." sabay tawa ni Tonette. "Goodluck sayo." "Kaya mo yan one and half day lang naman." "Ayieee yung bilin ko sayo dalin mo yung swimsuit na neregalo ko sayo nung birthday mo." "Susunod ako pag katapos ng pinapagawa sakin." Sabay sabay nilang sabi mga bully talaga. "By the way nakapag book kana ba ng hotel sa japan?" sabi ni Tonette. "s**t nakalimutan ko." nagpapanic kong sabi. "Loka kung makapaghanda ka wala ka papalang matutuluyan ano yun sa airport ka titira."si Tina na natatawa. "Nabook na kita sa hotel." biglang sabi ni Shanne na kaagad nagliwanag ng mata ko. "Yehey your the best talaga."sinasabi ko habang tumatalon ako. "Pero pano nga pala ko makakatas?" bigla ko napaisip kong tanong "Pagusapan nalang natin pag nandun na tayo,daan ako dyan bumaba ka maya maya mga around 7 pm anong gusto mo?" sabi ni Shanne dahilan kung bakit napatayo nanaman ako na kinatawa nya nila. "Mukha ka talagang paglamon." pang aasar pa nila at dun na natapos ang usapan namin dahil may mga gagawin pa sila. Hay miss ko makumpleto kami bakit ba kase ang busy ng mga kaibigan ko lagi sa mantalang ako bored na bored na lagi mukha ng pinsan ko dagdag mo na si Kenzo na attitude. Tinext ko si nicolas na pumunta rin sya dito ng 7pm hihi diba mag aala kupido ko sa dalawang to baka sakaling umepekto. Napagpasyahan kong maligo muna at magsuot ng favorite kong hello kitty terno tshirt at padjama sigurado pagtapos ko nandito na sila at tama nga yung hula ko habang nagsusuklay bigla kumatok si Yaya Yolly. "Celine nandyan si Shanne at Nicolas sa baba." "Susunod po ako yaya saglit lang." excited ko sagot. Habang bumaba ako naririnig ko ang pangungulit ni Nicolas kay Shanne. Ganyan nga wag mong tantanan mapapansin ka rin nyan "Shanne sinong kasama mo bukas?saan ka pupunta? sama ko." tila bata na gusto mag tantrums ni Nicolas. "Shut up mukha ko bang kailangan ng kasama?" mariin na sabi ni Shanne na nagpatigil sa kanya Ay basag better luck next time nics. "Uy nandyan na pala kayo." bigla putol ko para makalimutan nila yung pagkaasar sa isat isa "Tsk bat ba nandito to?" mahinang bulog ni Shanne sakin habang inaabot ang favorite kung cake sa coffee shop nya na hindi nakaligtas sa pandinig ni nicolas. "Aba ikaw lang yung kaibigan ha ikaw---" "Masyado kang madaldal." putol ni Shanne at tinalikuran na sya at pumuntang kusina for sure pagluluto nya kami kaya dumeretso na lang muna kami sa sofa ni nics para pumili ng papanuorin movie pagkatapos ni shanne magluto. "Nics bakit hindi ka pa umaamin sa kanya?" pambabasag ko sa katahimikan namin. "Kasi natatakot akong pag nalaman nya mas lalo lang sya lumayo sakin." pinilit nyang ngumiti pero hindi parin nun matatago ang totoo lungkot na nararamdaman nya pero bago ko makapagtanong muli biglang dumating si Shanne at nilapag na ang mga snaks na niluto nya. Pasta,burger,fries,chicken fillet hay this is life tahimik na lamang kami kumain at nanuod ng movie mukha kase nagtampo talaga si Nicolas kaya walang imik. "Take care celine susunod ako pagkatapos ng pinapagawa sakin." paalala nya at niyakap ako ni Shanne. "Bye besss see you sa Palawan." sabay kindat sakin ni Nics na kinairap ni Shanne "Uwi na tayo honey." pang asar ni Nics sakanya. Tinignan lamang sya ni Shanne ng seryoso at pinaharurot na ang motor nito na kaagad sinundan ng kotse ni nics napapailing na lamang ako at bumalik na sa aking kwarto para magpahinga kagad naman akong binalot ng antok. Goodnight self ready muna yung sarili mo bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD