"BRYAN! ALISIN MO YAN DITO!" sigaw ni Kuya mula sa kwarto nya aga aga nagiingay na sila tumayo ako at binuksan ang pinto para alamin ng kaguluhan ng dalawang tukmol.
"B-bakit may ahas k-ka." kinakabahang tanong ko nasa harap lang sya ng kwarto ni kuya na kaharap lang din ng kwarto ko kaya napaatras ako sa kwarto ko at sinara kaunti ang pinto.
"Bestfriend ko to." hinimas himas nya pa ang ang katawan neto.
Kinikilabutan tuloy ako.
"Kelan kapa nag kaibigan na ahas" si Kuya na magdidikit na ang kilay sa pagkakunot.
"Simula nung--" di nya natapos ang sasabihin ng batuhin na sya ng unan ni Kuya kaya tumakbo sya paalis.
Pasaway.
"Sundan mo nga yun kung saan nanaman dadalhin yung alaga nanaman nya." sabi ni Kuya at tumango na lang ako.
May choice pa ba ko hay.
"Tsaka mag ayos kana, ngayon ang alis nyo ni Kenzo diba?" napairap nalang ako ng marinig ang pangalan nya.
"Oo na" nakangusong sabi ko na kinatawa nya.
Anong nakakatawa ha!
Sinundan kona si Bry na pirming naka upo naman sa sofa habang kausap yung ahas na alaga nya.
Nakakatakot na tumira dito sa bahay baka sa susunod sakmalin nalang ako ng lion o tigre na gagawing alaga nya.
"Iha may bisita ka" sabi ni Yaya Yolly sakin na kakapasok lang ng pinto.
"Sige po papasukin nyo, salamat po" sagot ko at lumabas na sya ulit.
Umupo naman ako sa may katabing sofa kung nasan si Bryan na masayang kausap ang kanyang Bestfriend 'daw'.
"Say Hi to Ate Celine." utos nya dun sa ahas na kulay yellow.
Ano daw.
"Ano nanaman naisip mo at nag uwi ka nyan" tanong ko.
"Trip kolan---"
"CELINE!" masayang sigaw ng kung sino mula sa pintuan na ikinatingin naman namin agad ni Bry.
Anong ginagawa neto dito.
Naka porma pa syang pang beach with matching sunglasses habang hawak ang di kalakihang maleta na malawak ang ngiti sa labi.
"Nandyan ka na pala" sabi ni bry at pinalapit si daryl.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ako ang nag papunta sa kanya sasabay na sya sa inyo" si Bryan ang sumagot.
Sana sila Jade din.
Kasabay naman non ang pag pasok din ni Kenzo sa pintuan habang busy sa pag cecellphone tignan monga naman buhay na buhay pa ang loko pagkatapos ko silang iwan ni Bryan kahapon paniyak na baka nagpatayan sila.
"Bakit ka nandito?" tanong nya kay Daryl at masama na silang nag tinginan.
"Mga bro mamaya na ang gulo." sabi ni Bryan na lumapit kay Kenzo.
"Baby say hi to Kenzo." mapangasar nyang dagdag habang nilapit kay kenzo yung ahas na kina atras naman eto.
"Oh wag kang umusad mag hi karin sa kalahi mo." may diin at may kahulugan pa nyang sambit
"May ibig kabang sabihin,Bryan." taas noong tanong nya kay Bry.
"Wala naman depende sayo kung ano iniisip mo." walang takot syang tumingin kay Kenzo habang si Daryl naman kinakalabit ako.
"Problema mo?" tanong ko
"Wala excited nako lang ako hehe." sagot nya at pinisil ang pisngi ko
"Hoy Daryl wag monga sya hahawakan." at may attitude nanaman tinignan kolang sya ng masama bago tumayo.
"Uhmm pede manahimik muna kayo please? at kukunin kolang ang gamit ko---At walang mag tatalo kundi lagot kayo sakin." banata ko at iniwan ko muna sila para mag ayos ng bihis at kunin ang maleta ko.
Wala pang sampung minuto nakababa nako nakita ko silang tatlo nag lilipat lipat ng tingin sa isat isa ng makita ko ni Bry sumenyas ako na abutin nya itong maleta ko.
"Hawakan mo muna si Bestfriend." inaabot nya sakin yung a-ahas kaya napasigaw ako.
"Siraulo kaba! Ayoko nga noh tuklawin pako nyan."
"Hindi naman sya katulad ni Kenzo kaya wag kang mag alala haha."
Ano connect ng ahas kay Kenzo?
"Hay nako dalin mo nanga lang palabas yang maleta dami mong eme." utos ko.
"Oo na prinsesa ko eto napo." nag bow pa ang loko.
"Teka nga pala" huminto naman sya "Bakit mo nga pala pinapunta si Daryl at sana sila macky din nakakainis ka."
"Syempre alam mo namang dakilang mapang aasar ako, pinasabay ko sya para narin asarin si Kenzo tapos sila Macky susunod dahil may aasikasuhin pa."
"Ahh ganun ba bilisan nyo pag sunod ha baka kase lunurin ko yung dalawa." natawa naman sya sa sinabi ko.
"Pero Bry yung kay Kenzo na plano...." tumitig muna sya sakin ng matagal bago tumango at ngumiti nalang.
Gets naman na siguro na ang hirap nun.
Nilapitan ko naman si Kenzo na masamang nakatingin sakin.
Problema nanaman sungit talaga!
"Kenzo pwede bang maging matinong tao--este maging okay sana muna tayo habang nandon." sambit ko nag iba naman ang expression nya at yumakap sakin na kinagulat ko.
"Okay." yung lang at nauna na syang sumakay na sa sasakyan nya salamat naman pero parang may kaba parin akong nararamdam.
And the moment I went inside Kenzo's car too, all i did was to sigh!.
"Hands down,Daryl." marahas nalang akong napa hawak sa ulo sa sandali nato ang sarap nilang ilaglag palabas ng sasakyan.
"Umurong kanga Del Vega."
"Bakit hindi ikaw, sabit kalang dito!"
Sabi na eh kaya ako kinakabahan.
"Kasalanan ko bang gusto ni Bryan bantayan ko si celine kaya pinasama nya ko dito."
"I don't care, magsama pa kayo."
Bakit ako babantayan?kinder lang?
"Can you two please shut up!" I said in my high voice.
Taglish ngayon tayo self nakakasawa mag pure tagalog.
"At sana naman wag na kayong magtalo,enjoy the moment guys!" I added and close my eyes.
Tsaka Japan japan 2 more days to go naman na !! excited nako Jimin wait for me baby.
It was long drive.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ginising nalang ako ni Kenzo na nasa Airport na pala kami para sumakay papuntang Palawan.
"Celine wake up,Were here love." napadilat naman ako sa sinabi nya at kusang umarko ang aking kilay.
Love? Uloowl.
Nasa harap ko sya at magkalapit ang mukha namin na kinabilis ng t***k ng puso ko hoy puso umayos kanga masyado kase akong pinakakaba ng isng to ng dumako ang mata ko sa labi nya .
The slow movement of his lips and its like pulling me to kiss him, What? NO NO NO big No self ! naalala ko nanaman yung paghalik nya malapit sa labi ko nung nasa hospital kami argh! muntik na yun.
"Mamaya mona balakin na halikan ako pag nandon na tayo,kahit pag sawaan mopa o gusto mo mas wild pa don,Want?" natigilan ako sa pag iisip at marahas ko syang itinulak.
Bastos neto tadyakan kita eh.
"Excuse me?" Pinagtaasan ko sya ng kilay.
"Dont pretend na hindi ka naatract." nakangising sambit nito habang tinatapik ang dibdib bigla tuloy ako nasamid ng sariling laway ko.
Yabang!
Tumayo na ako at lumabas ng sasakyan nakakagigil napaka taas ng tingin nya sa sarili eh ang baba naman ng mukha hmp.
"Nagbibiro lang ako. Pikon agad?"
Di kona sya pinansin at pinaligid ko naman ang mga mata ko dahil nasaan yung isang pasaway.
"Babe!" Sigaw nito mula sa likuran ko "Hanap moko?" nakangising tanong nya sakin.
Noo mo hanap apaka landi.
Ngumiti pa sya sakin na parang walang ng bukas habang inabot ang isang can ng softdrinks sakin.
"Tara na! , tama na yang paglalandian nyo." masungit na ani nya habang masamang nakatingin samin.
Landian agad di ba pedeng Harot muna OA mong attitude ka!
Magkakasunod lang kaming pumasok sa Airport hanggang makarating sa loob ng eroplano at naupo. Pumagitna ako ng upo sa kanila para hindi magtalo pero parang gusto ko silang pag untugin.
"Babe anong gusto mo?"
"Ang manahimik ka." sagot ko ngumisi naman si Kenzo sa kanya.
"Wag mo kasing guguluhin ang fiancee ko." sabi nya at hinawakan ang kamay ko siniko ko naman agad yung tagiliran ng manahimik.
Feelingero masyado fiancee mo lang ako hindi pa asawa remember my one and only park jimin.
In a kasal na talaga kami nom ako nga lang may alam.
"Pareho nga kayong manahimik!" Inis na sabi ko at pinagsiklob ang braso nag suot naman ng earphone si Kenzo habang si Daryl ang kulit.
"Pero nakakainip kasi dito babe." angal nya.
"Itulog mo payan Daryl."
"Tawagin mo din akong babe." napataas naman ang kilay ko.
"Why do i? Eh--"
"Oo na kase si Kenzo talaga." maarteng sabi niyang sabi.
"Anong pinagsasabi mo."
"Oo na si Kenzo na."
"Manahimik kanga."
Ang arte nya!
"Hindi eh si Kenzo ang gusto mo."
"Daryl!"
"Tch, lagi nalang si Kenzo."
"Sabing manahimik ka eh."
"Hindi! hindi! hindi! kase si Kenzo yung gusto mo."
"Bakit ko sya magugustuhan eh si -" napatigil agad ako ng matiim na nakatingin sakin si Daryl.
Why?
"Fine!fine!fine!" sambit nya.
Bakit ba hilig nyang ulitin ang unang sinasabi.
"Sino ba pinaguusapan nyong dalawa." napatingin naman kami ni Daryl sa kanya.
"Wala kanang pake" masungit na pareho sinabi namin dalawa ni Daryl at pumikit nalang ako.
Mas magandang itulog ko nalang ulit to pero.. Ano kaya mangyayari pag nandon na kami stress mode is on kaya?
Pag uuntugin mode ko sila.
Mapapatay mode ko sila.
Ilulunod mode ko sila.
Ilang oras lang ang nakalipas nakasibangot nakong nag lalakad palabas ng airport ng palawan kasabay ang dalawa na nakasunod lang at nag sisikuhan pa kahit hanggang pag sakay.
My gosh!
Malayong byahe nanaman ang nakalipas at nalibang naman ako sa nakikitang mga tanawin kahit masakit na pwetan ko kaka upo. Malamig ang simoy ng hangin na nararamdaman kong dumadampi sa aking mga balat at ang tubig sa dagat na sobrang linis may nakita rin akong mga rock formation sa malayo. Nakaka relax sa pakiramdam siguro dahil ang tagal na mula nung bumalik ako dito,parang gusto ko na lang tuloy tumalon kesa masama ang dalawang asungot na to.
Nang makarating na kami sa hotel bigla naman akong nainis dahil isang vip room na may 2 bedroom,medyo malaking sala at saktong kitchen may mini bar din at beranda ang nakahanda saming tatlo seriously Kuya? Ang cheap mo Charot.
"Babe surfing tayo!?" napatingin ako sa kanya habang nilalapag ang gamit ko.
"No and don't call her babe." sambit ni Kenzo kaya sinamaan sya ni Daryl ng tingin.
"Hey anong sabi ko" nanahinik naman sila "and Sige, wait feel korin mag surf." dagdag ko natuwa naman sakin si Daryl maliban sa isa na masama parin ang tingin.
Tatanda sya ng maaga sa ginagawa nya tsk tsk.
Pumasok muna ako sa kwarto at nilock iyon bago sinuot yung swimsuit na niregalo ni shanne noon ,whiIe looking my self in the mirror.
"Your so sexy Celine" manghang sambit ko sa sarili habang inaayos ang pony ng buhok ko.
"Celine --" napahinto pa sya pa pag bukas ng pinto teka nilock ko yun ah.
"Lalabas na pala muna ako.." naiilang na dagdag nya.
"Babe tara n--" si Daryl na sa likuran nya lang "Ako dito muna" ngumisi pa ang loko sakin kaya hinila ni Kenzo yung tenga nya at lumabas sila pareho.
"Crackheads" bulong ko.
Nagsuot din muna ako ng blazer bago sumunod sa kanila nakakahiya naman kung lalabas akong ganito baka mainlove sakin lahat ng makakakita mahirap na chos.
"Lets go!" excited kong sabi.
Nagsilabas na kaming tatlo pero napansin ko si Kenzo na naiilang sakin dahil pag tumitingin ako sa gawi nya agad syang nagiiwas ng tingin problema nito?
"Kenzo." tawag ko dito nag oh naman sya pero hindi lumilingon sakin.
"Bakit--"
"Wala ko sa mood." wala panga kong sinasabi.
"Okay." napahinto sya at tumingin sakin bago hawakan ang kamay ko.
"You are beautiful." sambit nya na kinaiwas ko sipain kita dyan eh nambobola pa.
"Hoy! bitawan monga sya." hinila naman ako ni Daryl.
"Bakit ko gagawin?" Hinila din ako ni Kenzo ano to babaliin nyo ba braso ko?
"Dahil akin sya." sagot ni Daryl.
Luh?
"Proweba."
Isa kapa.
"Eto..." bigla akong binuhat ni Daryl at sinampa sa balikat nya sabay takbo.
"Hoy ibaba moko! napaka siraulo nyo talaga." sigaw ko.
Patuloy lang sya sa pagtakbo hanggang marating namin yung elevator tsaka nya ako binaba at pinundot yung button para sumara.
"Kenzo! Bye sunod ka nalang sa reception ng wedding namin" mapangasar na sambit ni Daryl bago sumara ang pinto at bumaling sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
Nababaliw nako sa pinag gagawa nila.
Sabay kamo kumuha ng surf board bago pumunta sa tabi ng dagat, Napakaganda ng dagat ngayon saktong sakto lang para mag surfing dahil hindi ganong kalakas ang alon naalala ko tuloy nung bata ako at nag sisimula palang mag surfing nalulunod pako sabay tatawanan ako ni Bryan,hmm namimiss ko agad yung loko nayun kahit maraming pet na nakakatakot haha Nagsimula yun nung gr 5 palang kami may tinulungan syang aso sa daan dahil naipit yung paa neto tuwang tuwa sya nung naalis nya yung aso don tapos lumapit sakin at sinabing 'alam mo celine simula ngayon tutulong nako sa mga pet at uuwi ko sa bahay yung ibang walang bahay'dahil abnormal din ako tumango ako sa kanya tapos lagi na kaming may inuuwing tuta o pusa sa bahay pero si kuya nakagat nung isa don kaya pinalagay sila sa pet pond umiyak pa yung loko nun kaya sabi ko okay lang yan kukuha parin tayo at itatago sila ngumiti sya sakin at niyakap ako kaso ngayon matatakot kana sa mga inuuwing pet sa bahay susko kelan pa naging pet yung ahas,crocodile at unggoy.
Pwede ko talaga gawing negosyo yun De Nile Zoo haha.
"Hey lets go turuan mo ko." napatigil ako sa pag iisip at nakangiting humarap sa kanya.
" and I love your smile." sambit pa nya kaya natigilan ako.
"I love the fish wag kang ano dyan tara na."sabi ko habang hinubad ang blazer at binato kung saan.
"Paano ba sinisimulan to?" tanong nya
Una ipupokpok ko sayo.
"Lumapit ka sakin" agad naman sya lumapit as in na dikit na dikit sakin at yumakap pa! Chansing!
"Ganito ba?" tanong nyapa sabay binatukan ko narin yung madadama nya.
"Hindi ganyan ganito." nilublob kopa yung mukha nya sa tubig at dahil malakas sya nakaahon agad ang loko.
Sayang gagawin ko pa naman syang shokoy.
"Papatayin mo bako."
"Oo hahaha." tinawanan ko pa pero agad akong napahinto ng hapitin nya ko.
"Sana kung papatayin moko,sana sa pagmamahal mo---Aray nakakadalawa kana ah." angal nya ng batukan ko sya ulit.
"Dami mo kasing alam." sambit ko at nadako ang tingin kay Kenzo na masamang nakatingin samin, nandito na pala sya.
"Oh Kenzo nandyan kana pala, Tara dito." si Daryl na sinamaan ng tingin ni Kenzo.
"Magsama kayo!" tumalikod sya at nag lakad.
"Hindi ka siguro marunong lumangoy haha." pangaasar pa ng isa pero si Kenzo humarap samin at ibinato yung suot nyang tsinelas buti nalang nakailag agad ako dahil malapit sakin tatama.
Siraulo talaga!
"Humanda ka sakin mamaya." banta nya at tuluyan ng umalis.
Tawa naman kami ng tawa ni Daryl.
Pikon pala si attitude.
Pagkatapos nun nagulat ako sa bigla pagyakap sakin si Daryl at pinailalim nya ang katawan namin sa tubig pinilit kopang makawala pero ang higpit ng hawak ng loko sakin.
Habol hininga naman ako ng umangat na kami "Definitely confirm, Siraulo ka talaga!" tinawanan lang ako ng walangya.
"Correction definitely in love with you" inirapan ko sya at tumuro sa surf board.
Alam kong marmi syang alam kaya shut up na.
Sinimulan ko naman na syang turuan pabebe pa nung una at yakap ng yakap sakin kaya nababatukan ko sya mga 100 times bago nya nakuha at na ibalance ang sarili dahil puro tawa lang din ang naiambag!
Nang kaya nya na ng sarili lang kinuha ko nadin yung isa pang surfboard para sabayan sya.
"Babe tignan moko." sambit nya habang nag pogi sign pa yabang din! dahilan kung bakit sya pinagtitinginan ng mga babae.
Iba talaga lapitin natatakot ako baka pati pating lumapit na samin.
Lumangoy ako sa may gitna ng may nakita kong malaki laking alon hinintay ko iyon bago ako umangat sa surf board at bumalanse pero hindi nakalagpas sa mata ko si Kenzo na nakatingin na walang emosyon sakin sa di kalayuan bigla ko nalang naisip na ngitian sya kaya napatitig ang loko sakin bago ako ngitian pabalik pina dilat dilat ko pa yung mata ko kung totoo.
Nakangiti sya sakin ng malawak.
Hindi ko pala napansin na mababa na yung alon kaya nawalan ako ng balanse at napa ilalim sa tubig agad na may kmay na tumulong sakin pag angat ko si Daryl na nag aalalang binuhat ako napatingin ulit ako kung nasan si Kenzo kanina pero wala na sya dun.
Namamalik mata lang ba ako?
"Bumalik na muna siguro tayo sa hotel." sambit nya na buhat parin ako binaba nya ein ako saglit para kunin ang blazer at isuot sakin.
Pagdating namin nakahiga lang si Kenzo sa sofa at seryosong nag cecellphone dumiretso naman ako sa kwarto para magpalit at lumabas uli.
"Da! bumili ka nga ng pagkain." sabi habang lumapit sa kanaya hininto nya naman ang pag lalaro at tumingin sakin.
"Ano ba gusto mo?"
"Ice cream o kaya cake lang." mabilis na sagot ko.
"Hindi ba ako?" Siniko ko agad sya "Aray!mapanakit ka talaga"
"Wag kang abnormal kagatin kita dyan eh kaya bilisan mo."
"Sample nga ng kagat." nakangising sabi nya na inirapan ko ng yakapin nya ang braso ko.
"You two are so annoying." sambit ng sungit.
"Babeb bibili nako mabilis lang ako iwasan mo narin yan baka sumabog." natatawang sabi nya at nag tatakbo dahil akmang babatuhin sya ni Kenzo ng unan.
Pabalik na sana ako ng kwarto "Wag mo nang uulitin yun ah." nang napatigil ako sa kanya.
"Ang alin?" inosenteng tanong ko.
"Wala pala." sabi nya at lumapit sakin. "Pero Celine pwede ba tayong mag scuba diving bukas."
Huh?
"Pero diba--"
"Turuan moko....." what the "Please." nagpuppy eyes pa sya
Wait nanaginip bako sandali pasampal nga.
"S-sure" nag aalinlangan pa akong sumagot bago ngumiti.
Lumapit naman ako sa kanya at kinapa ang noo nya.
"Why?" tanong nya.
"Wala baka nilalagnat ka ang bait mo kase." sagot na hinawi nya ang kamay ko.
"Mabait naman ak--"
"Yah pag tulog." ngumuso naman sya sa sinabi ko kaya natawa ko. "Bagay sayo cute mong tignan haha."
"Really? i guess in that way you can like me."
"Asa ka."
"Diko na kailangan umasa kusang mapapasakin ka."
"Tse." sabi ko at tumayo balakajan narinig kolang na tumawa sya.
Happy kang attitude ka?
Mabilis lang nakabili si Daryl kanina kaya nakabalik agad nanood lang kami habang kumakain at nag laro di sila sa cellphone nila habang ako inip na ini para sa dinner at Yes!
Dumating naman ang oras ng dinner kaya na pagpasyahan namin na kumain sa isa sa pinaka sikat na restaurant sa baba ng hotel.
Im excited na lumamon.
"Sir may i take your order?" tanong nya kay Kenzo.
"Appetizer-pancetta crips with goat cheese and pear,soup-chesnut fennel soup,salad-mixed green toased with croutons,white balsamic vinigratte, grape tomatoes,red onion,roasted papper,cucumbers and banana peppers."
Wow yayamanin ang lolo nyo.
"Paki dagdag narin ng pasta-butternut squash gnochhi with sage brown butter entree-smoke cheddar stuffed chicken with green apple slaw main course-chicken gonzola and lobster bisque served with swimmerets dessert-bourbinpumpkin cheesecake and lastly dessert i want toffe nut frappe." napanganga nalang ako sa order nya grabe gutom ata? yung babae naman tumatango at nag susulat panong nasundan nya lahat yun aber? kung ako nga walang naintindihan sa sinabi ni Kenzo.
"Wala lahat ng sinabi ko sa menu at sabi rin rito pwede mag request ng kahit ano so can you do it for me?" dagdag pa ni Kenzo.
"Yes sir we will try our best to serve the food that you want." tumango lang si Kenzo at tumingin naman yung babae kay Daryl.
"Sir ikaw po,may I take your order." ngumiti lang si Daryl.
Wag mong sabihin sakin na pati itong babaeng to lalandiin mo?
"Miss ganon na lang rin nabusog nako sa daming nyang sinabi palitan mo na lang yung drinks ko gawin mong freshed brew ice tea and pasta fettuccine alfretado yun lang thanks ikaw Celine anong sayo?" bumaling nya sakin.
"Tubig nalang siguro nahiya ako sa order ni Kenzo." sabi ko at tumingin kay Kenzo na ngumisi lang.
"Siguro ganon nalang din po yung order nya." tumango naman yung babae at umalis na
Ilang minuto lang ang lumipas ng dumating ang order namin,Seryosong kumakain lang si kenzo habang si daryl sinubuan ako ng kung ano ano.
"Eto pa." sabi ni Daryl at nilagyan ang plato ko.
"Teka nga hindi nako makalunok sayo." angal ko.
"Para mabusog ka babe, oh eto pa tikman mo."
"Umayos nga kayong dalawa respeto sa kumakain." masungit nyang sabi kaya umayos naman kami ni Daryl habang may lumapit naman na babae.
"Hey are you Daryl Clyde Licauco? the heir of licauco pharmaceutical companies,knight cylde 5 star hotel and many other companies." i mocked what her said but in little tone ngumiti naman si daryl na nahihiya sa kanya.
Tsk arte mo.
"Ay, hindi ako yun mahirap lang ako haha." sagot nya at mahina syang natawa na kinainis ko bat nga bako naiinis.
"Wag mo nang ideny haha nakikita kita sa Magazine, ako nga pala si Beyonce Cortez.
And you, You are Kenzo Dela Vega ang apo ng may ari ng Dela Vega shipping lines." baling nya naman kay Kenzo lahat nalang ata alam nya noh,tanong ko din kaya sa kanya kung paano sya mawawala sa paningin ko.
" Can I invite you to bar later?Let's have some fun" kumapit pasya kay Daryl kaya napairap nalang ako.
"Nako.." si Daryl na parang gustong umangal.
"Sige na,please" pangungilit ng babae kaya ako na ang sumagot.
"Oo na sabihin mo shy kapa,sasama narin kami ni Kenzo" natuwa naman yung babae sa sinabi ko at hinila si Daryl habang pinagsaklob yung braso nila.
Sumunod naman kami ni Kenzo sa kanila hanggang elevator nasa rooftop daw kase yung bar dito sya na magaling! Tuluyan na kaming nakapasok sa elevator at umangat na ito.
Hmmm... tinignan ko si Daryl at yung babae na kapit na kapit parin kay Daryl malupit pa to sa alagaang ahas si Bryan eh.
Tsaka ano daw pangalan nya? beyonce?hmmm.
Umayos ako ng tayo at kunwaring tinitignan ang kamay ko at sinumulan ang naisip na kalokohan
"You're everything,I need and more..." tumingin naman ako sa taas habang kumanta ng 'Halo' fan ako ni Beyonce eh bakit ba.
"It's written all over your face.." naramdaman ko na tumingin sila sakin.
"Baby, I can feel your halo., Pray it won't fade away." pag papatuloy kopa.
"Celine." si Daryl
Celine mo mukha mo.
"I can feel your halo (halo),I can see your halo (halo)." hindi ko sya pinansin at tumingin lang sa babae.
Di ko mapipigilan humagalpak ng tawa dahil sa reaction nila pero agad ko din tong pinigilan ng masama tumingin si benyoce sakin haha.
Bumukas na yung elevator kaya nauna akong maglakad sa counter kung saan may mga drinks si kenzo lang ang sumunod sakin at nawala sila Daryl nakipag lampungan na ata.
"Anong mukha yan?" tanong ni kenzo sakin pero hindi ko sya pinansin at pinanood ko nalang yung mga sumasayaw. Habang nakalapit na pala samin si Daryl ng hindi na kasama yung babae asan na yun? kakantahan ko panaman sya ng isa pa.
Sakto pwede daw mag mix ng sariling drinks dito nagpresinta naman si Daryl expert daw sya ganon.Ikaw na! dahil daw yung lolo nya mahilig sa alak ,Yabang!, nakangiti pa sya sakin bago nag request si kenzo kay daryl ng mojito at nung ako tanungin nya margarita lang ang sinabi ko at umiwas ng tingin bakit bako nag kakaganto.
Nang mailapag nya na ang inumin namin may lumapit nanaman na babae at kay kenzo ito bumaling at nag pakilala Trisha Gomez daw pangalan nya anak ng isang mayaman na politiko pero pake ko mas maganda parin ako duh.
Kumapit pa sya sa braso ni Kenzo pero inaalis ni Kenzo yung kamay nya Ang daming mahaharot ata ngayon .Tinungga ko nalang yung ilang shot margarita inihanda sakin ni daryl at na tumayo ko gusto ko makisali sa nag sasayawan at umiwas sa dalawa lalake na sakit sa ulo ko pero hindi pako tuluyang nakakapunta sa gitna ng may nabunggo naman akong lalake.
"Sorry..," sambit ko dito.
"Celine?"
"Caleb?" Gulat kong tanong dati ko syang naging kaklase pero lumipat lang sya ng school.
Ngumiti sya at inalalayan akong makabalik dun sa pwesto ko kanina kase aayusin ko yung sandals ko na natanggal lang yung pag kakakabit himalang wala na yung trisha na naka kapit kay Kenzo bat nagsisilayasan sila?
Tinignan ko yung dalawa na masamang nakatinggin samin at papalapit kaya inirapan ko sila.Inayos naman ni Caleb yung sandals ko at ngumiti sakin sakto naman na may nakatulak sa kanya kaya muntik nya nakong mahalikan hindi naman ako makagalaw dahil sa gulat.
Bigla nalang may humawak sa mag kabilang kamay ko at hinila ako palayo kay Caleb kaya hindi kona nagawang mag paalam sa kanya.
"Celine ano bang ginagawa mo." Inis na sambit ni Kenzo.
"Wag kanga lalapit kahit kanino." sabat naman ni Daryl.
Ano bang problema nila.
"Pake nyoba!Asan yung mga babae nyo? Sila nga yung buwisitin ninyo." sigaw ko nag katinginan lang sila kaya nag lakad ako palayo mga istorbo napahawak nalang ako sa gilid ng elevator dahil Nakararamdam ako ng konting hilo seriously konti lang ininom ko pero teka ilan nga ba yung nainom ko?