Daryl Side

3900 Words
•Daryl Pov• "Bakit all this time ngayon mo lang nagawang lumapit ng lubos kay celine." napatigil ako sa tanong ni Kenzo bago tumingin kay Celine na nag hihintay din ng sagot. Nagsisimula ka na ba magtanong sa isip mo kung bakit kita iniwasan noon? Tumikhim ako bago mag salita."Hindi ako makalapit noon kase alam kung mas mahihirapan lang sya." sambit habang tumayo at naglakad paalis. Bakit pa kase kailangan mabanggit ang noon. I guess its hunting me back. Patuloy lang ako sa paglalakad at inalala nung lumapit ulit sya sakin. ✈ Kakababa ko lang ng phone ko dahil kausap ko si Mama pinipilit nya parin hanggang ngayon na kausapin ko si Celine pero paano, Kaya koba o kaya ko paba? Please give me a sign. Nakita ko naman sya tumatakbo palapit sakin halatang hingal na hingal sya at nagulat ako sa pag kapit nya sakin at dali daling nagtago sa may likuran ko. Eto naba yung sign? "Cous,diko alam na..." nakangising sabi ng pinsan nya. "Type mo na pala si Daryl." Nakita ko ang panlalaki ng mata nya bago ako tignan mula ulo hanggang paa at biglang binitawan. "Sorry." paumanhin nya at nag iwas ng tingin natawa nalang ako ng mahina. "So you want me pala huh?" pangaasar ko at nginitiian sya. "Anong pinagsasabi mo?" iritadong tanong nito. "Parang kanina lang yakap yakap mo pa braso ko BABE." sabi kopa sabay akbay pero napatingin ako kay Bry ng mag salita to. "Hoy! Licauco ibaba mo lang yang kamay mo, baka putulin ko yan." "Why Bry, bagay naman kami ng pinsan mo diba?" napabuntong hininga naman sya sa sinabi at tumingin ng deretso sakin. Kakapalan kona mukha ko De Nile naman tong kausap ko eh. "Oo sabihin nating bagay kayo." Yes one hundred percent. "But your not suit being a man to my cousin, you know what i mean so change yourself first Bro." makahulugan sambit nya pa at lumakad na paalis. Noted insan! Nakangiti parin ako dahil hindi koparin inaalis ang pag kakaakbay kay Celine na agad naman nya kong siniko mapanakit talaga hanggang ngayon "Umurong kanga dun!" mahinang angil nya ng nag sisimula na ang klase dahil kinukulit ko sya ngayon. "Ayoko nga." bulong ko at ngumiti ngiti. "Dimo aalisin yan o kukutusan kita." banta na nya. "Kutusan mo na game." sabi ko at yumuko. "Nang gigigil nako sayo!" mukhang galit na talaga sya. "Miss De Nile and Mr Licauco? may problema ba dyan?" napatingin naman kami sa prof at sabay na umiling kaya tumalikod na sya ulit at nag sulat natawa naman ako habang nakatingin kay Celine ang cute nya kase pag inaasar. "Licuaco anong nakakatawa?" tanong nanaman ng prof. "Si Celine p--" sasagot ko sana. "Anong ako!" angal nya. "You two come here" ma awtoridad nitong utos tumayo naman agad si Celine at pumunta sa unahan habang ako nakangisi pa bago tumayo at lumapit din dun. "Here." bigla nyang inabot ang isang ruler samin. "Kagatin nyo pareho at bumalik sa kinauupuan ng manahimik kayo." dagdag nito kaya ngumiti ako. I like that. "P-po?" tanong ni Celine. "Go." "Bakit ruler pa pwede namang labi nya." bulong ko. "Pwede ba tumahimik ka." ay narinig pala nya. "Why not diba." nakangusong sabi ko. "Gawin nyo na ang inuutos ko!" inis na sabi ng prof namin nakapamulsa naman akong bumalik sa upuan habang si Celine parang gusto nya nakong patayin sa tingin nya. Well babe masanay kana kase araw araw nato. I want to be close to you again like before. "Miss na kita..." narinig kong bulong nya ng mapadaan ako dito sa may corridor hindi naman nya ko napansin dahil nakatingin sya sa picture nila ni Airen.. Huminga ako ng malalim bago sya batiin. "Hey!" "Ano nanaman Daryl? wala ko sa mood." masungit na bungad nya naintindihan ko naman dahil narinig ko ang usapan sa ibang studyante kanina tungkol sa cafeteria. Bakit hanggang ngayon marami paring may galit sa kanya. "Hindi ako mambubuwiset, alam ko namang mainit ang ulo mo narinig ko kase yung ginawa sayo sa cafeteria tsaka naka tingin ka nanaman sa litrato nya?" tanong ko pero halatang nainis sya sa sinabi ko. "Pake moba!" nagtatanong lang eh. "Hindi na sya babalik Celine sana naman matanggap mo yun." sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Hanggang ngayon sya parin ba. "Bitawan mo si Celine." nagulat ako sa nag salita kaya agad ko syang tinignan. Anong ginagawa ng mayabang na to dito? "Si Yabang pala." bulong ko binitawan kona ang kamay ni celine at pamulsang naglakad papunta kay Kenzo Del Vega. One of the famous in our campus sabay mopang basketball player kaya medyo matangkad sya sakin but mas gwapo ako. "Boyfriend ka ba ni Celine?" walang emosyong tanong nya. Pake nya? "Kung oo anong pakialam mo?" sagot ko pero tinignan nya lang ako at may hinagis na sobre sakin bago lumapit kay Celine hinawakan pa nya ang hibla ng buhok nito na hinawi nya patungo sa tenga na kinainis ko. "Maganda ka sana madaldal nga lang." seryosong sabi nito kay Celine bago umalis gusto ko ihagis pabalik sa kanya tong sobre nakakainis. Pinulot konalang at binasa ang nasa likuran 'Engagement party for Del Vega and De Nile' Huh? nagtataka tuloy akong tumingin kay Celine. "May gaganapin ba na party sa inyo?" tanong ko. "Huh?Party?" Mukhang wala syang alam tungkol dito. Magkatabi ulit kami ng upuan wala ako sa sarili at iniisip ang sobre bakit ganon Del vega at De nile no it can't be napatingin naman ako kay Celine na tulala ano rin kaya iniisip nya. Sana ako nalang. Habang nag uwian nag dadalawang isip ako kung pupunta bako pero nandito ako ngayon sa sasakyan ko para tumungo doon anak ka ng Lizard Del Vega sana hindi matuloy yung event. Naabutan ko si Celine na malungkot na nakapangalumbaba sa isang lamesa kung saan konti lang ang tao pinagmasdan ko ang mukha nya habang papalapit her eyes are beautiful with the perfect shape of her face and my favorite part her lips with a plum soft shape. "Babe." bungad ko at naupo sa may unahan nya napakurapkurap naman sya. "Bat kaba laging nang gugulat at sumusulpot bigla ha?" tanong nya. "Nakakagulat naba yun" "Bakit ka nga pala nandito?" tanong nya pa gusto kong sabihin na nandito ko para sa kanya pero tinaas ko nalang ang invitation na hinagis ni Kenzo na babalibag pabalik pag nakita ko sya. when I want to be close to you lagi nalang may humaharang ano ba ang dapat kong gawin? "Psst." tawag ko sa kanyang nakasimangot. "Ohh? Tsaka hindi Pstt ang pangalan ko." masungit na ani nya. "Tch may tanong ako gusto mo ba si Del Vega" "Ano? Wala noh tch sarap ngang ihampas sa pader non grrr nang gigil ako sa kanya" inis na sabi nya at naupo nalang Halatang gigil nga halos padabog nya kaninang tinulak yung pintuan eh. Nandito kami sa Music Club Room pagkatapos ng pag tatalo nila ni Del Vega , Ilang oras din kaming nandito nakakaboring na. "Gusto mo kantahan nalang kita?" tanong ko mukha kasi syang stress talaga kay Del Vega. "Sige gandahan mo ah." sagot nya ngumiti ako at kinuha yung gitara na nasa lamesa at kumanta sa harap nya. Nakatitig lang sya na parang may iniisip kaya ng huminto nako tatanong ko sana kung ok lang sya pero diko inaasahan ang sinambit nya. Nagagawa ko na ulit tignan ang mga matang ilang taon kong pilit iniwasan. "Daryl, Sorry.." Daryl sorry. Daryl sorry. Parang may kung ano sa utak ko na nag uulit nito at nagpabilis ng t***k ng puso ko. "Wag kang mag sorry,tapos nayun." ngumiti ako tumingin sa mukha nya Kinalimutan kona kase yung nangyari noon na pag binabalikan hindi ko kaya. "Pero alam kong nasaktan ka." Yes, I was hurt, but while I am with you again, I also forget the pain. "Pero hindi na ngayon lalo't nandito kana ulit sa tabi ko." sabi ko habang hinawakan ang mukha nya at biglang dinampian ng halik sa noo pero bigla nya kong tinulak ng mahina. "Ahh... siguro lumabas na tayo dito." naiilang na sabi nya habang nag paunang lumabas kaya sinundan ko nalang. Shit bakit mo ginawa yun Daryl! Nakakahibang na nababali na ata ako. "Anak bakit ka ngingiti ngiti dyan." tanong ni Mama kaya nag angat ako ng tingin sa kanya "Its Celine." sagot ko kaya nanlaki ang mata nya at nag mamadaling lumapit sakin at kinuha ang phone ko halos ilaglag nya nako sa higaan ko. "Totoo bato ha ok na kayo?" tanong nya ulit habang nakangiting nakatingin sa wallpaper ko. "Yah i guess" sagot ng bigla nya kong kinutusan. "Ma!" angal ko. "Ayusin mo yan anak ha kukutusan kita ulit kita sige na yieee kukwento koto sa papa mo." sambit nya habang nagmamadaling lumabas kaya napangiti nalang ako tinawagan si Celine. "Hell--" "Hi Babe" bati ko nakuha ko kase kay Bryan ang number nya nabura kona kase yung dati. "Pano mo nalaman number ko?" tanong nya tch wala bang pangangamusta manlang. "Kinuha ko kay Bryan, Malakas ata ako dun." mayabang na sabi ko habang nakangisi. "B-binigay nya seryoso?" "Oo nga para daw ako yung kausapin mo kesa kay Kenzo." nabalitaan ko kaseng nasa hospital daw sila ano kayang nangyari buti dipa natuluyan. "Ahh mamaya nalang tayo mag us--" "Ayoko nga miss na kita eh." pag habol ko. Agad agad eh noh. "Magtigil kanga dya--" "Naka empake nako babe excited nako makasama ka." sabi ko pa. "Mamaya na sabe tayo mag usap." sungit naman nito. "Wag mong istorbohin yung magiging asawa ko!" sigaw ng natitiyak kong si Kenzo at pinatay ang tawag bwisit talaga yun eh. Buti nalang dumating na ang araw ng alis namin napagusapan namin ni Bryan na sumama ko kila Celine dahil mauuna sila hindi rin naman kase ko papayag na si Kenzo ang kasama ni Celine noh. Nag aya agad akong mag surf pag dating namin dun umepal nanaman syempre ang kulang sa aruga pero masaya ko dahil pumayag si Celine. Ano ka ngayon Del Vega. Nang dumating naman ang dinner kaya pumunta kami sa isang sikat na restaurant sa baba ng hotel kakatapos kolang kumain ng may lumapit na babae sakin at nag pakilala niyaya pa nya kami na uminom aayaw pa sana ko ng si Celine ang pumayag kaya wala kong nagawa nagulat nalang ako ng hinila ako ng babae patungo sa elevator ng makalabas nagpauna sila ni Kenzo kaya kinausap ko yung babaeng naka nakakapit parin sakin at tumuro kay Celine. "She's my girlfriend" sabi ko dito kaya bumitaw sya at pumunta sa may mga lalaking nag kakasiyahan. Tumungo namn ako kila Celine na masamang nakatingin sakin Bakit? Ginawan ko nalang sila ng inumin at saktong pag ka abot ko nito kay Celine agad na ininom nya ang ilang baso ng margarita at sabay punta sa may nag sasayawan. Susundan ko sana sya ng may tumawag sa cellphone ko si Nathan pala hindi ko sya marinig dahil malakas ang tugtog. "Bro you can't believe this news." rinig kong sigaw nya. "Huh ano ba yun?" tanong ko dito. "He's back bro he's back." Back? "Back? Ano kamo baka yung prof mo nanaman yan na niligawan ka wag muna ko guluhin mo busy ako." sabi ko at pinatay agad Kung ano ano nanaman kukwento nya tsk tsk nilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko pagbalik ko nakita ko si Celine na may kasama bigla kong namukhaan ito kaklase namin noong highschool masama akong nakatingin sa kanila dahil halatang close na close sila ni Celine pero agad akong lumapit ng muntik nya ng mahalikan si Celine. Fuck ako lang pwedeng humalik dyan! Napansin kodin si Kenzo na masama din nakatingin kay Caleb sabay naming hinila si Celine palayo don pero sigawan nya naman kami at nagtungo sa elevator mag isa. Ano bang mali? "Kasalanan moto" sisi ni Kenzo sakin kaya nag tataka akong tumigin sa kanya. "Ako pa talaga?" tanong ko. "Don't be blind i know you feel what i mean." sabi nya at iniwan nako. Kinabukasan gusto nila na mag scuba diving pero may kailangan akong ayusin kaya hinayaan ko muna sila. "Hay pano ko kaya agad matatapos ang hinanda kung surpresa para kay celine baka agad silang bumalik nung baliw." mahinang sambit ko habang naglalakad malapit sa dagat para pumunta sa lugar kung saan ko sya balak surpresahin. Ng matanaw ko ang dalawa hindi ko maalis na mainis pero mas pogi naman ako kay Kenzo kaya walang dapat pagselosan ng bumaling ulit ako sa kanila nakita kong biglang hinapit ni Kenzo si Celine para mayakap tinignan si Kenzo na nakangisi ngayon sa akin kaya matalim na tingin ang ginanti ko mag saya ka ngayon tukmol. "Mamaya babawiin ko sya." yun na lamang ang sinabi ko sa aking sarili at patuloy ng lumayo sa eksenang dumudurog sa aking puso. Wow lalim. Nakangiti akong nag aayos para sa suprise gusto kong masiyahan si celine sa gagawin ko gusto ko sakin ang maging atensyon nya. Dati nakong umatras sa ganito pero ngayon hindi ko na ulit hahayaang mapunta sa iba ang babaeng pinangarap ko noon pa man ang babaeng unang kita ko palang alam ko ng sya na. Ilang oras pa ang nakalipas maglakad lakad muna ako at nakita kong dumating na sila nakasibangot si Kenzo habang nakasunod kay Celine hindi ko muna sila tinawag at nag muni muni muna sa buhanginan ng may tumawag sakin. "Hoy Insan Daryl." sabi nito kaya nagtatakang tumingin sa kanya yung kasama nya. "Kelan pa kayo naging mag pinsan." tanong ni Nicolas bestfriend ni Celine. "Since 1881 panahong kahit doon tinitilian kami ng mga babae." sagot ni Bry. "Ang yabang." bulong ng isang babae na natitiyak kong si Alliah. "Tawagin mona sila Celine muna Daryl may mga dala pa kaming gamit na binubuhat palang mag Bonfire daw tayo." tumango naman ako at umakyat na agad. "Celine nandyan na sila Bryan" sabi ko pagkapasok lang ng pinto pero nakatingin lang sakin si Celine kaya biniro ko. "Ikaw talaga miss mo nanaman ako" habang ginulo ang buhok nya. "Lumabas na tayo." malamig na tugon ni Kenzo at nauna ng lumabas. "Problema non?" tanong kopa pero nagkibit balikat lang sya kaya lumabas nadin kami. "Bakit ba dikit na dikit kayo ni Nicolas?" Inis na tanong ni Kenzo sa kanya ng makita din nyang nag uusap si Celine at Nicolas. "Hoy attitude malamang bestfriend ko yun." masungit na sabi ni Celine. "Ako attitude?"tanong nya. Loko matagal na. "Ehh bakit nagyakapan pa kayo at may pa bulong bulong ha?" nakangusong sabat ko. "Kase nga may sinabi ko sa kanya!" sigaw nya samin. "Ano yun?" si kenzo ulit na ngayon ay naka pameywang pa na daig ang babae. "Secret ng magkaibigan yun di pwedeng ipagkalat manigas kayo dyan." tinulak nya kami at pumunta sa tabi ni Nicolas kaya sinundan ko sya at umupo sa tabi nya ganon din si Kenzo. Gaya gaya talaga tong ungas. Nagsimula na mag sindi ng Bonfire nakatitig lang ako kay Celine na bumaling din sakin at para nagiisip sige lang isipin mo ko. Inabutan sya ni Shanne ng pinggan na may pagkain pero dinadagdagan ko yun ng tumaba naman sya oo di naman payat sexy nga pero pinagtitinginan ng tao tsk na kinaiinis ko. Susko possessive na ba ko ng lagay na to. "Cute naman ng baby ko dalaga na." pangaasar ni Bryan kay Celine. "Sana nga ako ang piliin ni Celine." pagbibiro ko na kinatingin nila sakin. "Oo nga bagay pa naman kayo ni Celine." sabat naman ni Alliah kaya mas lumawak yung ngiti ko. "Hindi ko hahayaang mangyayari yun." tugon naman ni Kenzo. Epal talaga. "Tch inggit kalang kase bagay kami." sambit ko. "Sana nga kayo nalang ni Celine." si Bryan na nakangisi din kay Kenzo. Yes buti na lang mukhang boto sakin si insan talaga. "Hindi ko hahayaang mangyayari yun." sabat naman ni Kenzo pero tumayo lang si Celine at piningot ang tenga namin. "Mapanakit ka talaga." angal ko pero tumabi lang sya kay Bry. "Lets do truth or dare" Nagsimula naman na silang mag paikot ng bote at tumapat yun kay Alliah si Bryan naman ang nag presinta na mag tanong. "Sino ba yung totoong minahal mo." "Si Kenzo." agad na sagot ni Alliah tumungga nalang si Bryan ng alak sa sagot nya at nagpatuloy sa pagikot ng bote at tumapat naman to kay Kenzo kaya ako ang nagtanong. "Ano ba tingin mo kay Celine?" Mukhang natigilan ang lahat. "Childish." sagot nya. Okay Mabuti Nice. Kinuha naman ni Celine yung bote na parang gusto nyang ibalibag kay kenzo pero pinaikot nya nalang ito at sakin natapat dare ang napili ko at si Celine ang nag utos. "Sayawin mo yung Baepsae ng Bts." utos nya tumawa naman si Bryan kaya nagtaka ako ano bang sayaw yun? Tinapat naman ni Celine ang Cellphone nya na may video ng mga lalaking sumasayaw dahil ayun daw ang gagayahain ko sinunod naman iyun kaso ang weird ng step nila diko alam kung nangaattract sila o seductive grabe. "Tama na nga di magandang tignan." sabi nya kaya kamot ulo nalang naupo ako. Kinuha naman ni Alliah yung bote at pinaikot saktong tumapat yun kay Celine dare ang sinagot nito.Inutos nya na mag swimming si Celine ngayon sa dagat bakit ayun pa naisipan nya alam nyang gabi na tumayo naman si Celine at hinubad ang dress nya shes always born ready naka swimsuit na kase sya at nagtungo palapit sa dagat. Agaw pansin sya at pinag titinginan ng mga tourista habang simulang lumusong sa tubig mangha naman ang mga taong nakakakita sa kanya diko alam kung maiinis bako dahil malamig na ang tubig at ganoon pa ang suot nya o matutuwa kase kinamamanghaan sya ng marami alam ko namang sobrang galing nya lalo sa sa surfing sya lagi ang nananalo noon pag nag kakaron ng labanan sa campus. Tumayo naman ako at nag unahan kami ni Kenzo sa pagbibigay ng tuwalya habang papaahon na sya napapailing nalang sya na tumingin samin at bumalik na kami sa kaninang pwesto.Sumunod na natapatan si Nicolas truth ang napili nya at si shanne nagtanong pagkatapos ako nanaman at si kenzo ang nag tanong. "Hindi ako makalapit noon kase alam kung mas mahihirapan lang sya." yan ang sagot ko pagkatapos tumayo at naglakad paalis Narinig ko si Kenzo na pinipigilan syang tumayo alam kong susunod sya kaya binilisan ko ang lakad at pumunta sa gazebo kung saan ko hinanda ang lahat Mula dito kitang kita ko sya na hinahanap ako hanggang tumapat sya sa mga rosas na kinalat ko sa buhanginan sinundan nya ang mga ito at mga kandila na nagbibigay liwang hanggang sa marating sya sa gazebo na pinaikutan ko ng maraming bungkos ng rosas at mga malilit na ilaw na nakasa kabit roon. Napakanda talaga nya kahit anong parte sa kanya lang ako nabaliw ng ganito naduwag lang siguro ako noon pero babawi ako ngayon. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya na papalapit sakin para syang naguguluhan sa mga nakikita. "A-ano to." tanong nya mas lalo lang akong ngumiti at hinawakan ang kamay nya. "Sumayaw nalang tayo." sambit ko at may pinindot sa cellphone para magsimula ang kanta na saktong mabagal lang. "Ehh diba hindi ka marunong sumayaw." natatawang tanong nya kaya napanguso ako. "Tch." nilagay ko nalang ang kamay nya sa balikat ko nakangisi nalang ako dahil sa reaction nya lalo na ng hawakan ko ang bewang nya. "You know kahit bwisit la napaka sweet mo palang tao." sambit nya Okay na eh may bwisit pa. "Oo naman lalo na pag ikaw ang kasama ko." naglalambing na boses ko. "San moba natutunan yang banat mo?" "Simula ng makilala kita kaya nag paturo ako kay google." hindi sya sumagot at nag iwas ng tingin halata namang natatawa kaya isinayaw ko nalang sya habang nakatitig parin sa mukha nya. Ang cute nya pag naiilang haha si Celine kase yung babae na mamahalin mo ang lahat sa kanya. "Daryl..." sambit nya kaya inaya kona syang maupo at inihinto ang kanta. "Hmm." "Ano kase --uhmm." ngumiti lang ako dahil parang may gusto syang sabihin. "Bakit malungkot ka sa sagot mo kay kenzo kanina?" tanong nya habang napapakagat ng labi. I want to kiss her. "Wala inaatok lang ako non haha." dahilan ko at nag iwas ng tingin piningot nya naman ako at ngumiti habang hinila ako sa may lamesa. "Inaantok?" tanong nya pa ng nang aasar. "Oo." sagot ko at kumuha nalang ng slice ng cake at sinubuan sya. "Hoy dimo pa sinasagot ng ayos yung tanong ko." kahit may laman ang bibig nya mag sasalita parin eh. Ang Cute talaga ng babeng to iuwi kona kaya samin. "Birthday ko kase." i know nakalimutan nya narin. "B-birthday." nanlaki ang matang napatayo sya kaya tinawanan ko. "Wag kang tumawa dyan pipingutin kita eh." sabi nya kaya sumenyas ako ng zinip ang bibig pinagmasdan ko naman syang may kinuha sa tabi ng speaker colored paper na pula lumapit ulit sya sakin habang ginawang cone yun at inilagay sa ulo ko. "Ayan maupo ka naman." utos nya pa na agad kong ginawa nag slice din sya ng cake at kinuha yung candle sa may baso at inilagay sa slice ng cake bago inilapag sa may harap ko. "Happy Birthday Pogi ngayong araw lang huh haha wish kana dali diy lang muna pag uwi--" napatigil sya "este babawi ako dali na Wish na." Tumango ako at ngumiti pumikit muna ako at nag simulang humiling 'I wish we are always like this' sabay hipan pumalakpak naman sya . Ako naman ay may nilabas na box at kinuha ang laman non nakatitig lang sya sakin kaya katulad ng nasa plano ko kakantahan ko rin sya. "Stay." sabi ko tumango naman sya. Fool again by westlife "Baby, I know the story, I've seen the picture It's written all over your face." 'Nakatulala lang sya sakin na parang may iniisip habang nakangiti ako sa kanya habang hinawakan ang kamay nya.' "Tell me, what's the secret that you've been hiding? And who's gonna take my place?" 'Sinuot ko sa kanya ang bracelet na matagal konang gustong ibigay' "I should have seen it coming I should have read the signs Anyway, I guess it's over." 'Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon pero sya nakatingin lang sakin nice iba talaga ka gwapuhan ko haha' "Can't believe that I'm a fool again I thought this love would never end How was I to know? You never told me." 'Hindi ko alam pero lumungkot ang mata nya at biglang nagtanong kaya napatigil ako' "Daryl ano nga ba ako sayo?" tanong nya sakin na mas nagpabilis ng t***k ng puso ko. "Kase ako naguguluhan ako... kay Kenzo palang na---" dagdag nya kaya bigla ko syang niyakap ayokong marinig ngayon na may binabanggit sya na iba yumakap sya sakin pabalik narinig kong bigla nalang syang umiyak kaya mahigpit akong napayakap sa kanya, alam kong maguguluhan sya ngayon lalo na nangyayari nanaman ang nangyari noon alam ko rin hindi pa ito yung tamang panahon para umamin ng nararamdaman sa maayos na paraan kase may isang bagay pa hindi pa sya tunay na nakakamove on kay Airen. "Celine basta tandaan mo,Maging ayaw man sayo ng lahat ako yung mananatili na paulit ulit gugustuhin na manatili sa tabi mo." parang gumaralgal yung boses ko habang sinasambit ko ito nasasaktan ako pag nakikita syang ganito. Hindi ko hahayaang mangyari ang katulad sa nakaraan. Hindi ko na kayang lumayo pa muli sayo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD