Game

4438 Words
Parang nag wooosh lang may pasok nanaman ! 1 week past tinatamad pa ako pumasok. "Celine hindi raw tayo mahahatid ng driver natin kase may sakit." bungad agad sakin ni Bryan. "Ahh ganon ba getwell kamo po, tsaka kotse mona gamitin natin yiee magagamit nya na ulit." sabi ko habang niyuyugyog sya. Naalala ko kase lasing ang loko at nabangga kaya di na ulit pinagamit ng kotse. "Kung papayag si Kuya baka sermonan lang ako nun." sambit nya. "Papayag yan may dahilan naman tayo eh tsaka para maka gala tayo!dalian mona akyatin mo si kuya don." umakyat agad sya sa taas para puntahan si Kuya kinuha ko naman ang bag ko para lumabas na dun nalang mag hintay. Pero laking gulat ko ng pagbukas ni Yaya Yolly ng gate anong ginagawa nila dito? Si Kenzo dala ang kanya sport car naka sandal pa sya dun habang nakatingin sakin, Si Prince na dala ang kanyang sasakyan na van na kumakaway at si Daryl na dala ang kanyang mamahalin motor na nag aalinlangan pa at may gustong sabihin. A-anong meron bakit nandito sila?! nakakahiya nakita ko yung mga anak ng kapit bahay namin at maski mga katulong nila nagsilabasan tila may artistang napadaan lang. "Celine ayaw ni kuya kung gusto daw natin sa kanya---" mukhang natigilan din si Bryan mula sa may likuran ko at lumapit sakin. "Sino yung nasa gitna celine di ko kilala hindi ko alam na may isa pa palang nabulag sayo haha." nangaasar na sabi nya kaya siniko ko sya. "Tumigil ka nga tsaka mas matino yun kesa sa dalawa." sabi ko nalang pinangsingkitan nya naman ako ng mata. Nag sasabi lang ako ng totoo! "Fine sa kanya tayo makisakay." napa nganga nalang ako ng lumapit sya don at kinausap na parang close pa sila kung titignan sabay pasok nya sa van ni Prince.Wow kapal ng mukha mo ng pinsan ko parang kay Daryl ka lang nun nakaraan wah! Wala talagang hiya yan samantalang ako diko magalaw mga paa ko nakatingin pa sakin si Daryl at Kenzo anong gagawin ko? Mag lakad nalang kaya o kaya mag taxi o kaya lumipad palabas ng earth teka bat ko sila iisipin dalawa eh galit sila sakin kaya galit ako sa kanila bahala kayo dyan! Lumapit nalang ako kay Prince "Nag abala kapa." sabi ko ngumiti lang sya sakin habang si Bryan sumisigaw na tara na mabatukan nga mamaya ng magkaron ng hiya. Pumasok nako sa van at tumabi kay Bry at hinampas sya. "Kapal ng face mo share mo naman!" bulong ko na kinatawa lang nya. "Lets go?" tanong ni Prince nahihiya akong tumango napatingin pako sa magkabilang bintana masamang nakatingin lang yung dalawa bakit nga ba sila nandito akala ko tuluyan na silang mawawala matutuwa pako kung ganon at teka pano nga ba nalaman ni Prince na dito ang bahay namin ay baka tinanong nya kay Shanne pero bakit nya ko pupuntahan? Andami mong tanong self just calm and relax pero pano ako makaka calm and relax mukhang di ako tatantanan nung dalawang nasa labas. Kung ano ano pa tinatanong ni Bry tungkol sa kanya lakas may pa english english pang nalalaman di nalang ako umiimik dahil may halong pang aasar hanggang pagdating namin ng parking lot pag ka bukas ng pinto ng sasakyan bigla naging seryoso si Bry habang may tinitignan sabay paalam sakin at tumakbo. San punta non?loko talaga iniwan lang ako basta. Sabay kong maglakad papasok ng gate si Prince, habang nakasunod yung dalawang tukmol na nandito narin ang bilis naman nila napansin ko lang pala bat kaya naka uniform din prince gaya ng uniform namin nag aaral ba sya dito kelan pa? Habang nag iisip ako diko napansin na napapabilis na pala lakad ko ng may nabangga ako siguro nag mamadali din sya kaya di nako nalingon at nagpatuloy syat nilagpasan ako. Teka? Nathan! Airen's friend kaya naging close ko sya sikat din dito sa paaralan namin dahil sa bandang pinasikat nito at grabe gwapo din, bat ang daming gwapo sa mundo pero naalala ko nanaman yung sinabi nya sakin hahabulin ko sana sya ng sumigaw si Kenzo. "f**k Nathan magsorry ka naman muntik ng masaktan yung fiancee ko!" sigaw ni Kenzo na nag pabingi sakin at lahat ng studyante biglang nagtinginan sa gawi namin lupa kainin mo nako. At Lintek talaga yung bibig nito sarap busalan umagang umaga puro mura. "Bri its that true?" lumapit si Prince na mukhang naguguluhan. "Fiancee ka lang!" sigaw din ni daryl na mukha may pinaglalaban na pinatulan ni Kemzo napangiwi na lang ako nakita ko si Nathan na parang walang pakelam na nagpatuloy lang sa palalakad sige lang wag mong intindihin yang mga baliw "Hanggang kelan kaya ganito."malungkot na sabi ko kay Prince. "Sabay ka sakin" aya ko sa kanya masayang tumango si prince at iniwan namin ang dalawa tila nagrereklamo na hindi sila tinawag. Who you kayo!? "Dito na room ko, thank you." ngumiti lang sya at nag paalam na. Umupo nako sa sa upuan ko at dumukdok sa mesa ano ng gagawin ko? Ngayong maraming nakarinig baka mamaya batuhin nalang ako sa labas o ilock nanaman sa cr o di kaya barilin nalang ako paglabas pesteng Kenzo talaga. Naramdaman kong may tumabi sakin kaya tinaas ko agad ang tingin at napairap nalang. "Sorry." "Hindi mo kailangan mag sorry." sabi ko habang nag iiwas ng tingin. "Celine...." "Mahahimik ka dyan wala akong pake sa sasabihin mo." masungit na sabi ko pa at inilayo ang upuan ko sa tabi nya para naman makaramdam sya na ayaw ko ng kausap. Inaantok at Gutom ako wag ngayon. "Sorry ulit kahit ayaw mong tanggapin." "Lahat naman kayo sasabihing sorry pag nasaktan nako pero paano mapapalitan yung sakit na nadama nun?" napataas ang boses ko dahilan kung bakit napatingin ang iba kung kaklase samin buti habang si Daryl ay napayuko ng bahagya. "Sorry." muli nya sabi. "Wala kabang ibang sasabihin kundi yan? sorry sorry may mababago ba?" "Sorry." Hay kulit gusto kong mag papadyak na inis. "Daryl pwede ba seryoso ako sa sinasabi ko." "Sor--" "Damn it! Sorry sorry sorry? Mababalik ba nyan yung oras na okay pa ang lahat" sabi ko at dumukdok nalang ulit yun sumasakit brain cells ko sa inyo. "Katulad nga ng sabi ko sayo ayawan kaman ng lahat ako ang mananatili sa tabi mo kahit ikaw mismo maglayo sakin." sambit nya wala lumabas sa bibig ko Prove it then At saktong pag pasok ng prof namin kaya umayos ako ng upo at huminga muna ng malalim. Nagpatuloy naman ang klase at tulala lang ako ni isang tinuro wala manlang akong natutunan at natandaan lutang lang ako hanggang dumating ang breaktime naiwan ulit kami ni Daryl sa loob ng classroom ramdam ko ang pagtitig nya sakin kaya nakatingin lang ako sa bintana ng matanaw ko si Nics kaya agad akong lumapit. "Okay kalang ba?" tanong nya habang pinitik ako sa noo. "Kanina okay ako ngayon hindi na bwesit ka bat mo ko pinitik." nakangusong reklamo ko. "Sus lolo mo nagpre-pretend ka nanaman eh kilala na kita tara na sa cafeteria libre kita." hinila nya agad ako habang nasa counter kami naririnig ko ang bulungan ng iba tungkol sakin nanaman lahat nalang ata issue sakin. "Oh kumain kana." sabi nya at inabot sakin yung chiken fillet,slice ng pizza,fries,burger juice at ice cream haha loko talaga to spoiled na spoiled ako. Alam nya kasing malungkot ako isa pa tong hindi pwede pagtaguan eh. "Thankyou." kinurot nya naman ang magkabilang pisnge ko. "Ikaw paba eh bestfriend kita." ngumiti lang ako sa kanya. "Kayo ni Shanne may chance na ba level up?" pag oopen ko ng usapan mukhang nasamid pa ang loko. "Siguro level 1 parin ang manhid nun tas ang sungit sakin lagi ako tinatalikuran tapos may umextra pa." "Sino?" "Si Nathan." Si Nathan iba din. "Nako mas gwapo kadon haha." "Eh mukha mas malapit naman sya kay Shanne." malungkot na sagot nya. "Alam mo ligawan mo na kase ang bagal mo highschool palang tayo non halata na baliw na baliw ka sa kanya." "Ang manhid nun parang bato po." ngumuso pa ang loko na kinatawa ko nagulat kami ng may tumabi samin. "Akala koba may nilalandi ka?" tanong ni Nics na may halong pangaasar sumimangot naman ang Gaga. "Masungit ang lolo mo kahit anong sunod ko kanina nakaka hurt di pinansin yun beauty ko." sabi nya at sumubo pa sa kinakain ko. "Seryoso?himalang may nag reject sayo." pangaasar nya kay Tina kaya binatukan sya nito. "Tse di ako susuko." sabi ng gaga habang kain ng kain kapal di bumili. "Ehh sino ba yung guy?" tanong ko. "Hmm" nagisip pa sya "Diko alam pangalan basta matangkad mukhang koreano baks! Tas mala Lee Min Ho ba tapos ngayon kolang nakita dito may dimples." sagot nya habang may laman pa ang bibig. "Ngayon lang nakita baka nakalimutan mo sa dami mo ba naman naging boyfriend dito." sabat ni Nics hahaha mukhang nagiging tense to kaya kinuha ko yung ice cream at sumubo habang pinapanood sila mag talo. "Ikaw nga dyan di man lang napapansin ni Shanne bleee." "Ano naman atleast loyal." "Loyal naman ako sa bente." "Bente? grabe." bulong ko. "Loyal ka papala ng lagay nayan hano." inirapan lang sya ni Tina ng may tumawag naman sa cellphone nya saglit nya itong kinausap. "Mga baks aalis muna ko tawag ako ng hubby, baby, babe,honey, ko" tumango naman ako habang natatawa sa itsura ni Nics na di makapaniwala kay Tina hindi paba sya sanay dyan kay gaga habang kumakain ako may nag text naman sa kanya ngumiti naman ako ng makita kung sino. "Yiee puntahan mo malay mo Shanne na sagot kana pala." kinikilig na sabi ko kaya ang loko ngumiti ng malawak pero napatitig sakin. "Pero pano ka." "Kaya ko sarili ko." sabi ko habang tinataas baba ang kilay. Kasiyahan nila yun. "Pag may ginawa sila sigaw molang pangalan ko dadating ako." "Superman ka? hahaha." pinuntahan nya na si Shanne ako naman ay tahimik habang kumakain parin ng ice cream pero mukhang kailangan ko ng bumalik ng room dahil may asungot nanaman na papalapit sakin. "Celine sorry kung nasigawan kita nung nasa--" diko sya pinatapos at tumayo nako pero bigla yang hinawakan ang kamay ko. "Please pwede ba lumayo muna kayo sakin." inis na sabi ko. "Hindi ko kayang gawin." aniya. "Madali lang yun Kenzo kung gagawin mo." masungit na sabi ko. "Celine listen." "I dont--- " "Please." "Ayoko nga!" Ang kulit kulit ng attiude nato! "Damn! Celine hindi ako makalayo sayo nag seselos ako." napakurap kurap pako sa sinabi nya at natawang tumayo at iniwan sya. Pwet mo selos. Agad akong bumalik sa room lakad takbo na ang ginawa ko para makalayo sa kanya pagdating ko walang pang prof kaya nakahinga ako ng maluwag nilapitan naman ako ni Klea pinapatawag daw ako sa Deans office jusko paparusahan naba ko? tumango ako at nag punta nadun narinig kong tinatawag pako ni Daryl pero diko pinansin. "Dean." nagmano ako dito ng maabutan ko syang nasa labas ng office nya. "Nandyan kana pala may nag hahanap sayo nasa loob sya." "Po?" nagtataka akong tumingin. "Lolo dean!" sigaw ng kung sino. "Carys hinahanap ka ng kuya mo." "Lolo dean naman Carys ka nanaman eh mabait ako diba kaya Faith." sabi nya kaya nangiti ako. "Samahan mo nga si Celine sa loob." "Sige po." nakangiting sabi ni Faith at biglang kumapit sa braso ko. "Arat na." sabi nya kaya ngumiti ako at tumango. "Hi Bri" bati nya Sya ba ang nag patawag sakin at napatingin sa kasama ko "and why are you here?" "Bawal? Office moto? Alam ko ako na yung bagong apo kase pinalayas kana ni lolo dean haha." sabi ni faith at naupo sa sofa sabay higa "Matutulog muna ko wag kayong maingay pag may nag hanap sakin." "Don't mind her." sabi ni Prince at lumapit ako sa kanya. "Bakit monga pala ako tinawag?" tanong ko agad. "Can you teach me to speak tagalog?" dagdag pa nya habang nakangiti susko yung dimple nya mas lumalalim napabangon naman si Faith. "Hyung ano?"nagtatakang tanong nya. "Sleep." umirap lang si Faith sa kanya at nahiga ulit. "Arte nito tatanong lang." bulong ni faith kaya natawa ako pumayag naman ako at saktong nag bell pinapasok nya muna ko sa klase ko at susunduin nya ko mamaya para yayain sa dinner. Tahimik lang ako buong klase at nakikinig na ulit kailangan ko yun baka bumagsak nako pag nag quiz hanggang sa maguwian paglabas ko naman nakita ko si Jade mukhang hinihintay ako. "Celine sama ka samin sa bar." aya sakin ni Jade habang umakbay sakin. "Pass ako gaga may pupuntahan kase ako." "May date kayo ni Prince noh." nanlaki ang mata ko habang tinatakpan yung bibig nya. "Shut up tsaka anong date." "Tch pag kakaila mopa eh nakasalubong ko sya kanina hinahanap ka." kinikilig na sabi nya. "Hmm...." "Ano wala kang ma say? ireto mo nadin ako sa pinsan nya haha." "Tse pag sinabi ko kay br---" bigla nyang tinakpan yung bibig ko. "Ano ano kanino huh." pinanlakihan nya pako ng mata kaya natawa nalang ako. "Wala Pag usapan nalang natin sa gc ha aalis nako" paalam ko at iniwan sila. Agad akong pumunta sa office ng Dean baka nandun si Prince kawawa naman yun kanina pa ba nya ko hinihintay. "Kanina kap---" tatanong ko sana kay Prince ng sumigaw si Jade mula sa likuran ko ang kulit din minsan nito eh. "Hi Prince!" bati nya habang tumatakbo palapit samin nakasunod naman sa kanya yung dalawa na nakasimangot hawang hawa na ata sila kay Kenzo. "Can you two come with us lets drink." tanong ni Jade na nakangisi pa sakin sabunutan kita dyan bruha talaga kaya napatingin sakin si Prince ngumiti lang ako. "Sure." napatalon talon pa si jade sakin at bumulong ng 'See im the winner' na akala mo may pustahan kaming naganap tsk tsk. Naglalakad kami papuntang parking lot ng biglang makasalubong namin si Kenzo at Daryl sa lahat lahat para akong napako sa sahig at di makatingin sa kanila. Lord ilang beses kopa sila makikita? "Kenzo,Daryl sama kayo samin." napanganga nalang ako kay Jade habang nakangiti sa dalawa bwiset ka talaga siguro kung kami lang nandito ngayon sinasabunutan kona ang gaga. Agad na pumayag si Kenzo at Daryl parang gusto ko nalang umuwi at matulog inakbayan ni jade si Prince at lumapit kay Kenzo na inakbayan nya rin sabay lakad nila paalis naiwan si Daryl na nakatingin sakin pati si Max at Macky na masamang nakatingin kila Jade. "Hoy anong tingin yan ha?" tanong ko nakanguso silang tumingin sakin. "Wala." "None." Pinagsingkitan ko sila ng mata kaya natawa sila at hinila ako pero pinahinto ko sila at ngumuso kay Daryl na akala mo kawawang nawawalang bata. "Wala kang balak mag lakad?" tanong ko ni Macky sa kanya. "Wala namang balak si Celine ayain ako eh." sagot nya kaya tumaas ang kilay ko. "Seriously pero matanong nga kita Daryl seryoso kabang may gusto kay Celine." si Max. "Yes." walang awat na sagot nya kaya napatingin sakin yung dalawa. "Mukhang ang hirap ng sitwasyon mo ngayon." sabi ni Macky "Bakit?" tanong ko pero nag kibit balikat lang sila. "Lets go." ayana nila dahil naiiwan na kami ng hindi parin nag lakad si Daryl hinila na sya ni Macky. Sumakay na kami sa sasakyan ni Prince ayon sa napagusapan nila tumabi si Jade kay Prince na mag dadrive of course self sa kanyang sasakyan si Max at Macky naman ang mag katabi na dapat katabi ko sa pangalawang upuanan pero nag suggest si Jade na tabihan ko daw yung dalawa habang ngayon nakapagitna na ako kay Kenzo at Daryl nasa dulong bahagi kami sino ba pwedeng makapag abot ng bato ng mabato ko na ang gaga parang walang alam. Kinuha ko nalang ang phone ko at nag scroll scroll sa twitter at ig gusto kong mag libang at ituon sa cellphone ang sarili dahil naiilang ako sa dalawang katabi ko na nakita ko sa peripherial vision ko na parehong nakatingin sakin haysss malakas naman ang aircon pero pinag papawisan din ako ng diko alam. Bat ba kasi sila nakatingin! Hanggang makarating kami sa bar nila jade pinag papawisan ako kaya dali dali akong nag pauna lumabas at kumapit kay Jade,Dumiretso agad kami sa may Vip na room may videoke narin at sound proof kaya hindi mo maririnig ang ingay mula sa labas pero makikita mo doon ang nag sasayawan mula sa gilid dahil sa salamin nakakapit parin ako kay Jade pero inalis nya yun ng kinausap na babaeng humihingi ng order Beer, Moscow mule and Vodka with grape flavor na fave ni jade may pagkain din at snaks kaya dun ako tumuon inabutan naman nya na ng shot glass at isa isang pinatungga ang boys tapos nag bigay sya ng tanong sa kanila. "Kayo guys sino crush nyo nung highschool?" tanong nya habang nakangisi sakin. Ay kasali bako? Ano ba talaga trip ng babae nato ngayon. "Si Celine." agad na sagot ni Daryl "until now." dagdag pa nya kaya siniko ako ni Jade na kinurot ko naman sa tagiliran. Nangaasar talaga sya hano. "Si Celine din grade seven tayo non ng ipakilala sya ni Bry sakin haha pero hindi na ngayon bessy koyan." sagot ni Macky na nakipag apir pa sakin. "Ako si Celine at Jade." si Max kaya sabay kaming napatingin sa kanya."Crush lang diba paghanga" dagdag nya pa. May sinasabi ba kami? "Ikaw Kenzo?" tanong ni Jade kaya tumingin sya sakin na kinaiwas ko naman. "Si Celine." sagot nya na kinairap ko. Ako daw pwet mo. "How about you my bestfriend." kinurot kurot pako ni Jade alam naman ang sagot. "Si Airen" sabay na sagot ni Daryl, Max at Macky epsi lang eh noh moment koyon napatingin naman ako kay Kenzo na nakakunot ang noo na parang iniisip kung sinong Airen. "Celine!Jade!Celine!" sigaw ni Nicolas habang papalapit samin anong ginagawa nito dito. "Bes si Shanne bes si shanne bes si--" inalog alog pa nya ko problema nito batang to. "Ulit ulit? Haha ano sinagot kana ba." sabi ko habang nilalayo sya sakin. "Hindi hindi hindi hi--" "Kumalma kanga!" Parang tanga kase. "Nanalo na si Nathan bes nana--" "Isa pang ulit sisipain kita palabas." "Kase naman kase naman eh niyaya pa nya si Nathan kesa sakin." nakanguso nyang sabi habang nakiupo sa tabi ko nakatingin lang samin ang iba habang si Jade natatawa. "Alam mo nics ganon talaga pag di tayo mahal noh." sabi ni Jade habang inabutan si Nics ng beer napabaling ako kay Max na matiim na nakatigin sa kanya pero napaangat agad ako ng tingin sa may pinto. "Hi." bati ni Shanne samin yun naman ang pag pasok din ni Nathan sa may likod nya banda kaya kumapit sa braso ko si Nics jusko kaya pala nababaliw na to haha. "See bes See bes mag kasama sila oh magkalapit pa naiinis ako." bulong ni Nics. "Pwede ko bang mahiram kaibigan ko." tanong ni Shanne at hinila ako palabas doon nag aalala pako baka kung ano ikwento ni Jade sa mga yun. Hinila nya ko hanggang sa may bartender agad syang nag request ng alak kaya nag tataka akong tumingin sa kanya dahil pag abot nito ininom nya ng straight agad yun lahat. "Samahan mo naman ako uminom." sambit nakatitig lang kase ako dito ngumiti ako at naki inom nadin marami rami din kaming nainom at nag papaunahan pa kaso talo ako mataas alcohol tolerence nito babaeng to eh. Medyo sumasakit na yung ulo ko at kung ano ano na sasabi ng bibig ko nakita kong lumapit samin si Jade at ayain ulit papunta doon tumabi ako kay Nics na medyo lasing nadin. "Hoy nics ang hina mo talaga." sabi ko habang kinukutusan ko sya. "Wait molang haha ako mananalo bes." bulong nya na natawa pa kami. "Lets play a game!" masayang sambit ni Jade kanina pato hindi rin ata tinatablan ng alak. "What game?" tanong ko. "Yung sa pinanood natin noon yung Kill,Kiss and Marry." "Ahh sige." "Ganito lang yun guys mamimili kayo ng tatlong tao na nandito tas sasabihin nyo kung kill, kiss or marry mo sila ganun lang then explain why." pag papaliwanag nya sa iba. "Ako ako ako ako ang mauuna." sambit ni Nics habang umayos ng upo. "Goooo lang." masayang sabi ni Jade habang ngumisi kay Shanne na sinamaan sya ng tingin nito habang ako chicheer si Nicolas. "Kill-- Of course Nathan because he took my Shanne." nakangising sabi ni nics nag apir naman kami good bestfriend go lang support kita nakatingin lang sa kanya si nathan na parang walang pake. "Kiss-- of course my bestfriends." inakbayan nya pako at hinalikan sa noo tumayo din sya at ganon din ang ginawa kay jade natawa naman ako ng bigla nyang lapitan si max,macky and kenzo na pilit nilalayo sya at hinalikan din mahina naman syang pinagsusuntok nung tatlo bago bumalik sa tabi ko. Walangya talaga ang loko. "And Marry of course -- My One and Only Arceli Celestine Shanne Allano Future Serrano. " napatitig lang sa kanya si Shanne na walang makikitang kahit anong emosyon ako naman tuwang tuwa sa sagot nya na pinapalakpakan pa sya. Proud talaga ako dito kaso pag tingin ko nakapikit na. "Oh next Celine." sabi ni Jade. "Okay ako sige" "Si Kenzo,Daryl at Prince lang pede mong sabihan." singit pa ni Jade. "WHAT?" tanong ko ang unfair naman sila pede mamili kahit kanino tapos ako dun lang sa tatlo planado ba talaga to. "Spill nalang my friend." pang aasar nya kaya inirapan ko sya. "Fine." ngumiti naman sya ng malawak sakin pasalamat ka wala si insan kundi ikaw pinag tripan ko. Tinignan ko naman isa isa yung tatlo na nakatitig lang sakin okay game. "Kill-- Kenzo," i glare at him."Lagi syang bwiset sakin tapos pabago bago ng isip like alam nyo yun diko sya maintindihan gulong gulo nako kaya diko pinaniniwalaan yung sinasabi nya lalo nat hindi nya rin naman ako gusto diba kenzo haha tapos ako pa sisigawan nya don sa reunion sabay walk out aba maganda bayun inaano ko ba sya, ah oo nga pala bakit sino ba sya fiancee nya lang naman ako at hanggang dun lang yun thats it---ay wait may naalala kong sinabi mo nung nag scuba tayo tas--" "Baks tama na ang haba naman ng paliwanag mo, Next." sabi ni Jade kaya inirapan kolang ito nag tataka naman ang na nakatingin sakin ang iba. "Kiss--" nag isip pako at tinignan si Daryl at Prince " i'll kiss Daryl because you kiss my forehead din naman diba tsaka Kenzo did too in my cheeks diba diba tsaka Daryl is kind naman pero abnormal sya masaya naman kasama pero minsan sarap nyang banatan pero galit din ako sa kanya! Pagkatapos sabihin na kailangan pa palang mag karon ng relasyon bago mag aalala iniwan ba naman ako don at nag walk out din ayun umiyak nalang ako tch sayang luha balik nyo yun oh, pero natuwa din naman ako kasi ang cute nilang tignan like para silang mas mag jowa haha naalala nyo sa airport i saw you two kissing each other right prince uhh so sweet Kenzo plus Daryl equal Kenryl haha and mas okay naman talaga si Daryl kesa kay Kenzo and--" "Pwede na kitang isali sa essay writing." ani ni Jade habang natatawa sakin. "Tch sabi mo kase explain." nakangusong sabi ko at nag pinagcross ang braso. "And last Marry -- Prince of course he is like prince naman talaga and a ideal type for me thats it hindi kopa medyo nakakasama si prince masyado but ang bait bait nya talaga hindi katulad ng iba dyan." sabi ko at umirap sa dalawa na nakatulala sakin at di makapaniwala sa sinabi ko. Tinignan korin mga kasama namin na gulat parin na nakatingin sakin maliban kay Nics at Jade na niyakap ako at pinalakpakan sabi pa ni Jade sasali daw kami sa essay competition pag nag karon daw sa school paniyak panalo na daw ako dahil mahaba mag paliwanag. "Nics nics inom pa tayo dali haha bestfriend goal." yaya ko at sinalinan sya ng alak. "Mag bestfriend nga talaga sila hays." bulong ni Shanne kaya hinila ko sya. "Shanne bes shanne choose nics naman please." yumakap pako sa braso nya. "Umuwi na tayo." sabi nya. Ang kj naman nito. "Ayoko pa ayoko ayoko!" "Pero lasing kana." "No im not kaya I can handle my self pa look." sabi ko at tinuro ang sarili hinila nya naman ako. "Ako na mag hahatid sa kanya." si Kenzo na tumayo na. "Ako na." sabat ni Daryl. "No im--" diko na pinatapos si Prince. "Ayoko pa nga umuwi kulit nyong tatlo." inis na sabi ko. "Pare pareho na tayo umuwi" sabi ni Jade sumang ayon naman sila nakakainis gusto ko mag papadyak pero hinila nya nakami palabas nakita ko si nics na gewang gewang pa mag lakad ang hina naman neto. "Jade jade jade!" tawag ko sa kanya humarap naman sya sakin ganun parin ang pwesto namin nadagdag lang si Nics katabi ni Max at Macky. "Why?" "They staring at me jade jade they staring at me!" sumbong ko na parang bata natawa naman sya naiinis nako bat ba sya tawa ng tawa. "Sleep kana nga dyan ang ingay mo na kanina lang ako pinapatahimik mo." "Hays fine fine." pinagsiklob ko ang braso ko at tumingin na ulit sya sa harap narinig kong ngumisi si Kenzo sakin. Epal talaga bahala sya inaantok nako. "Daryl pwede ba pahiga." tumingin sya sakin na parang nagulat bago tumango lang lasing nadin ata eh inagaw ko kay Macky yung unan na yakap nya pati kay Max umangal pa sila pero isang masamang tingin lang ni Jade sila nalang nag yakapan haha, nilagay ko sa may hita ni Daryl yung unan bago ako humiga pero di ako makaunat kaya umupo ako at si Kenzo na sungit naman ginambala. "Kenzo pede palagay ng paa ko sa may hita mo." ngumisi naman sya kaya hinampas ko ng unan. "Tch." kinuha nya yung unan na hinampas ko at pinatong sa may hita nya bago abutin ang paa ko at ipatong din don ngumiti naman ako dahil nakikisama kaya umayos nako ng higa katulad kanina ngayon maayos nakong nakakainat. "Daryl can i hug you?" tumingin muna sya kay Kenzo at ngumisi din bago tumingin sakin at tumango yumakap naman ako sa kanya narinig kopang may binubulong si Kenzo kaya tinignan ko sya inggit ba sya. "Hug my foot nalang ulit kenzo I like when you smile." sabi ko ngumiti sa kanya at pumikit na hindi ko na sila initindi pa yun nalang naalala ko sa mga oras nayun hanggang sa naramdaman ko na ang pagkaantok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD