•Daryl's PoV•
Unang araw ng pasukan sa bago kong pinapasukan paaralan lumipat kase kami ng bahay kaya sabi ni Daddy mas okay daw na dito ko lumipat dahil isa to sa pinaka tanyag na paaralan sa buong Pilipinas.
"Sir daryl nandito na po tayo"sabi ni Kuya Carlo ang family driver namin.
"Salamat po kuya maaari po bang mamaya ay pakisundo rin ako hindi ko pa kase masyadong kabisado ang mga lugar dito"magalang kong pakikisuyo sa kanya.
"Walang problema Sir" nakangiti nitong tugon.
Tumango lamang ako nagpasalamat habang papasok ako sa gate nakita ko ang kumpol ng istudyante na nagkakagulo sa labas ng principals office mukhang duon nakapaskil ang mga pangalan at section ng pupuntahan namin kaya dali dali akong pumunta roon ngunit bahagya ako natigilan ng makita ko ang mga istudyanteng mukhang nagulat sa aking prisensya ng lumapit ako sa isang babae na kinalabit ko sya at nakita ko ang napakagandang babae na unang kita ko palang bumihag na sa puso ko.
"Ms pwedeng magtanong Im Daryl nga pala" nakangiti ngunit kinakabahang kong tanong sabay lahad ko ng aking kamay.
"Sorry but I dont talk to strangers" malamig na tugon nya at tumalikod na.
"Kuya ako na lang tanungin mo"
"Daryl daw ang pangalan bagay na bagay sa gwapo nyang mukha"
"Akin ka nalang" kinikilig na sabi ng mga istudyante nawala na ang pila ng mga titingin sa schedule obvious naman kase mukhang sakin sila nakafocus marahan akong lumapit sa bulletin board at hinanap ang aking pangalan madali ko itong mahahanap dahil may nakalagay na 2 by 2 picture.
"Grade 9 section A room 401"nakangiti ko mahinang sambit ng mahagip ko ang larawan ng isang babae na nakausap ko kanina ngumiti ako nagsimula ng maglakad mukhang magiging masaya ang pag aaral ko sa paaralan na ito.
Kasalukuyang kong hinahanap ang room ko St.clement 4 floor ng makasalubong ko si Airen anak ito ng pinsan ni mommy kaya magkamag anak kami close rin ang mommy nya sa mommy ko kaya lagi kami nagkikita kaya kami naging magkaibigan.
"Hey" bati nya sakin.
"Ano ba yan so araw araw kitang makikita rito" natatawang biro ko.
"Loko malamang iisang school lang tayo nag aaral anong section ka nga pala?" tanong nya.
"section A 401 ikaw ren?"masaya kong tugon.
"section B 402 pero may mga subject na magkaklase tayo for sure" biglang sabi nya.
"Ayos ayos hindi ako laging magiisa" pabirong sagot ko.
"Ryl di ka parin nagbabago tara na nga mukhang malalate na tayo pero kahit hindi ka malate magiintroduce yourself ka parin sa unahan haha" pang aasar nya at sumakay na ng elevator.
"Okay lang confident naman ako mukha palang eh panalo na" sagot ko.
"Pogi nga wala namang girlfriend" pagbabasag nya.
"Malapit na may nakita nako intay ka lang" sabi ko habang tinapik sya at nauna ng lumabas.
"Well goodluck kita nalang tayo mamaya,Eto na yung room ko dyan kaba?" tanong nya.
"Oo magkatapat lang pala yung room natin hindi ako mahihirapan tawagin ka pag nakipagrambol ako haha" pang iinis ko lalo umiling lamang sya at pumasok na.
"Class Im Mrs.Rachel Naval your advicer and Mathematics teacher for the whole school year" narinig ko bago ko palang buksan ang pinto patay late na pala ko f**k Ren dinaldal mo pa kase ko dahan dahan kong binuksan ang pinto kaya bumaling sakin and si mrs.naval at mga magiging kaklase ko.
"Goodmorning mdm sorry if im late" magalang kong sabi.
"Its okay so you must be mr.licauco?" mataray ngunit magalang nitong sabi.
"Yes mdm" susko baka mainlove to sakin kawawa naman yung asawa nya.
"Kindly introduce yourself first bago kita paupuin" nakangiti na ngayon sabi nya.
Halatang may crush to sakin bat ba kase ang pogi mo daryl pati may asawa ba naman.Dali dali ko naglakad papunta sa tabi nya at ngumiti
"Hi Im Daryl Cylde Licauco 15 years old" seryoso kong sabi ng biglang tumunog ang pinto at pumasok ang babaeng nakausap ko kanina.
"Mdm sorry im late" sabit nya at dali dali syang pumanta sa likuran.
"Celine why are you late?" agad na tanong ni mdm.naval pagkaupo ni celine wow nice name bagay kami daryl at celine equals to darline.
"Nako humebor yan kay airen sa kabilang section mdm" sabi ng ilan kong kaklase pero ng bumaling ako kay celine nakita ko ang gulat sa mga mata nya ng biglang magsalita ang adviser namin.
"Mr.Licauco tabihan mo na si Ms.De Nile sa likod at by the way class hindi maiiba ang sitting arrangement kahit sa ibang subject kahit pa sa p e at laboratory nyo sa science understand" paliwanag nya.
Nice nice umaayon sakin ang tadhana goodluck celine makakaligtas ka pa kaya kung lagi mong makakatabi ang isang tulad ko isip isip ko habang papalapit ako saknya ng makaupo nako
"Kilos palang mukhang f**k boy na" mahina lamang iyon pero sapat para marinig yon.
Mahina lamang akong tumawa na ikinairap nya hay Celine Briana De Nile iba ka nga talaga.
Pagkauwi ko ng bahay nag shower lang ako pagkatapos ay sumalampak na kama habang iniisip parin ang ang magandang pangyayari kanina ng biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ng mga kaklase namin na kaya sya nalate kase humebor sya kay Ren gusto nya yung kupal na yun eh mukha lang naman yung mabait pero kumpara samin yun ang mas fuckboy wala pa kaya kong nagiging girlfriend puro fling lang.
"Hay mas pogi naman ako kay airen at hindi ako fuckboy tulad ng inaakala mo papatunayan ko yan sayo" huling sabi ko sa sarili ko bago ako binalot ng antok.
Kinabukasan ang aga aga kung pumasok para agad syang makita habang naghahanap ako nakasalubong ko si airen sa gate sasabihin ko ba na gusto sya ng gusto ko o wag na lang pero kaibigan ko to at hindi uso samin ang magtago ng sikreto.
"Ren gusto ka ng babaeng sinasabi ko sayo na gusto ko" seryoso kong sabi.
"Huh sino?" tanong nya.
"Celine Briana De Nile" maikling sagot ko.
"Ah yung Section A din Im not interested lagi sya nagiiwan ng letter sa locker ko at nakikita ko syang lagi nakasunod sakin maganda sana mukha lang desperada kaya sayo na i dont like her" seryoso tugon nya na nakitaan ko naman ng sensiridad.
"Sabi mo yan ha akin sya"sinabi ko na tila nagbibigay ng babala sa aking teritoryo.
"Sayo eh sakin nga may gusto" nakangisi nyang sambit pero bago pa ko sumagot tumalikod na sya habang kinakaway ang kamay ganyan mang bumanat si Ren tatalikuran ka na lang basta basta para hindi kana makahirit at pinagpatuloy ko na ang paghahanap kay celine tagumpay naman ako na makita ko sya sa bench sa likod ng building namin sila lang dalawa ng kaklase ko kung di ako nagkakamali her name is shanne oo yun nga secretary namin lumapit pako dahil mukha silang may pinaguusapan na seryoso.
"Nakita ko yung mga sulat mo kanina sa trash bin sa mga locker sa dulo"mahina ngunit may pag aalalang sabi ni Shanne.
"Ayos lang gagawa na lang ulit ako baka hindi nya nagustuhan yung paraan ko ng pagsusulat" ngumiti sya kay shanne pero mapapansin mo na hindi naman yun totoo dahil nagbabadya ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Bakit ba sa lahat lahat ng magugustuhan mo si airen pa eh bihira lang ang pinapansin nun marami naman pogi dyan si kenzo,nicolas,ethan at saka yung transferee ano pangalan nun daryl ba?" masayang sabi ni Shanne na mukhang pinapagaan ang loob ni Celine.
Mukhang magiging close kami ni Shanne basta lakad mo lang ako sa kaibigan mo na parang bato.
"Huh si kenzo pangit yun si nicolas kaibigan ko yun si ethan di ko type at mas lalo yung daryl mukhang fuckboy yun kaya never si airen lang talaga gusto ko sya lang besss" at tuluyang na nga tumulo ang luha ni Celine kaya mas lalong nataranta si Shanne.
"Grabe ka naman sakin" nasabi ko f**k bat ko nalakasan yun boses ko kaya lumingon sila sakin nakita ko agad si celine na nagpunas ng luha at lumapit sakin.
"Hindi ka rin pala fuckboy chismoso kapa" yun lang ang huli nyang sinabi at umalis na sya nasagi nya pako kahit impossible namang matinag ako 5'9 to sa mantalang sya mukhang 5'2 palang.
"Pag pasensyahan mo na si celine ha mainit lang ulo nun tinapon kase ni Airen yung sulat nya eh" seryoso ngunit malungkot nyang sabi.
"Okay lang shanne right, pwede ba ko magtanong" ngumiti ako kunwari baka kase hindi ako pagbigyan.
"Oo naman ano ba yun" sagot nya.
Nice medyo mabait to kausap kesa sa kaibigan nyang masungit pero iyakin kay airen
"Kelan pa ba sya nagkagusto kay airen" tanong ko.
"Since elementary crush nya na si airen pero hanggang ngayon di parin sya pinapansin tinatapon nga yung mga love letter nya at pinamumukha talaga sa kanya na hindi sya gusto nagmamanhid manhiran lang si celine kase ang motto nun sa buhay 'Lumabo man ang mata ko mananatili parin malinaw ang pagtingin ko sakanya'" bahagya itong natigilan at tinignan akong mabuti.
"Gusto mo ba yung kaibigan ko?" ngayon nakataas ng kilay na tanong ni Shanne.
"Hindi ah natanong ko lang makaiyak kase kanina wagas eh" pagkukumbinsi kong dahilan.
Hindi ko pwedeng aminin masyado pang maaga, dapat hindi ako magpahalata masyado kundi matatapos agad lahat ito mas lalong magiging allergic sakin yung kaibigan nya halata naman diba wala halos ginawa kundi irealtalk ako
"Hay mabuti naman wag ka maiinlove sa kaibigan ko loyal na loyal yun kay Airen sagad hanggang buto o sige una nako ha see you" ngumiti eto at nagsimula na maglakad.
"Hindi kita susukuan Celine hindi ko sasayangin lahat ng ibibigay mo kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, someday maiibibigay mo rin yun sakin pero sa ngayon tutulungan muna kita mawala yung nararamdaman mo para kay Ren kase ngayon palang nasasaktan nako na umiiyak ka para sa maling tao" sabi ko lamang sa aking sarili habang tinatahak ko ang daan patungo sa aming silid.
?--------------?
Lumipas ang isang buwan na walang nagbago patay na patay parin sya kay Ren kahit obvious naman na hindi sya nito gusto sa mantalang ako tang hintay lang at pangungulit minsan kinakausap ako pero madalas pasungit tapos may time pa na hindi ako kakausapin lakas diba yung pogi kong to denededma lang nya pero ayos lang hindi ako susuko ako pa ba eh anak ako ni superman na may pagka batman haha.
"Mr.Licauco why are you smiling may nakakatawa ba sa kung pano namatay ang ating mga bayani?" masungit na tanong ng teacher ko sa history.
"Wala po ma'am ang galing nyo po kaseng magturo kaya masaya ko at madali kong naiintindihan" masayang sabi ko.
Umubo lang sya ng konte pero mapapansin ang bahagyan pagpula ng kanyang pisnge.
"Tsk pati teacher nilalandi" sinig kong sabi ng katabi kong masungit araw araw.
"Excuse me hindi ako malandi ha" nakangusong sabi ko.
Ikaw lang naman gusto kong landiin
"Wag ako yung pangiti ngiti mo kanina siguro nagiisip ka ng mga the moves mo para sa mga babae mo na lalandiin pagkatapos ng klase" mariing sabi nya.
What the heck ano pinagsasabi neto wait wait
"Nagseselos ka ba bebe loves?" ngumiti ako ng sobra at kinindatan sya at sinuklian nya naman ako ng matalim na tingin sabay irap.
Nice wag ka mag alala cute ka parin sa paningin ko
"Wag ka masyado ganyan nagmumukha kang aso at by the way may taste ako hindi ko hahayaan na mafall sa isang playboy like you so wag kang feeling" masungit nyang sabi.
"Grabe ka sakin ha di hamak naman na mas pogi ako sa nagugustuhan mo" napalakas kong sabi napatingin lang samin ang teacher ko nagsusulat sa board ng.
"Wag kang feeling mas gwapo sa iyo si airen!" napalakas na sabi niya kaya tuluyan ng napatingin sa amin ang nasa loob ng silid na iyon.
"Mr.Licauco and Ms. De Nile go out and wait for your next subject" seryoso nitong sabi.
Dahilan kung bakit mas lalo uminit ang ulo ni Celine at nagmartsya palabas na agad kong sinundan.
"Celine wait" tawag ko sa kanya ngunit tuloy tuloy lang sya lumakad ng mabilis pero dahil mas malaki ang biyas ko sa kanya agad ko sya inabutan at hinawak sa kaway na agad nya tinanggal.
"Dont you ever touch any of my body parts or else i will... i will---"
"Conservative ka pala noh?"sabay tawa ng mahina.
"Anong tingin mo sakin tomboy nagiingat lang ako lalo sa mga germs na pwedeng makuha" seryoso ngunit may pang aasar na tono nya.
What the germs?eh lagi ako naghuhugas ng kamay at nung tumingin ako sa kausap ko pero wala na sya at nakita kong naglalakad na palayo sakin ganyan sya sakin sungit di ba? self ang gwapo gwapo mo tapos tinatalikuran ka lang basta basta buti na lang may good heart ka sabay hawak sa aking dibdib.
"Para kang tanga tara na" nagulat ako ng pagtingin ko ay nasa harap ko na sya.
Haha sabi ko na nga ba eh walang mang iiwan basta basta sa poging mukha na toh
"San tayo pupunta?" masaya kong tanong.
"Sa cafeteria ko pupunta nagugutom ako tutal may 2 hours pa naman bago ang susunod natin subject"
Niyaya nya ba ko? ayieee first date namin toh pero hay ang tanga mo naman licauco date sa cafeteria seriously umiling iling na lamang ako at sumabay sa paglalakad nya.
"Iwas iwasan mo kakaganyan ba ka mahipan ka ng hangin at mabaliw kana" ngumisi habang ang paningin ay nasa daan.
"Ang hard mo naman sakin gusto-" hindi ko natapos ang sasabihin ng mapagtanto na nasa bungad na kami ng cafetetia.
Bakit ang bilis ng mga pangyayari pag kasama kita celine bigla ko nasabi sa akin sarili at pumasok na rin medyo koonti pa ang mga tao sa loob dahil hindi naman sabay sabay ang schedule ng break ng mga istudyante rito pero naasar parin ako kasi habang papunta kami sa couter hindi magkamayaw ang mga bumabi sa kanya specially mga lalaki hindi ba nila alam na nandito ko mga walang galang ng biglang may bumunggo sakin dahilan kung bakit natapon sakin ang isang cup ng coffee na tingin ko kabibili lang dahil mainit init pa.
"Nako kuya Daryl sorry po" maluha luhang sabi ng isang babae na tingin ko first year.
Pero bakit nya ko kilala?
"Anong nangyari ayos ka lang lalaki?" sabi ni Celine sakin.
Wow i smell something called concern
"Hindi naman ayos lang ikaw miss nasaktan ka ba?" malumanay kong tanong sa kanya at sya naman ay biglang yumuko tinatago ang namumulang pisnge.
"A-ayos lang po pa---pasensya na po talaga a-alis na po ako" na uutal nyang sabi pero hinawakan ko ang kamay nya na agad nyang kinagulat kinuha ko ang aking panyo at dahan dahan pinunasan ang namumula nya kamay na natapunan ng kape.
"Ayan okay na magiingat ka sa susunod ha" nakangiting sabi ko at binitawan na ang kanyang mga kamay.
"Playboy moves" sabi ni celine at tumalikod na.
Inayos ko naman ang coat ko na nabuhusan ng kape at pagkatapos hubarin ay sinabit ko na sa aking braso para sumunod sa kanya.
"Whats your order ma'am?" tanong ng babae.
"I want clubhouse sandwish, barbeque flavor fries and ice tea"
"Ako rin ganon ate" masayang sabi ko.
"Tara dun tayo" turo ko sa isang pangdalawahang upuan.
Yes nasolo ko din sya
"Celine?" tawag ko sa kanya.
Ang cute nya parin kahit kumakain
"Oh?" masungit nyang sabi
"Bakit tingin mo sakin playboy?" malungkot kong tanong habang kumakain ng fries.
"Tinatanong pa ba yan halata naman sa itsura eh bakit hindi ba?" nakangising sabi nya.
"Haha nakakatawa ka alam mo yun" nakita ko sya mahinang tumawa dahilan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Bakit naman?" nakanguso kong tanong.
"Ginagawa mon big deal yung sinabi ko its just my opinion okay" natatawa parin nyang sabi sasagot na sana ko ng biglang may naglapag ng upuan sa gitna namin at nakita ko si shanne na agad umupo.
Hay abala naman si bess eh
"Sorry if i disturbed you" malamig nito sabi.
"Bakit ka nandito " masungit kong sabi dahilan kung bakit tinignan ako ni Celine ng masama.
"I just want to tell you something" mahina nitong sabi at ngumisi sakin ng tila may sasabihin mahalagang bagay.
"Nadaan yung teacher natin kanina sa english and she said that we will going to have a baby thesis na gagawin natin buong 2nd grading then she select ramdom patners for this project" seryosong sabi ni Shanne.
"Sinong kapatner ko Shanne ikaw ba" umaasang sabi ni Celine.
"No im not your patner Celine pero dapat tayo but Nicolas raised his hand kaya wala akong choice kundi pumayag"
"Eh sinong kapatner ko huhu ako lang ba mag isa?" mahihisteryang sabi ni Celine.
Sana tayo na lang isip ko habang nakatingin sa malungkot nyang mukha
"No you haved Daryl as your partner" ngumisi si Shanne sakin at tumayo na para pumunta sa counter na bigla.
"What!" malakas nyang sabi dahilan kung bakit nagtinginan halos lahat ng tao doon.
"You have no choice celine" nakangiti kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.
Hay bat ang saya naman ng araw na to nakasabay ko na sya kumain at magiging patner ko pa sya ibig sabihin nun lagi ko sya makikita at makakasama that means kung pwedeng mabaling yung atensyon nya sakin at makita nya ko hindi bilang f**k boy
Ngumisi ako lalo ng may naisip na plano.
Operation:Make her fall inlove with me
Mabilis na lumipas ang araw second sem na at ibig sabihin nun start na ng thesis namin na sisimulan namin mamaya uwian
"Hoy Licauco naririnig mo ba ko!" sigaw ni Celine.
"Ano kiss?" gulat kong sabi.
"Puro ka kalokohan kanina pa ko nagtatanong tulala ka lang tapos natatawa loko" sabay pingot sa tenga ko.
"Ano ba kase yun Babe" natatawa kong sabi.
"Damn it asan ba si Shanne" gigil na sabi nya.
Ang cute cute na parin kahit lagi syang nabwebwesit sakin
"Hanapan ba ko ng bestfriend?" nagtatakang tanong ko.
Ayieeee asar na yan haha
"Gagi papipigil ako sakanya gusto ko manakit ngayon" sagot nya habang masama ang tingin sakin.
Kusa mo na ngang akong nasasaktan isang Airen mo lang
"San tayo mamaya?" pagbabago ko ng tanong.
"Yun nga yung tinatanong ko sayo kanina!hindi pwede sa bahay namin malapit ng maging manila zoo" asar nanaman na sagot nya.
Halikan ko kaya to baka sakaling bumait sakin
"Sige samin 8am sa Farstar villege House no3 sa left side" sabay kindat sa kanya at kinuha na ang bag ko kase kung hindi ako aalis baka di to makapagpigil at tamaan ang pogi kung mukha.
Magkasabay kaming naglalakad ni Celine sa hallway ang daming bumabati sakin pati sa kanya na mga lalaki mga bro akin lang sya biglang nakasalubong din namin si Airen kaya eto tutulala na naman si Celine sa kanya.
"Good morning celine" bati nya kay Celine seryoso binati nya? Nakaramdam ako bigla ng pag kainis anong ginagawa nya akala koba hay ewan basta akin lang si Celine.
Buong klase tahimik lang ako kinakausap pako ni Celine pero diko sya pinapansin hanggang mag uwian napabuntong hininga nalang ako at napapaisip bakit nya binati si Celine diba ayaw nya nga dito.
"Itutuloy ba natin yung thesis kung ayaw mo ok lang sakin" seryosong sabi nya kaya napatayo agad ako.
"Oo itutuloy natin" agad kong sagot at pumunta pa sya sa may pinto at kinausap si Bryan yung pinsan nya.
Hindi parin kami nakapag pansinan sa byahe nakatingin lang sya sa bintana ng kotse ko hanggang makarating kami sa bahay pag dating namin doon dumiretso sya sa may kusina at may hinalungkat anong gagawin non? Hindi ko naman sya pinakelaman baka sigawan pako kaya nag search nalang ako tungkol sa thesis namin.
Ilang minuto na syang ng nandon pero hindi parin lumalabas hanggang sa makaamoy ako ng mabangong pagkain lumabas naman si Celine sa kusina at may dalang tray na may cupcake ang sweet naman.
"Sinasagot na kita" sabi ko sabay kindat pero nabatukan nya ko.
"Ayaw ko magkaboyfriend ng playboy"
Grabe
"Judgemental mo talaga" nakangusong sabi ko.
Naupo na kami at sinimulan agad ang research habang kumakain ang galing nyang mag bake ang sarap.
"Tapos na Yehey" masayang sabi nya napangiti naman ako kahit sumakit ulo ko dahil sa paghahanap ng mga pwede naming isearch.
Tumutok naman sya sa cellphone nya at seryosong nakatitig don kaya naki chismis naman ako magkakaron pala ng audition sa school namin.
"Sasali ako dyan" sabi ko kaya tumingin sya sakin.
"Marunong kabang kumanta?or sa kahit anong instrumento? Ha" tumango naman ako sya at nakataas lang ang kilay at binalik ang tingin sa cellphone.
Wala atang bilib sakin to puro nalang ba si Airen
Maya maya nag papauwi na sya habang nasa daan kami sa paghahatid sa kanya biglang bumuhos ang malakas na ulan tapos sarado pa yung ibang daan kase may ginagawa kaya naghihintay kami hanggang tumila ang ulan pero mapaglaro talaga isang oras na ang nakalipas pero hindi tumitila kaya tinanong ko sya na matulog nalang sa bahay ayaw pa nya nung una pero pumayag din sa huli.
Wala kaming dalang payong kaya pagkababa namin ng sasakyan ko nabasa agad kami bigla nya pakong hinila at nagpaikot ikot sa parking lot para tuloy kaming bata nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sya.
"Celine mahal na kita" mahinang pagkakasabi ko pero hindi nya ko narinig sumenyas kasi sya na pumasok na kami sa loob mukha kaming mga basang sisiw.
Pinahiram ko muna sya ng damit ko natatawa pako kase maluwag pala sa kanya kaya may kinuha syang clip at clinip ang short at damit na suot nha mas natawa pako sa ginagawa nya kaso sinamaan nya ko ng tingin.
Dun ko sya pinatulog sa kama ko at ako naman sa sofa nanood muna ko bago nakaramdam ng antok tumayo muna ko para tignan sya kung tulog na kinuha ko naman yung cellphone ko at nag selfie kasama sya haha pero pag baba ko ng cellphone nakita kong nakakunot ang noo nya at nilalamig sya agad ko naman syang hinawakan sa noo.
"s**t!"
Tumakbo naman agad ako sa kusina para kumuha ng planggana na may tubig at kumuha din ako ng twalya para punasan sya nilalagnat na kase.
Nawala nadin ang antok ko kaya binantayan ko sya magdamag pero hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog ng madaling araw na
?--------------?
"Daryl anak bukas na yung audition mo sa banda diba ready kana ba?" nakangiting sabi ni mama habang palapit sakin.
"Opo ma" maikli sagot ko.
"Si Celine ba nakausap mo na?" pinilit nyang ngumiti pero alam kung nag aalala sya para sakin.
"Hindi pa ma"
Pano ko kakausapin eh taga sunod yun ni Airen tsk... tapos sinabi pa sakin na balak nya ng ligawan ai Celine
"Eh si airen sana magkaayos na kayo anak" sinasabi nya yun habang yumayakap sa akin.
mapait akong ngumiti "Ma mahirap din sakin to si airen yung tinuring kung kapatid mula pagkabata pero masisi mo ba ko si celine sya lang yung pinangarap ko sya lang yung hiniling ko pero bakit naman pati yung babaeng alam nyang mahal na mahal ko nagawa nya pang kuhanin ma sinasayang nya si celine noon tapos bigla nyang kukuhanin ngayon kung kelan gusto kong ingatan"
"Wala ako sa posisyon para mag komento pero sana maayos kayo sige na tulog kana ha basta si mama lagi lang nandito para supportahan ka hindi kaman namin nabigyan ng buong pamilya pero maniwala ka mahal ka namin ng Papa mo"
"Opo ma alam ko naman po yun haha madrama ka na din ngayon ma wah kakapanuod mo yan ng k drama eh" sabay tawa ko ginulo nya naman ang buhok ko.
"Loko kang bata ka seryoso ko dito tapos tatawanan mo lang ako sige na matulog kana goodluck sa audition bukas ha" at pumunta na sya sa pintuan para lumabas.
"Salamat ma the best ka talaga" habol ko bago nya tuluyan isarado ang pinto na sinuklian nya lang ng ngiti.
Celine sana makapunta ka bukas at tuluyan na nga ako binalot ng antok pagkahiga ko
Kinabuksan ang aga ko pumasok sa school dahil 7:30 ang start ng audition at pang number 3 ko kanina ko pa hinahanap at sakto pag dating ko sa likod ng auditorium.
"Mr.Licauco ikaw na yung next be ready" sabi ni Ms.Carmina
"Sige po thank you" ngumiti lang ako at kinuha na ang gitara na nasa gilid sinabit ko ito sa aking likod at tuluyan ng lumabas.
Self kaya mo to patunayan mo na hindi puro mukha lang dapat may talent din
Sinimulan ko ng tipahin ang pyesa ng napili ko kantahin habang hinahanap ng aking mga mata si Celine.
Asan na kaya sya kinakabahan ako
"Go licauco!" sigaw ng mga tao sa auditorium.
Ngumiti lamang ako nagsimula ng kumanta.
Sayo by Silent Sanctuary
"Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas"?
Nung una kong makita si celine dun ko napatunayan na totoo na may love at first sight ewan ko ba nakakabakla man pakinggan pero sa kanya ko lang yun naranasan
"Kung tunay nga
Ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo"?
Si Celine yung tipo ng tao na napaka totoo sa nararamdaman nya dun ako mas lalong nahulog sa kanya hehe ingit na ingit ako kay Airen kase minsan lang ako magkagusto sa babaeng may pagtingin pa sa kaibigan ko haha ang unfair
"Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko"?
Kasabay ng aking pagkanta ang pagdako ng aking mga mata sa babaeng may tinitignan na iba.
Mukhang talo na ko simula palang
Si aren ba talaga celine?
"Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa rin
May gulo ba sa'yong isipan
'Di tugma sa nararamdaman"?
Habang kumakanta ko hindi ko mapigiling makaramdam ng kung anong kurot sa aking puso.
Celine pwede bang ako na lang............
Sakin ka na lang.....
"Kung tunay nga
Ang pag-ibig mo"?
Isang Lingon mo lang handa akong ibigay lahat kahit alam kung hindi ako.
Isang lingon lang celine parang awa mo na.....
gustong gusto talaga kita.....
"Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo"?
Hindi ko inalis ang paningin ko sakanya nagbabakasakaling baka kahit isang lingon lang tignan nya ko pabalik.
Celine pakiusap tignan mo naman ako kahit andyan sya f**k ang sakit sakit na.....
"Kailangan ba kitang iwasan
Sa t'wing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo
Iba rin pag tayo lang"?
Kailangan na ba talaga kitang bitawan?
"Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Kung maging tayo
Kung maging tayo
Sa'yo na ang puso ko"?
Hindi ko inalis ang paningin ko sakanya hanggang matapos ang kanta pero hindi sya tumingin pabalik at nanatili ang tingin nya sa Lalaking pinangarap nya mula noon pa na ngayon nakita na din ang halaga nya.
Si Airen talaga eh.....
Pinilit kong ngumiti pero durog na talaga ko at tuluyan ng lumabas.
Celine maging masaya ka sana sa kanya hindi na kita guguluhin at lalayo nako kase mula ngayon tatanggapin ko na..na..... Hindi ka para sakin
At tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan lumabas.
✈End of flashback 1✈