Chapter Three

1676 Words
WALANG ingat na ibinagsak ng lalaki si Tanya sa isang malapad na lamesa sa loob ng isang kubo. Pakiramdam niya tuloy ay may nabaling buto sa likod niya. Inalis na ng lalaki ang sanga sa kanyang bibig at doon niya nalaman na tila pati ang panga niya ay nawasak na rin dahil lumaylay na ang kanyang pang-ibabang bibig. Wala na iyong pwersa para magawa pa niyang magsalita. Tanging mahihinang ungol na lang ang kaya niyang gawin. Unti-unti na rin siyang tinatakasan ng lakas. Pinipilit na lang niyang huwag makatulog dahil baka hindi na siya magising pa. Lumabas ng kubo ang lalaki at pagbalik nito at may kasama na itong babae. Ito iyong babaeng humabol sa kanya. “Nakahuli na ako ng isa, Anna…” Halos hindi niya maintindihan ang paraan ng pagsasalita ng lalaki. Para bang boses iyon ng isang halimaw. Ngunit sa wari niya’y hindi naman mga halimaw ang mga ito. Tao ang mga ito na nasunog ang balat. Alam niya iyon dahil Nursing student siya. Marahil ay grabe ang tinamong pagkasunog ng mga ito kaya pati boses ay naapektuhan na rin. “Magaling ka talaga, kuya!” Tinapik-tapik ng babae ang ulo ng tinawag nitong Nestor. Parang aso naman na umungot si Nestor. “Salamat, salamat!” “Sige na, tawagin mo na ang iba at kakain na tayo maya maya.” “Sige.” At umalis na si Nestor ng kubo. Tiningnan siya ng babae na para bang isa siyang masarap na pagkain. Nilapitan siya nito at hinaplos-haplos ang kanyang katawan. Mula sa mukha, dibdib, braso at binti. May hinugot itong isang maliit na kutsilyo sa likuran at ginamit nito iyon para sirain ang kanyang damit at hubaran. Wala itong itinira kahit panloob man lang. Hubo’t hubad na nakahiga si Tanya sa ibabaw ng lamesang iyon. Walang ibang magawa si Tanya kundi ang umiyak na lamang habang hindi makagalaw at minamasdan na lang ang bawat kilos ng babae. Takot na takot siya sa maaaring gawin nito sa kanya. Nagpaapoy ang babae sa lutuan ng mga ito at nagsalang ng isang kaldero na may lamang tubig. Binalikan siya nito at tinitigan ulit. Tiningnan din niya ang babae nang may pagmamakaawa sa mata. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang bibig upang kausapin ito. “A… a-anong ga… w-win niyo s-sa a-akin?” tanong niya. Hindi siya sinagot nito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Nakakatakot ang uri ng tingin nito. Parang kakainin siya ng buhay. Nanlalamon! Parang sinasabi nito na sandali na lang ang itatagal ng buhay niya. Ipinikit na lang ni Tanya ang kanyang mata at sa pagkakataon na iyon ay ninais na niyang makatulog sa sobrang pagod at panghihina. -----***----- “NASA’N na kaya si Tanya? Baka naligaw na 'yon, ah!” ani Miyaka. Katatapos lang niyang maubos ang isang stick ng barbecue na niluluto nina Kathleen at Franco. Si Ace naman ay nag-e-enjoy sa paglublob sa malinis at malamig na tubig. Ganoon din sina Bettina at Billy. Ipinagpag ni Franco ang kamay. “I guess, kailangan ko na siyang hanapin. Dito lang kayo, ha. 'Wag na kayong umalis dito,” anito. “Pwede bang sumama ako sa’yo, Franco?” ani Kathleen. “Pero paano sina Miyaka?” Nagkatinginan sina Kathleen at Miyaka at kumindat ito sa kanya. Lihim na napangiti na lamang si Miyaka. Alam kasi niya na may gusto ang babaeng iyon kay Franco at mukhang sasamantalahin nito ang pagkakataong iyon para masolo si Franco. “Naku, okay lang ako. Harmless naman si Ace kaya walang problema. Sige na, isama mo na si Kathleen,” sabi niya kay Franco. “Kung ganoon, sige! Samahan mo na ako, Kathleen!” Marahil kung wala sa harap nila si Franco ay kanina pa tumalon sa tuwa si Kathleen. “Sandali lang, I’ll get my bag lang.” Pumasok sa tent si Kathleen at paglabas nito ay dala na nito ang shoulder bag nito. Lihim pa itong nag-thank you sa kanya nang dumaan sa harap niya. Bago umalis ang dalawa ay tinawag muna ni Kathleen si Ace para naman daw may kasama siya. “Mag-iingat kayo, ha!” aniya sa dalawa. “Kayo din. Bye!” turan naman ni Kathleen habang naglalakad na ang dalawa papalayo. Siya na lang ang nagpatuloy ng pagluluto ng barbecue. Medyo nagutom kasi talaga siya sa paglalakad nila kanina. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Napakaganda talaga ng lugar na ito. Mabuti na lamang at hindi pa ito nadidiskubre ng maraming tao dahil paniguradong kapag nangyari iyon ay lalapastanganin lamang ito ng ilan. Natigilan si Miyaka nang mula sa kalayuan ay may nakita siyang tao. Hindi nga lang niya mawari kung lalaki ba ito o babae dahil sa sobrang layo. Nang tila makita ng taong iyon na nakatingin siya ay bigla itong nagtago sa likod ng isang puno. “Ace, parang may tao…” aniya sabay turo doon. “Ha? Wala naman, a. Baka namamalik-mata ka lang. Alam mo, gutom lang iyan!” Kumuha ng isang stick ng barbecue si Ace sabay bigay sa kanya. Naiiling na kinuha na lang niya iyon at kinain. -----***----- PANAY ang sulyap ni Kathleen kay Franco habang naglalakad sila sa gubat. Sumama lang naman talaga siya lalaki sa paghahanap kay Tanya upang masolo niya ito. Simula pa kasi noong una ay may gusto na siya dito. Mabait, matalino, responsible at gwapo. Ano pa ba ang hahanapin dito ng isang babae. “Saan na kaya pumunta si Tanya?” biglang tumingin sa kanya si Franco. Agad na umiwas ng tingin si Kathleen. “Baka naligaw lang iyon. Reklamo kasi nang reklamo, e.” “Sa laki nitong gubat, mahihirapan tayong hanapin siya. Dapat nag-isip muna siya bago siya pumunta sa kung saan.” “Ano pa bang bago kay Tanya? She’s a brat. Gagawin niya ang gusto niya.” Umiling-iling si Franco. Hinawakan ni Kathleen ang isang braso nito. “'Wag ka nang ma-stress. Gusto mo bang magpahinga muna?” “No. Mamaya na lang. We have to find Tanya bago dumilim.” “Okay. Kung iyang ang gusto mo…” Disappointed na turan niya. Ang hirap namang magparamdam kay Franco. Parang manhid na manhid ito na may gusto siya dito gayong hayagan na nga siya sa pagpapakita ng interes dito. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad at pagtawag sa pangalan ni Tanya ngunit halos isang oras na silang naghahanap dito ay hindi pa rin nila ito nakita. Doon na sila nagdesisyon na bumalik. Kahit papaano naman ay masaya na rin si Kathleen na nasolo niya kahit saglit si Franco. -----***----- INAASAHAN ni Miyaka na pagbalik nina Franco ay kasama na si Tanya ngunit nabigo siya. Ayon sa mga ito ay hindi nakita ng mga ito si Tanya sa buong kagubatan. Kahit daw doon sa bahay na nakita nila ay wala din ito. May napagtanungan daw kasi sina Franco at Kathleen na mag-asawa doon. Nakiusap na rin daw ang mga ito sa mag-asawa na kapag nakita ng mga ito si Tanya ay puntahan na lang sila sa may falls para sabihan. Malapit nang dumilim kaya nag-aalala si Miyaka para sa kaibigan nilang nawawala. Sa pagkakaalam niya ay wala itong dala na kahit na anong pagkain. “Tinignan niyo ba sa van? Baka naman naroon siya?” tanong ni Bettina na nakaakbay sa nobyo nito. Nakaupo sila sa labas ng tent habang nagluluto si Ace ng pagkain nila para sa hapunan. “Wala din siya doon, e,” sagot ni Kathleen. “Mukhang naligaw nga si Tanya. I hope makita niya tayo or makita siya noong mag-asawa na sinasabi niyo,” ani Billy. “Guys, luto na. Lets eat!” singit ni Ace na dala na ang kaldero. “Wow! 'Buti naman at luto na. Gutom na gutom na kaya ako kanina pa!” Maarteng yumakap si Bettina kay Billy. “Aww, kawawa naman ang baby ko…” tugon naman dito ni Billy. Inilapag nito iyon sa gitna nila at namigay na ng paper plate at plastic spoon and fork si Kathleen. Habang kumakain ay si Tanya pa rin ang nasa isip ni Miyaka. Sana naman ay walang masamang nangyari dito. -----***----- MAKALIPAS ang dalawang araw, sa headquaters ng pulis… Walang patid ang luha ni Miyaka habang ikinukwento niya kung bakit sila nasa Baryo Isidro ng kanyang mga kaibigan. Naikwento na rin niya sa dalawang pulis na nasa harapan niya ang pagkawala ni Tanya. Puro dugo ang damit at katawan ni Miyaka. Madumi at halos nanginginig pa siya sa takot ng sandaling iyon. Ikaw ba naman ang makasaksi kung paano brutal at walang awang pinatay ng mga baliw at sunog na taong iyon ang iyong mga kaibigan. Sa kanilang pito, siya lang ang nakaligtas. “Miss, ano pa ang sumunod na nangyari? Bakit at paano namatay ang iyong mga kaibigan?” Nakatulala lang si Miyaka. Halos napagod na ang kanyang bibig sa pagsasalita. Kapag naaalala niya kasi ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ng pagkawala ni Tanya ay binabalot siya ng takot at kilabot. Dahil ang pagakawala pala ni Tanya ay umpisa pa lang ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang magkakaibigan. “Miss?” untag sa kanya ng pulis. “P-po?” “Kailangan mong sabihin sa amin ang totoong nangyari para mabigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan mo. Kaya mo pa bang magkwento?” Lumunok ng laway si Miyaka. “O-opo…” “Kaya mo pa bang sagutin ang mga itatanong namin?” Tumango siya bilang pagsagot. “So, ano na ang nangyari matapos na mawala ni Tanya?” “Pagkatapos mo no’n ay hinanap muli namin si Tanya bago dumilim pero nabigo kaming makita siya. Kaya naman nagdesisyon kami na ipagpabukas na lang ang paghahanap sa kanya. At kapag hindi namin siya nahanap kinabukasan ay hihingi na kami ng tulong sa mga pulis… Nagpapahinga na kami sa tent namin ng gabing iyon nang biglang…” Napahinto siya sa pagsasalita. Muli na namang bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Kasabay niyon ay ang pagbabalik niya sa nakaraan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD