Confused

3614 Words
"Hay ang sakit ng ulo ko s**t!" agad na sabi ko pagkabangon ko. "Tinungga mo ba naman yung buong boteng vodka baks." si Tina na prenteng prenteng nakaupo sa sofa kasama sila Jade at Shanne. "Grabe nakakagulat kayo ha bakit kayo nandito anong oras na ba?" nakangusong sabi ko. "Panong gulat Celine?" natatawang sabi ni Jade kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Its already 1 in the afternoon." seryosong sabi ni Shanne sabay pakita sakin ng oras sa kanyang phone bilang pagpapatunay. "Oh my ghad ang tagal ko palang nakatulog maliligo na muna ko." at agad kong napagpasyahan magtungo sa cr pero bago ko pa mabuksan ang pinto. "Oh my ghad na oh my ghad talaga baks nakipagtitigan ka lang kay Daryl tapos tumungga ka na ng isang bote ng vodka haha nafall ka na ba day?" narinig kong tanong ni Tina dahilan kung bakit saglit ako napahinto pero imbis na sagutin ko yun at tinuloy ko na lang ang pagbubukas ng pinto at agad na isinara yun upang makasandal ang aking likod. "Bakit mo nga ba ginawa yun celine nababaliw kana talaga self!pero pano nga ba ko nakabalik sa kwarto?hay wala akong maalala nakakaasar masama talaga kong malasing." mahinang sabi ko sa akin sarili. "Celine!bilisan mong maligo ha wag masyadong mag emo dyan sa cr may pupuntahan tayo anong oras na late na late na tayo loka ka." narinig kong sabi ni jade na batid ko nasa gilid ng pinto. Shit narinig nya ata?! Binilisan ko ang aking pagligo at nagbihis ng isang simpleng floral dress at doll shoes at pinony ko na lang ang aking buhok okay na siguro to dyan dyan lang naman siguro.Pagbaba ko ng hagdan nakita ko sila bry na pinag mamasdan ang mga isda sa aquarium ng mapansin nya ko. "Bakit ka andito?" masungit na tanong ko habang papalapit sa kanya. Di ko man lang sya nakita kagabi na nag punta. "Aba ikaw lang ang kaibigan?tagal mong magising naglasing ka kagabi no?" pang aasar nya sakin. "Bakit ngayon ka lang loko." pagbabaling ko ng tanong. "Hinatid ko kasi si Alliah sa Batangas." mahinang sabi nya habang nag iiwas ng tingin kaya napakunot ako ng noo. "Bry may sakit ka ba?" curious na tanong ko. "Huh sinasabi mo dyan?" naguguluhang sabi nya. "Bry sabihin mo na promise di ko sasabihin sa iba." "Ewan ko sayo Celine." "Charot lang eto naman pikon ngayon lang kasi kitang nakita nagfocus sa isang babae at kay alliah pa talaga eh mukhang patay na patay yun kay Kenzo." "I heard my name." narinig kong napabaling si Bryan sa likod. Patay narinig nung attitude kaya dahan dahan akong humarap sakanya. "At bakit ikaw lang ba ang may pangalan Kenzo sa buong earth diba Bry" pagdadahilan ko at hinanap ko si Bryan. Pero takte iniwan ako dito sa attitude na to. "Im not gonna buy that kind of excuse celine." "Edi wag kang maniwala!" "Yeah." "Sinabi na ngang hindi ikaw yun!" "Cant fool me." "Aba't talaga---" "Celine lets go?" singit ni Shanne samin kaya sinamaan ko na lang ng tingin si Kenzo at hinila na si Shanne palabas dahil napupuyos nako sa sobrang inis. Petse talaga. "Do you know already?" biglang tanong ni Shanne sakin. "Ang alin besss?" nagtatakang tanong ko. "Nothing." maikling sagot nya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. "Ang tagal mo celine hagard na hagard na kami ni Tina." bungad sakin ni Jade pagkapasok ko palang ng sasakyan. "Sorry na haha san ba tayo pupunta di ba kasama sila bry?" "Ay sana nidirect to the point mo na lang na di ba sasama si Daryl at Kenzo?ganon." si Tina. "Hindi no." pagtangi ko. "May indenial tayo kaibigan kilala mo kung sino Jade?" tanong ni Tina. Nagsimula nanaman sila. "De nile ba yun apelyido?" "Medyo hawig." "Briana ang second name?" "Parang." "First name ay celine?" "Hmm." "Celine Briana De Nile?" "Sakto!" at pumalakpak silang dalawa na pa face slam na lang ako. "Dont push her." maikling sabi ni Shanne na ikinatahimik ng dalawa sumilip naman ako sa likod ang ngumisi ng makitang pareho silang nakanguso. Isang oras lang ay nakarating na kami sa isang gusali na masasabi kong naging parte na buhay ko noon ang orphanage kaya napangiti ako ng makita si Shanne na nauna ng pumasok matapos nyang iparada ang sasakyan. Its been two years nung huling punta ko dito nakakamiss rin yung lugar na to parang wala paring pinagbago ang lugar na to dahil siguro sa kagustuhan ni Sister na imaintain ang ayos nito. Hindi naman ito ganong kalakihan pero masasabi kong maayos ito lalo ang mga halamang nakapaligid sa gusali ito. Si Shanne ang nainvite samin mag volunteer noon sa orphanage na to kaya nakasanayan narin namin nila Jade na magpunta dito pag hindi masyadong busy kaso nung nagdaang dalawang taon hindi ko nagawang pumunta dito. Since Airen passed ayaw I lost myself too at the point where I can't even tell which of my smiles is true or not. "Celine okay ka lang?" nakangiting tanong nya. "Daryl?" "Alam kong gwapo ko celine pero wag kang masyadong tumulala sakin ng ganon katagal nakakaba feeling ko gusto mo na kong iuwi." sabi nya habang umaacting pa ang loko na pinoprotektahan ang sarili dahilan kung bakit pinapapalo ko sya. "Aray celine masakit." "Loko ka kasi." sagot ko habang patuloy syang hinahampas. "Aray tama na maawa ka sa crush mo." "Petse ka!" "Ate Celine!"narinig kong sabi ng isang bata na tingin koy pitong taong gulang na. Wait parang kilala ko to ha. "Hanna ikaw na ba yan?" masayang sabi ko at yumakap sakanya. "Opo Ate namiss po kita ang tagal mo pong hindi nagpunta rito lagi kitang tinatanong kila Ate Shanne pero lagi nyang sinasabi na pag nakahanap sya ng tyempo ay isasama ka nya dito." malungkot na sabi nya. "Sorry baby medyo naging busy kasi si ate tara pasok na tayo sa loob kwentuhan mo ko ng mga nangyari sayo nung wala ako ha." masayang sabi ko. "Oo naman ate celine tulungan po natin sila Ate Jade mag prepare ng food." sagot nya na lalo kong ikinasa ng maalala ko ang kausap ko kanina ngunit ng lingunin ko sya ay saktong nagtama naman ang aming paningin na agad kong iniwas. Kanina pa ba siya nakatingin letse bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. "Tara na Daryl." pinilit kong ayusin ang boses ko ngumiti naman sya at pumunta kaagad sa gawi namin at umakbay pa sakin ang loko na naging dahilan upang mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. May problema ba sa puso ko? "Celine tell the truth." mahinang sabi ni Daryl habang naglalakad kamk na sapat para marinig ko nahinto naman ako sa paglalakad at sinalubong ang kanyang mga mata. "Ate punta muna po ko ako kila sister ha may nakalimutan po kasi kong gawin na inuutos nya." paalam ni Hanna. "Sige pupuntahan na lang kita mamaya." pinilit kong ngumiti ng hindi inaalis ang paningin sa kanya. "Daryl." "Tell the truth,despite the fact that you realize someone might cry better than telling a lie just to make someone smile." tinapik nya ko sa balikat at nauna maglakad. "Alam ko nga ba talaga yung totoo Daryl?" tanong ko sa aking sarili "Celine saan kaba nang galing?kanina ka pa namin hinahanap." bungad sakin ni Jade pagkapasok ko sa kusina. "Nakasalubong ko si Daryl." maikli kong sagot na hindi makatingin sa kanila. "Sayang dapat surprise." nakangising sabi ni Tina. "Bakit ba nandito yung lalaking yun?" singhal ko. "Nagvolunteer syang sumama dito kesa sumama kila max magbasketball kasama yung dalawang pinsan pa ni Shanne at si Bry." ani ni Jade. "Bakit nyo pinayagan?" "Hay girl wag masyadong iwasan para hindi mahalatang mayroon ng nararamdaman." makahulugang sabi ni Tina napabungtong hininga na lamang ako at nagsuot na ng apron at nagsimulang magbake. Pagkatapos kong magbaked ng mga cookies para sa mga bata ay napagpasyahan kong puntahan sila sa play ground ng mapadaan ako sa isang silid na may salamin at nakita ko si Daryl na masayang natuturong magpinta sa mga bata. "Ang saya saya ng mga bata ngayon." pambabasag ng isang boses na nasa tabi ko. "Sister Neli kayo po pala." masayang bati ko at nagmano sa kanya. "Celine masaya akong nakita kang muli hinahanap ka ng mga bata sakin at kila shanne." "Oo nga po eh medyo marami po kasing nangyari." malungkot kong sabi. "Naikwento sakin ni Jade at Tina ang iyong mga pinag daan ayos ka na ba ngayon?" nakangiting tanong sakin ni Sister. "Opo patuloy parin pong nabubuhay." "Naiintindihn ko basta iyo lang laging pakakatandaan na ang lahat ng bagay ay may dahil hindi ka bibigyan ng ating panginoon ng pagsubok na hindi mo makakayanan magtiwala ka lamang sa kanya at ikay kanyang gagabayan patungo sa mabuting landas." "Salamat po Sister." "Basta kung kailangan mo ng makakausap ay nandito lamang kami para sa iyo." "Namiss ko po kayo at ng mga bata." iyon na lamang ang nasabi ko at yumakap sa kaniya. "Namiss ka rin namin celine halinat tawagin na natin ang mga bata para makakain na sila ng kanilang hapunan." tumango naman ako at sumama sa kanya patungo sa play ground. "Ate Celine ate celine nakita mo po ba yung pininta ni Kuya Daryl." salubong sakin ng mga bata. "Hindi eh anong bang nipaint nya?" tanong ko. "Kamukha nyo po ate ay mali ikaw po siguro talaga yun." sabi ni Coco. "Baka kahawig ko lang." paliwanag ko. Bakit nya naman ako ipipinta? "Ate Celine ikaw po talaga yun impossibleng hindi ikaw ang pininta ni Kuya Daryl dahil mapapansin nyo po na parehong pareho ang ayos nyo ngayon sa pininta nya kung makikita nyo lang po." paliwanag ni Hanna. "Ganon ba o sige mamaya titignan ko tara na pinagluto namin kayo ng mga pagkain." dahilan kung bakit sila nagunahan pumunta sa hapag. "Nariyan na pala ang Kuya Daryl nyo halinat saluhan mo ang mga bata sa pagkain." narinig kong sabi nila Sister kaya napabaling sa pintuan ng magtama muli ang paningin namin na kaagad kong iniwas dahil sa pagbilis nanaman pagtibok ng aking puso. Bakit ba ko nagkakaganito?!Hindi na yata to normal. Ala sais na ng hapon ng matapos namin pakainin ang mga bata ay nagpaalam ako kila Shanne na magpapahangin muna.Nakaupo ako ngayon sa upuan sa ilalim ng puna habang nakatingin sa kawalan ng may maramdaman akong umupo sa aking tabi. "Bakit magisa ka lang rito?" tanong ni Daryl. "Obvious ba malamang busy sila Jade." asik ko. "Alam mo nahahawa kana." seryosong sabi nya na ikinagulat ko. Oo nagulat ako seryoso sya ngayon eh. "Ng ano?" nilingon ko sya buti naman hindi sya sakin nakatingin. "Attitude kay Kenzo yan galing noh." at bumaling sya sakin at biglang tumawa dahilan kung bakit ako nainis at binatukas sya. "Loko ka talaga alam mo ba--" Ring...Ring....Ring.... Bryan The Zoo Manager Calling.. "Hello bakit nanaman?" "Celine pauwi nako manila sumunod kana." ani ni Bry. "Bakit nandito ko--" "Si Kuya liam nasa ospital nabangga yung kotseng sinasakyan nya..." hindi ko alam pero bigla ko na lang nabitawan ang cellphone narandaman ko rin ang panginginig ng tuhod ko ng saluhin ako ni Daryl. "Daryl si Kuya kailangan ko syang puntahan." naluluha kong sabi habang inaalalayan ako ni Daryl maupo. "Oo pupuntahan natin sya." "Daryl si yung Kuya ko gusto ko na syang puntahan." akmang tatayo ako ng yakapin nya ko "Huminahon ka muna saka natin sya pupuntahan." pang aamo nya sakin habang ako ay patuloy lamang na umiiyak dahil sa pag aalala iyon ang naging sitwasyon namin ng ilang pang minuto hanggang sa kusa na kong tumahan kaya ginaya nya nako papunta sa kanyang kotse. "Tinext ko na sila Shanne susunod sila kukuhanin lang nila yung mga gamit nila mauna na tayo." sabi nya at tango na lamang naisagot ko. "Celine nandito na tayo." narinig kong sabi ni Daryl kaya agad akong nagmulat ng mata. "Asan na tayo?" mahina kong tanong sa kanya. "Nakausap ko si Bryan at sinabi nyang dito sa ospital nila Nicolas ang Kuya mo" tumango naman ako at akmang lalabas ng hawakan ni daryl ang kamay ko. "Ayos lang ako." at binigyang sya ng pilit na ngiti. "You're not." mariing sagot nya pero bago pa ko makapagsalita ay niyakap nya kong muli sa pangalawang pagkakataon. "Everything will be alright okay?" bulong nya at bumitaw na para pagbuksan ako ng pinto. "Sasamahan kita." "W--wag na." "Pero--" "Kaya ko naman trust me." yun lamang ang nasabi ko at tinalikuran na sya. Habang papalapit ako ng papalapit sa operating room hindi ko maiwasan hindi kabahan nag aalala ko ng sobra para kay Kuya ng makita ko si Bryan na nakaupo sa gilid kaya dali dali akong lumapit. "Bry kamusta si kuya what happen? bakit naka ganon?pano--" "Nagmaneho ng lasing si Kuya." pagputol nya sa sinasabi ko. "What the hell eh hindi naman mahilig uminom si Kuya." "Celine hindi mo pa ba alam?" tanong nya "They break?" "Marie cheated that why they break." mahinang pagkakasabi nya na ikinagulat ko. "f*****g bitch." tiim bagang ko sabi. "Puro galos at pasa si Kuya hindi lang dahil sa car accident nabugbog sya sa bar dahil may nakaaway sya pero dahil sa sobrang kalasingan ni Kuya." at bumuntong hininga. "Bukas nandito na sila Tita pero si Tito ay hindi makakauwi dahil may important meeting daw sya" dadagdag nya pa. Tch mas importante pa ba yung meeting na yun kesa sa kapatid ko. Nang lumabas ang papa ni Nicolas ay agad ako lumapit para malaman ang kalagayan ni Kuya. "Tito okay na po ba si kuya?" maluha luha kong tanong. "Dont worry Celine okay na si Liam we just have to monitor him hanggang sa magising sya." "Magigising na ba sya tito?" "Yeah ililipat na sya ng mga nurses sa room nya para mabantayan nyo sya." "Thank you tito." sabay namin sabi ni bry. "Mauna na ko ha dont worry to much magiging okay si Liam.He just need to rest." nakangiting sabi nya samin na ikinagaan ng loob ko. Kalahating oras ang lumipas at nalipat na si Kuya sa room nya.My brother dont deserve this.Hindi man malala ang naging kanyang pagbanga but the bruises and scars on his body na dahilan ng pagkakabugbog ang hindi ko mataggap. They messed with the wrong person kuya. At nag dial ang number na alam kong makakatulog sa akin. "Hey cous what is it?" "Vincent nandyan si tito?" "Tell me ako na lang magsasabi sa kanya." "Nasa ospital si Kuya Liam." "Yeah I know they already in jail." kalmadong aniya. "I want them to regret messing with this family." "Got it don't worry, I won't f*****g let them get out of jail without a f*****g mark on their head that De Nile family aren't called family for no reason." "Thanks." "Welcome bukas punta kami dyan ha dont worry to much love lots." iyun lang at pinatay na nya ang tawag sakto naman bumukas ang pinto at bumungad sakin si Bryan na kasama si Daryl. "Kumain muna kayo." sabi ni Daryl at nilapag sa mesa ang kanyang dala "Bakit ka nandito?" nagtatakang kong tanong napakamot naman sya ng ulo at tumingin kay Bry. "Insan naman asan common sense?" singit ni Bryan na tinignan ko lang ng masama. "Nag alala ko sayo kanina ka pa kasi hindi kumakain sabi nila Shanne." pagdadahilan nya. "Tara na sumabay ka ng kumain ikaw rin for sure hindi pa kumakain." nakangiti naman syang tumabi samin ni Bry at nagsimula ng tahimik na kumain. Nagpaalam na din si Daryl samin na uuwi na para makapag pahinga kami ni Bryan nagpasalamat naman ako at hinatid sya hanggang sa parking lot ng narinig kong nag Vibrate ang phone ko at nakita ang mga text roon pero kay Daryl lang ang binasa ko. From Daryl: Andito lang ako.Magpahinga ka ng maayos ha mamahalin mo pa ko:) Imbes mainis ay natawa na lang ako at agad nagtype ng reply para sa kanya. To Daryl: Thanks for saving this Day.Takecare♥️ Akmang isisilid ko sa aking bag ang phone ko ng biglang may yumakap mula sa aking likuran dahilan kung bakit biglang nanlamig ang aking buong katawan. Self diba marunong ka ng self defense?! Kinalma ko muna ang sarili. Look over your right shoulder as you lift your right knee to your chest. With your ankle bent, Drive your right heel straight toward your target using your body weight to add power to your attack. Yes nagawa ko yung Back kick ko. Pero patay! "Kenzo!" nasabi ko na lang ng makita syang nakawak sa tyan nya habang nakahandusay sa sahig. "f**k it hurts what the hell Celine bakit mo ko sinipa." mahinang sabi nya. Lagot na ko! "Bakit ka ba kasing nang yayakap basta basta!" pinilit kong magmukhang galit para hindi nya mahalatang kinakabahan ako. "At ikaw pa ang nagalit seriously Celine?" mariin sabi nya kaya nilapitan ko naman sya para tulungan bumangon. "Oo na sorry mukhang napalakas yata akala ko kasi kung sino." paliwanag ko. "Tsk." yun lang ang sinagot nya ng tulungan makatayo at pinagpagan ang kanyang damit. Bait talaga neto nag sorry na nga ako eh. "Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko. "Later lets eat." Ano daw? "Pero busog pa ko--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng hawakan nya ko sa aking kamay at hinila medyo malapit sa ospital. "Whats your order Sir?" tanong ng waitress pagkaupo palang namin with maching wide smile at hawi ng buhok sa gilid ng tenga napairap na lang ako. Maharot alert. "One order of double expresso and cinnamon roll." seryosong sabi ni Kenzo na nakatingin lang sa menu. "How about you Ma'am?" baling sakin ng babae at ngitian ako ng halata may halong kaplastikan. Problema neto? "Cappacino na lang." nakangiti kong sabi ayaw para mapigilan ang pagkairita. "Its that all Ma'am? Sir?" sabi ng babae na ngayon nakapako nanaman ang tingin kay Kenzo. Hindi ulam yan uy! "Jealous?" nakangising sagot ni Kenzo ng mapansin ang agad na pagsama ng mukha nung tinalikuran kami ng babae. "Jimin ka?" pambabara ko dahilan para mapailing na lamang sya. "No but i can be your husband for real." pahabol nyang sagot. "In your dreams." "Yeah in your dreams." "Kenzo." nang gigil na sabi ko "What." nakangising sagot nya "Bakit ka ba kasi nandito?!" napakalakas kung sabi dahilan kung bakit magtingin ang ibang tao sa coffee shop. Nagkipit balikat lang sya "I just want to check you." maikling sabi nya. "Checking on me bakit answer sheet ba ko?" pilosopong tanong ko. "Celine dont be so rude." nakahawak sa noong sabi nya. "So shy naman sa attitude." sagot ko. Talaga naman "Celine." "Nyenye." pang aasar ko natawa naman sya ng kaonti. Saya sya? abnormal talaga. "Im worried okay hinanap kita kila Jade at nasabi nila yung nangyari kay Kuya Liam." seryosong sabi nya. Ay nakiki Kuya close sila? Nang dumating ang order namin ay kumain na lamang ako at ganon din sya. "Celine." tawag nya sakin kaya napalingon ako sakanya. "Hmmm?" "Do you think I am a bad person?" tanong nya habang naglalakad na kami. "Hindi naman." maikli kong sagot. "And then why?" bakas na pagkacurious nya sa kanya boses. "It's true that you are a rude person in words, but it cannot change the fact that you are a good person in act." yun lang ang nasabi ko at tumingin sa langit. "That's the reason why I like you." sa gulat ko ay muli akong napa baling sa kanya pero ang paningin nya ay nasa langit narin. "Ken--" "Your so honest." pandadagdag nya. "I dont think so." nakayuko kong sagot "You are." "Kenzo?" "Please let me like you this way until my feelings willfully fade away." mahina nyang sabi pero bakas ang lungkot roon. "Pero masasaktan lang kita." yun na lamang ang nasabi ko. "I can endure the pain Celine trust me." at huminto na sya sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na nakarating na pala kami sa ospital. "I have to go." "Mag iingat ka--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla nya kong niyakap. Kenzo bakit ganyan ka. Akmang tatanggalin ko ang pag kakayakap nya mas lalo nya higpitan ang pagkakayakap sakin. "Celine thank you for trusting this shitty man." mahinang pagkakasabi nya. "Kenzo okay ka lang ba?" tanong ko at tinapik ang likod nya. "Promise me that you wont ask me to stay away." bakas ang pagkabasag sa kanyang boses. "Promise, I wont." pagkasabi ko nun ay tinaggal nya na ang pagkakayakap sakin. "Goodnight celine." yun na lang ang nasabi nya at napapikit ako ng lumapit ang mukha nya at naramdaman ko pag lapat ng kanyang mga labi sa aking noo. "Yeah...Good-ni-ght." yun na lang ang nasabi ko nang tumalikod nako sa kanya at nagsimula ng maglakad papasok sa loob. "Saan ka galing?" nagangat ng tingin sakin si Bryan pagka pasok ko ng kwarto ni Kuya na halatang kagigising palang. "Nagpahangin lang." yun na sabi ko at umupo sa tabi nya. "Dito ka muna uuwi lang ako saglit para makakuha ng ilang damit natin." pagpapaalam nya. "Sige ingat ka sa pag dradradrive ha wag tanga." pinilit kung haluhan ng pang aasar para hindi halata. Mahina naman syang natawa at ginulo ang buhok ko bago lumabas ako naman ay nahiga na sa sofa para dahil naramdaman ko na din ang pagkapagod sa buo kong katawan ng bigla kong maalala ang paguusap namin ni Daryl at Kenzo. Bakit nung magtama ang paningin namin ni Kenzo ay hindi naman ako naramdam ng kaba. pero... Bakit kay Daryl hindi mapigilan magkarambola ng t***k ng puso ko na parang nangyari nung unang magtama ang mga paningin namin. I dont know. but one thing is for sure. My eyes are always craving to see Him since day one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD