“ARGH! ARGH! ARGH!” Halos mabingi na ako sa pagsigaw ng lalaking nasa loob ng kahon ang mga paa. Nilagyan iyon ng baga ni Winter kanina. Tumingin ako sa kanya. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pati ang kanyang mga mata ay walang kaemo-emosyon. Balik na naman siya sa dati. Malamig. Matigas. Walang pakialam sa mundo. Napatingin ako sa nakabenda niyang kamay. Isang buwan na ang sugat sa kamay niya na di gumagaling. Paano’y kapag naliligo siya ay nakaugalian na niyang pagsusuntukin ang bathroom wall sa kuwarto niya. “Winter,” tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin. Kung ‘di ko pa bahagyang tinapik ito sa balikat ay hindi pa ito lilingon sa akin. “That’s enough,” utos ko sa kanya. Tumango siya sa akin pagkuwa’y umalis na. Sinenyasan ko ang mga member na nakatayo sa isang

