SHAMEEEE!!!! Oh my gosh! Ramdam ko ang malamig at malapot na pagtulo ng pawis sa mukha ko. Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?! “Ka-kailangan po ba t-talaga iyon?” Nasusuka na talaga ako sa pinapagawa niya sa akin. Rinig ko ang malakas niyang paglunok bago ang kanyang pagsagot. “O-oo. Don’t worry, we’re professionals. Para ma-relax ka, may wine dyan sa tabi ng sofa. Uminom ka muna.” Agad kong hinanap ang sinasabi niya at nang makita iyon ay agad akong nagsalin sa kopitang naroon. Habang iniinom ang alak, pinapalakas ko ang loob ko. Isipin mo na lang na ginagawa mo ito para kay Makie. Para kay Makie. Para kay Makie. I repeatedly chanted on my head. Nakaapat na shot pa ako nang maramdaman kong narerelax na ako. Muli akong bumalik sa sofa at pumatong doon. I sat down with my legs on my s

