Savior

4593 Words
"Daaaaaaryl!" Napabalikwas agad ako ng bangon dahil sa panaginip nayun. Shit bat ganon ano yon aalis daw sya... Akmang tatayo na sana ako ng may makita kong attitude este. "Kenzo?" gulat na sambit ko. Anong ginagawa ng kupal nato sa kwarto ko nakaupo pa sya sa may sahig?! "Wala man lang bang goodmorning love dyan." "Lul love ka dyan anong ginagawa mo dito at--" "I'm just cheking my Son." K*ng*na ano daw Son? Tumuro naman sya sa may gilid nya nandun yung Chimmy na binigay nya sakin at mukhang nagtea party pa sila. Baliw na ata sya. "Kenzo may sakit kana ba sa utak ha?" tanong ko kaagad akong tumayo upang lumapit sa kanya at kinapa ang noo nya na mukhang ikinagbigla niya "Kenzo tatawag naba ko sa mental hospital sabihin molang?" "Tch hindi ako baliw noh kung mababaliw man ako sayo yun."masungit kunwari nyang sagot pagkatapos ay binigyan nya ko ng malawak na ngiti. Tungunu numun attitude talaga. Tumayo nalang ako ng maayos para pumunta sa banyo pero napahawak nalang ako sa noo ko ng makita kong may nakatabing na kumot sa malaking frame ni Jimin na naka harap sa may kama ko at sa ibang picture nya na sinulatan ng marker ang mukha parang gusto ko maiyak sabay sapak sa gumawa! "Kenzo!! Anong ginawa mo!" naiinis kong sabi at kaagad na lumapit sa kanya't sinabunutan sya. "Aray!aray Celine tama na." angal nya sa ginagawa ko. Ang galing galing mong attitude ka! "Tanggalin mo yang mga marker na sinulat mo!" inis na sigaw ko pagkatapos tanggalin ang pagkakasabunot sa kanya "Hindi na matatanggal yan." pag dadahilan nya habang inaayos ang buhok na nagulo. Hindi na? T*ng*na naman! "Bwiset ka kase bat pakialamero ka--" napatigil ako ng bigla nya kong hilahin at yakapin. "I miss you." mahinang sambit nya naiilang naman ako sa pwesto namin dahil nakaupo ako sa may hita nya. "Pinsan kong Señorita gumising kana dyan nasa labas sila Kenz-- what the grabe ang bilis nyo naman!" nakapameywang na sabi ni Bryan kaya tumayo agad ako pinaningkitan nya pako ng mata bago tumingin ng masama kay Kenzo. "Diko alam na nauuna na pala honeymoon nyo bago kasal." dagdag nya. Walang hiya ka din Bry!!! Tumayo na lang ako ng maayos at lumabas na lang ng kwarto bago ko sila pag untugin dalawa dahil sa inis nag pa luto naman ako kay Yaya Yolly ng almusal ko. Mas magandang ikain ko nalang to. "Iha may nag luluto na sa kusina natin." sabi ni Yaya yolly. "Po? may bago po bang taga luto?" tanong ko. "Wala naman sila Ja--" "Ola Ohayo Buenos Dias Yaya Yolly at sa magandang bestfriend ko!" bati ni Jade na kakalabas lang ng kusina na iika ika pa. Andyan pala si pilay at may pa Ola Ohayo Buenos Dias pa ang gaga. "Tutulungan kolang sila ha." pumunta narin si Yaya Yolly sa kusina at lumapit naman sakin si Jade at umakbay Pero tama ba narinig ko sila? Naman! "Pinag luto ka na namin Bessy." si Nicolas na kakalabas lang din. "Anong namin taga tikim ka nga lang eh." sabat ni Jade. "Atleast nakitulong!" "Tulong bayon ha?!" "Oo kase ako taga alam kung masarap ba yung niluto nyo!" "Nagtatalo nanaman kayo?" tanong ni Bryan na kakababa lang ng hagdan biglang nag bago ang itsura ni Jade agad itong ngumiti at umakbay kay Nicolas. Napano to? "Hindi ano--ano kase may pinauusapan lang namin yung sa booth." paliwanag ni Jade kahit hirap ay hinila nya na si Nicolas papuntang kusina uli kahit halatang ayaw sumama nung isa tinignan ko naman si Bryan na nakatitig lang sa dalawa. "Huy Bry andaming nating bwisita noh." sabi ko pero di ata nakikinig. "Celine pano kung may taong nandyan palagi para sayo pero hindi mo sya mapansin kase naka focus ka sa taong ikaw naman ang laging nandyan para sa kanya kahit di nya makita yun?" tanong nya sakin at humarap. "H-ha?" bat ako tinatanong nya sa ganyan napatingin nalang ako papasok sa kusina. Sya kaya?... "Kumain na nga lang tayo wala pa pala yang laman utak mo." agad ko syang siniko at sinamaan ng tingin. Ang sama sama nya sakin. Hinila nya nako pero agad akong bumitaw. "Bry pano yung mga picture ng baby ko sa kwarto sinulatan ng kupal mong kaibigan." "Palitan mo nalang." Whutt!? Palitan eh ang dami non at sa Korea pa gaking lahat yon! Pero di sya umangal sa salitang kaibigan ha. "Bry pwede ba tayong mag usap?" speaking of kupal sinamaan ko sya ng tingin na papalapit na samin dala dala nya pa si Chimmy na parang mag ka holding hands pa sila. Feeling nito depress siguro nito pag kinasal na kami ni Jimin. "Mamaya nalang." sagot ni Bryan at naunang pumunta sa kusina kaya dali dali akong sumunod sa kanya at kumapit sa balikat nya na parang bata ilayo nyo ko sa kupal baka kung ano magawa ko at malagay ko sa kabaong. "Good morning Celine." masayang bungad ni Max at Macky sakin. Aba buti pa sila maganda mood pero sila lang? "Kayo lang?" tanong ko . Nasan kaya si Dary--este yung plato asan naba nagugutom nako Teka bat ko ba kasi hinahanap yun eh malabong magpakita yun dahil sa nangyari kahapon "Bakit may iba kabang hinahanap?" sagot ni Max. "Oo----Wala" Wala naman ah. "Oo yung Babe nya" sabat ni Macky kaya sinamaan ko sya ng tingin. "I mean where's Shanne and Tina?" pagdadahilan ko "Busy pa si Shanne maagang umalis kase mag usap usap daw sila ng team nya tungkol sa mamaya diba may game sila ngayon." si Nicolas ang sumagot na kalalabas lang ng kusina. Ay oo nga pala. "At si Magandang Tina aba malay namin kasama mga Boyfriends ata nya or si Prinsipe nya." dagdag nya. Bigyan nyo na kase ng kastilyo yung dalawa oh kaya ikulong sa tore dun at iseduce ni tina hahahaha. Naupo nako sa tabi ni Bryan at kumuha ng tinapay na may palaman na ham tumabi din sakin si Kenzo at kumuha din sya ng upuan para sa alagad nya na tinabi din sa kanya nakatingin lang ang lahat sa ginagawa nya na nag tataka at nakangisi. "Kenzo anong ginagawa mo?" tanong ni Jade na mukhang matatawa na. Hayaan nyo na nababaliw lang yan. "Im caring my Son." maikling sagot nya. Gusto ko na din matawa "Bro may anak ka na pala di kami na inform." si Macky din na humagalpak na ng tawa sinamaan lang sya ng tingin ni Kenzo napansin korin si Bryan na ngumisi. Sana mag kaayos na sila ni Kenzo "Bro pakainin mo ng madami anak mo oh baka sabihin ni Celine pinababayaan mo yang anak nyo." inabutan ni Macky ng kung ano anong pagkain si Chimmy habang si Max inabutan din ng inumin napapakamot nalang ako ng ulo sa ginagawa nila. Pag may kaibigan ka nga namang mga baliw. "Sayo lang nag ka ganyan si Kenzo." bulong ni Bryan kaya napatingin ulit ako sa kanya bago tumingin din kay Kenzo. Anong ibig nyang sabihin? Pagkatapos namin kumain naligo at nag ayos na agad ako.Naiirita parin ako nakatingin sa mga picture ni Jimin na nakadikit sa pader ng kwarto ko pano ko maayos yan! Matatangal naman siguro ng alcohol. Arggh! "Celine..." tawag nya saktong pag kalabas ko ng bahay. "Oh ano nanaman?" "Cheer moko mamaya ha please.... " pakiusap kuno nya pero kaagad sya nag iwas ng tingin. "Sige G." ngumiti naman agad sya sakin kahit naiinis ako sa kanya hindi nako maka Hindi "May Hand gesture kayo diba bago mag laro." tanong ko agad naman syang tumango. "Gusto mo gumawa tayo ng satin." tanong ko pa na mas pinalawak ng ngiti ng loko. Naiisip ko nalang nababaliw na talaga sya 100% 2 claps tapos parang kalang nag apir disapir 2 claps again then pag dikitin yung kamao then clap again and finger heart. Repeat haha! Natatawa naman ako na kinakabisado nya habang nasa byahe kami sa kanya ako sumabay habang si Jade nandun kay Macky dala naman ni Max at Bry sasakyan nila. Napaisip nanaman ako sa sinabi ni Bry na sakin lang nag kakaganyan si Kenzo. Anong klaseng ganyan ba? Bandang right o left. North o south. East o West. Phillipines o Korea. Daryl o Kenzo--ayy letse!!!!!!!! Ano bang pinag iisip ko. "Go Shanne!!!Bessy namin yan!" Sigaw ni Jade, Max,at Macky halos matapatan na sigawan ng mga studyante dito sa gymnasium kaloka. "Asawa koyan!! Go Shanne! go go honey ko. " syempre hindi papatalo si Nicolas na No. 1 fan ni Shanne may pa banner pa ang lolo mo. Nanahimik naman si Kenzo na hanggang dito dala dala ang anak nya pinagtitinginan tuloy sya kanina papasok ng campus. Nakakahiya kasama kanina para akong may kasamang bata. Nag simula naman na ang laro at nag iingay na agad ang lahat nakita ko si Shanne kaya kumaway ako agad naman syang ngumiti katabi nya naman yung President ng Campus,Volleyball player din pala sya. Ang cute naman. At Ang galing ng Team nila Shanne halos hirap makapuntos yung mga kalaban nilang sarap hagisan ng bola hindi naman sa judgemental ako pero pangit nila charot napansin ko naman si Pres na ang galing nya din pala dahil saktong pag spike nya goal agad. "Kenzo ang galing nya noh." turo ko dun kay Pres habang pumapalakpak. "Who?" "Ayun nga si Pres!" turo ko pang muli. Bulag ata sya eh. "Tsk I dont care." sabi nya kaya ginaya ko. "Attitude ka parin talaga noh." inis na sabi ko pa at pinag siklob ang braso bigla nya naman akong tinawanan sabay gulo ng aking buhok ko. Ng matapos na ang game nanalo sila Shanne kaya lumapit ako sa kanya at yumakap hinawi naman ako ni Nicolas patulak at sya naman ang yumakap halatang nagulat pa si Shanne sa ginawa ng loko kaya naitulak nya. "Ohhhhhh bad moves bro." pang aasar ni Max. "Sige mang asar ka pa papanalangin ko na di kayo manalo mamaya ni Kenzo." sabi ni Nicolas kinotongan naman sya ni Max hanggang mag gantihan na sila. Mga abnormal kelan ba mag kakaron ng normal samin. Oo tanggap ko isa nako dun. "Hoy tama nayan mag ready na kayo ni Kenzo,Max. " singit ni Jade na natatawa sa dalawa ang kukulit kase. Hinarap naman ako ni Kenzo sa kanya at yumakap. "I will find you later." bulong nya at inabot si Chimmy sakin. Magtatago ako tangek. "Wag kang mag alala nandun lang ako kasama ibang teammates nyo" sagot ko na lang ngumiti naman sya at umalis na sila ni Max Nag tungo muna kami nila Shanne sa comfort room para mag palit sya at mag ayos. "Nasan kaya si Daryl noh diko pa nakikita yon kanina pa." tanong ni Jade kaya ngumuso ako Hindi ko nga iniisip babanggitin pa. "I heard my boyfriend name here." pag singit ng isang babae samin at tumingin sa salamin at nag lipstick napairap nalang ako ng makilala kung sino sya. Yung babaeng humalik kay Daryl. "Boyfriend mo?" nagtatakang tanong ni Jade. Edi sana all may boyfriend p*nyet* hindi ako naiingit! "Yes actually kasama ko sya nandyan sa labas." Nasa labas? gusto ko syang makita--- i mean masipa Wag kayong ano. "Bakit nyo ba sya pinag uusapan kaibigan nya ba kayo?" dagdag pa nya at humarap samin ni Jade. Tch ano bang pake nya feeling close samin? "Oo." "K." maarteng sabi nya. Untog kita dyan makita mo. "Lets go." aya ni Shanne samin ng makalabas sa cubicle tumango naman ako at akmang lalabas na kami ng may sabihin pa yung babae. "And you are Celine right? Alam mo wag kanang umasa na Daryl will like you coz you're so low para maaabot ang standards nya." sambit nya habang nakaharap kay Jade. Maganda sana bobo nga lang "Really ha? Baka ikaw ang umasa girl BOBO ka pa naman." sagot ni Jade. Pinanindigan talaga eh noh. "Tignan nalang natin Celine." "Well okay bye." nakangising paalam ni Jade habang hinila na kami ni Shanne. "Girl ang tanga nya pero akalain mo yun ako na pala si Celine so,Hi jade." natatawa sya habang nakatingin sakin. "Ang tagal nyo." angal ni Nicolas at hinila na si Shanne na mukhang nagulat. Atat na atat ang loko. "Celine..." tawag ng kung sinong lamang lupang umahon sa kung saan mang karagatan. "Girl kausapin mo muna." bulong ni Jade na hinila si Macky at sumunod kila Nicolas. Sige sanay nako maiwan,joke "Hmm anong kailangan m--" bigla nya kong hinapit papunta sa kanya at yumakap kaya biglang bumilis t***k ng puso ko. Pesteng puso to papatingin nako sa doctor lumalala yung t***k. "Daryl..." mahinang sabi ko at inilayo sya sakin. "M-ay problema b-ba?" nauutal kong tanong at hindi inaalis ang tingin sa kanya ng lumabas na yung bb nya. Bobong baby nya ok alright yeah "Oh Hi nandito ka parin pala" maarteng aniya at kumapit kay Daryl na ayaw na talagang pakawalan inaalis naman yun ni Daryl at tumingin sakin na parang mali itong nakikita ko kaya ngumiti nalang ako. "May sinabi lang ako kase nakalimutan nya yung mga gawain nung nakaraan." paliwanag ko ngumiti naman sya. Sige ngiti lang kahit naiinis ako sayo. "Ano nga palang pangalan mo?" "Jade." sagot ko agad halatang nagtaka si Daryl. "Im Linnea Maricis Gomez by the way" sabi pa nya at ngumiti ng halata naman na may kaplastikang kasama. Wag mokong ngiti ngitiian sabe gusto na kitang tirisin. "Ok sige aalis nako" paalam ko at tumalikod na para akong motor sa bilis ng takbo palayo at padabog na pumasok ulit ng gymnasium ng makita ko si Kenzo. "Anong mukha yan?" "Wala bakit may problema ba sa mukha ko ha may dumi paling ba?" masungit na tanong ko sa kanya. "Nakasimangot ka kase." Panong hindi may maarte akong nakita. Nakakapangigil "Naiinitan lang ako." pagdadahilan ko pinaningkitan nya naman ako ng mata kaya natawa ko saktong tinatawag na sya ng coach nila. "Cheer mo ko ha." paalala nya. Ulet ulet ang peg? "Oo nga." sagot ko at ginawa yung hand gesture na inisip namin kanina. 2 claps then apir disapir 2 claps then pag dikitin yung kamao then clap again and finger heart ngumiti naman ako ng nagawa namin pero nagulat ako sa huling ginawa nya ng hawakan nya ang kamay ko at pinaikot ako at saktong pag harap hinalikan nya ko sa noo. Napakurap kurap naman ako habang nakatingin sa kanya narinig ko ang tilian ng mga studyante. "Ang pogi ni Kenzo bagay sila ni Celine!" "KenLine forever!" "Grabe ang cute nila!" "Sana kayo na lang!" "Ayieeeeeeeeeeee!" Anak ng anong KenLine!!! Iniwan nya pa akong tulala at napako na sa kinatatayuan lumapit agad sakin si Max na nang aasar pa. "Sana all hahaha." "Shut up!" inis na singhal ko pero tatawa tawa parin ang loko at pumunta sa ka team nya dahil mag sisimula na ang laro nila. Akalain mong tumatawa ng ganoon ang loko. Ngayon lang ako sinipag pumunta dito at mag cheer pa sa attitude mismo na mag lalaro ng basketball, dati natutulog nalang ako sa bahay dahil nakakatamad mag foundation day kaya. "Para saan yon ha?" tanong ni Nics at Macky ng lumapit din sila sakin at sinusundot pa ang tagiliran ko hindi ako sumagot at naupo nalang kami sa may gilid na bench na mahaba kung nasan yung ibang mag lalaro ng dumating na si Bryan at may inabot na pag kain sakin. "San ka nanaman ba galing?" agad na tanong ko. "Dyan dyan lang." "San ba yung dyan dyan kase matatadyakan na kita." tinawanan nya lang ako at nakiupo sa tabi namin syempre nauna ng kumain si Jade at Nicolas ng binigay saken. Pag pinilay kotong si Jade lalo at damay ko narin si Nics titigil siguro sila. "Insan masarap pala nito." sabi ni Jade kay Bryan kaya nag taka ang loko kaya sinabayan ko si Jade. "Pahingi naman nyan Celine inuubos nyo na." "Oh eto." sinubuan pako ni Jade ng donut. "Pinag sasabi nyong dalawa?" tanong ni Bryan "Eh kase kanina napagkamalan akong Celine nung girlfriend daw sya ni Daryl yung linnea kaya sinabayan koy trip ako pa ba." kwento ni Jade tumingin naman sakin si Bry na parang nag tatanong. "Girlfriend nya?" tumango naman ako at nanahimik sya na parang may iniisip nanaman. Ako nga di nag iisip kase wala namang isip etong braincells ko kase mga lamon lang din alam. Nag simula naman na ang laro kaya mas lalong nag iingay ang mga studyante sa ibat ibang pag chi-cheer nila na maraming cheer sa team nila Kenzo. "Ate Celine pwedeng pa picture?" tanong ng babaeng lumapit samin i guess nasa highschool sya. "S-sure" nahihiya kong sabi habang tumayo ako pinicturan kami ng kasama nya. "Thank you po Ate Celine,Ang ganda mo po talaga tsaka bagay na bagay kayo ni Kuya Kenzo ang cute nyong tignan kanina." sabi nya kaya napangiwi ako. Tao kami beh. "Ganon ba hehe." "Opo thank po ulit." sabi nya at kay Jade naman lumapit at nag pa picture. "Hirap talaga pag celebrity eh noh." sabat ni Nicolas habang nakayakap pa sa braso ni Shanne na pilit nitong inaalis. "I cheer mo pa si Kenzo." umakbay sakin si Macky tumuro na sa mga nag lalaro. "Panong Cheer ba?" "Sigaw mo molang pangalan nya tas sabihin mo Go Kenzo Baby Kenzo, galing kabang ano?" Powtaaahhh. "Serious mo naman ha." sabi ko at nakita si Daryl sa di kalayuan kasama parin yung bb nya napatingin din sya sakin pero inirapan kolang di tayo close hmp. "GO KENZO!!" sigaw ko nalang at nag tama ang tingin namin ni Kenzo kaya napahinto ako habang ngumiti naman sya sabay kumaway biglang nag tinginan ang tao sakin. Wala nakong pake ngayon bahala kayo dyan. "Hoy Kenzo galingan mo ha!!" sigaw ni Nics "May date daw kayo pag nanalo ka!!" dagdag pa ng loko. Anak nang--- "Shanne pakibigwasan mo lang tong honey mo." sabi ko at hinila nya naman si Nicolas paupo ulit sa tabi nya yung loko nakahilig sa balikat nya at yumakap ulit braso. Tuwang tuwa nanaman ang loko. But ang cute nila tignan. Para silang mag ina hahaha choss. 'Naka 3 points si Del Vega' sambit ng emcee kaya nag tilian pa ang mga babaeng studyante habang ako pumapalakpak kahit labag sa loob ko alam kong totoohanin ni Kenzo yung sinabi ni Nicolas. Nakaka kaba. "Insan tunaw kana." bulong ni Bryan. "Hmm?" tumuro sya kung nasan nakaupo si Daryl agad na nag tama nanaman ang paningin namin kaya nag iwas agad ako at hinampas si Bryan. "Bakit mo tinuro Bry!" "Bulag ka kase baka hindi mo makita." "May mata ho ako." inis na sabi ko. "May mata nga pero--" "Ano yun." "Wala wala." inirapan ko nalang sya at sumandal sa balikat nya. Ilang oras pa ang lumipas at natapos na ang laro lahat sila masaya kase nanalo sila Kenzo na agad syang lumapit sakin at yumakap ng mahigpit. "Yung date natin ha." bulong nya pa. Sinong nagsabi. "Ano hindi ako nag sabi n--" "Sama nyoko sa date nyo" singit ni Nicolas Kukutusan kona sya!!! Binati din namin si Max na MVP nanaman kaya nag kayayaan mag celebrate kahit hindi pa naman uwian nag yayaan na sila mag mall kaya lumabas na agad kami ng Gymnasium dahil mag papalit lang daw ng damit si Kenzo at Max. "Uy guys isama natin si Daryl?" suggest ni Nicolas. "Kaibigan naman na natin sya diba?" "But I think its not a good idea" singit ni Macky at nag tinginan sila ni Nicolas na parang nag uusap. May tinatago ba tong mga loko sakin? "Pero baka mag tampo yun diba." sabat din ni Jade . May patampo tampo pa letse "Hayaan nyo na yun baka may date sila nung kasama nya diba." "Oo nga pala noh." nang aasar na ngayon na nakatingin sakin si Jade. Ano nanaman! "Lets go guys!" masayang sigaw ni Max ng nakapagbihis na sila inakbayan nya na si Bry at Macky at naunang na mag lakad sinigawan naman sila ni Jade kase iniwan nila si pilay kaya binalikan nila at binuhat nag sisigaw pa si jade pero tinatawanan lang sya ng tatlo sumunod nadin sila Shanne at Nics sa kanila habang ako naiwan kay attitude na pang mental. "Akin na nga yan." agaw nya kay Chimmy na yakap yakap ko "Sinasakal mo naman." dagdag nya at nauna ng maglakad. Iniwan din ako Loko to ah. "Hoy!" sigaw ko at humarap naman sya sabay balik sakin "Oo nga pala naiwan ko asawa ko" nakangiting sambit nya at inakbayan ako kaya hinampas ko sya na dali dali din tumakbo palayo kaya mabilis kong hinabol. "Antagal ng order natin." si Max habang kinuha ulit yung menu at natatakam na nakatingin don. "Gutom na gutom?" tanong ni Nicolas. "Nakakahiya naman sayong taga cheer lang." "Atleast may ginawa,tsaka kanina pa kayo ha nung una si Jade tas ikaw naman nambabara." angal ni Nicolas at ngumuso pa. Ang arte talaga busy kase si Shanne sa cellphone nya kaya gumaganyan. "Ml muna tayo." yaya ni Macky nilabas naman nila cellphone nila maliban sakin dahil katabi ko si Kenzo umurong sya at kinuha ang kamay ko mahigpit pa nyang hinawakan. "Sana all talaga." sabay na sabi nila kaya umirap ako at kinurot ang kamay ni kenzo kaya ngumuso syang inalis ng kamay. "Loading na yung saken wag na kayo magulo." excited na sabi ni Nicolas habang sumandal kay Shanne. Dyan kayo sa dalawa mag sana all. "Masyado ba kong busy halikan nalang kita" sabi nya pa kaya nanlaki mata kong tumingin sa kanya napansin sigurong bored nako. Tungnu tigilan nyoko sa ganyan. Please lang. "Joke lang naman masyado kang kinakabahan pero kung gusto mo pag bibigyan kita." kaya hinampas ko sya na tinawanan nanaman ako saktong dumating narin ang order namin kaya umayos na kami ng upo. Naiilang akong kumain kase panay ang tingin ni Kenzo sakin. Anong problema nito? Pagkatapos namin kumain nag paalam si Shanne na may pupuntahan daw sya na emergency kaya sumunod din sa kanya si Nicolas. "Iuwi mo ng maaga si Celine." halatang ayaw nya naman tumango lang si Kenzo sa kanya saktong tatalikod na sya. "Bry thank you." napahinto si Bryan at kumaway lang bago tuluyan ng umalis kasama si Jade, Max at Macky kumaway nadin sila. Mag aayos naba sila? I Hope..hmmm kausapin konga sila jade. Hinila na ako ni Kenzo papuntang Game Station at nag basketball sya dun hindi paba sya nag sawa kanina nakaupo lang ako habang nanunuod sa kanya hangang hanga naman sa kanya yung ibang nanunuod din. Hinawakan ko nalang yung phone nya at tinignan ang gallery non halos puro picture ko na stolen. Like wew stalker ko ata to iniscroll kopa at nakita ko yung pic ko nung highschool grabe na talaga tapos puro epic pa meron yung galing akong comfortroom at basang basa naalala ko pato nung bwisit na palakang babae na bihos sakin isang balde ng tubig, Meron ding kasama ko si Bry at sila ni Bry. "Celine Tara dun tayo mag picture sa may machine." yaya nya kaya napatingin ako sa kanya at hinila nya naman ako don sa picture machine inislide nya muna yung card na binili namin kanina at nag bilang na ng 1 2 3 kaya nag pose na kami pareho. Ang unang pic naka nguso ako habang nakasimangot sya. Pangalawa parang kaming partner and crime na may invisible na hawak na baril sa kamay. Pangatlo malawak syang nakangiti at yakap si chimmy habang ako naka duling at nakanguso. Pangapat nakakindat kami pareho habang yung kamay namin naka fingerheart. Nakangiti na sya habang tinitignan yung picture namin na kasama pa Chimmy. Kinareer ang pagiging tatay ng loko. "Oy Mahangin ka naman dyan." pangaasar ko pero ngumitilang sya na parang wala ng bukas. Isasama ko nga sya pag nag pa check up ako. "Ayaw mo nun nakangiti ako dahil sayo." Napaiwas nalang ako ng tingin sa sinasabi nya . Pwede ba pag babanat kayo yung ready ako. Pero ang pagiging masaya ng dahil sakin saglitan lang at alam kong mas malaki ang salitang masasaktan.... "Bili tayo ng ice cream?" tanong nya kaya nag bago mood ko at yung mata ko nag liliwanag sa tuwa. Pag kain nanaman. "Tara." masiglang sabi ko at hinila sya. "Hoy madaya ka ha." inis na sabi ko dahil nang aagaw na sya ng ice cream habang nag lalakad kami palabas ng mall. "Patikim lang naman damot mo ah." "Meron kapang ice cream eh tapos na ngunguha ka." "Tch syempre mag ka ibang flavor yung icecream pero parang mas gusto ko ang ice cream pag nasa labi mo anong lasa kaya." aishh! agad kong binilisan yung lakad ko. Grabe nababaliw na nga talaga sya. "Jade!" sigaw ng pato este tao habang papalapit sakin shet di nya parin ba alam kung sino ako di manlang pala sinabi ng kasama nya na boyfriend daw. "Celine.." speaking of nakatingin sya sakin at kumapit nanaman sa kanya yung Linnea na halos ayaw syang bitawan talaga kaya napairap ako habang naiinis narin. Sarap nya talagang ihampas sa pader. Naramdaman ko naman na may umakbay sakin kaya tinignan ko iyon. "Hi you are Kenzo diba." nag lahad pa sya ng kamay kay Kenzo pero hindi nito tinanggap. Pasensya na Attitude talaga to. "I dont touch any hand unless it's celine hands,Sorry." seryosong sambit ni Kenzo kaya binaba na ni Linnea ang kamay nya. "So boyfriend kapala ni Celine?" tanong nya pa. "Actually Fiancee" sagot ni Kenzo pero nakatingin sya kay Daryl. Pwede ba mag pakain sa lupa mukhang mag tatalo nanaman sila. "Oh good to know and she." turo nya sakin. "She is Celine my fiancee" halatang nagulat sya sa sinabi ni Kenzo at nag tatanong ang mga mata kay Daryl na nakatingin lang sakin. Napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang tagalan ang tingin nya. "May pupuntahan pa kase kami ng FIANCEE ko so excuse us." pinag diinan talaga yung fiancee at hinila nako ni palayo pag tingin ko kay Daryl nakatingin parin sya sakin pero agad na tumalikod at iniwan yung Linnea mag isa. Daryl... Gusto ko sana syang yakapin pero hindi ko magawa naiinis nako sa sarili ko... Ang hina kona ba sa lagay nato.. "Celine I know mas lamang si Daryl..." sambit nya pag kapasok namin ng sasakyan nya. "Kenzo.. " "Pero sana wag mong ipakita na hindi ako mahalaga sayo pag nandyan sya." "Kenzo.." "Pag nakikita mo sya Celine iba yung mata mo." "....." "Pero hindi ako susuko Celine at lahat ng ginagawa ko ikaw ang dahilan." Tama nga si Bry.. At Ngayon lang ako naniniwala sa sinasabi nya.. Pero anong gagawin ko.. Hindi ko kayang ibalik ang kagustuhan nya.. "Sana kung sakaling tunay ang hinala ko wag mokong itutulak palayo..." napakagat nalang ako ng labi dahil wala akong masabi. Lord ano batong problema na hinagis nyo sakin hindi ko kinery lord "Dahil ikaw nalang ang pinang hahawakan ko na hindi ako itutulak palayo Celine ..." sabi nya pa habang may nagbabadyang luha nasa mga mata nya kaya nag papanic akong yumakap sa kanya. "Kenzo diba sinabi ko na sayo noon nandito lang ako palagi at hindi naman kita ipagtutulakan per---" diko na naituloy ang sasabihin ng iharap nya ko sa kanya at hinalikan sa pisnge na kinagulat ko. "Naniniwala ako sayo." malungkot na aniya kaya napa nganga nalang ako. Bakit ramdam ko yung sobrang pagtitiwala nya sakin. "Let's watch movie?" ngayon nakatingi nyang tanong at tinuro ang Cinema kaya ngumiti narin ako. "Sure ano bang gusto mo panuorin?" tanong ko. "Yung mapapayakap ka sakin" nakangising sabi nya with matching kindat pa kaya piningot ko naman sya sa tenga. Isa pa to hmp! But Thank you for making this day feel better Kenzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD