Chapter Two

1920 Words
“MALAYO pa ba? Honestly, kanina pa masakit ang paa ko!” Reklamo ni Tanya. Tumigil na siya sa paglalakad at umupo muna sa malaking ugat na nakausli sa lupa. Kanina pa kasi sila naglalakad upang hanapin iyong sinasabi ni Franco na waterfalls dito sa gubat. Doon daw sila magka-camp para maganda ang view nila. At ang nakakadagdag da inis ni Tanya ay nakalimutan daw ni Franco kung nasaan ang falls. Halos isang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin silang waterfalls na natatagpuan. Wala namang problema sa kanya ang paglalakad kahit medyo malayo at matagal, ang problema ay naglalakad na nga sila tapos wala pa siyang signal sa phone! Hindi tuloy siya makapag-online para naman nalilibang siya kahit papaano. Huminto na rin ang mga kasama niya. “Lahat naman tayo pare-parehas na naglalakad at napapagod, Tanya. So, wala naman sanang magrereklamo,” ani Kathleen. Alam niya na minsan ay naiinis ito sa kanya. “At hindi naman siguro masama na magpahinga, right?” sagot niya sabay palihim na inirapan ito. “Maybe Tanya is right. Magpahinga muna tayo, guys…” turan ni Miyaka. “Oo nga. Pagod na ang baby ko, e…” At pinisil ni Billy ang ilong ni Bettina at walang babala na naghalikan ang dalawa. Magkasintahan naman ang mga ito at sanay na silang lahat sa pagiging PDA ng dalawa kaya kahit maglaplapan ang mga ito nang walang pasabi ay okay lang sa kanila. Maarteng inilabas ni Tanya ang kanyang make-up kita para mag-retouch. Nag-apply na rin siya ng sunblock sa kanyang balat dahil medyo tumitindi na ang sikat ng araw. Tumatagos sa puno ang matinding sikat ng araw dahil tanghaling tapat na. Pagkalipas ng kaunting minuto ay sinabi na ni Franco na kailangan na nilang maglakad muli upang mahanap na ang waterfalls. “Ano kaya kung maghiwa-hiwalay tayong pito tapos after thirty minutes, magkita-kita tayo dito. Kung gagawin kasi natin 'yon mas mapapadali ang paghahanap natin sa waterfalls, 'di ba?” suhestiyon ni Ace. “Good idea. G ako sa idea ni Ace!” segunda ni Tanya. “Ako rin!” ani Franco. “So, bilisan na natin. Gusto ko nang makita ang sinasabi ni Franco na waterfalls!” Walang gana na sabi ni Tanya. Nauna na siyang maglakad sa mga ito dahil ang totoo ay gusto na niyang umuwi sa Manila. Ang totoo kasi ay napilitan lang siyang sumama sa mga kaibigan dahil ito ang gusto ng karamihan. Isa pa, may gusto kasi siya kay Franco kaya kahit hindi siya sang-ayon sa gusto nitong puntahan at ng grupo ay sumang-ayon na rin siya. Balak niya sana na i-suggest noon na sa Coron, Palawan na lang sila. Mas gusto pa niya ang mangitim sa beach kesa sa maglakad sa masukal at malamok na kagubatan. Wala siyang makitang kagandahan sa lugar na pinuntahan nila ngayon. “f**k talaga! Kailangan kong magtiis pa ng five days sa nakakadiring lugar na ito!” Reklamo niya habang naglalakad. Balak kasi nila na limang araw na mag-stay dito sa gubat. Tutal naman ay kumpleto sila sa mga kailangan nila. Iyong iba ay iniwan nila sa van na nasa bungad papasok ng gubat. Ayon kay Franco ay dating bahayan ang gubat na ito. Ito daw ang Baryo Isidro. Ngunit nang isa-isa daw mamatay at mawala ang mga taga-roon ay nag-alisan na ang mga tao. Hanggang sa napabayaan na ang buong lugar at naging gubat na. Tumigil siya ulit sa paglalakad upang mag-selfie. Inilabas niya ang kanyang phone upang mag-picture. Naka-ilang shots din siya bago siya naglakad ulit. Gusto na sana niyang I-upload agad sa f******k at ** ngunit wala namang signal. Tinignan na lang niya isa-isa ang kanyang bagong kuha na pictures habang dahan-dahan na naglalakad. “Ang ganda-ganda ko talaga! Kaya siguro laging high blood sa akin si Kathleen kasi nai-insecure siya sa akin! Hindi naman siya kasi kagandahan, e!” Natatawang sabi pa ni Tanya. Nang makita niya ang huling selfie niya na kinunan niya kanina lang ay bigla siyang natigilan. “Ano ito?” mahinang tanong niya. Isa kasi sa mga puno sa likuran niya sa picture na iyon ay may tila taong nakasilip. Base sa mahaba nitong buhok ay babae. Zi-noom pa niya ang picture upang masiguro kung tao nga iyon at nakumpirma nga niya na tao. Pinakatitigan niya iyong mabuti. Hindi kamukha ni Kathleen o Miyaka o ni Bettina kaya naman ganoon na lang ang pagtataka niya kung sino iyon. Isang kaluskos ang narinig niya sa kanyang likuran. Parang tunog ng natapakang sanga tapos naputol. “Sino 'yan?” Lumingon siya pero wala siyang nakita. Doon lang niya nalaman na mag-isa na lang siya at mukhang napahiwalay siya sa mga kasama niya. Muli niyang narinig ang kaluskos. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likod at may nakita siyang babaeng mabilis na tumakbo at nagtago sa likod ng puno. “Sino sabi 'yan?! Miyaka? Kathleen? Bettina? Kung isa sa inyo 'yan, hindi ako natutuwa!” Kinakabahan na si Tanya. Napaatras siya. Hindi niya malaman kung tatakbo o aalamin kung sino ang babaeng nagtatago sa likod ng puno. Hindi ganoon kalaki ang pinagtaguan nito kaya nakikita niya ito ng bahagya. Walang sapin sa paa at parang ang dumi ng suot nitong damit. Nagdesisyon na lang siya na tumakbo pero hindi pa man siya nakakahakbang ay lumabas na ang babae sa likod ng puno. Doon niya nakita ang kahindik-hindik nitong hitsura. Deformed ang buong mukha nito. Parang nasunog o nalapnos ng matapang na asido. Bulag ang isang mata. Tumatawa ito kahit wala namang nakakatawa. Nang iwasiwas nito ang hawak na itak ay doon na siya mabilis na tumakbo palayo dito. Hinabol siya nang babae at winawasiwas pa rin nito sa hangin ang itak. Hindi niya kilala kung sino iyon pero alam niyang nasa panganib siya. Sa hitsura pa lang nito ay mukhang gusto siya nitong patayin. “s**t! s**t! s**t!” Idinaan na lang ni Tanya ang takot sa pagmumura. Ginawa niya ang lahat para makalayo sa babae. Lumusot siya sa matataas na halaman at nagpaikot-ikot sa kagubatan. Ipinagdadasal na lamang niya na sana ay makita na niya ang isa sa mg kaibigan niya upang makahingi ng tulong. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran at kahit nakita na niyang wala na ang nakakatakot na babae ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo. Isang kumpol ng mga puno ang dinaanan niya at paglampas niya doon ay nakita niya si Franco sa malayo. Kahit papaano ay naramdaman ni Tanya na ligtas na siya. Akmang sisigawan na niya ang kaibigan nang may maramdaman siyang tumusok sa kanyang hita. Pagtingin niya doon ay may nakatusok doon na pana. Isang payat at matangkad na lalaki na katulad ng babae ang hitsura ang nakita niyang may hawak na pana. Mabilis itong tumakbo papunta sa kanya. “Francooo!!!” Halos mapatid na ang ugat ni Tanya sa leeg sa pagsigaw niyang iyon. Pero hindi yata siya nito narinig dahil nagpatuloy si Franco sa paglalakad palayo sa kanya. “Franco!!! Tulong!!!” Pinalo siya ng lalaki sa kanyang mukha gamit ang pana. Patihaya siyang natumba sa lupa. Kung nakakatakot ang mukha ng babae kanina ay mas nakakatakot ang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Manipis ang buhok nito, payat, matangkad at sunog ang buong mukha. Naglalaway ito na akala mo ay isa itong asong nauulol! Hindi pa rin sumuko si Tanya at sinigawan pa rin niya si Franco kahit malayo na ito at imposible na siyang marinig. Kumuha ng medyo matabang sanga ng puno iyong lalaki na nakita nito sa lupa at marahas na ipinasok iyon sa nakabukas na bibig ni Tanya nang sigawan niya si Franco. Nagkabasag-basag ang ngipin niya dahil doon. Halos tumirik ang mata niya sa sobrang sakit. May laway na tumutulo sa gilid ng labi niya na may kasama pang dugo. Kinuha ng lalaki ang dalawa niyang kamay at pinagsama iyon sa pamamagitan ng pagtali ng barbed wire. Binuhat siya ng lalaki at isinampa sa isa nitong balikat. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil sa nakapasak na sanga sa kanyang bibig. Doon niya naalala iyong kwento ni Franco sa kanila. Mukhang hindi isang kwentong bayan lamang iyon. Mukhang totoo nga iyon. -----***----- NAPATIGIL si Miyaka sa paglalakad nang tila may narinig siyang sumigaw. Pinakinggan niyang mabuti pero hindi na iyon naulit pa. Akmang maglalakad na sana siya nang bigla siyang mapasigaw sa gulat nang sumulpot si Ace sa harapan niya. Tawa lang ito nang tawa sa naging reaksiyon niya. “Ang cute mo talaga kapag natatakot ka, 'no?” ani Ace. Sinimangutan niya ito. “Nagulat ako, hindi natakot! Magkaiba iyon!” katwiran naman niya. “Ang sungit naman!” “E, nakakainis ka kasi. Alam mo naman na magugulatin ako pero ginulat mo pa rin ako.” “Nakaka-bored lang kasi. Kanina pa natin hinahanap iyong waterfalls na 'yon pero mukhang wala naman. Hindi kaya jino-joke time lang tayo ni Franco?” Inayos ni Miyaka ang sarili at naglakad na ulit. Sumabay na sa kanya si Ace. “Knowing Franco, hindi nanloloko ang taong iyon. Hanapin na lang din siguro natin.” “Sama na ako sa’yo, ha. Para naman may makausap ako.” Hindi na sinagot ni Miyaka ang lalaki at mas nag-focus siya sa paghahanap sa hinahanap nila. Isa pa, mukhang kahit sabihin niya kay Ace na iwanan na lang siya nitong mag-isa ay hindi nito iyon gagawin. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na may gusto ito sa kanya. Noong nakaraang taon ay nagsabi ito sa kanya na liligawan siya pero hindi siya pumayag. Ayaw niyang makihati pa sa oras niya ang pagkakaroon ng lovelife. Mas gusto niyang unahin muna ang pag-aaral bago ang mga ganoong bagay. Nais niyang magtapos ng kolehiyo na may karangalan siyang maiaalay sa mga magulang bilang kabayaran man lang sa paghihirap ng mga ito mapag-aral lamang siya. “Wait… May naririnig ka ba?” Tumigil si Miyaka sa paglalakad. “Ha? Meron. Iyong t***k ng puso ko… Ang sabi, mahal ka daw niya!” “Haha! Ang corny mo!” Inirapan niya ito. “Para kasing may naririnig akong lagaslas ng tubig…” Sinundan ni Miyaka ang tunog na naririnig at ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang malampasan niya ang matataas na puno at halaman ay tumambad sa kanya ang isang napakaganda at napakalaking waterfalls! Mataas ang pinaglalaglagan ng tubig at napakalawak ng tubig sa ibaba. Nang mapatingin siya sa gilid ng waterfalls ay nakita niya doon sina Kathleen at Franco na kinakawayan sila. Kasama na rin ng mga ito sina Billy at Bettina na naghahalikan habang nakaupo sa malaking bato. Nauna na pala ang mga ito na makahanap doon. “Hey! Punta kayo dito!” Masayang sigaw ni Franco. “Hintayin niyo kami!” Nakangiting sigaw naman niya. Maingat na bumaba sina Miyaka at Ace sa kinaroroonan nila. Mabato kasi pababa at madulas ang mga iyon dahil sa lumot na nakayakap sa malalapad na bato. Mas lalong namangha si Miyaka sa waterfalls nang malapitan na niya ito. Sulit na sulit ang nakakapagod na paghahanap nila dito. Naghubad na ng pants si Kathleen upang maglublob na sa tubig. “Ang lamig!!!” Masayang sigaw nito. Silang tatlo naman nina Franco at Ace at nagsimula na sa pag-set-up ng tent nila. “Nasaan nga pala si Tanya? May nakakita ba sa inyo sa kanya?” tanong ni Franco. Nagkatinginan sina Miyaka at Ace sabay kibit-balikat. “Hindi namin siya nakita, e,” sagot ko. “Okay. If after thirty minutes at wala pa siya dito, hahanapin ko na lang siya,” ani Franco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD