"Celine bangon kana." gising sakin ni Bryan.
"Mamaya na 5 minutes pa antok pako. " at tinakpan ng kumot ang mukha kong nasisinagan ng araw.
"Alas dose na ng tanghali tulog ka parin." nanlaki ang mata ko at dali dali bumangon para magtungo sa cr patay kailangan ko magmadali para makapasok ako kahit half day lang.
Grabe ang sakit ng ulo ko ilan bang bote yung nainom ko?!.
"Bakit ka namamadali diba walang pasok tayong mga senior high ngayon." rinig kong sigaw ni bry kaya napahinto ako sa pagmamadali at lubas ng pinto pagkatapos maghilamos at nilabas si Bryan na ngayon nakaupo na sa sofa.
Napapadalas walang pasok ah.
"Ha bakit hindi ko alam yan sinong nagsabi bakit? pano?" nagtataka kung tanong sa kanya.
"Pano lutang ka kaya siguro hindi mo narinig yung announcement kahapon may meeting ngayon para sa gaganapin na foundation day next week."sagot nya.
"Talaga next week na ang bilis naman" masayang sabi ko ng mapansin ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko.
"Diba dapat ako magtanong nyan sayo lasing na lasing ka kagabi nung hinatid ka nila Kenzo at Daryl dito pasalamat ka wala si kuya kagabi kundi malilintikan tayo pareho bakit ka kase uminom ng ganon karami hindi mo naman pala kaya." seryosong sabi nya kaya napangiti ako halata kase na nag alala sya kaya dali dali ko lumapit para kurutin yung pisnge nya.
"Sorry na di na mauulit kase isasama na kita haha." nagpapacute kong sagot na ikinailing nya.
"O sige kumain kana aalis muna ko." paalam nya pero bago sya makaalis.
"Bry si Jade alam mo naman diba na may gusto sya sayo?" tanong ko dahilan kung bakit na pahinto sya sa pagbubukas ng pinto.
"I know." mahinang pagkakasabi nya.
"Pero ba---"
"But I pretend that I didnt know. Please don't tell her" yun lamang at lumabas na sya.
Why?
Agad ko napagpasyahan bumaba para kumain na at uminom ng kape dahil nakakaramdam ako ng gutom konteng pagsakit ng ulo peste talaga pero ano nga bang ginawa ko kagabi ala akong matandaan kundi yung time na dumating si shanne kaya habang kumakain ako binuksan ko ang phone ko at nagonline sa messenger at agad binuksan ang nagkakaingay na gc namin nila Jade pero nanlaki ang mata ko ng nakita ang photo na sinend ng 6 hours ago habang nagbabackread ako.
Jade: (insert picture na nakahiga yung ulo ko sa unan na nasa hita ni daryl habang nakayakap sakanya at paa ko na nakapatong sa unan na nasa hita naman ni kenzo) Laughtrip ang lakas ni celine.
Napahawak nalang ako sa ulo ko pagkabasa at pinapatuloy ang iba.
Tina:Punyeta kayo bakit hindi kayo marunong magyaya by the way ang cute ni celine kahit medyo nawawala ang poised haha.
Tonette:Loka ka ate panong di ka yayain eh kung san san ka nagpupunta and Celine Briana De Nile how to be you po.
Jade:Haha lakas kagabi naginuman kami tapos naglaro ng kill kiss and marry tell with explanation at ang lola award inessay type peace celine labyu.
Tina:Sinasamantala nyo ang kahinaan ng bebe gurl natin alam mo naman pag tinamaan yan ng alcohol di yan marunong magsinungaling.
Tonette:True mag kasundo na ba yang dalawa na yan especially si Daryl you know naman diba yung nangyari sa past?
Jade:Sana all nagkakasundo tonette hindi ba masyadong obvious na hinde.
Tina:Gagi ka talaga jade ilan ba nainom ni celine na bote.
Tonette: Masakit ulo nun for sure pagising tas wala nanaman maaalala.
Shane: Tsk lagot kayo pag nagising yun at nabasa nya to.
Kaya ang tatlong gaga nagsi log out.
Dali dali akong nagchat at nag reply sa kanila.
Me:@Jade @Christina @Antonette walang hiya kayo f*** y** kayo isang daan.
Agad akong naligo at tinext si Shanne na pupunta ko sa condo nya dun muna ko mukha naman akong tanga rito mag isa day off nga pala ngayon nila manang kaya nag commute na lang ako at pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng condo ni Shanne agad akong nagdoorbell at nagulat pako na nakasibangot na Prince bumungad nagbukas ng pinto.
"Oh Hi Bri goodmorning come." masayang sabi nya na nagliwanag na ang mukha.
"Goodmorning din thanks."agad akong umupo sa sofa kapagod talaga mag commute.
"Shanne is so sungit today Im just asking lang naman those two guys following her yesterday." nakangusong sumbong nya sakin habang umupo sa kabilang sofa.
"Ganon lang talaga yun if you didnt notice nicolas and nathan likes your cousin ang kaso manhid si shanne."
"Yeah i agree of that maybe because she suffering to much now and before." makahulugan sabi nya na pinagtaka ko naman.
"Ano yun?" tanong ko.
"Nothing nevermind by the way how are you do you feel okay now?" nag aalalang tanong nya habang naglalakad papuntang kusina.
"Ah oo okay lang ako medyo masakit lang yung ulo ko."at ngumiti ako ng pilit ng ilapag nya sa harap ko ang coffee na ginawa nya.
"Nandito ka na pala kumain kana?" nakangiting sabi ni Shanne pero bakas ang lungkot nya sa mga mata.
May nangyari ba kagabi?
"Oo dito muna ko ha tuturuan ko na din si Prince magtagalog."tumango naman sya at tumingin kay prince ng alanganin nakibit balikat naman ito.
"Prince say. Nagluto ako ng pagkain para sayo."
"Nagluto a-ko ng food for you." sabi nya.
"Haha ang cute mo okay lang yan masasanay ka di na wag pagsamahin yung english at tagalog madali ka naman matuto." nakangiting sabi ko ng bigla may nagdoorbell.
"Ako na magbubukas." sabi ni Shanne.
"Thank you Shanne."
"Always welcome ikaw pa malakas ka sakin." at ginulo ang buhok nya ng makita ko si Nicolas na nagliwanag ang mata ng makita si Shanne at ako.
"Besss nandito ka pala!" masayang sabi ni Nics at lumalapit sakin at niyakap ako.
"Tsk ang ingay mo." yun lang ang sabi ni Shanne at tinalikuran na sya at pumuntang na sa kwarto.
"Loko bakit ako yung niyakap mo." bulong ko.
"Hu di kami bati nung nagbukas ng pinto." sagot nya at bumitaw sakin.
"Eh bakit ka nandito?"
"Basta Hi Prince." masayang sabi nya halata naman na medyo nagulat si Prince sa pagkahyper netong bata to kaya ngumiti na lang sya.
"Hi Nicolas right?"
"Oo basta gwapo tas Nicolas pangalan ako yun." sagot ni Nics kaya binatukan ko sya.
"Aray naman sumusobra kana ha." reklamo nya.
"Umayos ka kasi." sagot ko kaya napanguso naman sya.
"Celine lets go punta tayo sa coffee shop." sabi ni shanne na kakalabas lang ng kwarto at agad akong tumayo yehey magrami nanaman akong makakain sweets neto.
"Can I come cous?" si Prince na nagpupuppy eyes pa.
Ang cute talaga neto.
"Ako rin sama." si Nicolas na parang may paiyak effect pa.
OA neto parang matatanggihan sya ni Shanne.
"Ako din sama!" nagulat ako ng may sumulpot mula sa kwarto ni Shanne.
"Good morning sa inyo." bati pa nya at kumapit kay Prince.
"Kuya di bagay sayo mag pacute ang arte mo tignan." bulong nya pero dahil katabi lang nila ako rinig ko ito.
Inabot kami ng 1 hours sa byahe dahil sa traffic kaya 6:30 na kami ng makarating sa coffee shop ni shanne sa Up Town sa Bgc at pagdating namin nakahanda na sa table yung mga pagkain pinahanda nya kanina nung nasa sasakyan palang kami.
"Oy babae bakit parang naging mas hard ka kay Nicolas ngayon?" bulong ko kay Shanne habang kumakain ako ng cake.
"He's Annoying." yun lamang ang sagot nya at nagpatuloy na sa pagkain mukhang wala sa mood.
Nasagad siguro ni Nicolas ang pasensya.
"Celine can we go there turo nya sa park malapit sa coffee shop."
"Sure." masayang sabi ko at mabilis tinapos ang pagkain.
Iniwan namin sila shanne sa coffee shop habang kami ni Prince ay napagpasyahan maglakad lakad sa park ang ganda ang daming ilaw.
"Celine do you like Daryl or Kenzo?" tanong ni nya na ikinagulat ko.
"Huh parang wala s--" napatigil ako at umupo muna sa isang bench sa ilalim ng puno.
"Then who?" nagtatakang tanong nya.
"He's in heaven now." malungkot na sabi ko.
"Im sorry so he's name is Airen right?"
"Pano mo nalaman?" nagtataka kong tanong.
"You said it yesterday when jade asked about highschool crush before." nakangiting sabi nya.
Ay oo nga pala.
"So you if you dont mind can you tell me your story and Airen?" nakangiting paring sabi nya pero parang may iba kaya nagsimula nakong magkwento.
"Grade school palang ako nun nung makita ko si airen inamin ko agad sa sarili ko na crush ko sya na nauwi sa pagkagusto hanggang sa dumating yung highschool sya parin kahit ang sungit nun at hindi ako napapansin basta makita ko lang sya buo na yung araw ko hanggang sa napansin nya ko isang araw ang saya ko nun sobra kase biruin mo yung matanggal ko ng gusto sinabi din nya na nagugustuhan nya na din alo kaso hindi rin naging madali kase nung mga time na yun naissue kami nila daryl na pinagsasabay kong landiin yung magkaibigan kahit ang totoo hindi ko naman dahil si airen talaga yung gusto ko tapos yun nalaman ko na lang hindi na sila naging magkaibigan at ako ang sinisisi ng iba hanggang sa lumipas ang isang taon naging kami okay naman masaya lahat ginagawa nya para sakin malayo sya sa airen na nakilala ko noon pero parang may kulang hanggang isang araw nakaroon ng car accident malapit sa kung nasan ako nalaman ko na minamaneho pala ni airen yun haha alam mo yung masakit hindi sana sya maaksidente kung hindi ako nagpumilit pumunta dun at nagpasundo sakanya at hanggang ngayon dala dala ko parin rito sa puso ko yung pagsisi na hindi ko naparamdam sakanya kung gano ko sya kamahal dahil kakantindi ko kung anong yung kulang sakin na hinahanap ko."ngumiti ako ng pilit habang pinunasan nya ang mga luha kong kusang pumapatak.
"Are you really sure that you're in love with him?" makahulugan nyang tanong kaya nabaling ako sakanya.
"Sya lang naman."
"Your desire to love blinded you to the point that you fail to recognized that isn't meant to be." pero bago ko yun masagot bigla umilaw ang giant christmas tree sa gitna ng park at nagsimula ang firework sa dami ng tao dun may napansin akong tao sa di kalayuan na pinapagmasdam ako ng kanyang malungkot na mga mata.
"Daryl...." gulat na mahinang kong sagot.
but at the same time as my quick blink he also disappeared suddenly.
Kinabukasan nagising nanaman ako sa pag yugyog sakin ng malakas.
"Ano ba inaantok pako." inis na sabi ko.
"Late na tayo." napadilat agad ako at napabalikwas ng tayo muntik nakong malaglag sa higaan ko pinitik nya naman ako sa noo.
"Aray." angal ko.
Aga aga.
"Hoy sabe ko late na tayo bat nakatulala ka parin dyan." napatingin ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin bago dumiresto sa banyo.
Sabay kaming lumabas pero ako hinahanap ang cellphone san koba kase nailagay alam ko nasa table kolang yun.
"Eto na nasa kusina daw yan sabi ni yaya yolly." sabi nya sabay abot sakin paanong napunta to don? "Tumatanda kana." dagdag pa nya kaya sinipa ko sa hita bago sumakay ng sasakyan namin.
And as usual pagkarating sa parking ng campus he left and run.
Isali ko kaya sa running man?
"Celine..." napatigil ako sa pag lalakad at tinignan muna sya bago maglakad ulit ay ewan nakakahiya bigla ko nalang syang nilagpasan kaya hinawakan nya ko.
"Ano k-kase Kenzo l-late nako." sabi ko at di makatingin sa kanya.
Bumuntong hininga sya at pinaka tignan ako ng mabuti. "Hatid na kita" yun lang at nauna na syang maglakad.
"W-wag na.."
"Nope." bigla nya kong hinila kaya inaalis ko ang kamay nya pero dinidiinan nya lang yun hanggang makarating kami sa harap ng classroom ko na ramdam ko ang titig nya.
"S-salamat." mahinang sambit ko at papasok na sana ng room pero agad nya kong niyakap.
"Kenzo..."
"Stay away from Daryl." bulong nya napataas naman ang kilay ko at kinurot sya sa braso.
"Pumasok kana nga din bago ko ipukpok sayo yung pinto ng classroom." sabi ko na kinatawa nya bahala ka dyan iniwan ko na sya at dumiretso sa upuan ko.
"Good morning babe." di ko sya pinansin at inayos nalang ang gamit ko saktong dumating na ang prof ng p.e nag sabi pa ito na may makakasama kaming pitong studyante galing sa dalawang section dahil hindi daw ito nakapag pasa sa kanya ng mga works papalit naman ang ibang kaklase ko na kulang din ng pinasa dun sa kabilang section na Prof.
Buti nalang ako kahit pa kain kain lang pasado naman.
"Uy di ka nanamanasin ah." malungkot na sabi pa nya.
Feeling close anak ng pork chop naman talaga.
"Close tayo?"
"Baka ipaalala ko sayo yung niyakap moko." Tse! sinamaan ko sya ng tingin na kinangisi nang may mag sipasok na studyante na kinagulat ko.
Sila ba yung sinasabi ng prof?
Ngumiti muna sila bago lumapit samin at nag si upo sa may unahan lang na sunod sunod ngumisi si Jade sakin kaya inirapan ko walangya ano nanaman ang plano nya.
"Good morning bakshiee. " bati pa ni Jade.
At may dumating pa na isa na diko inaakala pati sya.
Mga pasaway diba yan pinagsasabihan ni Shanne?
"Good morning guys." bati nya at kumuha ng isang upuan sabay tabi sakin puro kunsumisyon lang sila dito.
Si Alliah at Kenzo ang mag katabi sa unahan seriously Alliah nandito? sunod naman si Max at Macky pangatlo si Bryan at Jade at kaming tatlo dito sa likod dalawahan lang talaga ang seatmate dito ewan kolang sino mapapagalitan isa sa katabi ko pero himalang hindi naman.
Silang pito ang kinausap muna dahil may itetake sila na quiz kaya kaming may ari ng room ay walang gagawin kundi panuorin sila.
Kutusan ko payang mga yan eh.
Nagsimula na silang bigyan ng papel kaya pinag masdan ko ang gagawin nila, yung katabi ko puro hingi naman ng sagot si Daryl ang nag bibigay kaya kinukutusan ko pano matututo yan.
Pasimpleng nag aabutan ng sagot sila Jade gamit ang maliit na papel wow group quiz lang ang peg! Kaya pasimpleng batok ang ginawa ko kay Jade at Bryan na tumingin agad sakin at sumenyas na wag maingay inabutan din nila si Nics ng papel mga siraulo buti pa silang lahat friendship quiz.
"Abot mo yun."
"Ano next."
"Max ano sagot."
"Tanong mo kay Macky."
"Si Kenzo ba."
Mga bulungan nila na napairap nalang ako.
Tapos ako boring na boring na sa kinauupuan ko hays.
"Hoy Nics dika paba tapos?" Tanong ko.
"Si Daryl muna kulitin mo ang tagal ako bigyan ng sagot ng mga nasa unahan eh." tch itong batang toh ayaw mag aral ng mabuti asan kaya si shanne.
"Babe bored ka na ba?" hinawakan nya pa yung kamay ko tsaka naglalaro ulit nung nasa cellphone nya.
"Gutom lang yan pustahan haha."
Kung pwede lang sumigaw kanina kopa sinigawan ng mura tong si Nics.
Inalis ko ang pag kakahawak ni Daryl sa kamay pero pa ulit ulit nyang binabalik ng maisip kong hilahin bigla at yumakap sa braso ni nics kaya wala syang nagawa.
"Ang tagal ng sagot nyo 5 mins nalang."
"Pasa mo sakin Jade."
"Macky akin na."
"Bry pasa mo kay Max."
Pag to sinumbong ko depress tong mga to.
Lumabas saglit ang Prof bigla naman silang nag kaingay.
"Celine kamusta mo naman ako sa katabi mo." kinikilig na sabi ng isa sa kaklase ko.
"Sorry miss im taken" agad na sabi ni Nics.
"Ulul torpe mo na yan." sabat ni Jade.
"Oh bakit my heart is taken duh." maarteng sabi ni nics kaya natawa ako.
"Hi baby Macky." maarteng sabi ng isa ko ding kaklase ngumiti naman si Macky at tinaas baba ang kilay.
"Hi din Mommy." sabi ng abno "Joke." dagdag nya napa nguso nalang ang kaklase ko.
"Iba talaga maging gwapo katulad ko." mahanging may ipo ipo at may kasamang nag liliparang yero sabi ng pinsan ko kaya napahawak nalang ako sa sintido.
Masama ang bagyong Bryan sa totoo lang puro bugso ng kaharutan alam.
"Miss De nile pinapapunta ka sa Deans office." sambit nung nakasilip sa pinto kaya napatayo ako.
"Celine.." sabay na sabi ni Kenzo at Daryl jusko naman di ako mawawala hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy ako sa paglabas.
Habang nag lalakad may babaeng tumatakbo papalapit sakin na hinahabol ng tatlong babae naabutan sya ng isa at hinawakan sa buhok kaya lumapit ako dito para pigilan sila.
"Let her go." I said in a low voice pero tinawanan lang nila ako.
Anong nakakatawa? Bukod sa mukha nila?
"Paano kung ayaw namin." sabi nung isang babae na mukha namang clown na sobrang kapal ng blush on sampalin ko kaya para pumantay din kase mas mapula yung right side.
"Oh why Celine himalang may pake kana yata sa mga taong nasa paligid mo diba maarte ka?." yung katabi naman nito.
"And isa pa alam mona mag katulad kayo nito maland--"
"Subukan mong ituloy ang sasabihin mo ako ang kakaladkad sayo." napatingin kaming lahat sa kanya na naka siklob ang braso.
"Totoo naman pare pareho kayong magkaibigan masy--."
"Stop correction oo maarte kami pero iba yun sa malanding gaya nyo oo kayo." sabi ni Tina na nakangisi pa.
Real talk.
"Wow? kami? eh kayo nga to lahat nalang ng gwapo sa campus pinapatos." binitawan nya yung babae at tinulak agad ko naman itong tinulungan makatayo.
"Aww sorry nung umulan kasi ng kagandahan nag swimming kaming mag kakaibigan pasensya na at di namin kayo ginising and another correction di ako na inform sa lahat pinapatos namin like hello kasalanan ba naming consider girlfriend kami ng iba?"
"Oh? haha maganda kalang naman kasi mapera kayo."
Paki explain nga, Ano connect?
"So it means poor ka pala kaya dika maganda teka teka kung poor ka bakit ka nakapasok dito oh scholar rigth." pang asar na sabi ni Tina mukhang na offend naman sila.
"Baks" awat ko dito pero lumapit na sa kanya yung tatlo di manlang natakot si Tina at tinawanan lang sila.
"Tumigil na kayo." sambit ko lumingon naman sila sakin at lumapit ang isa para hilahin ako natatakot namang naupo sa sahig yung babaeng hawak ko habang si tina nakikipag sabunutan na dun sa dalawang babae susko anong gagawin ko.
"Tandaan mo ha akin lang si Kenzo, Celine."
"Teka inagaw koba? iuwi mopa i don't care." mataray na sabi ko.
Ngudngod kopa sayo eh.
"Good." inalis nya na ang pag kakahawak sakin pero.
"Wait may kulang." dadag nya akmang sasampalin nya ako kaya napapikit nalang ako at hinintay na dumampi ang palad nya pero ilang segundo lang may naramdaman akong tumabi sakin kaya napadilat aak at napatingin sa lalaking hawak ang kamay nya.
"Dont try to slap her again or else i will make your life f*****g misserable." galit na sabi nito at binitawan nya na ang babae na sumunod sa mga kaibigan nya na iniwan na sya nagulat naman ako ng biglang lumapit yung babaeng tinulungan ko kay Daryl at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Baby I miss you." sambit nito habang umiyak na kaya napa kurap kurap ako napatingin naman sakin si Daryl kaya agad akong nagiwas ng tingin sabay lumapit kay Tina na gulo gulo na ang buhok.
"Baks mukha ka na tuloy bagong gising" natatawanh sabi ko l.
"Eh ikaw bakit malungkot kang nakatingin kay Daryl."
"Huh ako hindi noh." nakangusong sabi ko.
"Wag mong sabihin na..."
"Shut up lets go." sabi ko at hinila na sya.
"Baks?" tawag nya.
"Hmm." sambit ko habang nag huhugas ng kamay.
"Naalala mo yung sinasabi ko ng gwapo."
"Ahh yung koreano ba kamong mala Lee Min Ho."
"Oo." halatang kinikilig pa sya.
"Anong meron."
"Sya na ata yung the one ko baks di sya maalis sa isip ko yung mga ka fling ko sabi nag babago daw ako kasi lagi daw akong lutang."
"Nako ha."
"Oo nga nakipag break na nga ako sa lima may natira na lang na sampu." natawa nalang ako sa kanya.
"Hanapin mo kaya sya."
"Wala nga eh pero pag nahanap ko tuturo ko agad." lumabas na kami ng comfort room beautiful na daw sya at ready rrumamp kaya nag paaalam na din syang papasok ako naman dumiretso sa deans office ang tagal ng nag aantay nun.
"Wala nasya dito eh inutusan ni lolo dean pero may iniwang paperbag ibigay ko daw sayo." inabot nya sakin yung paper bag kaya tinignan ko ito napangiti nalang ako of course food haha ang sweet talaga.
"Thank you Pres." sabi ko natawa naman sya ng mahina.
"Nako Faith nalang." tumango ako at nag paalam na sa kanya.
Habang nag lalakad binasa ko yung note.
Enjoy your food maganda.
"Bakit ka daw pinatawag?" tanong nya habang nakaupo ako.
"Wala."
"May dala kang paperbag sino nag bigay pagkain bayan?penge."
"Dami mong tanong tapos nyo naba yung quiz."
"Oo naman tsaka nga pala nag away si Kenzo at Bry."
"Huh bakit nanaman?" tanong ko nagkibit balikat nalang sya ilang minuto pa ang lumipas nag kakaingay lang ang room dahil wala naman pinagagawa ang Prof namin.
"Eh si Daryl sumunod sayo yun ah." sambit nya pa.
So?
"Tch hayaan mo yun."
"Para kading si Shanne eh manhid pusong bato!"
"Edi wow."
"Di nyo napapansin yung care ng tao." nakangusong sabi nya.
Sumbong kita dyan eh care care care bear.
"Nako tigil tigilan monga ko kumain ka nalang din susumbong kita kay shanne eh." sabi ko habang nilalabas yung tupper ware.
"Hoy joke lang baka magalit nanaman sakin yun."
"Ano ba kasing nangyari at Lq kayo hanggang ngayon?" tanong ko pero di sya sumagot at nakisubo nalang sa pagkain ko.
Tinitigan ko pa sya habang kumakain mukhang malungkot to ah ano ba kasing nang yari sa kanila ni Shanne.
Habang nag lalakad naman ako ngayon papuntang parking lot dahil uwian na wala na din si Nics at pinuntahan si Shanne dumaan muna ko kanina sa cafeteria para bumili ng inumin bago pumunta dito napansin ko sila Macky na nag kukumpulan sa may gilid kaya lumapit ako don at makichismis.
"Huy ano yan p**n?" tanong ko nagulat naman sila sa presensya ko kaya iniwas nila ang phone sakin.
"Hindi ah." sabi nya habang umiiling tinignan ko naman si macky at max na nakatingin sa taas, si jade na nakangiti sakin at kenzo na nakangisi kaya binatukan ko sila isa isa maliban kay kenzo.
"Kayo ah ano yun?" paguulit ko.
"Hindi naman p**n eh." paliwanag ni Macky. "Viral Vid sa internet na scandal daw"
Ay wow may daw pa.
"Ganon nadin yun tsk patingin" kaya inabot abot kopa yung phone.
Hinawakan naman ako ni Kenzo at hinila palayo kila Jade
"Bye lovers!" sabi nila na kumakaway pa.
Mga bwisit!
"Kumain kaba kanina." tanong nya hindi agad ako nakasagot kaya nag tanong ulit sya .
Anong pake nya sa pagkain ko.
"Sabi ko kumain kaba?"
"O--" hindi pako nakapagsalita ng mabilis nya kong hinila papuntang sa sasakyan nya at pinag buksan ng pinto may tinatagong pagka gentelman pala to ayoko sanang sumama dahil baka hanapin ako ni Bry.
Nakaiwas lang ako ng tingin sa kanya dahil naiilang ako.
"Ayos kalang ba." diko sya pinansin narinig ko nalang ang buntong hininga nya.
"Galit ka parin ba sakin?" tanong nya pa.
"Please kausapin moko." nakakaawa ka naman pero bahala ka dyan.
"Celine.."
"Please im sorry i--"
"Bakit mo ba to ginagawa ha?" tanong ko.
"Sinabi ko na sayo diba."
"Na nagugustuhan mo ko?"
"Yes." I mocked.
"Kalokohan naman kase yan." sabi kopa at sumisip sa may straw ng inumin ko.
"Totoo ang sinasabi ko celine." inirapan ko nalang sya at napanguso.
"..."
"Celine sana maniwala ka naman sakin."
"Paano dami mong kasalanan na yan gago kaba?"
"Gago nga ako pero ikaw lang nag pabaliw sakin ng ganito."
"Ikaw ata gutom eh." sabi ko habang natatawa sa kanya pero ngumuso lang ito.
Seriously si Kenzo gumaganyan panaginip ata to.
"Seryoso ako,Celine" napalunok nalang ako dahil matiim syang nakatingin sakin.
Dapat ko ba syang paniwalaan sa sinasabi nya.
Mag titiwala bako?
"Sana maniwala ka kung hindi pa rin ipapakita ko sayo." pakiusap pa nya napakagat nalang ako sa straw ano ba sasabihin ko bakit wala akong ma say walang lumalabas sa bibig ko kainis ka self.
"Celine maniwala ka naman kasi sa totoo lang ikaw na lang ang kaisa isang taong inaasahan ko maniniwala sa isang gagong tulad ko" sambit nya pa na nakapagpatigil sakin at tinitigan sya habang pinaandar nya na ang sasakayan nya habang ako ay tulala parin.
Kung ganon bakit ako Kenzo?