Tingin sa kanan wala.
Tingin sa kaliwa wala.
Tingin sa likod wala.
Tingin sa harap.
"Waaaaah!" malakas kung sigaw ng makita si Nicolas na nasa harap ko nakadukwang sakin na tila pinag aaralan ang mukha ko.
"Oa mo ha pano ka ba bessy?" tanong nya at inayos na ang pagkakatayo.
"Bakit ka ba kasi nang gugulat?" naasar na tanong ko.
"Wow ako nagtanong tapos sinagot mo rin ako ng tanong debate ba to?" natatawa nyang sabi.
"Epal mo alam mo yun?"
"Epal sa pogi kong to really bessy?" ani nya at may arte pang nasasaktan.
Kapal ng face neto.
"So how's my beautiful best friend?" bigla nyang tanong na ikinakaba ko.
"Ah...eh...okay lang ako wala akong sakit,humihinga ko ng maayos,kumakain ako ng tatlo beses sa isang araw minsan higit pa kapag trip ko,at nagpapatuloy sa buhay kahit stress na stress na beu--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nya kong pitikin sa noo.
Walang hiya to yung pitik nya yata ramdam hanggang sa bungo.
"Bakit ka ba namimitik!" angal ko habang hinihilot ang pinitik nyang parte.
"Lutang ka kasi sino ba yan?" tanong nya habang binibigyan ako ng mapanuring tingin.
"Hu bakit sino hindi ba pwedeng ano." nakanguso ko sagot habang nagiiwas ng tingin.
Petse pano ba magsinungaling.
"Hatdog sino niloko mo sarili mo?" nakangisi nyang sagot kaya binatukan ko sya.
"Hindi nga sabi eh!" napalakas kong sabi kaya nagtinginan naman ang mga istudyante nasa paligid kaya bumaling ulit ako kay Nicolas at ngumuso.
"Tara na nga kain na muna tayo gutom lang yan." natatawang sabi aniya at inakbayan ako hanggang sa makapasok kami ng cafeteria.
Pagpasok pa lang ng Cafeteria sinalubong na agad ako ng mapanuring tingin ng mga istudyanteng babae na parang inaagaw ko ang lahat sa kanila. Bumaling naman ako kay Nicolas na walang pakeelam habang naghahanap ng table.
"Wag mo ng pansinin inggit lang sila sa dyosa mong ganda." natatawang sabi nya ng makaupo kami sabay kindat.
Sabagay sanay naman akong inggit sila
"Saya mo ngayon ha anong meron?" tanong ko habang nakatingin sa menu.
"Bati na kasi kami ni Shanne." sagot nya na ikinatinggin ko sakanya.
"Bakit nag away ba kayo? eh ikaw lang naman yung mukhang nagtampo." pambabara ko na ikinanguso naman nya.
"Tch apaka epal kasi nung Nathan na yun alam mo ba nung nakaraan nakiusap si Shanne na lumayo muna ko kasi may paguusapan sila grabe ngayon lang nakiusap ng ganon si Shanne at dahil lang may paguusapan sila nakakaasar diba." madamdamin nyang kwento habang may nilalapag na mga pagkain sa harap namin na mukhang inorder nya kanina pa at lahat ata ng paborito ko nandito.
Sira talaga yung diet plan ko pag ito yung kasama ko.
"Nics."
"Hmmm." naging seryoso sya ng bumaling sakin.
"What does real love feels like?" naguguluhan kong tanong.
"Jimin ba yan?" tanong nya habang ngumonguya ng fries.
"Nope..." maikli kong sagot.
Sasabihin ko ba kung sino?
"Eh sino? lagot ka pinagpapalit mo na si Jimin ha sumbong kita." pananakot nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Sagutin mo na lang kasi." naaasar kong singhal sakanya kaya lalo syang tumawa at at ginulo pa ang buhok ko.
"You'll never understand the true meaning of love not unless you accidentally feel it." sagot nya na kinalito ko.
Ano daw english eh pakitagalog please.
"Huh ano ka--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng subuan nya ko ng pizza na ikinagulat ko.
"Wag mong pilitin hayaan mo magkusa kagaya ng pagkukusa mo na aminin sa sarili mo na nagugustuhan mo na sya" paliwanag nya.
"It's Daryl right?" nakangisi nyang tanong.
"Hindi ha." sagot ko sabay iwas ng tingin.
Wala naman akong binaggit na pangalan pero bakit alam nya kung sino?!
"Sabi ko wag mong pilitin pero wag mo rin pigilan masakit sa puso yan haha." pang aasar nya kaya binatukan ko naman sya.
"Dami mong alam parang expert na expert ka ha." pabalang kong sabi.
"Ikaw ba naman mag magmahal ng taong manhid ng ilang taon hindi ka maging expert." nakangiting sagot nya pero halata ang pait sa bawat salitang binitawan nya.
"Kelan mo balak sabihin?" muli kong tanong sakanya.
"I know she still doesn't feel the same way as mine, but I'm always here ready to catch her when she finally fall for me." sagot nya habang sumisimsim ng kanyang milk tea.
"Nakakatalino pala pag inlove no?" bigla kong sabi na ikanamaang nya.
"Huh?"
"Gumagaling kana mag english eh haha." pang aasar ko na ikinasama ng mukha nya.
"Panira ka alam mo yun." singhal nya
"Haha joke lang eto naman pag usapang Shanne seryosong seryoso." sagot ko habang inuumpisahan kong kainin ang mga binili sakin na lalaking to.
"Tch kumain kana nga punta na tayo quadrangle mamaya mag uumpisa na for sure opening ng foundation day kailangan ko pa hanapin si Shanne baka dinidikitan nanaman yun ng mongoloid na si Nathan." mahaba nyang paliwanag.
"Tch mauna ka na nga iwan mo na ko magisa dito." nagtatampo kunwari sambit ko habang nasa pagkain ang paningin
"Hindi ko naman hahayaan mag isa ka besss may makakasama ka syempre." masayang sabi nya na ikinatigil ko at bumaling sa kanyang gawi.
"Hu sino?" tanong ko pero huli na dahil nakatingin na sya sa aking likod dahilan kung bakit biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Bakit ako kinakabahan?
"Eto na pala sya Hi Daryl." dagdag nya pa.
Shit bakit nandito sya?!
Okay lang yan self wag kang masyado pahalata try to act normal.
Inayos ko ang sarili ko at umayos ng upo na kunwari hindi ko alintana ang presensya nya at deretsong tumingin kay Nicolas na ngayon nagpipindot ng kung ano ano sa cellphone nya.
"Nics." mahina kong tawag.
"Bakit bessy?" nagmamaang maangan nyang sagot.
"Bakit nandito si ano."
"Si ano?" nagtatakang tanong nya.
"Kilala mo na yun." lalo kong pinaka hinaan ang boses ko.
"Ah si Daryl ba besss tinext ko" malakas nyang sagot na ikinainit ng ulo ko.
"Nicolas!" napatayo ako at akmang hahampasin sya ng bigla syang tumayo at nagtatakbo palabas ng pinto ng cafeteria.
Walang ya traydor!
"Daryl ingatan mo yung bestfriend ko ha kundi lagot ka sakin." sabi nya na nakatingin sa likod ko at bumaling sakin. "Bye bye bessy enjoy your date." kaway nya sakin at tuluyan ng lumabas kaya ako naman ay napaupo na lang ng biglang may maramdaman akong umupo sa harap ko at pagharap ko ay si Daryl nga na tahimik akong sinisipat ng tingin.
"Bakit ka nandito?" singhal ko habang nagiiwas kong tingin.
"Malamang sasamahan ka." maikli nyang sagot at kinuha ang milk tea na nasa tabi ko.
"Nainuman ko na yan!" malakas kong sita sa kanya.
"Yun nga yung gusto ko eh" sagot nya at inumpisahan sumimsim sa straw na may bakas pa ng pagkakagat ko kanina.
Nakakahiya pero bakit nga ba ko mahihiya sa trip ko mangagat ng straw eh.
"Cute m.o" mahinang sabi nya na ikinatingin ko.
"Tch playboy be like." mariing kong sagot na ikinailing nya.
Taamaan sana yung basta basta nalang humahalik ng walang paalam.
Teka dapat ba yung ipagpaalam?
Shit self kung ano ano nanaman naiisip mo umayos ka nga
"Kumain kana malapit na mag time hahanap pa tayo ng pwesto sa quadrangle." mahinahon nyang sambit.
Hindi na ko umimik pa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Naramdaman ko ang medyo pagkailang dahil tuwing babaling ako sa kanyang gawi ay automatikong nagsasalubong ang aming paningin kaya binilisan kong kumain para agad kaming makaalis sa pwestong ito.
Bakit ba ko naiilang eh sya nga yung may atraso sakin.
Tama tama dapat maging normal lang ako dahil hindi naman ako yung nanghalik basta basta.
Isa pa normal nayun sa mga mahaharot na gaya nya.
"Lets go?" lahad nya ng kanyang isang kamay ng makatapos na kaming kumain.
"Dont try to flirt with me Daryl." seryoso kong sabi at nauna ng lumabas.
"Hey Celine wait." tawag nya pero pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.
Bakit ba ganito yung nararamdaman ko pag malapit sya.
"Celine.." tawag nya at hinila ang isa kong kamay dahilan upang mapaharap ako sa kanya.
"Ano bang problema mo Daryl?" malumanay kong tanong habang nakatingin sa mga mata nya.
"I wont say sorry if thats what you want." seryoso nyang sagot na ikinatigil ko.
"K*ng*na isa na ba ko sa mga trip mong paglaruan!" malakas kong sabi na alam kong kami lang makakarinig dahil ang mga studyante ay malamang nasa auditorium na.
"Stop making a conclusion on your mind Celine." mariin nyang sagot at nakita ko ang pag igting ng kanyang panga na tila nagpipigil na magalit.
"O bakit tinatamaan ka ba kasi totoo?" nakangisi kong sagot pero sa loob loob ko ay natatakot ako sa maaari nyang maging sagot.
Pano kung gusto nya lang akong paglaruan gaya ng mga babae nya?
"Dont you ever dare to think again that Im just playing you around." mapait syang ngumiti at pinakititigan akong mabuti.
"Then why?" mahina kong tanong dahil sa sobrang bigat ng emosyon na ngayon ko lang ulit naramdaman at sinalubong ang mga tingin nya.
"You're blind thinking that is just playing without even realizing I'm simply doing it hoping that I might forget and hide the pain for loving someone who can't see me more than just a playboy" pagkatapos nya yung sabihin ay tumalikod na sya at nauna ng mag lakad.
Minahal nya ba ko noon?
Paano?
Bakit?
Napabuntong hininga nalang ako dahil ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.
"Celine ayun sila Tina dun na lang tayo maupo." biglang sabi nya na ikinatigil ng aking pagiisip.
Nasa quadrangle na pala kami ng hindi ko namamalayan. Marami ng studyante ngayon at mga banderitas na mga desenyo na malalaman mong talaga ito'y pinaghandaan. Iba't ibang kulay ang suot ng mga istudyante depende sa strand nila kaya ang suot ko ay Kulay yellow shirt na pinarisan ko ng pants dahil ito ang color ng Abm. Nakita ko naman si Tina na kasama nila Jade na kumakaway samin ni Daryl at sinesenyas na pumunta kami sa kanilang gawi na agad kong tinugon.
"Huy Baks bakit lutang ka nanaman?" bulong sakin ni Tina pagkaupo ko palang sa kanyang tabi.
"Ay wala wala may naiisip lang akong kainin." pag dadahilan ko na ikinangiwi naman nya.
"Kakagaling nyo lang daw ng Cafeteria sabi ni Nics wag ako." mataray nyang sagot ng akmang sasagot ako ng biglang.
"Hi guys this is your campus president Faith Park. For the opening of our foundation day here's Mr. Garcia to say some words for us." at nagsimula ng magpalakpakan ang lahat.
"Hey beautiful ladies and handsome boys. I know you waited and prepared a lot for this week to come. I hope that you will enjoy, especially for the upcoming games tomorrow, that's all thank you." masayang sabi ni Dean at umupo na sa unahan.
"Ampogi ng magiging future grandfather ko tapos ang bait pa hindi kagaya nung apo nya nako hmp." ani ni Tina na ikinatingin namin lahat sakanya.
"Asa ka girl eh mukhang mas masungit pa yun kesa ni Kuya Liam eh." pang aasar ni Jade at tumingin sakin na ikinabuntong hininga ko.
Nagsimula nanaman sila hay.
"Tsh ang ganda ko naman pero bakit wala pa rin effect sa kanya." nakangusong sabi nya na ikinangiti ni Shanne.
Oo ngumiti sya diba nakakapanibago.
"Seduce him." maikling sabi ni Shanne na ikinalaki ng mata ni Tina.
"Uy Shanne seriously susupport mo talalaga si Tina kay Prince ayos ka lang girl?parang hindi mo kilala yang babaita na yan." paalala ni Jade kay Shanne nagkipit balikat naman ito at bumaling samin dalawa ni Tina.
"Loka ka Jade." natatawa kong sabi.
"If you want someone to like you back do not wait them to fall do something, fight for it and don't choose to just simply give up when things get so hard." makahalugang nyang sabi na ikinatahimik namin nila Jade.
"Narinig mo yun Nicolas Gabriel." natatawang ani ni Macky kaya napatingin kami sa mga naunahan naman at hindi nako nagulat na lahat sila boys nakatingin samin.
As usual chismoso be like.
"So guys may a call Elite dance troupe to performe for this special event."
"Uy girl sasayaw na daw kayo." kalabit ni Jade sa katabi ko na mukhang lutang na rin.
Friendship goals talaga kami neto.
"Ay oo nga pala sige balik din ako." nagmamadaling tumayo si Tina at dumuretso papumunta sa backstage ng biglang tumabi sakin si Shanne.
"Kamusta?" tanong nya.
"Im tired." malungkot kong sagot.
"Im here." sagot nya na ikinagaan ng konte ng loob ko.
Shanne may not be a normal or typical type of friend, but she's the only one know my sorrow and pain behind my fake smile from the very start. She treat me like a sister, but its seems that I'm not the only one suffering here so I hope someday she will allow me to know her more.
"Sabay na tayo kumain mamaya?" nakangiti nyang tanong at tumango naman ako.
"Sama natin Nicolas at sila Jade?" tanong ko.
"Hmmm sige pwera kay Gabriel" nakangising sabi nya at sumulyap kay Nicolas na ngayon masama ang tingin sa kanya.
"What?" maangas na tanong ni Shanne.
"No way highway." pambabara ni Nicolas na ikinailing nya.
Sila kaya kelan magkakaroon ng improvement.
Nagsimulang magperform and Elite dance troupe pero sadyang ang isip ko ay tinatangay kong saan.Hanggang sa maalala ko ang mga sinabi ni Daryl kanina kaya kusang akong lumingon sa pwesto nya kanina ngunit ngayon ay wala na siya roon.
Saan nagpunta yun?!
"And for the final performance for this program Existential Band are here to give us a heart warming song with our special gets Mr. Daryl Clyde Licauco and Ms.Linnea Maricis Gomez to sing for us." at nakita ko ang paglabas ni Daryl sa stage kasama ang babaeng pamilyar sa aking mga mata.
Sa parking lot......
✈FLASHBACK 02✈
Nakita ko si Daryl na mukhang matamlay nagmamadaling lumabas ng auditorium pagkatapos nyang mag perform kaya nagpasasya akong puntahan sya para makausap.
Nabasted ba yun?! tanong ko habang papalapit sa may pintuan.
Kailangan ko sya makausap.
Pero bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto ng auditorium ay may bisig ng yumakap sa aking likuranan na aking ikinagulat.
"Celine are you choosing him over me?" malungkot nyang tanong habang hinihigpitan ang pagkakayap sakin.
"No I already chose you Airen,but please let me talk to him." dahilan kung bakit unti unti lumuwag ang pagkakayakap nya sakin kaya nagkaroon ako ng tyansang tanggalin ang kanyang mga braso upang tuluyan akong makalabas ng pinto.
Narinig ko pa ang pagtawag nya sa akin pero hindi ko yun nagawang pagtuunan ng pansin. Hindi ko na rin maipaliwang ang nararamdaman ko takot at pagaalala. Kahit umuuulan ay tinakbo ko ang parking lot dahil sa pag asang baka maabutan ko sya. Nanlalabo na ang paningin at nanlalamig narin ang buo kong katawan dahil sa sobrang lakas ng ulan pero ng tuluyan nakong makarating sa aking paroroonan ay hiniling ko na lang na sana hindi ko na sya naisip na sundan.
Sana hindi na lang kita sinundan para hindi ako nasaksaktan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Kitang kita ko sa aking harapan ang paghila sa kanya ng isang babae at sa mabilis na paraan ay sinalubong sya nito ng mapusok na halik na agad tinugon ni Daryl ilang minuto ang lumipas hindi ko rin nagawang umalis sa aking kinatutuyuan ng biglang lumingon si Daryl sa gawi ko at kaagad pinutol ang kanilang ginagawa.
"Let's talk some other time babe." nakangising sabi nya sa babae at naglakad patungo sakin pero sa hindi mawaring dahilan ay bigla ko na lang sya sinampal.
"God daryl magbago kana hindi mo ba alam na ang dami mong nasaktan babae na kung magpalit ka parang lang damit." nanggigil kong sabi na ikinawala ng mga ngiti sa kanyang labi.
"Damn Celine wag mo ko sisihin coz you' re the only one made me like this!" malakas nyang sagot na ikanagulat ko.
"Panong ako eh ni hindi nga kita pinapakeelamanan." dipensa ko habang nakatingin sa kanya.
"s**t talagang hindi mo maiintindihan si Airen lang naman yung nakikita mo diba?" tanong nya na ikinatahimik ko pero hindi pa roon iyun natatapos dahil unti unti syang lumapit saakin dahilan kung bakit ako na papikit ng maramdaman ko ang kanyang hininga na malapit sa aking mga mukha.
"I want you to stay away from me before---" bulong nya pero hindi nya tinapos ang kanyang sasabihin ng maramdaman ko ang pag atras nya at mga yapak na paglalakad palayo sa akin.
"Sino ka nga ba naman Celine para pagpaliwanagan." mahinang sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang tuluyan nyang paglayo sakin.
•End of Flashback•
Sundo by Imago?
Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka?
Muling lumapat ang aking tingin kay Daryl habang nagsisimula nyang tipahin ang pyesa ng gitara ng magtama ang aming paningin.
Sinusundo kita
Sinusundo...?
Totoo bang may nararamdaman ka sa isang tulad ko?
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa 'yo?
Habang nagsisimula na silang kumanta ang mga mata nya ay sakin lang nakatuon.
Sa akin mo isabit
Ang pangarap mo
'Di kukulangin
Ang ibibigay
Isuko ang kaba
Tuluyan kang bumitaw
Ika'y manalig
Manalig ka?
Ako ba ang dahilan ng lungkot sayong mga mata?
Sinusundo kita
Sinusundo...?
Nang bigla syang lapitan ng babae at pinakititigan ng mabuti habang patuloy sa pakanta kaya napabaling sa kanya si Daryl.
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Pag-ibig ko'y sa 'yo?
Paano ko masasabing totoong ang nararamdaman mo?
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sa 'yong sundo?
Kung ngayon ko lang nalaman na may nararamdaman ka na pala noon pa.
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sa 'yong sundo?
Kasabay ng pagtatapos ng liriko ang paglapat ng labi ng babae sa pisnge ni Daryl na nagbigay sa puso ko ng kakaibang sakit.
This time I really admit that I can't stand anymore seeing you so close with someone else again.
Narinig ko pa ang pagtawag sakin nila Jade pero hindi ko na iyun nagawa pang sagutin. Tuloy tuloy akong sa paglalakad hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili sa tinatahak ang secret garden sa likod ng canteen at kagad umupo sa pinaka malapit na bench at tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan.
Ganito pala kasakit yun noh....
Ang hirap parang nakakawala ng hangin..
Habang hindi ko maamin..
Na kahit sarili ko na niloloko ko nalang..
Hindi ko namalayan kung ilang oras ako nanatili sa ganoong pwestong ng biglang may humawak sa aking kamay at nakita ko si Shanne ang gumawa nuon na kasama rin si Nicolas na nasakanyang likuran.
"We're just here for you besss." marahang sabi ni Nicolas at niyakap ako ganon din si Shanne.
"I already punched Daryl really hard." seryosong sabi ni Shanne na bago humiwalay sa akin agad ko naman napansin na halatang hanggang ngayon ay napipigil syang magalit.
"Wala naman syang kasalanan." pagdadahilan ko.
"Hindi kami bulag Celine alam naming nasaktan ka kaya wag kang magpanggap na hindi." seryosong sabi ni Nicolas kaya nagsimula nanaman mamuo ang mga luha sa aking mga mata.
"I know pero ako lang gumagawa ng ikakasakit ko... " sabi ko natahimik kami saglit bago mag slita si Shanne.
"Fix yourself Celine." bakas sa pag aalalang ani ni Shanne habang pinupunasan ng panyo ang akin mukha tinulungan naman sya ni Nicolas na ngayon inaayos na ang sintas ng aking sapatos.
"Wag kang iyakin besss baka makita ka ng mga nagkakagusto sayo uhog mo pa lang nakakaturn off na." natatawang pang aasar ni Nicolas.
"Dont mind him takas yan sa mental." sabat ni Shanne habang tinutulungan ako tumayo.
"Are you okay now?" muli nyang tanong.
"Yeah salamat sa inyo." at binigyan sila ng pilit na ngiti.
"Hindi Welcome bessy. " pabalang na sagot ni Nicolas na binigyan ni Shanne ng matalim na tingin
"Epal ka talaga Nics." malungkot kong tugon kaya natatawa naman sya at inakbayan kami pareho ni Shanne.
"Tara na baka hinahanap na tayo nila Jade nasa gymnasium na sila ngayon nag aalala din sila sayo sinabi na lang namin na kami na ang mag dadala sayo." paliwanag ni Nicolas na tango lang ang aking naisagot.
Nang makarating kami sa gynasium ay agad akong nabinggi sa sobrang lakas ng hiyawaan ng mga studyante.
"Cous are you okay?" tanong sakin ni Bry ng umupo ako sa tabi nya.
"Hmmm."
"Sorry kung wala ako kanina." malungkot nyang sabi kaya sumandal naman ako sa kanya.
"Its okay,nuod na tayo?" aya ko sa kanya na ikinangiti nya.
Nagsimula ng mag perform ang grupo ni Jade. Kahanga hanga ang kanilang pagtatanghal hindi ko inaasahan ang iba't ibang klase nakakamatay ng stunts para sa akin na kanilang gagawin. Nang sa pagtatapos ay si Jade ang isa sa pinakatuktok ng pyramid ng bigla itong bumagsak at nagpagulong gulong sa court kaya lahat kaming mag kakaibigan ay agad tumayo at patakbong lumapit sa kanya pero lahat kami ay nagulat ng kagad namin nakita si Jade na ngayon wala ng malay buhat buhat ni Macky na kanina'y katabi lang namin at mabilis na lumabas ng court kahit maraming naaalok na tulungan sya kaya wala kaming nagawa at sumunod na lamang sa kanya habang tinatahak ang papunta sa clinic.
"s**t ang tanga naman ng mga members nya." inis na sabi ni Macky ng tuluyan kaming makarating sa clinic habang paikot ikot.
"Macky calm down magiging okay din si Jade." mahinahon sabi ni Bryan.
"Maganda na sana kaso hinulog yung lider nila ang boba nila p*nyet*." nang gigil na sabi ni Tina.
"Calm down alam kong nag aalala kayo pero hindi makakabuti na mainit ang ulo nyo." mahinahon na sabi ni Nicolas kaya natahimik kaming lahat pero ilang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto at bumungad samin si Nurse kaya kagad kaming lumapit dito.
"Nurse kamusta na po si Jade ayos napo ba sya?"
"As of now hinihintay na lang natin syang magising pero nagka injury ang kaliwang paa nya pero hindi naman ganon kalala." nakangiti nitong paliwanag na ikinagaan ng loob ko.
Nang makapasok kami ay nakita ko si Max na hawak hawak ang kamay ni Jade na kasalukuyan natutulog habang pinagmamasdan ito.
"Baka matunaw yan." bungad ni Bryan kaya agad syang binalinggan ni Max at sinamaan ng tingin.
"Kelan daw ba yan magigising." malakas na sabi ni Tina.
"Feel na feel pagkakahiga noh." gatong ni Nicolas.
"Tsk ang ingay nyo." bigla bumangon si Jade sa pagkakahiga na ikinagulat ko.
"Makabangon ka parang hindi ka nahulog ha." nag aalalang sabi ko.
"Sanay naman akong nahuhulog ng walang hinihintay na sumasalo." pagdradrama nya.
"OA mo girl katangahan ang tawag dun." pambabara ni Tina na ikinatawa namin lahat.
Kelan kaya sila magbabago?
Pang pumuti na uwak kaso may puti nadaw eh.
"Kami na maghahatid kay Jade." paalam ni Macky at Max samin habang isinasakay si Jade.
"Bye bye pilay." kaway ni Tina
"I hate you Maria Christina." sabi ni Jade at tuluyan ng pumasok sa kotse.
"Ingat kayo ha." sabi ni Bryan tumango naman sila Max paandarin ang makina ng kotse.
"Babalitaan namin kayo." sagot ni Macky at pumasok na rin sa loob.
"Tumawag ka pag may kailangan okay." sabi ko kay Jade tumango naman sya.
"Thank you guys laham ko kayo." kaway nya bago sumarado ang bintana at umusad na ang sasakyan kaya kami naman ay agad na tumabi.
"Hay nako si Jade talaga." naiiling na sabi ni Nicolas.
"Celine I have to go may kailangan akong asikasuhin." ani ni Bryan.
"Sige kita na lang tayo sa bahay." tumango naman sya at nagsimula ng sumakay sa kanyang kotse.
"Besss may kailangan kaming iprepared para sa booth bukas dadaan kami ng mall sama ka na?" sabi ni Nicolas akmang sasagot ako ng biglang may humak sa kamay ko.
"Kenzo?" mahina kong sabi ng bumaling sya at nakita ko ang kanyang seryosong mukha na nakatitig sakin.
"Her mother wants me to bring Celine with me." paliwanag nya kaya tumango naman si Shanne at Tina at hinila si Nicolas na halatang hindi papayag.
Teka si mama nakauwi na ba sya?
"Iuwi mo yan ha ng walang galos kundi lagot ka sakin." pagbabanta ni Nicolas.
"Tumahimik kana Nics ingat kayo ha enjoy your date guys." ani ni Tina at kumindat pa sakin.
"Call me when you get home okay." paalala ni Shanne.
"Sige thank you ulit sa inyo." nakangiti ko sabi habang kumakaway sa kanila.
"Let's go?" seryosong sabi ni Kenzo kaya tumango naman ako.
"Celine!" sigaw ng kung sino kaya agad akong napalingon sa aking likuran at nakita ang humahangos na si Daryl at kapansin pansin ang dumudugong labi.
"Celine let's talk." malungkot nyang pakiusap.
"Daryl wag ngayon." akmang tatalikod ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko kaya napatingin ako roon ng biglang may isang brasong nagaalis ng pagkakahawak ni Daryl sa aking kamay na agad kong ikinagulat.
"Wag mong hahawakan ng ganyan si Celine." seryosong sabi ni Kenzo.
"Anong karapatan mo?" nang gigil na sabi ni Daryl dahilan kung akmang susuntukin sya ni Kenzo pero kaagad ko itong napigil ng hawakan ko ang kanyang mga kamay.
"5 minutes." nakikiusap kong sabi kaya ngunit hindi na sya nakaimik pa at pinagmasdan lang ako.
"Daryl magusap na tayo." baling ko kay Daryl na ang paningin ay nasa magkahawak naming kamay ni Kenzo kaya agad ko yung tinanggal at nauna nang maglakad
"Ano bang problema mo?" agad kong tanong ng makarating kami sa music room.
"Nagseselos ka ba?" tanong nya na ikinagulat ko.
Oo buti alam mo.
"Hindi" tanggi ko at umiwas ng tingin sa kanya.
"Look at me then." gamit ang may paguutos nyang tono.
At bakit ako titingin sayo?
"At kung ayaw ko?" tanong ko.
"I said look at me." muli nyang utos pero sadya makulit ako dahil hindi parin ako bumaling sa kanya.
"I know you Daryl hindi ako dapat magselos o masaktan dahil bukod sa walang namang tayo normal na sayo papalit palit ng babae." paliwanag ko ng bigla syang lumuhod sa harap ko dahilan kung napabaling ako sa kanyang gawi.
"Damn Celine yes madaming nagkakagusto sakin pero ni isa sa mga yung walang nakatapat sayo and it scares the hell out me, because I know I can't have you." malungkot ng sagot na ikanatigil ko pero bago pa sya muling magsalita ay nilisan ko na ang lugar na iyun.
Have me...
Iyun ang laman ng isip ko hanggang sa makasakay ako sa sasakyan ni Kenzo. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi na nagtanong pa si Kenzo dahil wala rin akong maisip na pwedeng isagot sa kanya kasi sa totoo lang.
Maski ako gulong gulo na.
"Celine were here." pambabasag ni Kenzo sa aking pagiisip.
"Ah yeah." yun na lamang ang naisagot ko at akmang bubuksan ang pinto ng kanyang sasakyan ng naunahan nya kong gawin iyun.
"Your parents are here." pagpapaalala nya sakin.
"Hmmm thanks."
"Celine Hija nandito kana pala." masayang bati sakin ni Mama pagkabukas ko palang ng pinto nandito narin si Bryan at Papa pwera na lang kay Kuya Liam na hanggang ngayon hindi parin nagigising.
"Hijo dito kana mag dinner so we can catch up for a bit." nakangiting sabi ni Papa na ngayon nakaupo sa sofa.
"Sure tito." maikling sagot ni Kenzo at naramdaman ko ang paghawak nya sa aking braso at napatingin naman kagad ron si Mama.
"Your we're very close now, aren't you?" makahulugang sabi ni Mama pero bago pa ko makasagot ay biglang tumayo si Bryan at lumapit kay Mama.
"Tita dinner is ready let's eat." anya ni Bryan at kumindat sakin.
"Sure let's go Kenzo,Celine."
Habang kumakain hindi ko maiwasan mapatingin kay Kenzo na mukhang hindi na pormal na kumakain na tila hindi naaapektuhan sa kanyang paligid. Habang ako ay naiilang dahil si Mama at Papa ay parang inoobserbahan ang aming galaw.
"So when you plan to get married?" tanong ni Papa dahilan kung bakit alisin ni Kenzo ang paningin sa kanyang kinakain at itinuon ang paningin kay Papa.
"When she's ready." maikli nyang tugon.
"At kailan yun Celine?" singit ni Mama.
Ano bang dapat kong isagot gayong sa huli alam ko naman desisyon lang rin nila ang masusunod.
"Tita let Celine decide for her self malaki na po sya at for sure malalaman nya sa sarili nya kung kelan na syang ready magpakasal." seryosong sabi ni Bryan kay Mama.
"Bryan has a point hon hayaan muna natin ang mga bata." sang ayon ni Papa ni na ikinagaan ng loob ko.
Atleast may chance pakong makawala sa planong kasal na to.
"Sir, Ma'am, I'm sorry but I have to go my parents informed me that we have to visit Lolo." magalang na paalam ni Kenzo.
"Sure hijo we understand." ani ni Papa.
"Celine ihatid mo si Kenzo." utos ni Mama na ikinanguso ko.
Nang makalabas kami ng gate ay tuluyan akong nakahinga ng maluwag.
"Are you scared?" tanong nya habang ang mga mata nakatingin kung saan.
"Medyo ayaw ko kasi ng prenepressure ako lalo sa usapang kasal na yan." paliwanag ko ng bigla nyang inilapat ang kanyang noo sa akin dahilan kung bakit magpantay ang aming mga tingin.
"I know and I'll do everything just to stop that wedding for you to be happy." seryoso nyang sabi bago ako talikuran at sumakay na sa kanyang sasakyan.
Pero bago ko pa man maisip na tuluyan pumasok sa gate ng may maaninag ko ang isang lalaki hindi kalayuan samin na sa akin ang paningin. Hindi ko maiwasang mangamba dahil kahit sa malayo ay kita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha imbes na puntahan sya ay iniwas ko na lamang ang aking paningin at tuluyan ng pumasok sa gate.
I will avoid you until my mind accept the fact that I'm starting to love you...