•Celine's Pov•
Pagkatapos namin mag scuba ni Kenzo kumain muna kami saglit wala syang naging imik sakin simula nung sinabi ko na hindi pwedeng mangyari yung gusto nya like hello nag sorry naman ako ah tsaka wala syang gusto sakin puro sama ng loob lang chos.
Pero hindi mawala sa isip ko ang mga tanong nya sakin.
Si Airen pa rin hindi ba Self? sya lang naman bida mula noon.
"Kenzo..." mahinang tawag ko sa kanya.
"Hmm." sagot nya naman habang titig sa screen ng hawak nyang laptop ngayon.
"Galit ka ba?" tanong ko.
"No."
No pero mukhang oo.
"Ahh sige.... tawagin mo nalang ako pag nandyan na si Daryl matutulog lang muna ako ha." sabi ko tumango naman sya kaya nag punta nako sa kwarto.
Nasan kaya pumunta yung kumag na Daryl at nag mamadali kanina baka sa jowa, girlfriend o fling siguro hayaan kona nga di naman ako nanay nila na mag babantay.
Nahiga na ko at pinikit nalang ang mga mata.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog nagising nalang ako ng maramdaman kong may katabi nako saktong pagdilat kona nasa harap ko yung mukha ni Kenzo na mahimbing na natutulog.
What the.
Saktong tatayo nako ng biglang yumakap ng kamay nya sakin
"Kenzo.. "
"Dito kalang please kahit 5 minutes" mahinang sambit nya na nakapikit parin.
Diko alam ano irereact ko sa ginagawa nya malilintikan ako kay Insan nito.
Tumingin naman ako sa bintana malapit na mag gabi dahil medyo madilim na rin.
"Hoy attitude may problema kaba?" tanong ko pero di sya sumagot.
"Tsk Bahala kanga dyan." sabi ko at tatayo na sana ng humigpit ang pag kakayakap nya sakin.
"Dito kalang sabi." bulong nya.
"Tinatanong kase kita eh." nakangusong sabi ko.
"Hindi ako galit at wala akong problema ok."
"Okay pero smile kana pangit mo kase pag di ka naka smile." nakangising sabi ko pero sinunod nya naman ngumiti sya kasabay ng pag dilat at naka sentro sakin kaya naiilang akong natingin sa ibang gawi.
"Kinikilig ka?" tanong nya.
Tse!
"Hindi ahh."
"Kinikilig ka eh sige nga tingin ka sakin." nakangising sabi nya kaya bumangon ako at naupo.
"Nang aasar ka talaga hano." sabi ko at inirapan sya na kinatawa nya.
Sige lang matuwa ka.
"Kain nalang tayo?" pag iiba nya ng usapan at tumayo agad naman akong tumayo din at malawak na ngumiti.
"Anong gusto mo?"
"Ice cream, cake, fries, pizza, chocolate at jimin."
"Akala ko naman ako."
"Huh ano yun."
"Wala tara na." sabi nya habang hinawakan ang kamay ko at hinila.
Nakatitig lang ako kay Kenzo habang kumakain nako ng ice cream diko maiwasang maisip mabait naman pala sya, sweet, gentle man kaso may pag ka abno lang talaga minsan.
"Dahan dahan sa pag titig love baka mapaaga kasal natin nyan." sabi nya kaya nawala ako sa pag iisip.
"Ano kamo gusto mo talaga maging flying Kenzo--" napatigil ako ng subuan nya ko ng fries sa bibig.
"Ingay mo haha" aba tinawanan pako ng lokong to na tinitigan kolang.
"Hmm kenzo may tanong ako." napatigil sya at ngumiti sakin.
"What?"
"Bakit nga pala kayo nag away ni Bry?.."
"Mahabang kwento" sagot nya.
Gano ba kahaba mula dito sa earth to the moon ba yan?
"Tch kwento mo sakin makikinig ako ganyan din kase laging sabi ni Bry mahabang kwento next time kona kukwento like alam mo yun nakakainis curious na curious ako tapos di man lang masagot." mahabang sabi ko kaya natawa nanaman sya.
Napapaghalataan koto ah tawa ng tawa mukha bakong clown.
"Ganito kase yun naiingit ako noon na lagi nalang si Bry ang nakikita nila lalo na si Alliah nung panahong gusto ko pa sya ng malaman kong sinagot nya si Bry nainis ako nun kaya mas nilapit ko ang sarili ko kay Alliah para maagaw sya na nag ka totoo naman dun na nagalit si Bry sakin." kwento nya.
Seriously.
"Abno ka pala talaga hano ." komento ko.
"Hanggang sa na realize ko na mali ang lahat ng yun at bigla nalang kitang nakilala..." pagapapatuloy nya at tumingin sakin.
"Ilang bese namin pinagpasahan ni Bry si Alliah na parang naging laro nalang ang lahat hanggang sa nakita ko na mahal talaga ni Bry si Alliah naalala mo yung nakita mokong kausap sya sa phone pilit nalang yun dahil alam ko si Alliah si Bry naman talaga ang gusto ramdam ko na gusto nya lang gumanti dahil nakita nya si Bry na may kasamang babae daw."
"Ahh.... pero kung ako si Bry baka bigwasan kita oo ganon nung time na sinapak ka nya haha." sabi ko na kinatawa nya rin.
"Ang brutal mo." nakangusong ani nya.
"Syempre at may isa pa kong tanong bakit ka nga pala pumayag sa engagement?"
Curious talaga ko.
"Dahil gusto na kita nung mga araw nayan." sagot nya na kinatigil ko.
"Utut mo."sabi ko at uminom echos nanaman sya.
"Hindi mo ba naalala yung sa library at garden." sambit nya.
Wait..... Ano nga bayun teka.
•
"Diko maabot shet nasaan naba kase yung hagdan dito ang taas nung librong gusto ko." naiinis na sambit ko sa sarili.
Ng biglang mag mahulog lahat ng libro mula sa itaas na tinignan ko.
"Ayan ma aabot mona." sambit ng kung sino sa may book shelves kamay nya lang ang nakikita ko at paniyak nasa kabilang bahagi lang sya nito kaya pinuntahan ko ng may maabutan akong lalaki.
"Hoy bat moko hinulugan ng libro ha." mataray na sabi ko habang nakapameywang.
"Hindi ako yun si Kenzo yun eh." sagot nito.
"Aba nag hahanap kapa ng masisisi ehh wala yung mokong nayun dito dadamay mopa si Attitude." napakamot naman sya ng batok sa sinabi ko.
"Si Kenzo nga kasi yun." sabi nya at nag walk out.
Aba naninisi talaga ng iba at si Del Vega pa ang sinabi nya di nga ko pinapansin non!
•
"Ikaw yung nag hulog ng libro lintek ka talaga!" inis na sabi ko sa kanya pero natatawa lang ang loko at inalala ko naman yung sa garden.
•
"Ate Celine pinabibigay ni Kuya pogi" sabi ng bata at may inabot an red rose sakin.
"Sinong pogi koreano ba oppa?" tanong ko natawa naman sya.
Ang kyotiie.
"Hindi po basta pogi sya sige na tanggapin mo na po malulungkot yun pag dimo tinanggap." ngumiti naman ako at kinuha kasabay ng pag takbo nya paalis at may sinabi pa.
"Sabi nya nandun po sya sa may locker mo." sigaw nito.
O my ghad baka si jiminieee ito sa locker diba malay mo nag exist yung nasa poster ko.
Agad naman akong nag tungo doon at may nakita akong lalake.
"Hoy lalake" tumingin naman to infairness gwapo pero walang tatalo kay jimin.
"Sayo ba galing to sabi kase nung bata nandito daw sa may locker ko nag bigay ikaw nga ba." gulat naman syang tumuro sa sarili.
"Hindi ako ha Baka si Kenzo nandito sya kanina eh."
"Bakit ba puro kayo Kenzo kenzo ehh nananahimik yung tao mamaya pag tripan ako nun katulad ng ginagawa sa iba nako baka ihampas ko sya ng wala sa oras." sabi ko umiling iling naman yung lalaki at umalis na.
•
"Loko ka Kenzo naninisi tuloy ako ng iba sa pinag gagawa mo hmp!" natawa nanaman sya at inayos ang gulong buhok sa mukha ko.
"Ganun talaga."
"Tsk tsk madaming beses pa nangyari yun noh at wag nang alalahanin at makukutusan lang kita." sabi ko habang sinubo ang last fries.
"By the way balik na tayo kawawa naman si daryl pag walang naabutan na tao" nakangiting dagdag ko at hinila na sya.
"Malaki naman na yun." ani nya.
Pero pagdating dun wala pa si Daryl aba nag layas na ata ang loko kaya nanuod nagpaturo nalang ako ng ml kay Kenzo pero hindi ko talaga makuha tinatawanan nya pako pag natatalo pero nakakapagtakang hindi sya umaangal pag natatalo ako dahil cellphone nya gamit ko di katulad ni Bry kinutusan ako ng matalo ko ang laro.
Yung tipong ako yung na victory.
Napatingin naman ako kay Kenzo at pinagmasdan to.
Kung matutuloy ba ang engagement patungong kasal magiging okay bako kasama ka while may hinihintay ako kaso hindi na makakabalik pa.
Napabuntong hininga ako at tumayo ng mapansin ko ng oras bago magtanong kay Kenzo.
"Nasana na kaya si Daryl?"
"Baka nag hanap ng bago kabet molang kasi sya." walang modong sabi nya.
"Siraulo k--."
"Celine nandyan na sila Bryan." nagulat akong bungad sakin ni Daryl speaking of na kakapasok lang ng pinto kaya nagliwanag naman ang mata ko.
Sa sinabing andyan na si Bry na baliw pero san nga ba galing yung tukmol na to.
"Ikaw talaga miss mo nanaman ako." lumapit pa sya sabay gulo ng buhok ko wow miss agad diba pwedeng natuwa lang ako kase walang war.
"Lumabas na tayo" malamig na singit ni Kenzo samin at naunang lumabas.
"Problema non?" tanong ni Daryl pero nagkibitbalikat lang ako at lumabas nadin hindi ko nga rin alam dyan nasa menopose stage na yata yan bilis mag bago ng mood.
"Bryaaaaaannnn pogiii!" masayang sigaw ko at kumaway ng makita ko sya ngumiti ito at lumapit sakin nasa likuran nya rin si Shanne,Nicolas at si Alliah na masayang lumapit kay Kenzo.
"Anong nangyari sa nagdaang araw." tanong nya.
"Okay naman." walang ganang sambit ko at niyakap nalang sya "Stress ako sa dalawa." bulong kopa na ikinatawa nya.
"Nilunod mo na sana haha." bulong din nya.
Kaso marunong lumangoy yung isa.
Yumakap din ako kay Shanne at Nicolas na Bestfriend kong sagad ang ka torpehan, napatingin din naman ako kay Kenzo na matalim na nakatingin sakin hindi ko nalang pinansin hindi ko naman ikamamatay yang tingin mo.
"Bes ilibot mo naman ako dito." sabi ni Shanne tinulak naman ako ni Bry.
"Ilibot mo muna yan,ako muna ang bahala kay Nicolas." nakangising umakbay si Bry kay Nicolas kaya tumango ako at hinila si Shanne sa Souviner shop.
Sige lang Bry turuan mo yan mag da moves haha!
"So .. Hmm kamusta kayo ni Nics." mukhang natigilan sya sa sinabi ko.
"O-okay lang naman,b-bakit." mukhang nag aalangan pa sya sumagot ha.
"Hindi ba nanliligaw sayo?" nakangiti kong tanong yung may halong pang aasar narin.
"Sira bat ako liligawan non?, tsaka ikaw ang kamusta hanep ka rin haha dalawa pa ka date mo." sabi nya kaya kinurot ko sa tagiliran.
Ilipat daw sakin yung tanong. Ayos!
"Tingin mo ba ako may plano neto ha." nakangusong sabi ko na ikinatawa nya.
"Weh si Daryl at Kenzo yan hindi ka attracted noon pa man d----" hindi ko na sya pinatapos ng pag sasalita ayokong marinig yung noon.
"Mamili ka na nga lang dami mo pa sinasabi , Libre kona." nagliwanag naman ang mata neto at hinila ako kung saan saan.
Inabot din kami ng isang oras dahil nag yaya din sya kumain madilim na rin ang langit kaya agad na kaming bumalik naabutan naming gumawa sila Bry ng barbeque party 'daw' kaya tumulong nadin si Shanne. Nakita ko naman si Nicolas na malayo ang tingin, Si shanne iniisip neto paniyak. Kaya lumapit ako sa kanya at yumakap muka sa likod.
"Ambagal mo naman duma moves baks." bulong ko dito habang mahina syang natawa.
Tawa ka dyan mamaya may mauna na sayo.
"Nag hihintay lang ako ng tamang oras." bulong din nya.
"Sus may ganon ba years na kalipas." natawa naman sya at tinanggal kona ang pag kakayakap ko at umupo kami sa tabi ng puno nahagip ng mata ko yung dalawang tukmol na masamang nakatingin samin pero inirapan ko nalang ito at nakipag kwentuhan kay nicolas saktong napadaan naman si Shanne kaya tinawag ko ito.
"Shanne! Sabi nga pala ni nicolas gusto---" biglang tinakpan ni Nicolas yung bibig ko.
"Huh?" sabi naman ni Shanne.
"Wala--wala syang sinasabi, siguro tulungan natin sila Bryan na mag ayos para sa barbeque party." sabi ni Nicolas.
Sus arte mo sasabihin kolang naman na kung gusto mo syang ayain hmp!
Tumango naman si Shanne kaya binitawan nako ni Nicolas at hinila si Shanne palayo.
Kunyari pa sya eh hihilain din naman nako nako.
Napatigil naman ako ng may lumapit sakin na dalawang may sapi kaya
tumayo ako para sundan sila Shanne para makatakas sa sa dalawa nato pero hinaharangan nila ang daraanan ko.
"Bakit ba dikit na dikit kayo ni Nicolas?" si Kenzo na nakataas ang isang kilay sakin.
"Hoy attitude malamang bestfriend ko yun diba." masungit na sabi ko.
Pake nya ba.
"Ako attitude?" tanong nya.
Di ba obvious.
"Ehh bakit nagyakapan pa kayo at may pa bulong bulong ha?" si Daryl naman na nakanguso at bakas ang pagkainis sa mukha.
Isa pa tong may sapi nagkakahawaan na yata yung dalawang to.
"Kase nga may sinabi ko sa kanya" sagot ko.
Wait bakit ba ko nagpapaliwanag sa dalawang to
"Ano yun?" si Kenzo ulit na ngayon ay naka pameywang na dinaig pako.
"Secret ng magkaibigan yun di pwedeng ipagkalat manigas kayo dyan." tinulak ko sila ng kaonti para makadaan ako binilisan ko ang paglalakad ng makita ko si Shanne na nagiihaw habang si nicolas parang tanga na nakatulala sa kanya hay isa pa yung dalawang to earth bakit ganito maloloka nako.
Kaya hindi muna ko lumapit kay Shanne, kumuha nalang ako ng ice cream sa table na nilagay nila dito at lumapit kay nicolas na nakatulala parin kay Shanne hmmm da moves na kase tulak kita dyan eh inabutan ko sya ng ice cream at tinanong sa katorpehan nya kaso dumating nanaman ang dalawa at umupo sa gitna namin ni Nicolas para hindi kami makapagtabi.
Nababaliw nanaman sila!
"Ibang klase pala tong mga lalaki mo possessive masyado." natatawang sabi ni Nics at tinaas taas pa ang dalawang kilay na tila nang aasar talaga sakin.
"Bwisit ka! Shanne Shanne." sigaw ko nanlaki naman ang mata nya at pipigilan ako mag salita.
"Ano yun?" agad na tanong ni Shanne.
"Kelan mo daw ba sasagutin si N--"
"Aahhh wala wala syang sinasabi!" nagulat akong sigaw ni Nics.
"Meron!" sabi ko
"Walaaaaa sabi." apaka arte nitong Nicolas kaya si Shanne tumango at pinagpatuloy ang ginagawa habang si Nics umiiling iling haha.
"Waeyo ba."
"Baka kasi--" hindi nya na natuloy ng nagsimula na silang mag sindi ng bonfire dumating din si Alliah na tumabi kay Kenzo at si Bryan na nakabuntot kay Alliah kahit halata naman na ayaw sa presensya nya. napapaisip parin ako ano ba yung nakaraan ng mga yan strory telling naman dyan haha.
Ayaw kasi magkwento ni Bryan kaasar.
Napabaling naman ako kay Daryl na nahuli kong nakatingin sakin pero umiwas bigla Crush kaya ko nito? pero fuckboy to eh marami tong crush hindi lang pala crush girlfriends din kaya paniyak na nagbibiro nanaman to.
Inabutan naman ako ni Shanne ng pinggan na may pagkain dahil nakapagitna ako kay Kenzo at daryl hindi tuloy ako makaayos ng kain tapos dinadagdagan pa nila yung nasa pinggan ko.
Mga Letseng bata to!
"Cute naman ng baby ko dalaga na." pangaasar ni Bryan sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin, pero tumawa lang ang loko.
"Sana nga ako ang piliin ni Celine." si Daryl na nakangiti lang sakin kaya nag si tinginan sa kanya ang lahat
Huh sinasabi nito?
"Oo nga bagay pa naman kayo ni Celine" sabat naman ni Alliah.
Ano daw?!
"Hindi ko hahayaang mangyayari yun." tugon ni Kenzo kaya nagulat ako napatingin sa kanya.
"Tch inggit kalang kase bagay kami" si Daryl.
"Sana nga kayo nalang ni Celine." si Bryan na nakangisi din kay Kenzo kaya tumayo ako para pingutin silang tatlo.
Sumali pa itong magaling kong pinsan hmp!
Tumawa naman sila maliban sakin at Alliah lalo na si Kenzo na naiirita na di mawari dahil nakakapit sa kanya si Alliah napatingin naman ako kay Bryan na umiwas ng tingin kaya lumapit ako sa kanya.
Selos?hmmm may gusto pa ata to kay Alliah ay diba may past sila so it means di pa nga sya nakakamove on
"Bry okay lang, iiyak ata yung binata namin haha." ginaya kopa yung pang aasar nya sakin kanina kaya binatukan nya ko ng mahina.
"Nahawa kana rin sa kaabnormalan nung dalawa noh." sabi nya.
"Pero syempre mas abnormal ka,diba hindi ka papatalo." natawa naman sya ,kase totoo.
Lumapit naman samin si Shanne.
"Ano gagawin natin pagkatapos nito,punta tayo bar Celine?" tanong nya pero lumapit si Nicolas samin.
"Woman dont you dare go to that place or else--" hindi nya na naituloy ang sasabihin kase nakatitig sa kanya si Shanne.
"Or else ano?" sagot naman ni Shanne na mukhang nauubusan ng pasensya kay Nicolas.
Lagot ka nics.
"Uy teka easy lang kayo,Lovers." awat ko mukhang LQ kase sunod kaya sabay nilang napabaling sakin.
"Ano!" sabay naman nilang sabi.
Ayieeeeee destiny awuwut haha
"Wala hehe sabi ko,Stay strong etse stay nalang tayo dito." pagpapalusot ko.
"Ano bang pwedeng gawin natin." dagdag ko pa.
"Mag truth or dare na lang tayo then lets drink until 11:30" sabat ni Alliah na sinang ayunan nila.
Shit!No bakit ka o mo o self maaga yung flight ko bukas kailangan di ako ganong malasing kundi byebye fan meeting na , Tumingin naman ako kay Bryan kung magegets nya yung iniisip ko pero tumayo ito.
"Lets do truth or dare." pagkasabi nya nun napahawak nalang ako sa noo ko nakalimutan mo na ba bryan!
Nagsimula naman na silang mag paikot ng bote at tumapat yun kay Alliah si Bryan naman ang nag prisenta na mag tanong.
"Sino ba yung totoong minahal mo" may lungkot sa boses ni Bry.
Ang sad naman ni cous.
"Si Kenzo." agad na sagot ni Alliah kaya ayon si bryan tinungga yung isang bote ng alak sa tabi nya at pinaikot ulit ang bote na tumapat naman kay Kenzo truth din ang sagot nya si Daryl naman ang nag prisintang magtanong.
"Ano ba tingin mo kay celine?"
"Childish." sagot ni Kenzo.
Kung balibagin ko kaya sya ng bote hmp.
Kinuha ko yung bote na babalibag ko sana kay kenzo pero wag na sayang yung bote pinaikot ko nalang ito at kay Daryl yun tumapat ako ang nagtanong.
"Truth or Dare?" tanong ko.
"Dare" napangiti naman ako sa sagot nya at nilabas ang phone ko habang nag tataka syang nakatingin sakin.
"Sayawin mo yung Baepsae ng Bts" utos ko tumawa na agad si Bryan kahit wala pa dahil alam nya yung video nayun sexy move dance haha! at pinakita kona yung step na pa kamot nalang sya ng ulo bago ako sinunod nag tawanan naman din ang iba kase parehong kaliwa ang kamay at paa neto.
Tsk sagwa pala pasayawin to
"Tama na nga di magandang tignan" sabi ko kamot ulong naupo naman sya.
Kinuha naman ni Alliah yung bote at pinaikot saktong tumama iyon sakin kaya napairap ako aga ha.
Nag tanong sya kung truth or dare , dare ang sinagot ko inutos nya naman na mag swimming ako sa dagat like lunurin kaya kita girl hmm, ginawa ko nalang ang inutos nya para fair saktong may swimsuit akong suot sa loob ng dress ko.
Im born ready! Kala nyo ha.
Agaw pansin ako at pinag titinginan ng tourista habang inaalis ang butones ng dress ko at nag simulang lumusong sa tubig at pinakitaan ko sila ng moves ni Celine na maganda na sila lang makakakita ilang minuto lang akong lumangoy at umahon din dahil malamig pala s**t pumapalakpak naman sakin si Bry ang no.1 fan ko haha at napatingin ako kila Kenzo at Daryl nadi malaman kung nagagalit ba or ano dahil ba sa pagkagaling ko sa paglangoy well inborn narin yan.
Tumayo naman sila at nagpaunahan sa pagbibigay ng tuwalya sakin may mga saltik talaga eh kanina masama yung tingin na ewan tapos ngayon naguunahan sa pag bibigay ng tuwalya hays naupo na ulit kami at pinaikot yung bote nakita kopang masama ang tingin sakin ni Alliah.
Inggit ba sya palanguyin din kita you want?
Sumunod na natapatan si Nicolas truth ang napili nya at si Shanne nagtanong.
"Sino ba yung gusto mo."
"Si Shanne." sagot nya naconfuse naman yung isa.
Ay panalo ka dyan Nics apir tayo.
"Huh?sinong Shanne." ngumisi lang si Nicolas at sinabing.
Susko besss di pa ba halata.
"Isang sagot lang diba nasagot kona." sagot naman nito tapos nagwalk out kaya sinundan sya ni Shanne.
Lovers nga naman oh.
Nagpatuloy kami at Pinaikot ulit ang bote na tumapat nanaman kay Daryl kaya napapakamot nanaman ito ng ulo at Truth naman ang pinili nya ngayon habang si Kenzo ang nag tanong.
"Bakit all this time ngayon mo lang nagawang lumapit ng lubos kay celine." natigilan ako sa tinanong nya,ngumiti naman ng mapait si daryl at tumingin sakin kitang kita ang lungkot sa mga mata neto.
Please wag kanang sumagot please...baka maguluhan nanaman ako.
"Hindi ako makalapit noon kase alam kung mas mahihirapan lang sya." natutulala nalang ako sa kanya sabay excuse nya at umalis.
Teka---
Tatayo na sana ko para sundan sya pero hinawakan ni Kenzo yung kamay ko para pigilan ako pero tinangal ko yun at tumakbo para hanapin si Daryl.
Daryl may sikreto kabang tinatago na dapat kong malaman may tungkol ba to sa nakaraan.