Chapter Six

1261 Words
ISANG nilalang ang bumangon mula sa pagkakahiga nito sa kama. Tinignan muna nito ang mga katabi at sinigurong tulog ang mga ito bago ito umalis ng silid na iyon. Naglakad ito at bumaba sa hagdan. Nang makita ito ni Gilda ay agad itong sinugod ng yakap ng babae. Yakap na mahigpit at may kasamang pananabik. “Juan! Anak ko! Sa wakas ay nayakap na rin kita!” Puno ng saya ang boses ni Gilda. Gumanti din ng yakap ang taong iyon. “Masaya ako na nakabalik na ako dito sa inyo, nanay. Matapos ang maraming taon ay nandito na ulit ako sa piling niyo!” Bahagyang inilayo ni Gilda ang sarili sa kanya. Manghang-mangha na tinignan. “Ang laki na ng ipinagbago mo, bunso. Mabuti naman at hindi mo kami nakalimutan.” “Hinding-hindi ko kayo pwedeng makalimutan kahit ilang taon pa ang nagdaan. Sa ibang pamilya man ako lumaki ngunit kayo pa rin ang itinuturing kong pamilya. At hindi ko rin makakalimutan ang ginawa sa atin ng mga tao, 'nay, kaya nga nagdala pa ako ng mga kaibigan ko dito dahil alam kong bihira na kayong nakakakain at nakakapatay ng tao.” “Tama ka, Juan… Simula kasi ng mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya natin ay naghiganti kami sa mga taga-Isidro! At matapos iyon ay hinahanap-hanap na namin ang laman ng tao at ang pagpatay. Parang kami naman ang mamamatay kapag hindi namin iyon nagagawa!” “Alam ko. Alam ko… Kaya nga simula ngayon ay pipilitin kong palaging magdala ng tao dito. Teka, nasaan ang tatay at ang mga kapatid ko? Si lola?” “Nasa kusina sila… Hinihintay ka na nila, anak ko. Tara na?” Magkahawak-kamay na naglakad ang nilalang na iyon at si Gilda. Pagdating sa kusina ay isa-isa nitong niyakap ang mga naroon-- si Ruben, Nestor, Anna at ang matandang si Lucresia. “Kailan niyo papatayin lahat ng mga kasama ko?” tanong ng nilalang kay Ruben. “Ngayong gabi rin. Sina Nestor at Anna na ang bahala sa kanila…” sagot nito. “Sige. Basta, siguruhin niyong patay silang lahat bago mag-umaga. 'Wag niyon hahayaan na may makatakas kahit isa sa kanila dahil kapag nangyari iyon ay baka makapagsumbong sila sa mga pulis. Mahirap na…” “Huwag kang mag-alala, anak. Walang magagawa ang mga pulis sa amin! Hindi kami natatakot sa kanila,” ani Gilda. “Kahit na. Sige, babalik na ako sa taas at baka makahalata na sila. Sandali, ilan na ba ang napatay niyo sa mga kasama ko?” “Dalawa na! Iyong isang lalaki ay kami ng tatay mo ang pumatay. Tapos iyong isang babae ay ang kapatid mong sina Nestor at Anna. Iyon nga lang, mag-isang kinain ni Anna ang babaeng iyon!” “Sina Tanya at Ace…” aniya. Tinanguhan lang siya nina Gilda at Ruben. Muli silang nagyakapan bago siya muling umakyat sa itaas. Bago siya humiga sa tabi ng mga kaibigan ay isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Hindi na kayo sisikatan ng araw! Sigaw niya sa kanyang utak. -----***----- NAPASINGHAP si Miyaka sabay balikwas ng bangon. Natataranta at natatakot na nagpalinga-linga siya. Wala siyang nakta kundi ang kadiliman ng silid. Nagulat siya nang may kamay na humawak sa kanyang braso. Mapapasigaw sana siya ngunit nakilala niya ang humawak sa kanya nang magsalita ito. “Miyaka?” boses iyon ni Franco. Tumayo ito at sinindihan ang gasera. Nakita niya ang nag-aalalang mukha nito. “Anong nangyari?” Pati pala si Kathleen ay nagising na rin. Kakamot-kamot ito sa ulo. “Nanaginip ako… P-pinatay daw tayong lahat…” Natigilan si Miyaka. “Si Ace? B-bumalik na ba siya?” “Hindi pa rin, e,” sagot ni Franco. “Franco, kaya hindi pa bumabalik si Ace ay dahil patay na siya! Pinatay siya ni Mang Ruben. Kitang-kita ko. Kilala niyo ako, hindi ako sinungaling na tao!” Nagkatinginan sina Kathleen at Franco. Hiling niya, sana ay maniwala ang dalawa sa kanya. Hindi sila ligtas sa bahay na ito dahil malakas ang pakiramdam niya na gagawin din ni Mang Ruben sa kanilang lahat ang ginawa nito kay Ace. Wala siya alam ngunit mukhang nasa bahay sila ng pamilya ng mamamatay-tao! Napailing na lang si Kathleen. Humiga na lang ulit ito. “Alam niyo, itulog niyo na lang--” Lahat sila ay nagulantang nang marinig nila ang kalunos-lunos na sigaw ni Bettina mula sa kabilang silid. Napabangon si Kathleen. Panay ang sigaw ni Bettina. Humihingi ito ng tulong. May malalakas na kalampagan din silang naririnig. “Ano 'yon?!” Halata ang kaba sa mukha ni Kathleen. “Sinasabi ko na sa inyo! Hindi tayo ligtas dito!” Napapaiyak na sigaw niya. Umigpaw si Franco pababa ng kama at lumabas ng silid. Sinundan niya ito para pigilan ngunit huli na. Narating na nito ang pinto ng silid kung saan naroon sina Bettina. Nang buksan iyon ni Franco ay tumambad sa kanila ang isang nakakasukang tagpo. Hawak ng isang lalaki na deformed ang mukha ang pugot na ulo ni Billy habang si Bettina naman ay duguan at sumisigaw na nakaupo sa isang sulok. Nasa harapan nito ang isang babae na deformed din ang mukha. May hawak ang dalawa na itak! Sa sobrang takot ay napasigaw na lang si Miyaka. Tutulungan niya sana si Bettina ngunit mabilis siyang hinigit ni Franco pabalik sa silid. “Ano iyon?! Anong nangyayari kina Bettina?!” Natatarantang salubong sa kanila ni Kathleen. Walang nakasagot agad sa kanila ni Franco. Nanginginig sa takot na nauupos na napaupo si Miyaka. Agad namang isinara ni Franco ang pinto. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili. Hindi niya magawang alisin sa utak niya ang nangyari kina Billy at Bettina. Sa pagkakataong iyon ay sumagi sa isip niya si Tanya. Malakas ang kutob niya na patay na rin ito. Malaki ang posibilidad na ganoon nga ang nangyari dito. Napaiyak na lang siya nang tumigil na sa pagsigaw si Bettina. Isa lang ang ibig sabihin niyon… wala na ito. Pinatay ito ng dalawang nakakatakot na tao na iyon o kung tao pa bang matatawag ang mga iyon. Parang walang takot kasi kung pumatay ang dalawa. Bahagyang itinulak ni Kathleen ang nakayukong si Franco. “Ano ba?! Wala bang sasagot sa inyo ng tanong ko?! Ano ang nangyayari?!” “T-tama si Miyaka… H-hindi tayo ligtas dito.” “What?!” “Kathleen, wala na sina Billy at Bettina! Patay na sila!” “Franco, 'wag kang mag-joke. That is not funny! Tumabi ka nga at pupuntahan ko sina Bettina--” Hinawakan ni Franco ang braso ni Kathleen. “Huwag! Dito lang tayo! Kailangan nating makaalis sa lugar na ito!” ani Franco. Patuloy lang si Miyaka sa pag-iyak. Sa nakita niya kanina sa kabilang silid ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na makakaalis pa sila ng buhay sa bahay na iyon. Paano naman kasi sila makakatakas? Nasa ikalawang palapag sila ng bahay. Kung lalabas sila sa pinto ng silid ay makikita sila ng iyon. Kung tatalon naman sila sa bintana ay masyadong mataas. Tinabig pa rin ni Kathleen si Franco. “Pwede ba?! Kung pina-prank niyo ako, 'wag ako! Luma na 'yang mga style niyo!” anito. “Nagsasabi kami ng totoo, Kathleen… Patay na sina Bettina at Billy…” sagot niya. Itinirik lang nito ang mata at nagtuloy sa pagbukas ng pinto. Huli na para pigilan pa nila ito. Nakabukas na ang pintuan at bumulaga dito ang mag-asawang Ruben at Gilda na kapwa may malalaki at nakakatakot na ngiti. H-hindi! Tili ng utak ni Miyaka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD